Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
Shandong aircraft carrier at iba pang barkong pandigma ng Tsina, namataan sa loob ng archipelagic waters ng Pilipinas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Siang na barko ng People's Liberation Army o PLA Navy
00:03ang namataan sa karagatan ng Pilipinas
00:06kung saan kabilang dito ang Shandong Aircraft Carrier ng China.
00:10Yan ang kulat ni Patrick De Jesus.
00:14Pumasok sa loob ng Archipelagic Waters ng Pilipinas
00:17ang Shandong Aircraft Carrier ng China.
00:20Una itong namataan noong April 22
00:22at lumapit ng 2 nautical miles lamang mula sa Babuyan Islands.
00:27Kasama nito ang 6 pang warship at 2 support vessels.
00:32Kaagad nag-deploy ng maritime assets
00:34ang Naval Forces Northern Luzon at AFP Northern Luzon Command
00:38para bantayan at radyohan ng mga naturang barkong pandigma ng China
00:42pero hindi sumagot ang mga ito.
00:44While the normal procedure is for warship or foreign ship to reply,
00:49there are some instances na hindi sumasagot ang mga ito.
00:52This is one particular instance that the Shandong Carrier Battle
00:55did not give any reply. At the moment, it was challenged.
00:59Ayon sa Philippine Navy, ito ang unang beses na lumapit sa baybayin ng bansa
01:03ang aircraft carrier ng China.
01:06Expeditious o tuloy-tuloy naman daw ang naging paglalayag nito
01:09na ngayon ay huling namonitor 115 nautical miles
01:13mula sa silangang bahagi ng Santa Ana, Kagayan.
01:16It is within our territorial waters but we cannot say for certain
01:19if they boast a real threat because their passage was expeditious.
01:23Sa kabila ng tensyon at iba't ibang insidente sa West Philippine Sea,
01:28patuloy pa rin ang diplomaticong paraan sa pagresolban ng mga isyo rito.
01:32Kabilang narito ang isinusulong na pagkakaroon ng South China Sea Code of Conduct.
01:37Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo,
01:40lahat ng mga bansa sa ASEAN ay umaasang may isa sa pinal ito sa susunod na taon
01:45kung kailan ang Pilipinas ang host country ng ASEAN Summit.
01:50Kasama raw ang China sa may commitment para sa pagbuo ng South China Sea Code of Conduct
01:54at target na magkaroon ng iisang konsensus o kasunduan para rito.
02:00It's contentious in the sense that there are issues that need to get the consensus of all countries.
02:05But as the President said, we still have to address important issues
02:09such as the scope of the code, also the nature of the code
02:16and its relation also to the declaration of the code principles
02:20that adopted in 2002 on the South China Sea.
02:23Well, we're all politically committed to achieving having a code by next year
02:28but we'll see, we'll try our best.
02:31Samantala, patuloy na binabantayan ng mga opisyal ng Pilipinas sa China
02:34ang sitwasyon ng tatlong Pinoy na naaresto roon.
02:38Dahil sa umunoy pang espiya, nagpabot na rin ng tulong ang gobyerno
02:42sa mga pamilya ng ating mga kababayan na taga-Palawan.
02:46Kasi nawalan ng hanap buhay yung kanilang mga mahal sa buhay
02:49na nandun nga sa China at naaresto.
02:52Medyo mahirap kasi yung pamilya, hindi ito middle class.
02:55Nanindigan din ang NSC na kwestyonable ang ginawang pag-aresto
03:00at mukhang scripted ang umunoy pag-amin ng tatlong Pinoy na produkto
03:04ng Sisterhood Agreement Scholarship Program sa pagitan ng Palawan at Hainan Province.
03:10Ang balita ko, nagdadalawang isip ng ibang mga local government units
03:13they're reviewing their sisterhood agreements with China
03:15kasi tinamo naman ito, yung beneficiaries mismo ng sisterhood agreements
03:20ang pinagbibintangang espiya ng Pilipinas.
03:22Patrick De Jesus para sa Pambarsad TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended