Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/11/2025
Tukoy na ng pulisya ang mga suspek sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Chinese at kanyang driver pero hindi pa anila inaaresto para mapuntirya ang mastermind. Sinusuyod din ang mga kuha ng CCTV sa mga biktima bago sila natagpuang patay sa Rodriguez, Rizal.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tukoy na ng polisya ang mga suspects sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Chinese at ang kanyang driver,
00:06pero hindi paan nila inaaresto para mapunterya ang mastermind.
00:10Sinusuyod din ang makuha ng CCTV sa mga bigtama bago sila natagpo ang patay sa Rodriguez Rizal.
00:17Panuorin ang mga yan sa Pagtutok ni Mark Salazar.
00:20Mag-aalas 8 ng gabi noong March 29, nang makuna ng CCTV camera ang van na ito na mula sa EDSA ay pumasok sa Seminary Road sa Barangay Bahay Toro, Project 8, Quezon City.
00:37Pumarada roon ang van at maya-mayay may bumaba mula sa passenger side.
00:42Nang bumukas ang pinto sa driver side, tila may sinilip ang driver. Ilang saglit pa, muling umusad ang sasakyan.
00:51Hanggang sa bumaba ang driver nito, naglakad lang palayo ang dalawa.
00:56Umaga nitong April 8, may nag-report sa pulisya tungkol sa inabando ng van.
01:01Nakalaunay na pag-alaman ng pulisya na ito raw ang huling sinakyan ng Chinese businessman na si Anson Ke o Anson Tan at kanyang driver na si Armani Pabillo.
01:11Huli silang nakitang buhay noong March 29 ng hapon habang papaali sa opisina ni Ke sa Valenzuela
01:18at kinabukasan ni report sa pulis na nawawala hanggang sa natagpuan silang patay sa Rodriguez Rizal nitong April 9.
01:28Sabi ng PNP, nawawala pa lang si Natan at Pabillo.
01:31Lumalabas na sa investigasyon na hindi ito kaso lang ng kidnap for ransom.
01:37More than that, we're sharing notes of what happened and sabi ko nga, may malaki kasi yung twist eh.
01:44So hanggang doon lang po ko.
01:46We had an idea about this. We were talking to each other already prior to this, since last week.
01:54Sabi rin ang Justice Department kaugnay ng ulat na isang pahayagan na pinaghigantihan si Tan ang isang sindikato sa Pogo dahil sa pagkakautang.
02:02We are aware of this theory or this piece of news and we actually have more information about it but we do not want to diverge everything in media.
02:14We have to operate quietly.
02:18Sabi ng PNP, hindi magtatagal at masusukol na ang mga suspect na itinimbre na sa Bureau of Immigration para hindi makalabas ng bansa.
02:26We can arrest the people right now but we cannot get the mastermind. We want the mastermind.
02:31General Prangkana, are there police?
02:33No, wala. As of now, wala kami nakikita ang polis.
02:36Sa kabila ng Pogo ban ay buhay pa umano, mapanganib at hindi umalis ang mga sindikato may kinalaman sa Pogo.
02:44You're aware of the videos that came out before, the way people were tortured and the way people were killed noong panahon ng Pogo rito.
02:52So, unfortunately, many of these criminal elements are still here.
03:01Sanibpwersa na ang NBI at PNP sa binuong Anti-Kidnapping Task Force na tumututok sa kasong ito, kasong yumanig, lalo sa Filipino-Chinese community.
03:12Binayaran na, binatay pa. Ito ang ayaw namin. So, ito ang creating so much apprehension on the business sector.
03:21Nakikita niyo sa litrato, bug-bug sarado. Bug-bug sarado. So, this kind of crime should not be tolerated.
03:29Don't be alarmed. Nasa ano pa rin kami, nasa taas pa rin kami ng situation with our Secretary of Justice on top.
03:40Sa Chinese community, wag po kayong mag-alala. Gagawa po kami ng aksyon.
03:44Ayon kay Rimulya, bago matapos ang Abril, ay isa sa publiko nila ang kompletong resulta ng imbestigasyon.
03:52Unless it's official, we won't say anything about it.
03:54Because right now, it's critical that we give our full confidence and trust in the PNP together with AKG at saka pumasok na rin yung NBI.
04:04Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.

Recommended