Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
-Motorcycle taxi rider, sugatan matapos ilang beses saksakin ng kanyang pasahero/Pasaherong suspek, patuloy pang hinahanap






-4-car trains tuwing peak hours sa MRT, ipatutupad na simula ngayong araw/Paglalagay ng WiFi at A.I. technology para sa seguridad, ilan sa mga bagong plano para sa MRT/Mas maginhawang pagbili ng tiket para sa EDSA Bus Carousel, pinaplano ng DOTr/DOTr Sec. Dizon, dismayado sa dami ng mga tsuper na nagpositibo sa random drug test nitong Holy Week






-Pamunuan ng PITX, inaasahan ang dagsa ng mga biyaherong pabalik ng Metro Manila hanggang mamayang hapon/Ilang pauwi ng probinsya, piniling bumiyahe ngayong araw para hindi sumabay sa dami ng umuwi nitong Semana Santa






-Ilang pauwi na galing sa bakasyon, maagang bumiyahe ngayong araw






-WEATHER: 19 lugar sa bansa, makararanas ng "danger level" na damang init ngayong araw






-PNP: 31 ang naitalang nalunod nitong Semana Santa






-Lalaking nanggahasa at pinagnakawan pa umano ang kanyang biktima, arestado






-Noranians, mga nakasama sa showbiz industry at kanyang pamilya, inalala ang buhay ni Superstar Nora Aunor/Pagpapalabas ng huling pelikula ni Nora Aunor, inaayos na


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mga kapuso, pinagsasaksak ang isang motorcycle taxi rider ng kanyang mismong pasahero.
00:11Tinangay pa ng pasahero ang motor ng biktima.
00:14Sumakay ang pasahero sa Recto Avenue sa Manila at nagpahatid sa Quezon City kung saan nangyari ang krimen.
00:20Babala, sensitivong video po ang inyong mapapanood.
00:23Balita ng atin ni James Agustin.
00:24Pagpasok sa iskinita ng isang motorcycle taxi, bigla na lang sinaksak ng pasahero ang rider.
00:32Natumba ang motorsiklo at rider.
00:35Ang pasahero, ilang beses pang inundayan ang saksakan rider.
00:39Kahit humihiyaw na ang biktima, walang tigil pa rin sa pagsaksakan pasahero.
00:45Itinayo niya nakatumbang motorsiklo, sinakyan ito, at saka umalis sa lugar.
00:50Nangyari ang insidente sa barangay Pangibig Sinayon sa Quezon City,
00:53bandang alas 5 ng umaga kahapon.
00:56Ayon sa mga taga-barangay, may pumunta sa kanilang residente para humingi ng tulog.
01:00Agad daw nila dinala sa ospital ang biktima.
01:03Nakita po namin si rider, hawak-hawak po niya yung leeg niya,
01:06na yun nga po, puro dugo, dugoan po siya.
01:08Nung pagbuat na po habang sinasakay na sa ambulansya,
01:12sinabihan po siya nung BPSO namin na,
01:15pre, lumaban ka, kaya mo yan.
01:18Humuon naman po siya.
01:20Nagpapagaling pa sa ospital ang 43-anyo sa lalaking rider
01:23na nagtamunang hindi bababasa sa 10 saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan.
01:28Sa embisigasyon ng pulisya,
01:29lumalabas na sumakay ang pasehero sa Recto Avenue sa Maynila
01:32at nagpahatid sa lugar kung saan nangyari ang pananaksa.
01:36Hindi pa malinaw sa ngayon ang motibo sa krimi.
01:39Ang kanyang kinuwa lang, yung ginawa niyang getaway
01:43is yung motor na gamit nila ng biktima natin.
01:47Yung personal belongings ng biktima, yung wallet niya,
01:49yung pera niya, is nandun sa biktima natin,
01:52intact yun, hindi yun nag-alaw.
01:54Ano yun ang inibisigahan natin?
01:55Kung isang anong angulo sila pwedeng magkaroon ng koneksyon
02:01o ano yung kanyang motibo para gawin yung mga bagay na yun.
02:07Nag-asampoli siya ng Manhattan Operation.
02:10Hawak na nila ang ilangkuhan ng CCTV
02:12na posibleng makatulong sa pagtukoy sa pagkakilala ng salari.
02:16All efforts ng Station 1 at ng QCPD
02:20ay nandito lahat dun sa pagpalo-up sa kaso na ito.
02:25Kaya hanggang ngayon, yung mga tao natin
02:29nasa labas pa rin at nagpapalo-up dito.
02:32Nakipag-ugnayan na rin daw ang QCPD
02:34sa kumpanya ng motorcycle taxi rider.
02:37James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
02:41Dismayado si Transportation Secretary Vince Dizon
02:45sa dami ng mga tsuper na nagpositibo sa random drug test
02:49nitong Semana Santa.
02:51Kanina, nag-inspeksyon naman sa MRT ang kalihim
02:54at ilang pang opisyal at ibinida
02:56ang ilang pagbabago tuwing rush hour.
02:59May ulat on the spot si Ian Cruz.
03:01Ian?
03:01Yes, Connie, sa kasagsagan nga nung peak hour
03:08ay nag-ikot ngayong lunes dito sa MRT
03:11ang mga kalihim ng DOTR at ang DICT.
03:15Isa nga sa mga unang napansin ni Secretary Vince Dizon
03:18ay yung tuloy-tuloy na pagpasok ng mga pasahero
03:21sa North Avenue Station.
03:23Kahit nga alas 7 yan ng umaga, Connie,
03:26kung kailan peak ng rush hour.
03:28Aniya, yung may mga dalang bag
03:30at yung walang dalang malaking bag
03:32bukod na raw kasi yung kanilang pila.
03:35Simula ngayong araw,
03:36may tatlong 4-car train na nakadeploy
03:38ang MRT tuwing peak hours.
03:40So umaga yan at sa hapon,
03:41ayon kay MRT-JMI Kapati,
03:43kung dati nasa 1,100 ng capacity,
03:45ngayon kayang magsakay
03:47ng hanggang 1,500 na pasehero
03:48ang 4-car train.
03:49Ali Dizon, ito ang bilin ng Pangulo
03:51na gawing mas komportable pa
03:53ang pagbubiyahin ng publiko.
03:54Marami pang plano ang DOTR
03:56kasama ang DICT sa MRT
03:57na kapag nagtagumpay,
03:59ipapatupad din daw sa LRT.
04:01Isa na nga rito ang pagpapalakas
04:03ng Wi-Fi,
04:04hindi lang sa estasyon,
04:05kundi lalagyan din ang loob mismo ng tren.
04:07Maglalagay din ang kamera
04:09sa mga estasyon na may AI technology
04:11para hindi na kailangan pang gumamit
04:13ng scanner na nagpapatagal
04:14ng proseso ng pagpasok.
04:16Sabi ni DICT Secretary Henry Aguda,
04:18ang AI technology raw
04:20ay may facial recognition
04:21at may kakayanan na ma-assess
04:23ang laman ng bag
04:24kaya mabilis man ang pagpasok,
04:26hindi na sasakripisyo ang kaligtasan.
04:28Patuloy pa rin naman daw
04:29nakadeploy ang mga canine dog.
04:32Sa Mayo hanggang Hunyo naman,
04:33Connie,
04:33may teknolohiya na susubukan
04:35ng DOTR para sa EDSA bus carousel.
04:37Ang e-wallet,
04:38pati na ang credit card
04:39at iba pang anyo ng e-payment,
04:40magagamit na sa layon rin
04:42na higit pang mas mapaginhawa
04:43ang biyahe
04:44dahil hindi na kailangan pumila
04:45para sa ticket.
04:46Samantalo, Connie,
04:47nalulungkot naman
04:48si Transportation Secretary Vince Lison
04:50na mahigit 350
04:51ang naging aksidente
04:53ngayong Semana Santa
04:54dahil nga sa iba't ibang dahilan.
04:55Pero ang mas nakakalungkot
04:56at hindi raw katanggap-tanggap
04:58ang mahigit 80 tsyoper
04:59ng pampublikong sasakyan
05:01na nagpositibo
05:02sa drug test.
05:03Ngayong lunes,
05:04pinapatawag na raw ng LTO
05:05ang lahat
05:06ng nasabing mga tsyoper.
05:07Pasensyahan na lang daw
05:08pero may mabigit na penalty
05:10raw itong kaakibat
05:11dahil hindi ikokompromiso
05:12ang kaligtasan ng publiko.
05:14Ang pinakamahina raw na parusa nito
05:16suspensyon ng lisensya.
05:19At Connie,
05:20ayon nga kay Secretary Dison
05:21magsasagwa pa ng mga
05:22random drug testing
05:24sa mga driver
05:25ng pampublikong
05:26masasakyan
05:27para matiyak
05:28ang kaligtasan
05:29ng mga pasahero.
05:30Pasahero.
05:31Kung mo nang latest,
05:31balik sa iyo po.
05:32Maraming salamat,
05:33Ian Cruz.
05:36Baliktrabaho na sa Metro Manila
05:37ngayong lunes
05:38ang marami sa mga
05:39nag-holiday
05:39o holy week break
05:40sa iba't ibang probinsya.
05:42May ilang biyahero
05:43na ngayong araw palang
05:43piniling umuwi sa probinsya
05:45sa halip na makipagsabayan
05:47sa dami ng pasahero
05:48sa Paranaque Integrated Terminal Exchange
05:50noong Semana Santa.
05:52Balit ang hatid
05:52Back to reality na
05:58ang maraming nagbakasyon
05:59sa probinsya
06:00nitong Semana Santa.
06:02Ayon sa tauhan
06:02ng Paranaque Integrated Terminal Exchange
06:05hanggang mamayang hapon
06:06inaasahan ang dagsan
06:08ng mga biyaherong
06:08pabalik na ng Metro Manila
06:10at pati yung mga pa-probinsya.
06:12Ang pamilya ng senior citizen
06:14na si Nanay Virgie
06:15ngayon palang babiyahe
06:16para magbakasyon
06:17sa Camarines Sur.
06:18Pag sumabay ka ng holy week
06:20na katulad namin
06:21na may edad na
06:22ayaw namin makipagsiksikan.
06:26So mas maganda po yung
06:27after holy week
06:28kasi hindi na ganong
06:30maraming tao
06:31at saka relax yan na.
06:33Ang OFW naman na si Marisa
06:36umuwi galing Hong Kong
06:37nitong Abril
06:38para sa graduation
06:39ng kanyang anak.
06:40Nakalimutan ko na si Manasanta
06:42ang haba ng pila
06:44sa terminal bus
06:46papuntang kong gasinan.
06:49Diyos ko,
06:50mga 8 hours
06:52yung paghihintay namin
06:54bawa kami nakasakay.
06:56Maaga pa lang daw
06:56bumiyahe na sila
06:57pa uwi ng Cavite
06:58para iwas pila
06:59sa terminal.
07:01Kunti na lang
07:01ang pasahero
07:02papunta dito
07:02pero naghintay pa rin
07:03kami doon sa Pangasinan
07:05pabalik dito.
07:06Mas okay na ngayon
07:07madaling araw
07:08kami bumiyahe.
07:10Naghanda ang pamunuan
07:11ng PITX
07:12para sa dalawat
07:13kalahating milyong
07:14pasahero sa terminal
07:15noong Semana Santa.
07:17Inaasahan daw
07:18na magtutuloy-tuloy
07:19hanggang Miyerkules
07:19ang buhos
07:20ng mga pasahero rito
07:21matapos ang Holy Week Break.
07:24Bea Pinlock
07:25nagbabalita
07:25para sa GMA
07:26Integrated News.
07:29Marami-rami pa rin
07:30ang mga pasahero
07:31sa Batangas Port
07:31na pabalik sa Metro Manila
07:33o kanikanilang probinsya.
07:35Kanina umaga
07:35maagang kumilang
07:36ilan sa ticketing booth
07:37para makasakay agad
07:38ng barko
07:39pabalik sa kanilang probinsya.
07:41Ang mga pabalik naman
07:42sa Metro Manila
07:42nagabang
07:43ng mga masasakyang bus.
07:45May ilan namang
07:46motoristang galing norte
07:47na maagang bumiyahe
07:48sa North Arizona Expressway.
07:50Iniiwasan daw kasi nila
07:51ang traffic
07:51lalo't babalik na rin
07:53ang ilan
07:53sa kanila sa trabaho.
08:03Magpapatuloy
08:03ang mainit
08:04at maalinsang
08:05ang panahon
08:06sa maraming bahagi
08:07ng bansa.
08:08Ngayon pong lunes.
08:09Ayon sa pag-asa,
08:10posibleng umabot
08:11sa danger level
08:12na 44 degrees Celsius
08:13ang heat index
08:15sa Dagupan,
08:15Pangasinan
08:16at sa Apari,
08:17Cagayan.
08:1843 degrees Celsius
08:19sa Tuguegaraw,
08:20Cagayan,
08:20Etchage,
08:21Isabela,
08:22Olongapo City,
08:23San Ildefon,
08:24Subulacan
08:24at sa Sangley Point
08:26sa Cavite.
08:2742 degrees Celsius
08:28naman
08:28ang posibleng
08:29heat index
08:30sa Pasay City
08:30at sa labing isa
08:32pang lugar
08:32sa bansa.
08:33Sabi ng pag-asa,
08:34apektado pa rin po
08:35ng mainit na
08:36Easter Lease
08:37ang malaking bahagi
08:38ng bansa
08:38habang Intertropical
08:40Convergence Zone
08:41ang umiiral
08:41sa Southern Mindanao.
08:43Paalala ng Department
08:44of Health,
08:45dalasan ang pag-inom
08:46ng tubig.
08:47Iwasan muna
08:48ang iced tea,
08:49soda o soft drinks,
08:51kape at alak.
08:52Limitahan din
08:53ang anumang aktividad
08:54o gawain na
08:55nabibilad
08:56sa matinding sikat
08:57ng araw
08:57mula alas 10
08:58ng umaga
08:59hanggang
09:00alas 4
09:00ng hapon.
09:01At kung lalabas,
09:03gumawit po
09:03ng sumbrero,
09:04payong
09:05at sunblock.
09:06Magsuot din kayo
09:07ng presong damit
09:08hanggat maaari
09:09ay light-colored.
09:10Mas nag-aabsorb po
09:11kasi ng init
09:12ang mga dark-colored
09:13na damit.
09:14Ito ang GMA
09:18Regional TV News.
09:24Mainit na balita
09:25mula sa Luzon
09:26hatid ng GMA
09:27Regional TV.
09:28May mga naitala
09:29ang polisya
09:30ng mga insidente
09:30po ng pagkaluno
09:31ditong Holy Week.
09:33Chris,
09:33gaano karami yan?
09:35Connie,
09:35batay sa ulat
09:36ng PNP,
09:37umabod sa 30
09:38ang naitala
09:38mga insidente
09:39ng pagkaluno
09:40ditong Holy Week.
09:41Kabilang dyan
09:42ay isang lalaking
09:42naluno ditong
09:43Sabado de Gloria
09:44sa isang beach resort
09:46sa Lemery, Batangas.
09:47Natagpuan siya
09:48ng isang bankero
09:49at sinubukan pang
09:50i-revive at dalhin
09:51sa hospital
09:52pero e-delecter
09:52ang dead-on arrival.
09:54Ayon sa kapatid
09:55ng Nasawi,
09:55umalis ang biktima
09:56habang nagiinuman
09:58sila sa isang cottage.
09:59Wala namang
10:00nakikitang foul play
10:01ang polisya
10:01sa insidente.
10:03Sa Dinalungan Aurora
10:04naman,
10:04natagpuan
10:05palutang-lutang
10:06sa dagat kahapon
10:07ng isang lalaki.
10:08Kwento ng pamangkinang
10:0940 anyos na lalaki
10:11na ligong mag-isa
10:12sa dagat
10:12ang kanyang tiyuhin
10:13na nakainom.
10:14I-delecter na din siyang
10:16dead-on arrival
10:17sa ospital.
10:19Huli naman
10:19sa bambantarlak
10:20ang isang lalaking
10:21nanggahasa
10:22at pinagnakawan
10:23paumano
10:24ang isang babae.
10:25Sa kuha ng CCTV
10:26sa bahagi ng barangay
10:27sa Nikulas,
10:28kita na sumusunod
10:29ang biktima
10:30sa sospek
10:31na nakasuot noon
10:32ng kulay dilaw na damit.
10:34Ayon sa polisya,
10:35bago ang insidente
10:36ay kinausap
10:36ng lalaki
10:37ang biktima
10:38na naghihintay noon
10:39ng sasakyan
10:39pa uwi.
10:40Sinabi umano
10:41ng sospek
10:41na pareha sila
10:42ng pupuntahan
10:43at ililibre na lang niya
10:45ang biktima
10:45ng pamasahe.
10:47Umayag daw
10:47ang biktima
10:48na sumama.
10:49Pagdating nila
10:49sa isang abandonadong
10:50sementeryo,
10:52doon na umano siya
10:53ginahasa
10:53ng sospek.
10:55Natagpuan ng ilang
10:56residente
10:56ang biktima
10:56sa pagitan
10:57ng mga nicho
10:58na may mga sugat
10:59sa iba't ibang
11:00bahagi ng katawan.
11:01Nawawala rin
11:02ang kanyang pera,
11:03cellphone
11:03at iba pang gamit.
11:05Dinala siya
11:05sa ospital.
11:07Sa tulong ng CCTV,
11:08natonton
11:09at naaresto
11:10ang sospek.
11:11Nakuha sa kanya
11:11ang mga nawawalang gamit.
11:13Tumanggi siyang
11:13magbigay ng pahayag
11:14pero ayon sa pulisya,
11:16inamin ang sospek
11:17ang krimen
11:17at sinabing,
11:18pag nanakaw lang
11:19ang kanyang pakay.
11:21Naharap siya
11:21sa patong-patong
11:23na reklamo.
11:23Kaanak,
11:30kaibigan
11:31at mapa-noranyans,
11:33kanya-kanyang
11:33pagpupugay
11:34sa yumaang
11:35superstar
11:35at national
11:37artist for film
11:38and broadcast
11:38arts
11:39na si Nora Unor.
11:40Para sa ilan,
11:41itinuturing siyang
11:42haligi
11:43at salamin
11:44ng kanilang buhay.
11:45Balitang hatid
11:46ni Nelson Canlas.
11:47Bitbit ng ilang dumalaw
11:51sa burol ni Nora Unor
11:53ang mga alaalang
11:54hindi na mauulit
11:56kasama ang superstar.
11:58Maging sa bituin
11:59ni Nora Unor
11:59sa Eastwood Walk of Fame,
12:01nagdaos ng vigil
12:03ang mga noranyan.
12:05Tila huling yakap nila
12:06sa nag-iisa nilang bituin.
12:09Walang himala!
12:12Ang himala
12:13ay nasa puso ng tao!
12:15Batid ng kapwa
12:16national artist niyang
12:18si Ricky Lee
12:18kung bakit malapit
12:19sa puso ng mga Pinoy
12:21si Nora.
12:22Naging simbolo siya
12:23na nagbigay ng hope,
12:25pag-asa sa mga
12:26Pilipino,
12:28yung mga
12:29nasa baba
12:30so cold,
12:30mga nasa gilid
12:31na may pag-asa silang
12:33mangarap
12:33at pwedeng matupad.
12:35So yung pagkataon niya mismo
12:36ang kanyang
12:37naging pinakamahalagang
12:38kontribusyon.
12:39Ang pagluluksan
12:41ng Philippine showbiz
12:42ramdam din
12:43sa mga itinuturing
12:44siyang haligi
12:45o salamin
12:46ang kanilang buhay.
12:48Bit-bit ko
12:48mula nag-work ako
12:49bilang
12:50comedian,
12:54bit ko ang pangalang
12:55Nora.
12:56At nagpapasalamat ako
12:57sa kanya.
12:58Si kapuso
12:58actress
12:59Joe Berry
13:00naging malalim din daw
13:01ang unayan
13:02kay Nora
13:03dahil sa pinagsamahan
13:04nilang seryeng
13:05o nanay.
13:06Yung pagiging
13:07mabait niya po
13:08sa lahat ng tao,
13:09literal po yun,
13:09kahit na sinong
13:10kausap niya,
13:12mabait po talaga siya.
13:13One text away
13:13si nanay.
13:15Pag may mga gusto
13:15kong sabihin,
13:16nagre-reply siya agad.
13:18Ang anak niyang
13:19si Matet
13:19at kaibigan
13:20at long-time
13:21confident na si
13:22Jan Rendez
13:23patuloy ang tapang
13:25sa gitna
13:25ng pagluluksa.
13:26We're going to try
13:28to make her proud
13:28and be strong
13:31and keep our head up
13:33and look for the
13:34look for the future,
13:36look for the best
13:36for the future.
13:38Essential na po kayo
13:39at I'm at a loss
13:39for words po.
13:40Malaking-malaking
13:40pasasalamat namin
13:42kay mami
13:42dahil kinuha niya kami
13:44para maging anak niya,
13:45maiparamdam niya
13:46sa amin
13:46yung pagmamahal niya.
13:48Umasa ako sa iyo
13:49pero wala kang ginawa.
13:50Inaayos na rin
13:52ang pagpapalabas
13:53ng huling obra ni Nora,
13:55ang 2022 film
13:57na Kontrabida
13:58na umani ng papuri
14:00sa mga
14:00International Film Festival.
14:02This can be
14:03a fitting tribute
14:04kasi ito yung film
14:06na kung saan
14:07makita mo si Ate Gai
14:09in her best form.
14:11Na mahinga man
14:12ang superstar,
14:14hindi kailanman
14:15mamamahinga
14:16ang kanyang mga
14:17naging pamana
14:18sa ating kultura.
14:20Ikaw ang superstar,
14:25ang star
14:27ng buhay ko.
14:31Nelson Canlas
14:32nagbabalita
14:33para sa GMA Integrated News.

Recommended