Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/10/2025
-DILG at PNP: Nawawalang Chinese businessman at kanyang driver, natagpuang patay sa gilid ng kalsada sa Brgy. Macabud/PAOCC, inutusan ng Malacañang na tumulong sa PNP sa imbestigasyon ng mga kidnapping incident


-DFA: 2 na ang Pilipinong kumpirmadong patay sa lindol sa Myanmar


-WEATHER: 17 lugar sa bansa, posibleng tamaan ng danger level na heat index


-3 barangay tanod, sugatan sa pamamaril ng hindi pa tukoy na suspek


-Bahagi ng passenger vessel, nasunog habang nagkakarga ng mga cargo at sumasakay ang mga pasahero


-Mga provincial bus, pinapayagan nang dumaan sa EDSA mula 10pm hanggang 5am/Mga provincial bus, 24/7 na puwedeng dumaan sa EDSA mula April 16-20


-LTFRB: 1,018 buses, binigyan ng special permit mula April 11-27


-Babaeng 5 buwang buntis, pinatay; iniwan sa tambakan ng basura/Suspek, inamin sa pulisya ang pagpatay dahil daw sa dudang may ibang karelasyon ang biktimang kinakasama niya


-Lalaking nagpasok ng motorsiklo sa Taal Basilica, hindi raw nagsisisi sa ginawa; gusto lang daw mabasbasan


-Iba't ibang lugar sa bansa, binisita ng ilang senatorial candidatesBalitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinumpirma po ng DILG at Philippine National Police ngayong umaga na sa isang nawawalang Chinese businessman at kanyang driver ang mga natagpoang patay kahapon sa gilid ng kalsada sa Rodriguez Rizal.
00:13Sabi ng PNP, March 29, pa huling nakita ang dalawang biktima at inaalam kung insidente ito ng kidnapping.
00:20Balita natin ni James Agustin.
00:22Iginagulat ng mga residente ng sityo at yongan sa barangay Makabud Rodriguez Rizal nang matagpuan ng dalawang bangkay sa gilid ng kalsada badang alasais ng umaga kahapon.
00:35Ang mga biktima nakasilit sa mga nylon bath.
00:37Ayon sa barangay, empleyado nila napapasok sa trabaho ang unang nakapansin sa mga nylon bath.
00:42Nung makita niya, nag-report siya dito sa barangay hall at agad na mga nag-responde yung aming pagkawad.
00:49At kinonfirm, chinek muna. Nung na-confirm, nag-report ka agad sa polis, sa PNP.
00:57Nang buksa ng mga nylon bag, tumambad ang mga bangkay ng dalawang lalaki.
01:01Nakasot lang ang mga biktima ng underwear, dugoan ng mga ulo at nakabalot ng dakte.
01:06Nakatali rin patalikod ang mga kamay.
01:09Nakabaloktot siya, tapos nakatali yung kamay, naka-tape.
01:14Tapos inilagay siya sa parang bag na plastic, pinagdugtong yung nylon.
01:28Ganun yung nakita sa kanya. Tapos yung isa, katabi niya rin.
01:33Sabi ng barangay, hindi pamilyar sa kanilang dalawang lalaki.
01:36Hindi siya residente dito at itinapon lang siya sa lugar na yun.
01:39Base sa record ng barangay, hindi raw itong unang beses na may nagtapon ng mga bangkay sa naturang sityo.
01:45Noong nakaraang taon, dalawang magkahiwalay ng insidente ang nirespondihan nila.
01:49Ang tingin ko, ano una, wala siyang streetlight, wala siyang malapit na bahay.
01:56At pangalawa, wala siyang CCTV.
02:00Kaya ngayong taon na ito, yun yung talagang gusto namin na malagyan ng CCTV at saka ng streetlight.
02:08Ito po yung bahagi ng sityo, Diyongan, kung saan natagpuan ang mga bangkay ng dalawang biktimang lalaki kahapon.
02:14Tabing kasada lamang ito at kapasimpansin na maraming mga damo sa lugar na ito.
02:20Nag-inspeksyon na rin niya yung umaga si Calaberson Regional Director, Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas sa lugar,
02:26kung saan natagpuan ang dalawang bangkay.
02:27Ang barangay naman, pinaikting na ang kanilang pagbabantay, lalo na sa kanilang boundary sa San Jose del Monte, Bulacan.
02:56James Agusti, nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.
03:01Ayon naman sa Presidential Anti-Organized Crime Commission, inutusan sila ng Malacanang na tumulong sa embistigasyon ng Philippine National Police sa mga kidnapping incidents sa bansa.
03:10Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na isa pang Pilitino ang nasawi,
03:17bunsod po ng magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar noong March 28.
03:21Hindi na tinukoy ang pagkakilanla ng nasawi dahil na rin sa hiling ng naulilang pamilya.
03:28Una nang kinumpirma ng DFA ang pagkamatay ng isa pang Pinoy sa Myanmar na si Francis Aragon.
03:33Sa panayam ng Jimmy Integrated News sa builda ni Francis na si Kathleen,
03:39napanood niya via video call ang pagkrimate sa labi ng kanyang mister kahapon.
03:44Mas mapapabilis daw ang pagpapauwi sa labi ni Francis kung krimaten.
03:48Dalawang Pinoy pa ang patuloy na hinahanap sa Myanmar.
03:52Tulad ng dalawang nasawi, nakatira rin po sila sa gumuhong Sky Villa Condominium sa Mandalay.
03:58Mga kapuso, uminom po ng sapat na dami ng tubig.
04:10Matinding init at alinsangan pa rin kasi ang inaasahan sa labimpitong lugar sa bansa ngayong araw.
04:16Ayon sa pag-asa, posibleng umabot sa danger level na 43 degree Celsius na heat index sa Dagupan, Pangasinan,
04:22Coron, Palawan, San Jose Occidental, Mindoro at sa Virac, Catanduanes.
04:26Habang 42 degree Celsius sa ilan pang bayan at lungsod sa Luzon, Visayas at Mindanao.
04:33Extreme caution level pa rin ang posibleng heat index dito po sa Metro Manila.
04:3741 degree Celsius sa Pasay, habang 39 degree Celsius dito po sa Quezon City.
04:43Walang bagyo o low pressure area na namamataan sa ngayon sa landa sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility.
04:50Ayon sa pag-asa, easteries pa rin na magdudulot ng mainit na panahon.
04:53Nagdadala rin ito ng panandaliang ulan sa ilang lugar.
04:57Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibleng light to moderate rain sa mga susunod na oras
05:02sa ilang bahagi ng Northern at Southern Luzon, Zambales, Visayas at Mindanao.
05:08Mababa naman ang tsansa ng ulan dito po sa Metro Manila.
05:11Ito ang GMA Regional TV News.
05:19Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
05:23May namaril malapit sa isang checkpoint ng pulisya sa San Pablo, Isabela.
05:28Chris, may mga tinamaan ba at nahuli ba yung mga sospect?
05:31Tony, inaalam pa kung sino ang namaril sa mga barangay tanod na nakabantay sa checkpoint.
05:40Sa kuha ng CCTV, kita ang pulasan ng mga tao malapit sa PNP checkpoint sa barangay Dalena.
05:46Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig noon.
05:49Sugatan sa pamaril ang tatlong barangay tanod na nakabantay noon sa kubo malapit sa checkpoint.
05:54Bukod sa pagkakakilala ng sospect, inaalam pa ang posibleng motibo niya sa krimen.
06:00Nagkasunog naman sa isang passenger vessel sa Abra de Ilog, Occidental, Mindoro.
06:06Ayon sa PCG, Southern Tagalog,
06:09nagkakarga ng mga cargo at nagsasakay ng mga pasahero ang MV Roro Master 2
06:14nang biglang may umapoy sa deck generator nito kahapon ng umaga.
06:18Naapula rin ang sunog matapos ang 20 minuto.
06:21Ligtas naman ang mahigit sa 60 pasahero at crew nito, pati na ang mahigit sa 20 sasakyan.
06:27Nakikipag-ugnayan na ang Coast Guard Station Occidental, Mindoro sa Marina 4 o Marina Region 4
06:34para sa pansamantalang pagsuspinde sa papeles ng passenger vessel habang inaalam kung ligtas pang bumiyahe ang barko.
06:42Nagbabalik EDSA na ang mga provincial bus.
06:47Mula kahapon, pinapayagan na yan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
06:53Tugo ng nasabing hakbang sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa papalapit na Semana Santa.
06:58Mula alas 10 ng gabi hanggang alas 5 na kinaumagahan, papayagang dumaan sa EDSA ang mga provincial bus.
07:05Pagsapit ng April 16, Merkulay Santo, hanggang April 20, Linggo ng Pagkabuhay, 24 oras ng papayagan ang mga provincial bus sa EDSA.
07:14Paglilino ng MMDA ang mga bus galing norte hanggang sa Cubao, Quezon City lang papayagan.
07:20Ang mga galing katimuga naman pwede hanggang Pasay.
07:22Mahigit sang libong bus ang binigyan po ng special permit ng LTFRB dahil sa inaasahang dagsa ng mga babiyahe sa Semana Santa.
07:34Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board,
07:37layon po ng special permit na dagdagan ang supply ng provincial bus sa peak travel period.
07:43Epektibo ang special permit mula April 11 hanggang 27.
07:47Kapag may special permit, pinapayagan ang mga public utility vehicles na bumiyahe sa labas po ng kanilang regular na ruta.
07:56Kasabay niyan, nagsimula na rin mag-inspeksyon ang LTFRB sa mga PUV at terminal para sa kaligtasan ng mga commuter.
08:05Patay ang isang babaeng buntis matapos saksakin ng kanyang kinakasama sa Tondo, Maynila.
08:14Ang bangkay ng biktima na hulikam na itinapon ng suspect.
08:18Balita natin ni Jomer Apresto.
08:23Tila nagtapon lang ng basura ang tricycle driver na ito sa Tondo, Maynila nitong martes ng madaling araw.
08:30Nag-counterflow pa siya sa bahagi ng One Luna Street.
08:33Ang kanya palang iniwan sa basurahan, tao.
08:39Ang biktima, 28 anyos na babae na limang buwang buntis at live-in partner pa mismo ng sospek.
08:46Sabi ng barangay, noong una'y sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima pero hindi na siya umabot ng buhay.
08:53Sa tulong ng mga CCTV, nakilala ng barangay ang sospek.
08:57Kinausap pa raw siya ng isa sa mga kagawad ilang oras bago mangyari ang krimen.
09:02Inireklamo kasi ang lalaki ng kanyang nanay dahil sa pangaaway umano sa kanyang kapatid.
09:08Matagal na rin umanong problema ng barangay ang 45 anyos na sospek na Anilay pabalik-balik sa kulungan dahil sa iba't ibang kaso.
09:15Kaya noong nakapanood ko nga, tapos sabi nga may nakit ng babae yung patay.
09:19Kako yung si *** yan.
09:22Kinausap magkano, wala na siya rin. Nagtago na.
09:25Natuntun sa follow-up operation ng mga otoridad ng sospek sa Baliwag Bulacan kasama ang kanyang dalawang taong gulang na anak.
09:31Sa investigasyon ng polis siya, posibleng sa loob ng tricycle pinagsasaksak ng sospek ang biktima kung saan kasama pa niya ang kanyang anak.
09:41Base sa kanyang salaysay sa mga polis, pinagdududahan daw ng sospek ang biktima na may ibang lalaki kaya nagawa niya ang krimen.
09:48Ayon sa taga-barangay na kinumpirma rin ng polis, nasangkot din ang sospek sa nangyaring hostage-taking sa Recto Avenue noong Pebrero.
09:56Hawak na ng homicide section ng Manila Police District ang sospek na maaharap sa reklamong murder.
10:03Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:08Wala raw pinagsisisihan ang lalaking viral online matapos magpasok ng motorsiklo sa Taal Basilica sa Batangas.
10:16Diit niya, wala raw siyang ginawang mali.
10:37Bukod po sa ipinasok ang motorsiklo sa simbahan, umupo pa.
10:40Ang lalaki sa pwesto ng pari sa altar, pumalakpak at nagtaas pa ng paa.
10:47Ayon sa polis siya, dinala ang lalaki sa kanilang presinto ng ilang concerned citizen.
10:51Kalaunan, umamin daw ang lalaki na gumagamit siya ng mariwana na nabibili online.
10:58Mahaharap ang lalaki sa reklamong paglabag sa Article 133 ng Revised Penal Code o Offending the Religious Feelings.
11:06Sa cloud niyan ang mga notoriously offensive o labis na nakababastos na gawain sa isang simbahan o place devoted to religious worship.
11:16Sinisika pa po ng GMA Integrated News na kunin ang pahayag ng pamunuan ng Taal Basilica, kaugnay sa insidente.
11:23Lumahok sa kilos protesta si Aline Andamo bilang pagtutol sa presensya ng US military sa Pilipinas.
11:40Si Rep. Arlene Brosas isinulong ang proteksyon ng LGBTQIA plus sa Tarlac.
11:46Tutol si Teddy Casino sa dredging operations sa Occidental Mindoro.
11:52Suporta sa mga lokal na leader ang binigyan diin ni Sen. Pia Caetano sa Nueva Ecija.
11:57Reforma sa K-12 system ang isinisulong ni David DeAngelo.
12:02Pagpapalakas ng mga korte laban sa korupsyon ang nais ni Atty. Angelo de Alban.
12:06Lumahok sa prayer vigil si Namimi Doringo at Amira Lidasan bilang pagtutol sa militarisasyon sa Bugsog, Palawan.
12:16Pagpapaunlad ng turismo ang isinusulong ni Sen. Lito Lapid sa Laguna.
12:43Nakiisa sa araw ng kagitingan sa Lanao del Norte si Congressman Rodante Marcoleta.
12:49Nag-ikos si Kiko Pangilinan sa ilang palengke at farm sa Pampanga.
12:53Hinikayot naman ni Ariel Carubin ang mga kabataan na ipaglaban ng bansa.
12:58Nangampanya naman sa Navotas at Malabon si Willie Revillame.
13:02Kinundinan ni Sen. Francis Tolentino ang bagong pangaharas ng China sa West Philippine Sea.
13:06Pag-aalis sa VAT sa kuryente at pag-amienda sa Rice Tarification Law ang gusto ni Benhur Abalos.
13:13Nag-ikos sa Bicol Region si Bam Aquino.
13:16Patuloy namin sinusundan ang kampanya ng mga tumatakmung senador sa Election 2025.
13:21Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:25Muzika
13:39Muzika

Recommended