Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Panibagong dagdag taripa ang tugon ng China sa magit isang daang porsyentong taripa ng Amerika sa kanilang mga produkto.
00:08Saksi, si JP Soriano.
00:13Mula noong Pebrero, mainit ng issue ang mga bantang dagdag taripa ni US President Donald Trump sa China.
00:20Dahil saan niya ipapin nito sa pagpasok ng fentanyl sa bansa, 20% ang unang ipinataw ng Amerika sa China.
00:27Tinapatan naman niya ng China ng 15% para sa piling US farm products.
00:33Lalo pang uminit ang issue noong inanunsyo ni Trump ang reciprocal tariffs noong April 2.
00:39Ang 20% tarip sa China, tumaas pa sa 54%.
00:44Kaya itinaas ng Amerika sa 104% ang taripa sa China.
00:50Bilang tugon, itinaas naman ng China ang kanilang taripa sa US products sa 84%.
00:55Kaya ang Amerika, ginawang 125% ang taripa sa Chinese products.
01:02Pero sa 125% na yan, di pa kasama yung 20% na naunang ipinataw ng Amerika dahil sa issue ng fentanyl.
01:10Kaya 145% kung tutuusin ang kabuang taripa para sa maraming Chinese products.
01:17Ang sagot dito ng China, magpataw ng 125% na taripa sa US products.
01:24Sabi ng Finance Ministry ng China, kung makikipaglaro pa ang Amerika ng number scheme sa taripa, hindi na sila tutugod.
01:33Wala na raw katutura at tila, joke na lang daw kung tataasan pa ng Amerika ang taripa.
01:38Si Trump, bukas daw makipag-usap sa China.
01:42What happens with China? We would love to be able to work a deal.
01:47I'll have great respect for President Xi. He's been, in a true sense, he's been a friend of mine for a long period of time.
01:54And I think that we'll end up working out something that's very good for both countries.
01:59Ang kasalukuyang tensyon sa pagitan ng dalawa sa pinakamalaking ekonomiya sa mundo, isa sa mga nakaka-apekto sa presyo ng langis.
02:08Ayon sa DOE Oil Industry Management Bureau, mahigit tatlong piso ang posibleng rollback sa susunod na linggo sa presyo ng gasolin, diesel at kerosene.
02:18May pangambakasing resesyon at pagbaba ng demand ng langis dahil sa tensyon sa pagitan ng Amerika at China.
02:24Sa ngayon, may 90-day pause ang malaking pato ng reciprocal tariffs sa iba pang bansa gaya ng Pilipinas.
02:33Pero kung itutuloy ang pagpapatupad nito sa Pilipinas, baka dapat maghanap din ng ibang pagbibentahan ng exports ang Pilipinas ayon sa ilang ekonomista.
02:44Isinusulong din ng ilang bansa sa Europa gaya ng France ang libre sa taripang pagnenegosyo o yung Free Trade Agreement o FTA.
02:52So, we do believe in cross-trade, we do believe in cross-investment, and this is the first purpose of my visit here in Manila.
03:02We are also nowadays in a context where the European Union is working with the Philippines for a future free trade agreement.
03:14Tinanong namin ang Minister for Foreign Trade ng France na si Laurent Samata.
03:19Handa ba ang France na dagdagan pa ang ino-order na produkto sa Pilipinas bilang alternatibo sa mga bansang nagbibigay ng taripa gaya ng Amerika?
03:28When I say that we have to increase cross-trade, of course it means export and import both ways.
03:35For that, we have to work on this FTA, and once again it's a European competency,
03:42but this is the best way to increase our cross-trade relationship.
03:47So, yes, of course we, I'm pretty sure we can export more here as French companies,
03:53and we can import more Filipinos products.
03:56Just depend on which sector, what kind of product or services, and on what purpose and what condition.
04:02This is the purpose of the FTA.
04:05Pero habang hindi pa major export partner ang France ng Pilipinas sa ngayon,
04:10interesado raw ang France na sumali sa Luzon Economic Corridor o LEC.
04:15Ang LEC ay isang major infrastructure at investment project sa Pilipinas
04:20para mapalakas ang connectivity o yung koneksyon sa mga economic hubs
04:25gaya ng Subic Bay, Clark, Metro Manila at Batangas.
04:29Isang araw ito sa tinalakay ng French Trade Minister kay Pangulong Bongbong Marcos.
04:34Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
04:41Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:44Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended