Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago matapos ang Abril, target ng DOJ na mailabas ang resulta ng imbisigasyon
00:04sa pagpatay sa Chinese na negosyanteng si Anson Ke at ang kanyang driver.
00:09Tukoy na rin ang mga police ang mga suspects sa krimen.
00:12Saksi, si Mark Salazar.
00:17Mula ed sa pumasok ang banayan sa Seminary Road sa barangay Bahay Toro sa Project 8, Quezon City.
00:24Pumarada ito sa gilid ng kalsada.
00:26Maya-maya may bumaba mula sa passenger side ng sasakyan.
00:30Bumukas naman ang pinto sa driver's side at tila may sinilip ang driver.
00:34Ilang saglit lang, muling umabante ang sasakyan hanggang sa bumaba na ang driver.
00:39Naglakad palayo ang driver at isa pang sakay ng ban.
00:43Ang mga tagpong niyan, kuha mag-aalas 8 ng gabi noong March 29.
00:49Umaga nitong April 8 nang may mag-report na sa pulisya tungkol sa inabando ng ban.
00:54Kinabukasan, April 9, natagpo ang patay at nakasilid sa nylon bags.
00:59Ang Chinese businessman na si Anson Ke o Anson Tan at kanyang driver na si Armani Pabilio sa Rodriguez Rizal.
01:07Ang inabando ng van sa Quezon City ang sinasabing huling sinakyan ng dalawa bago sila mawala.
01:12Sabi pa ng PNP, nawawala pa lang ang mga biktima, lumalabas na sa investigasyon na hindi ito basta kaso lang ng Kidnap for Ransom.
01:21Nakarating na rin daw sa kanila ang ulat ng isang pahayagan na pinaghigantihan si Ke ng isang sindikato sa Pogo dahil sa pagkakautang.
01:28Sa kabila ng Pogo ban ay buhay pa umano, mapanganib at hindi umalis ang sindikatong konektado sa Pogo.
01:51You're aware of the videos that came out before, the way people were tortured and the way people were killed noong panahon ng Pogo rito.
02:01Unfortunately, many of these criminal elements are still here.
02:07Sabi ng PNP, posibleng isang grupo lang ang dumukot at pumatay kay Ke at kanyang driver at sa mga responsable sa isa pang kidnapping noong nakaraang taon,
02:16kung saan isang Chinese at driver din niya ang pinatay.
02:20Ito raw yung grupo na kung tawagin ay muscle group o mga enforcer na mga Pogo operator.
02:26Ito yung mga involved po dati sa Pogo na ang kanilang modus operandi po ay parang sila po ang ginagawang mga tagasingil, di umano,
02:38doon sa mga may utang in relation sa mga Pogo operation po.
02:43Binubuo raw ng mga Chinese national ang grupo na istilo ang pagtali sa kamay ng mga biktima,
02:49pagbalot ng duct tape sa mukha at hindi gumagamit ng barel sa pagpatay.
02:53Sabi ng PNP, hindi magtatagal ay masusukul na ang mga suspect na itinimbre na sa Bureau of Immigration para hindi makalabas ng bansa.
03:02Bago matapos ang Abril ay isa sa publiko na rin daw nila ang kompletong resulta ng investigasyon ayon sa Justice Secretary.
03:19Sanib pwersa na ang NBI at PNP sa binuong Anti-Kidnapping Task Force na tumututok sa kasong ito na yumanig lalo sa Filipino-Chinese community.
03:29Binayaran na, binataiba. Ito ang ayaw namin.
03:33So ito ang creating so much apprehension on the business sector.
03:38Nakita niyo sa litrato, bug-bug sarado. Bug-bug sarado.
03:42So this kind of crime should not be tolerated.
03:46Unless it's official, we won't say anything about it.
03:49Because right now, it's critical that we give our full confidence and trust in the PNP together with AKG at saka pumasok na rin yung MBI.
03:59Don't be alarmed. Nasa ano pa rin kami, nasa taas pa rin kami ng sitwasyon with our Secretary of Justice on top sa Chinese community.
04:11Pag po kayong mag-alala, gagawa po kami ng aksyon.
04:14Nakipagdialog rin ang PNP sa mga leader ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated.
04:21Aside dun sa assurance, sir, na iimbestigahang mabuti po ito at sisiguro-siniguro po ng ating chief PNTP na pananagutin po kung sino man po ang individual at grupo behind this series of kidnapping cases.
04:35Base sa datos ng PNP Anti-Kidnapping Group, mula sa 26 na kaso ng kidnapping noong 2023, tumaas ito sa 32 noong nakaraang taon.
04:45Sa unang apat na buwan pa ng 2025, meron ng 13 kidnapping cases.
04:52Isa sa nakikitang dahilan ng PNP sa pagtaas ng kaso ng kidnapping ay ang pagpapasara ng gobyerno sa lahat ng Pogo operations sa bansa.
05:00Dito po nagsimula yung nakikita natin ng mga Pogo-related kidnappings kung saan nagsisingila na po yung mga individual at mga grupo na involved po na possibly ay naluge doon sa naging pagsasara po ng Pogo.
05:17So they shifted po dito sa kidnapping to make sure po na makakabawi po siguro sila.
05:22Sa isang pahayag, sinabi ng Chinese Embassy dito na itutuloy nila ang pag-udyok sa Pilipinas na paigtingin ang pag-resolba sa mga kaso, panagutin ng mga nasa likod ng krimen at palakasin ng public security.
05:35Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
05:52Outro

Recommended