Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong April 24, 2025



- Public viewing sa labi ni Pope Francis, dinadagsa ng libo-libong tao | Labi ni Pope Francis, nailipat na sa St. Peter's Basilica | Oras ng public viewing sa labi ni Pope Francis, posibleng pahabain | Vatican: Mahigit 19,000, bumisita sa St. Peter's Basilica para sa public viewing sa labi ni Pope Francis | Special task force, binuo para mas paigtingin ang seguridad sa Vatican

- Pope Francis, ililibing sa Basilica of Saint Mary Major na nasa labas ng Vatican City

- Misa para kay Pope Francis, isinagawa sa Baclaran at Zamboanga City | Ama ng volunteer na nasawi sa aksidente noong bumisita sa Tacloban si Pope Francis, inalala ang pagdamay sa kaniya ng Santo Papa |

Mga Pinoy na nakasama ni Pope Francis, inalala ang naging impact ng Santo Papa sa kanilang buhay

- Hiling ng ilang taga-NCR, dalhin din dito ang P20/kilo ng bigas na ilulunsad sa ilang lugar sa Visayas sa susunod na linggo

- Special task force, binuo para pag-aralan ang mga polisiya sa road safety | Mga sira-sirang sasakyan, sisitahin; kailangang ayusin at pumasa sa inspeksyon ng LTO bago makapasada ulit | Mga driver, dapat ding nasa tamang kondisyon at marunong sumunod sa batas-trapiko, ayon sa ilang pasahero

- Iba't ibang adbokasiya, inilatag ng ilang senatorial candidate

- NCAA Season 100 Indoor Volleyball, napapanood sa GTV at Heart of Asia



Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).



For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Transcript
00:30Pia, sa mga sandali bang ito, may mga nakapila pa rin para makita ang labi ni Pope Francis?
00:38Marami pa po na nakapila ngayong oras na ito.
00:43At dahil walang official communication ng extension, ito ay itinakda hanggang 12 midnight lamang.
00:52So, since maraming tao ang dumagsa, baka kada minuto dumadating, humahaba ang pila,
01:01nagmamadali sila ngayon at para mabigyan ng pagkakataon,
01:05ang lahat ng tao nagpunta rito para makita at masilip ang labi ni Pope Francis na makapasok
01:12at masilayan at makapag-offer ng maikling panalangin sa harap ng kanyang labi.
01:19Kumusta yung public viewing at hanggang kailan yan isasagawa?
01:22At bigyan mo lang kami ng description, paano ang mangyayari kapag halimbawa
01:26makakapasok ka sa loob, makakasilip ka,
01:30aabutin ba ito ng ilang minuto or mga segundo lang yung pagsilip mo?
01:34Um, um, um, immediately na dumating ang labi ni Pope Francis sa loob ng basilika
01:45ay sinimula ng public viewing, no?
01:47Um, umaabot more or less apat na oras ang pila bago makapasok sa basilika.
01:54Pagdating sa basilika, um, babaybayin pa rin yung kahabaan ng altar, ng main altar.
02:00So, tatagal pa rin doon ng more or less mga 20 hanggang 30 minutos pa sa loob.
02:08At ang sistema doon is naglalakad, no?
02:13Makikita mo ang labi ni Pope Francis habang naglalakad ka
02:16at binabaybay yung direksyon na ginawa ng mga authorities.
02:22Gaano karami na yung mga bumisita para masilayan ang labi ng Santo Papa, Pia?
02:27At palalawigin ba yung public viewing?
02:31Ang public viewing ay nakatakda hanggang Friday, um, April 25, no?
02:39Pero sa Friday, um, magtatapos ito ng 7pm.
02:45Sa Thursday, um, ang public viewing ay magstart ng alas 7 ng umaga, local time,
02:51hanggang 12 midnight ulit, local time, Italy.
02:55Okay.
02:55Pero sa Friday, sa April 25, um, magtatapos ito ng mas maaga, ng 7pm, local time, Italy time.
03:04So, kahit na mahapapa yung pila, hindi na, kapag halimbawa umabot na ng alas 7 ng gabi,
03:11hindi na sila makakapasok, ganun ba?
03:13Um, ayon sa ulat ng Holy Sea Press, um, susimulan na ang pagsasara ng, uh, ng copy ni Poe Francis.
03:25At least kung kaya yun na itinakda nila hanggang alas 7 ng gabi para din magkaroon sila ng sapat na preparasyon para sa funeral mass sa Sabado ng umaga.
03:37And speaking of funeral mass nga, leading to that, ano pa yung mga inaasahan aktividad para kay Pope Francis mamaya dyan sa Vatican?
03:45Ayun na nga, magkakaroon ng funeral mass. Hindi pa binibigay ang mga official names na mga confirms, na mga confirmado na mga head of state na darating.
04:00At yun daw ay ibibigay sa pagitan ng araw ng biyernes at ng Sabado.
04:06Ang sinabi lang ay babaybayin ng 6 na oras, 6 na kilometro, ang babaybayin ng labi ni Pope Francis magmula dito sa St. Peter's,
04:24papunta sa Basilica of St. Mary Major kung saan hiniling ni Pope Francis na iimlay ang kanyang labi.
04:34Tulad ng nakita natin, sinunod yung hiling ni Pope Francis. Napaka-plain, napaka-simple ng kanyang coffin.
04:45At yun ay hiniling niya na huwag i-elevate. Hiniling niya na iyon ay nakababa.
04:51So, yun nga, nakababa siya, mayroon lang siyang carpet, hindi siya ganong ka-elevated.
04:56So, talagang sinunod yung kanyang statement, spiritual statement.
05:02And in the meantime, yun nga, magkakaroon pa rin tuloy-tuloy yung mga rosaryo, mga nobina, no?
05:07Bukod dito, sa public viewing, nagaganap din at sinumulan ngayong gabi,
05:14ang pagdadasal ng Santo Rosario sa St. Mary Major, Basilica of St. Mary Major.
05:20At ito ay magtatagal din ng tatlong gabi. Sinumulan kanina, bukas hanggang sa biyernes ng gabi.
05:26Alright, maraming-maraming salamat, GMA Integrated New Stringer sa Vatican,
05:31Tia Gonzalez-Abukay, sa iyong mga ibiginagayin.
05:33Maraming-maraming salamat, Marius.
05:36Ingat kayo.
05:36Sa Basilica of St. Mary Major, sa Rome, Italy, ililibing si Pope Francis sa Sabado.
05:44Alinsunod ito sa kanyang hiling at debosyon sa Birheng Maria.
05:48Ang nasabing basilica ay may bahagi kung saan makikita ang apatapong ionic column at mosaic.
05:54Makikita rin sa lumad ng basilica, mahalagang relic,
05:57kabilang imahe ni Virgin Mary na hawak ang sanggol na si Jesus.
06:01Pati ang ilang piraso ng kahoy na pininwalaang mula sa naging higaan ni Jesus sa Sab Saban.
06:07Ang kasalukuhin, Basilica of St. Mary Major ay itinatag noong taong 432.
06:14Si Pope Francis ang unang Santo Papa na ililibing sa labas ng Vatican City sa loob ng isang siglo.
06:19Dito sa Pilipinas, patuloy rin ang pag-alala na mga Katolikos sa naging impact ni Pope Francis sa kanilang buhay.
06:29Kabilang sa ilang ama ng isang volunteer na nasa huwi sa aksidente noong bumisita ang Santo Papa sa Tacloban City.
06:35May unang balita si Sandra Aguinaldo.
06:37Isang larawan ni Pope Francis ang inilagay sa altar ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help o Baclaran Church sa Paranaque City.
06:50Sabay sa araw ng Baclaran, idinaos ang novena mas para sa Santo Papa.
06:55Nag-alay din ang misa sa Immaculate Conception Cathedral sa Zamboanga City.
07:03Pinatunog din doon ang kampana.
07:05Abot-abot ang pagdadalamhati ng maraming Pilipino sa pagkamatay ng tinaguriang People's Pope.
07:13Si June Padasas, di raw malilimutan ang pagdamay sa kanya noon ni Pope Francis ng pamatayang anak na si Christelle.
07:21Volunteer si Christelle sa pagbisita ng Santo Papa sa Tacloban noong 2015.
07:27Pero dahil sa di inaasahan pangyayari at dala na masamang panahon, bumagsak ang scaffolding at napuruhan si Christelle.
07:34Isang araw matapos mamatay si Christelle, personal na nakipagkita si Pope Francis kina Tatay June para mag-alay ng pakikiramay at lasal.
07:44Binigyan din siya ng rosaryo ng Santo Papa.
07:48Kwento ni Tatay June, halo-halo ang nararamdaman niya noon.
07:52Pero ang pagbisita ni Pope Francis, nagbigay raw sa kanya ng lakas.
07:57Kaya ganun na lang daw ang lungkot niya ng mabalitaan ng pagpanaw ni Pope Francis.
08:04Longkot pero naging masilyan kasi gali ko, nakamay na siya ng Diyos, wala siyang naramdaman niya sakit.
08:11Doon, paraiso na ang pupunta niya.
08:15Siguro, matuwang-tuwa na magkita, tsaka magkita na silang anak ko niya.
08:21Yan ang kahapon eh, inausap yan ako sa altar eh.
08:24Kaya nagsindi ako ng kandila, sabi, sabi ko na, wala ni si Pope Francis kina nga noon.
08:30Salubungin mo lang yan. Gabayan na punta sa kairi ni Diyos.
08:35Pinaka-iingatan din ni Salome Israel ng tubigon buhol ang larawan kasama si Pope Francis.
08:43Bagamat naputulan ang braso, isa si Salome sa mga nakaligtas sa lindol sa buhol noong 2013.
08:51Noong 2015, nabigyan siya ng pagkakataong makasama sa tanghalian si Pope Francis sa Archbishop's Residence sa Palolayte.
08:59When I meet Pope Francis last 2015, I was so blessed and feel privileged for giving a chance to dine with him.
09:11And not just to dine, but also to talk to him personally.
09:14And also, during that time when I meet him, a lot of opportunities have come into my way.
09:23Ang makasama raw si Pope Francis ay isang biyayang dadalhin niya sa kanyang puso magpakailanman.
09:31It really changed my life.
09:33Pope Francis is not just a spiritual leader, but also he is a guiding light for me.
09:40Because his presence brought me hope, faith, strengthen my faith, especially to God.
09:46Blessing din kung ituring ng pamilya Manzano ang pagkakataong makalapit kay Pope Francis nang dumalo sila sa Vatican City noong 2018.
09:57Binuhat ng isa sa mga guard ni Pope Francis ang five-month-old lang noon na si Andre at hinagka ng Santo Papa.
10:06In that time, because I was really close to him, I can see his face na he closed his eyes, he kissed him, he whispered, and you know, he was pregnant.
10:16Wala mang maalala si Andre, nagsisilbing ala-ala ng tagpong yan ang mga litratong kuha ng kanyang mga magulang.
10:24When I was five months old, I got kissed by Pope Francis. And this is one of my favorite pictures.
10:30Para sa Akon, ang kiss nga ginhatag ni Pope sa Akon bata seven years ago is a symbol of a blessing and grace.
10:39It was a gift that we will carry for the rest of our lives and something that we will never forget.
10:47Nakatatak na rin daw sa isip ng rektor na si Father John Tadifa ang araw na makausap niya si Pope Francis noong 2021.
10:56Inspirasyon raw ito para pagbutihin ang kanyang ginagawa.
11:01Pag palakit kuman sa iya, personally, and saying,
11:05God's really, Santo Padre, expressing my thanks and gratitude sa iya makaginig sa simbahan.
11:16Ang iya nga impact na tito, to be close and to touch the hands of the successor of Peter,
11:31para sa akong nako nga bendisyon, nga nagatagsakot sa inspirasyon,
11:38to also try to live out the best takon nga na call.
11:47Ito ang unang balita. Sandra Aguinaldo para sa GMA Integrated News.
11:53Ilulunsad ng gobyerno sa susunod na linggo ang 20 pesos kada kilong bigas sa ilang piling lugar sa Visayas.
12:06Hiling ng ilang taga-metro manila dalhin din sana rito ang murang bigas na yan.
12:11At live mula sa Maynila, may unang balita si James Agusti.
12:15James.
12:16Ivan, good morning. Umaasa nga yung mga nakausap kong mamimili na sana'y makarating sa mga pamilihan
12:25yung balak na ipatupad ng gobyerno na 20 pesos per kilong bigas.
12:29Sana rin daw ay maganda yung kalidad ng bigas dahil malaking tulong talaga
12:33yung murang bigas sa gitna ng mataas na presyo ng iba pang bilihin.
12:40Araw-araw dumaraan sa bilihan ng bigas ang security guard na si Glad bago pumasok sa trabaho.
12:4442 pesos per kilong bigas ang binibili niya.
12:48Malaki na raw na tapya sa presyo niya nito mga nagdaang buwan mula sa dating 52 pesos per kilo.
12:53Siyempre po, sir, masaya po.
12:55Dahil sa taong mamayan po nakakatulong po sa atin, sir, sa pang-araw-araw natin pamunguhay.
13:02Si Sally na may-ari ng karinderiya sa Santa Cruz.
13:0542 pesos per kilong bigas din ang binibili sa palengke.
13:08Malaking bagay sa akin yun, saka sa mga kumakain.
13:12Kasi iba, walang pera, budget lang.
13:16Sa tindang ito sa Blooming Treat Market sa Maynila, 42 pesos hanggang 45 pesos ang presyo ng kada kilo ng imported rice.
13:24Pasok sa itinakdang maximum suggested retail price o MSRP ng gobyerno.
13:30Sa local rice naman may mabibiling 36 pesos per kilo, hanggang mahigit 50 pesos depende sa klase.
13:36Ang gobyerno ilulun sa dam program ang 20 pesos per kilo na bigas sa susunod na linggo.
13:41Pero sa ilang piling lokal na pamahalaan pa lang sa Visayas.
13:45Ayon sa Department of Agriculture, kalaunang target din itong maipatupad sa buong bansa.
13:50Magkakaroon daw ng subsidiya ang gobyerno para maabot ang ganyang presyo.
13:54Sabi ng mga mamimili, sana ngayon makarating ito sa mga pamilihan sa Metro Manila.
13:58Katulad ko, sir, na nagtitipid po ng budget. Nakakatulong po yan, sir, para sa amin po, sir.
14:03Pero bibili ko ba kayo kung sa kanin mo yung 20 pesos na bigas?
14:08Tipinti po, sir. Sa quality.
14:10Sa kapo.
14:11Pabor sa akin yun.
14:13Kaya lang, sa 20 pesos, kung baga sa ano, maganda ba yung kalidad ng 20 pesos na yun?
14:19Kasi minsan, sa halagang 20 pesos, hindi mo makakain. May amoy, may lasa.
14:24Siyempre, bibili ka rin lang naman kahit namumurahin.
14:26Yung may kalidad ang kakainin mo.
14:29Samantala, kapag nasimula na po yung programa na 20 pesos per kilong bigas ay limitado lamang sa 10 kilo.
14:40Bawat pamilya kada linggo yung maaring bilhin.
14:43Yan ang unang balita. Mula rito sa Maynila.
14:45Ako po si James Agustin para sa German Integrated News.
14:48Bilang na raw mga araw ng mga kakarag-karag nasa sakyan sa mga kalsada.
14:55Sabi ng Department of Transportation, sisitahin ang mga sakyan na yan at hindi papayagang pumasada ulit hanggat hindi naaayos.
15:03Live mula sa Pasay.
15:05May unang balita sa Bang Alegre.
15:07Bam!
15:08Hey again, good morning.
15:12Isang malawakang repaso ng mga pulisiya tungkol sa road safety ang planong isagawa ng Department of Transportation.
15:19Kaya naman tinanong natin yung ilang mga kapuso kung ano ba yung mga ayaw nilang galaw sa kalsada na hindi iligtas.
15:25O kaya naman, borderline kamote na.
15:27Bumuun ang Special Task Force ang Department of Transportation para pasadahan, pag-aralan at pagbutihin ang mga kasalukuyang pulisiya tungkol sa road safety.
15:40Kasama sa Task Force ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at Land Transportation Office o LTO.
15:47Ayon sa DOTR, dumarami na kasi ang mga aksidente sa kalsada.
15:50Sa Mayo, sisimula na LTO na higpitan ang mga sasakyan na hindi road worthy o yung mga sira-sira na at hindi na na-maintain ang mahalagang pyesa.
15:58Kapag nahuli ang mga sasakyan ganito, bibigyan ng show cost order at kailangan pumasa sa LTO inspection bago muling makabiyahe.
16:04Sangayon dito ang jeepney driver na si Nelson Elano.
16:07Pagandahin lang yun lang. Ayusin lang. Huwag tanggalin. Nasa magandang pag-uusap.
16:14Bukod sa kondisyon na sasakyan, dapat din daw tiyakin na nasa kondisyon ang nagbamaneho at marunong sumunod sa batas trapiko.
16:21Wala raw po ang kamote driving sa mga lansangan ng Metro Manila.
16:25Yung iba kasing jeepney driver, minsan bigla-bigla na lang paparada na mayroon naman dapat area na pagpaparada na tama.
16:37Kaso ang ginagawin nila, kahit na sa gitna, doon na lang sila nagbababa.
16:40Basta-basta ka nalang papasok ng hindi ito sigurado. Kailangan talaga. Sure, lalo pag nasa kalsada ka, ingat talaga ng gusto. Lalo na ito yung trabaho mo.
16:55Igan isang special team din daw ang bubuin. Natututok naman sa drug use at drunk driving dahil ayon sa mga otoridad, may magigit isang daan daw yung nagpositibo sa random drug test noong Holy Week.
17:06Itong unang balita, mula rito sa EDSA Pasay, Bama Legre, para sa GMA Integrated News.
17:10Pag-insure mga karagdagang siyokos order ng COMELEC sa ilang pang kandidato sa eleksyon 2025.
17:26Kabilang sa mga inisyuhan, sina Bulalaco Oriental Mindoro Mayoral Candidate Ernilo Villas at Vice Mayoral Candidate Edna Cantos Villas
17:36na namigay umano ng take 2,000 pesos na anlali para sa work program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
17:44Pinagpapaliwanag din si Nueva Ecija for District Representative Emerson Pascual
17:49na nangako umano ng pera sa dalawang barangay sa bahay ng Gapan kapalit ng suporta sa eleksyon.
17:55Tinukunan pa namin ng pahayag ang mga kandidato.
17:58Pagpapalawa ng turismo ang diniini Sen. Lito Lapid sa Pampanga.
18:08Pati si Manny Pacquiao na pagpapaunlad ng kanayunan ng nais.
18:13Si Tito Soto pagsasabatas ng 14-month pay ang isinusulong.
18:18Sinabi naman ang Sen. Francis Tolentino na ipaglalaban niya ang Pilipinas.
18:24Pag-standardize ng sweldo ng mga barangay tanod ang gusto ni Congressman Erwin Tulfo.
18:29Nagpasalamat naman si Congresswoman Camille Villar sa suporta ng mga kapampangan.
18:35Isa sa binigyang diini Benjar Abalos ang libring pabahay.
18:38Pag-alis sa tax sa overtime pay at bonus ay sinusulong ni Mayor Abibinay.
18:44Ibinig na naman ni Sen. Bong Revilla ang mga naipasanyang batas.
18:49Matibay na ugnayan ng national at local government ang ininiini Sen. Pia Cayetano.
18:54Sakaita Rizal na ngampanya si na Congressman Rodante Marcoleta, Jimmy Bondoc at Philip Salvador.
19:00Sen. Bong Goh isinusulong ang pinalawak na PhilHealth Benefits.
19:06Nag-ikot sa palenggis sa dagupan si Sen. Aimee Marcos.
19:09Cash gift sa mga mag-asawang aabo sa 50th anniversary na is ni Sunny Matula.
19:16Dumalo sa forum na mga magagawa si na Liza Masa,
19:21Nars Aline Andamo,
19:27Congresswoman Franz Castro,
19:31David DeAngelo,
19:33At Atty. Luke Espiritu.
19:41Nag-motorcade sa Pampanga si Kiko Pangininan.
19:46Land reform ang binigyang diin ni Danilo Ramos.
19:511,200 pesos na daily living wage ang isinusulong ni Jerome Adonis.
19:55Mas mataas na pondo para sa libreng kolehyo ang ipinangako ni Bam Aquino.
20:01Ligtas at regular na trabaho ay pinapanukala ni Congresswoman Arlene Brosas.
20:06Oportunidad sa loob ng bansa ang gusto ni Teddy Casino para sa mga Pinipino.
20:11Nakipagpulong si Angelo de Alban sa PWD Leaders and Advocates sa Bacolod City.
20:17Patuloy naming sinusundan ang kampanya ng mga tumatakbong senador sa eleksyon 2025.
20:21Ito ang unang balita, Ian Cruz para sa GMA Integrated News.
20:34Napapanood na sa telebisyon ang NCAA Season 100 Indoor Volleyball.
20:39Dalawang round ng eliminations kayong taon bilang pagdiriwang ng centennial year ng Liga.
20:44May unang balita si Nico Wahe.
20:46Balik telebisyon ang NCAA Season 100 and this time, indoor volleyball tournament naman ang bibida.
21:06Sa opening ceremony, ibinandera ng mga NCAA school ang kanilang roster para sa men's, women's, juniors at girls volleyball.
21:13Present ang mga NCAA Mancom representative maging si GMA Integrated News Regional TV and Synergy Senior Vice President and Head Oliver Victor B. Amoroso.
21:24Ito ang first time na two rounds ang eliminations ng NCAA Indoor Volleyball bilang pagdiriwang ng centennial year ng Liga.
21:31Every game lang is important. Aside from stepping up the level, it's more grueling.
21:42February 20, nagsimula ang first round of eliminations ng NCAA Season 100 Indoor Volleyball tournament.
21:48Kung saan, Mapua University ang nangunguna ngayon sa men's volleyball na may 9-0 win-loss record.
21:54Habang sa women's volleyball naman, apat na skwelahan ang tied at first place na may 7-2 win-loss record.
22:01Ang letran, pinailed, mapua at perpetual.
22:05Mapapanood ang NCAA Indoor Volleyball tournament tuwing Tuesday, Wednesday, Friday, Saturday at Sunday sa GTV at Heart of Asia Channel.
22:14Ito ang unang balita ni Nico Wahe para sa GMA Integrated News.
22:17Kapuso, mauna ka sa mga balita. Panuorin ang unang balita sa unang hirit at iba pang award-winning newscast sa youtube.com slash GMA News.
22:28I-click lang ang subscribe button.
22:30Sa mga kapuso abroad, maaari kaming masubaybayan sa GMA Pinoy TV at www.gmanews.tv.
22:47Sa mga kapuso abroad, maaari kaming masubaybayan sa GMA.

Recommended