Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, may mga job opportunity muli para sa mga Pilipino.
00:04Ito po ay sa mga bansang Malta at Albania sa Europa.
00:08At kung anong-anong trabaho ang mga ito, alamin sa pagtutok ni JP Soriano.
00:18Isa ang pagbibigay ng Global Standard CPR o yung Cardiopulmonary Resuscitation sa mga unang itinuturo
00:24sa mga nag-aaral ng kursong caregiving sa isang test-accredited school na ito sa Quezon City.
00:31Isa ang caregiving sa mga pinaka-endemite na trabaho para sa mga Pilipino na ga-apply ng trabaho sa ibang bansa.
00:36At para makapag-apply dito, kailangan mo na ng tinatawag na National Certificate II o yung NC2 for caregiving
00:42na maaari mo lang makuha kapag nakakumpleto ka ng mahigit 900 hours of training at OJT
00:48na tumatagal ang humigit kumulang 7 buwan.
00:51Si Richelle, magtatapos na at malapit nang makakuha ng NC2.
01:05Timing ang pagkatapos ni Richelle dahil mangangailangan ang ilang bansa sa Southern Europe
01:10gaya ng Malta ng mga Pilipinong caregivers ayon sa Department of Migrant Workers.
01:15Isa ang Pilipinas sa kanilang mga preferred partner countries para po sa kanilang employment needs dito sa Pilipinas.
01:25They are also looking forward to having not only a bilateral labor agreement
01:35but hopefully a special hiring program under a government-to-government G2G na framework para po sa mga care workers.
01:47Ang minimum na sahod para sa mga caregiver sa Malta aabot sa 1,000 euros kada buwan o mahigit 64,000 pesos.
01:56Kapag isinama pa ang government bonuses at overtime, pwedeng umabot ng 3,500 euros o mahigit 200,000 pesos ang maximum na sahod at binipisyo kada buwan.
02:08Kailangan din sa Malta ng ibang uri ng skills kung saan Pilipino rin ang priority.
02:14Ang bansang Albania kausap na rin ang DMW dahil mangangailangan din doon ng libu-libong manggagawa at mga Pilipino.
02:23They need around 20,000 workers for their hospitality and all the sectors for foreign workers.
02:31Paalala ng DMW kapag government-to-government din ang a-applyan, diretsyo sa DMW ang pag-a-apply at wala dapat placement fee.
02:41Kung may partner recruitment agency naman, sa mga lihito mong recruitment agency lang mag-a-apply na makikita sa listahan ng DMW website.
02:50Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, nakatutok 24 oras.
03:01Sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, nakatutok 24 oras.

Recommended