Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sama-sama tayong magiging Saksik!
00:15Hanggang apat na oras na paghihintay para sa ilang saglit lang na masol yapan pero walang patid pa rin
00:21ang pagdating ng mga nakikiramay sa St. Peter's Basilica sa Vatican.
00:25Sa ulat ng Reuters, inaabot daw ng dalawang kilometro ang pila ng mga gustong masilayan ng labi ni Pope Francis.
00:33At ayon sa Holy See Press Office, nasa 61,000 na ang nakapagbigay pugay as of 1pm oras po doon sa Vatican.
00:43Hating gabi, nakatakdang magsarapan samantala ang Basilica maliba na lang kung marami pang gustong pumasok.
00:49At ayon sa Vatican pagkatapos ng funeral mass sa Sabado, sasalubungin ang labi ni Pope Francis sa Basilica of St. Mary Major
00:57ng mga benepisyaryo ng charitable activities ng Simbahang Katolika.
01:02Magiging privado ang burial service ng Santo Papa at kinabukasan April 27, pwede nang dalawin ang kanyang punto doon.
01:10Pinag-aaralan kung isa sa ilalim sa Comele Control ang bayan ng Rizal sa Cagayan,
01:17matapos itumbas sa gitna ng pangangampanya ang alkalde nilang re-electionist.
01:22Ay po sa PNP, posibleng sniper ang nasa likod ng pamamaril.
01:27Saksi, si Oscar Oida.
01:28Masaya pang nagsasayawan ang mga nasa covered court na yan sa barangay Ilurusur sa Rizal Cagayan kagabi.
01:38Nailive pa nga ito sa social media ni re-electionist Mayor Joel Ruma.
01:42Pero sa gitna ng pangampanya, umalingaw ngaw ang sunod-sunod na putok ng baril at humandusay ang alkalde at tatlo niyang kasama.
01:51Meron, nagkaroon po siya ng tama dito nga po sa baba ng kanang balikat po niya.
01:57At itong si Mr. Abigail Bell nga po, nagkaroon din po ng tama at ng DAPLIS at ganoon din po si Mrs. Talay at saka si Mr. Arnella Talay po, sir.
02:11Yan, nagkaroon nga po sila ng DAPLIS.
02:14Naisugod pa sa ospital ang alkalde, pero binawian din siya ng buhay.
02:18Sa inisyal na imbisigasyon ng Cagayan Police, posibleng posisyon ang gunman sa mataas na bahagi sa lugar.
02:25Yung putok po ay galing po sa mountainous part.
02:28Kung mula doon sa barangay hall, sir, is 80 to 100 meters from doon sa crimes.
02:37It's impossible na pumesto yung gunman po is from doon sa pinaka-pinaka, doon sa taas po ng bundok na yun is more or less 40 feet from the ano po, doon po sa mismong kalsada.
02:51Bumuuna ng Special Investigation Task Group para mapabilis ang pag-iimbestiga at patuloy rin ang manant operation sa mga salarin.
02:59Aalamin din kung si Mayor Ruma talaga ang target at kung nagpaputok ng baril ang apat niyang police escort.
03:06I-paparapin din po at i-forensic din po yung kanila mga issued firearms po.
03:12Para po madetermine natin kung sino po ang possible na nakasugat doon sa mga ibang taong na wounded po doon sa area po sa loob ng barangay.
03:21Tikong pa ang police siya sa motibo sa krimen pero wala umunong banta sa buhay ang alkalde bago ang pamamaril.
03:27Sa gitna niyan, nakiusap ang kagayan police sa mga netizen.
03:31Please be responsible po na alam naman po natin yung atin po nga duties and responsibilities as user nga po ng atin po nga social media.
03:39Sana po gamitin po natin ito ng tamang paraan at maayos na paraan.
03:45Kinundin na naman ng Comelec ang krimen. Pinag-aaralan din kung kailangan ilagay sa Comelec Control ang bayan ng Rizal.
03:53We will demand justice and sana nga ito ay wake-up call din sa ating pamunuan ng Philippine National Police.
04:00Hanggat hindi po kasi tayo nakaka-aresto, hindi po sila maniniwala na itong eleksyon na darating ay magiging matahimik.
04:07Para sa GMA Integrated News, ako si Oscar Hoy ng inyong Saksi.
04:11Bago sa Saksi, nasagip sa Pasay City ang Chinese National na ikinulong at sapilitan umanong pinagtrabaho bilang scammer ng mga kapwa niya at Chino.
04:21Saksi, si John Consulta, Exclusive.
04:28Pagdating sa 9th floor ng kondominium na ito sa Pasay City, agad tinungo ng mga ahente ng NBI ang target na unit na anilay isang small-scale pogo hub.
04:41Nang walang magbukas matapos katokin, lumapit na ang asset ng NBI at tinindot ang code ng electronic lock ng pinto.
04:50Nang mabuksan, nasagip ng NBI Criminal Intelligence Division sa loob ang isang Chinese na idinetetate umano ng mga Chinese ding pogo supervisors.
04:59Sapilitan umano siyang pinagkatrabaho bilang stock scammer.
05:03Tumambad din sa mga ahente ang mga computer ng pogo hub na nakabukas pa.
05:07Nabisto ang iligal na operasyon, madapos makapagsumbong sa NBI ang isa sa dating naging biktima ng grupo.
05:13We were at the notion na yung lugar na yun, quarters, nakita namin doon, merong operasyon na iba.
05:23May 300,000 pang utang itong babayaran niya yan sa panluloko ng ibang tao at saka sila magiging free.
05:31Pwede na sila lumabas and that is still a form of illegal detention.
05:35Tatlong Chinese national ang inaresa sa operasyon na aminadong pogo operation nga ang kanilang ginagawa.
05:42Pero tinanggi ang paggamaltrato sa mga nagreklamong Chinese.
05:47Is it true that you're detaining this Chinese? You're preventing him from leaving your condo? Is it true?
05:56Yeah, liw liw. Liw.
05:59Okay. Do you detain him? Do you detain this guy?
06:03Nawakat.
06:03Did you hurt this guy?
06:08No, no, no. Nawakat.
06:09No, no, no, no. I'm sure.
06:12Gusto malaman ng aming butihing director, Director Jimmy Santiago, kung ano talaga yung pinaka-gist ng kanilang operations dun sa computer.
06:23And we cannot do that without dawaran.
06:25Nag-file tayo ng illegal detention charge. Nag-file din tayo ng kafasa law, violation.
06:29Para sa GMA Integrated News, John Konsulta, ang inyong saksi.
06:35Nasira ang isang toll booth sa NLEX matapos sumabit noon ang isang truck sa Valenzuela.
06:42Ang isa pahinante, hindi daw pantay ang kalsada.
06:45Ang sagot ng pamunuan ng NLEX, sa pagsaksi ni Tina Panganiban Perez.
06:49Natanggal sa pwesto ang toll booth sa NLEX Paso de Blas Southbound Exit.
06:59Sumabit kasi roon kagabi ang likuran ng truck na may kargang kids.
07:03Walang nasaktan sa insidente.
07:06Tumangging humarap sa kamera ang driver at pahinante.
07:09Pero kwento ng pahinante sa GMA Integrated News.
07:13Hindi daw pantay ang kalsada, kaya tumagilid ang truck.
07:16Bagay na pinabulaanan ng pamunuan ng NLEX.
07:19Kung hindi po pantay ang kalsada doon, kaya lahat po sana yung mag-iarrantate po yung payment po natin para daanan ng mga trucks.
07:31Yung initial fighting talaga yung na miscalculate niya, kaya tinamahan niya yung toll booth.
07:38Fortunately, dedicated sa RFID yun, yung lane na yun.
07:43So, wala po kaming personnel doon.
07:45Natanggal na ang nasirang toll booth.
07:47Mag-aalauna na ng hapon ngayong Webes at sa mga oras na ito,
07:52hindi pa rin pinadaraanan ang isang RFID lane nitong Paso de Blas southbound exit.
07:59Matapos bumanga ang isang truck sa toll booth nito.
08:02Sa ngayon, naigilid na yung truck pero hindi pa na iaalis dahil naghihintay pa rao ng rescue.
08:08Pero wala namang problema para sa mga motorista dahil may ibang lanes pa ang nadaraanan.
08:14Hinaalam pa ng NLEX ang halaga ng pinsala.
08:17Tinitingnan din kasi yung mga nakakabit na sistema, yun po yung marami yung mga sistema and even yung mga elektrikal.
08:23Ipinaubayan na ng NLEX sa Valenzuela City Police ang pag-iimbestiga.
08:27Kailangan po sagutin po yung driver yung dami siya nangyari po doon sa toll booth po namin.
08:33Inahayos pa lang po with PNP Valenzuela yung maaaring case po doon sa driver po.
08:40At maaaring doon sa mayari.
08:42Paalala ng NLEX, may height at weight limits ang mga sasakyang dumaraan sa expressway,
08:48lalo na yung may mga kargamento.
08:50Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksin.
08:56Sa loob lang ng unang 24 oras ng public viewing ni Pope Francis,
09:09may gitlimampung libo na ang nakasulyap sa kanyang labi sa loob ng St. Peter's Basilica.
09:14At sa mga panayam naman sa media, nagbahagi ang doktor ng Santo Papa.
09:18Ukol sa kanyang mga huling sandali at sa kanya raw pinaghihinayangan bago siya pumanaw.
09:24Ating saksihan!
09:29Sa loob ng engrande at makasaysayang St. Peter's Basilica,
09:34walang patid ang pagdating ng mga nais magpaalam sa Santo Papa ang kanilang minahal
09:38sa loob ng labindalawang taon.
09:40Si Pope Francis na pumanaw sa edad na 88 nitong April 21.
09:45Sa harap ng altar kung saan dati siyang nagninisa at panaw ang itinuturing na himlaya ni St. Pedro.
09:53Ngayon, nakalagak ang labi ni Pope Francis sa simpleng kahoy na kabaong,
09:58ibang sa nakagawian sa mga yumaong Santo Papa
10:00at di rin nakalagay sa nakataas na platform o yung tinatawag na catafalque.
10:06Sa ulat ng Vatican Media, mahigit limampung libo ang nakiramay sa loob ng St. Peter's Basilica,
10:1124 oras mula ng buksan ng Vatican ng public viewing.
10:15Kahapon, hating gabi dapat oras sa Vatican magsasara ang public viewing.
10:19Pero sa dami ng tao, binuksan ang pinto ng Basilica hanggang alas 5.30 na madaling araw.
10:25Isa't kalahating oras lang ito sarado bago binuksan uli ng alas 7 ng umaga.
10:30Yeah, it's emotional, you know, like when I entered the church, I was crying, you know.
10:41It's very special because I was here like 8 years ago.
10:49I see him at the window and now I'm here and yeah, it's special.
10:59Mahigpit ngayon ang siguridad sa Vatican.
11:01Ang ilang nagbabantay may anti-grown gun pa.
11:05Wala naman daw pagbabago para sa mga nagbebenta ng souvenirs sa mga bumibisita sa Vatican.
11:10Mabenta naman ang mga memorabilia ni Pope Francis kahit noong nabubuhay pa siya.
11:14Sa panayam ng doktor ni Pope Francis na si Sergio Alfieri, sa isang pahayagan,
11:20sinabi niyang alas 5.30 ng umaga nitong lunes, nakatanggap siya ng tawag na magpunta sa Vatican.
11:26Pagdating daw niya sa kwarto, dilat ang mga mata ni Pope Francis.
11:30Wala raw siyang nakitang respiratory problems.
11:33Pero nung tinawag niya ang pangalan ni Pope Francis, hindi raw ito rumispundi.
11:37Sa puntong yon, alam na ni Alfieri na comatose na si Pope Francis at wala na siyang magagawa.
11:44Sa isang panayam, sinabi ni Alfieri na may mga nagmungkahing dalihin si Pope Francis sa ospital,
11:50pero mamamatay rin daw si Pope Francis habang nasa biyahe.
11:54Bago ito, nakita pa ni Alfieri si Pope Francis hapon ng Sabado, maayos ang lagay.
11:59Sabi noon ng Santo Papa, okay naman siya at masayang nakabalik na sa trabaho,
12:04bagamat pinayuhan na siyang huwag puwersahin ang sarili niya.
12:07Ikinwento rin ni Pope Francis sa kanyang doktor na meron siyang pinanghihinayangan noong Huebes Santo,
12:12noong bumisita siya sa preso sa Roma.
12:15Sana raw ay nagawa niya ang tradisyonal na paghuhugas ng paa.
12:18Ito na raw ang huli nilang pag-uusap ng Santo Papa.
12:22Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz, umali ang inyong saksi.
12:26Mga kapuso, maging una sa saksi.
12:30Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.