Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/11/2025
Sabay naman sa patuloy na pag-init ng panahon ang pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco ngayong Abril.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sabay naman sa patuloy na pag-init ng panahon, ang pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco ngayong Abril.
00:06Kumagkano? Alamin sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
00:13Kung kailan pa naman lumalakas ang konsumo sa kuryente dahil sa umiinit na panahon,
00:18saka pa malaki ang dagdag singil sa kuryente ng Meralco.
00:2172 centavos per kilowatt-hour yan o katumbas ng 145 pesos na dagdagbayarin sa karaniwang bahay na kumukonsumo ng 200 kilowatt-hour kada buwan.
00:33Ang pangunahing sanhi o dahilan ay ang pagtaas mula sa wholesale electricity spot market,
00:43bunsod ng mas manipis na supply ng kuryente sa Luzon Grid noong Marso.
00:49Kaya si Carmen hindi malaman kung saan pakukuha ng dagdagbudget.
00:53Baka nga sa elektrik pan lang dahil magdamag nakabukas.
00:58Ayon sa Meralco, umaabot na sa 13,200 megawatts ang peak demand o pangangailangan sa kuryente dito sa Luzon.
01:05Habang tumataas ang konsumo, tataas din daw ang buwan ng bayarin sa kuryente,
01:09tuwad ng mga negosyo kagaya nito na gumagamit ng mga cooling devices.
01:13Para sa ilang grupo, maanumal yung kontrata ng Meralco sa mga ilang binibilhan nito ng kuryente na kanila rin umanong pag-aari.
01:32May-ari yung Meralco sa mga dalawang planta na ito. Mataas yung conflict of interest na tinatawag natin.
01:40Paano nila may-insure na yung binibenta nila na kuryente sa mga ordinaryong Pilipino ay fair and just?
01:49Kapag fully i-implement yung dalawang kontrata ng Meralco na pag-aari niya rin,
01:55ay magre-resulta sa mas mataas na presyo ng kuryente na pasan-pasan po nating mga electric consumers.
02:01Kung hindi po papapakinggan ang mga electric consumers ng ERC, kami po ay mauobliga na sampahan ng kaso ang Energy Regulatory Commission.
02:13Handa ang Energy Regulatory Commission sa anumang pagsisiyasa. Pero sabi nito,
02:18Yung batas, hindi niya pinagbawal absolutely na kumuha sa isang affiliate company. Meron lang po siyang limitasyon.
02:25Hanggang 50% ng pangangailangan ng limitasyon ayon sa batas. Sabi ng Meralco, walang pag-aaral na nagsasabing sumobra sila dyan.
02:34Yung transaction dun sa power plants na yun ay inaprobahan ng, nideview at inaprobahan ng Philippine Competition Commission.
02:42Ang tanging makakapagsabi kung meron talagang kamalian sa panig namin ay ang nagre-regulate sa amin.
02:56Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.

Recommended