Motorsiklo, sumalpok sa kasalubong na kotse; 2 sugatan
Dinukot na Chinese businessman at driver, nakasilid sa bag nang matagpuan sa gilid ng kalsada
Mayoral candidate na si Kerwin Espinosa, sugatan matapos barilin habang nangangampanya
5 buwang buntis, pinatay sa saksak at itinapon sa basurahan ng live-in partner
ICYMI: Nasawing Pinoy sa Myanmar quake
Kandidatong nagsabing walang talo ang kaalyado niya sa kalabang may cancer, pinagpapaliwanag ng COMELEC
Senatorial candidates, inilatag ang kanilang plataporma
Barbie Forteza, present sa premiere night ng movie ni David Licauco na "Samahan ng mga Makasalanan"
Relic ng piraso ng krus ni Hesus, masisilayan sa Manila Cathedral
Maramo river na "Little Palawan" sa Norzagaray, Bulacan, dinadayo sa dami ng adventure
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Dinukot na Chinese businessman at driver, nakasilid sa bag nang matagpuan sa gilid ng kalsada
Mayoral candidate na si Kerwin Espinosa, sugatan matapos barilin habang nangangampanya
5 buwang buntis, pinatay sa saksak at itinapon sa basurahan ng live-in partner
ICYMI: Nasawing Pinoy sa Myanmar quake
Kandidatong nagsabing walang talo ang kaalyado niya sa kalabang may cancer, pinagpapaliwanag ng COMELEC
Senatorial candidates, inilatag ang kanilang plataporma
Barbie Forteza, present sa premiere night ng movie ni David Licauco na "Samahan ng mga Makasalanan"
Relic ng piraso ng krus ni Hesus, masisilayan sa Manila Cathedral
Maramo river na "Little Palawan" sa Norzagaray, Bulacan, dinadayo sa dami ng adventure
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00State of the Nation
00:06Sinubukan pang umiwas ng kotse ng iyan, pero sumulpok pa rin ang kasalubong nitong motorsiklo.
00:20Sa CCTV, makikitang kinainan ng motorsiklo ang linya ng kotse bago ang banggaan.
00:26Bahagyang tumilapo ng mga sakay ng motor.
00:28Sugatan ng rider at kanyang angkas na dinala sa ospital.
00:32Nangyari yan sa Tabaco Albay.
00:37Kahit nagbayad na ng ransom na aabot sa halos 100 million pesos sa mga kidnapper,
00:42pinatay pa rin ang isang Chinese businessman at kanyang driver.
00:46Natagpuan sa rin nakasilid sa bag makalipas ang halos dalawang linggo mula noong mawala.
00:51Yan ang report i June Benerasyon.
00:52Natagpuan sa gilid ng kalsada sa barangay Makabun sa Rodriguez Rizal ang mga nylon bag na ito.
01:01Nang buksan, tumambad ang bangkay ng dalawang lalaki na nakasuot lang ng underwear.
01:06Panuktot siya, tapos nakatali yung kamay, naka-tape.
01:12Tapos inilagay siya sa parang bag na, ano ba tawag doon, parang buli.
01:19Ah, parang yung bag na plastic, pinagdugtong yung nylon.
01:25Ganun yung nakita sa kanya. Tapos yung isa, katabi niya rin.
01:30Kinilala ang mga biktima na sina Ansun Ke, o kilala ring Ansun Tan,
01:35isang Chinese businessman at kanyang driver na si Armani Pabilio.
01:39Huli silang nakitang buhay noong March 29 ng hapon,
01:42habang paalis ng opisina ni Ke sa Valenzuela.
01:45March 30 naman, nang humingi ng saklolo ang pamilya ni Ke sa PNP Anti-Kidnapping Group.
01:51Sabi ng isang source, tatlong beses nagbigay ng ransom payment
01:54ang pamilya ng biktima sa mga kidnapper,
01:56na ang kabuang halaga ay umabot sa halos 100 milyon pesos.
02:00Pero sa kabila nito, pinatay pa rin ang biktima at kanyang driver.
02:04Sabi ng PNP, hindi ito ordinaryong kidnapping.
02:07There were signs of bruises and some body injuries po.
02:12Doon po, at mayroon din pong sign ng strangulation po.
02:16Na-recover naman itong bar test sa barangay Bahay Toro sa Quezon City,
02:20ang itim na luxury van na huli nilang sinakyan.
02:23Nasa produksyon ng bakal o steel industry ang negosyo ni Ke.
02:27Pero posibleng umanong may kinalaman sa Pogo ang pagkidnapp sa kanya.
02:30Bumuunan ng Special Investigation Task Group ang PNP para makilala ang mga suspect.
02:35Part of the investigation po is the possible involvement po ng ilang mga Filipino citizen with Chinese nationals.
02:44Sa pahayag ng abogado ng pamilya Ke,
02:47sinabi nitong suportado ng maysis ni Ke at kanilang mga anak
02:50ang investigasyon ng PNP AKG para makamit ang ustisya.
02:55Ayon naman sa pulisya, humingi muna ng privacy ang pamilya.
02:58Sa datos ng PNP Anti-Kidnapping Group,
03:01apat na pong kidnapping cases ang naitala mula January 2024 hanggang February 2025.
03:08Sampu sa kanila, mga Chinese.
03:11Kabilang dyan ang labing apat na taong gulang na dinuko sa tagig noong February 20
03:15at naputulan pa ng daliri.
03:18January 5 naman ang dukuti ng isang negosyante sa Quezon City
03:21saka pinatay at isinilid pa sa drum.
03:24Yung mga kaibigan po natin sa Chinese community and other businessmen, Filipino,
03:30talagang natatakot sila, nababahala.
03:34Ang tanong, who is next?
03:36Sa isang pahayag, nanawagan ang Chinese community ng agaran at malino na aksyon
03:41para mapanagot ang mga sangkot sa kidnating.
03:44Inalis naman sa pwesto ang kakapromote pa lang na si Police Brigade General Elmer Ragay ng PNP AKG.
03:51As to the reason, ito lang po ang pinapasabi ni Chief.
03:54He is not satisfied with the performance. That's why he was relieved and replaced.
03:59June Van Arasyon nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:03Sugatan sa pamamaril si Kirwin Espinosa sa gitna ng kanyang pangangampanya
04:07sa pagkaalkalde ng Albuera Liting ngayong hapon.
04:11Sa report ng PNP, sugatan din ang kapatid ni Espinosa na si Marielle Espinosa Marinay
04:16na tumatakbo sa pagka Vice Mayor, gayon din ang isang minor de edad.
04:21Nagtago-umano ang salarin sa kisame ng stage at binaril si Espinosa mula sa likuran.
04:27Tinamaan ang kanyang kanang balikat.
04:29Tinutugis na ng pulisya ang gunman.
04:31Kinundinan ng Comelec ang pamamaril kay Espinosa at sinabing dapat agad matukoy ang salarin.
04:37Isang buntis ang pinatay sa saksak at itinapon sa basurahan sa Tondo, Maynila.
04:46Suspect ang kanyang live-in partner.
04:48May report si Jomer Apresto.
04:53Duguan at nakahandusay sa basurahan ang matagbuan ng limang buwang buntis sa Tondo, Maynila.
04:58Sabi ng barangay, sinubukan siyang isugod sa ospital.
05:01Pero di na umabot ng buhay.
05:03Nakita sa CCTV na ang nagtapon sa 28 anyos na buntis ay tricycle driver na live-in partner pala niya.
05:11Sa follow-up operation, natuntun sa baliwag bulakan ang sospek kasama ang kanyang dalawang taong gulang na anak.
05:16Lumalabas sa investigasyon na posibleng pinagsasaksak ng sospek ang biktima sa loob ng tricycle habang kasama ang kanyang anak.
05:24Sa salaysay ng sospek sa mga pulis, pinagdududahan niya raw ang biktima na may ibang lalaki kaya napatay niya ito.
05:32Ilang oras bago patayin ang kinakasamang buntis, nakausapan ng kagawad ang sospek.
05:37Inireklamo kasi siya ng sarili niyang ina dahil sa pangaaway umano sa kanyang kapatid.
05:41Dati na rin labas-pasok sa kulungan ng sospek dahil sa iba't ibang kaso.
05:44Dema sa barangay talaga eh.
05:46Kaya nung nakapanood ko nga tapos sabi nga may nakitang babae rong patay.
05:50Kako yun yung si *** yan.
05:53Kinumpirma rin ng pulis siya ang sinabi ng barangay na sangkot din ang sospek sa hostage taking sa Recto Avenue noong Pebrero.
06:00Mahaharap sa reklamong murder ang sospek.
06:02Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:06DFA, kinumpirma ang may isa pang Pilipinong namatay sa magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar noong March 28.
06:18Naipagbigay alam na raw nila ito sa pamilya ng biktima.
06:20Dalawang Pinoy na ang kumpirmadong patay sa insidente.
06:25Mga pantalan at paliparan, ininspeksyon ng DOTR para sa inaasahang dagsa ng pasahero ngayong Semana Santa.
06:31Pinatututukan ni Transportation Secretary Vince Dizon ang overloading sa pantalan pati ang mahabang pila sa NIA terminals.
06:41Pagpataw ng Amerika sa dagdag taripa sa mga iniimport mula sa ibang bansa maliban sa China,
06:46pansabantalang ipinatigil sa loob ng siyamnapung araw ni US President Donald Trump.
06:5110% lang muna ang ipapataw sa lahat ng bansa.
06:54Pero sa China, itinaas pa ang taripa sa 125%.
06:58Dahil sa mainit na panahon, face-to-face classes mula kindergarten hanggang senior high school
07:05sa lahat ng pampublikong paaralan sa Quezon City, suspendido bukas.
07:10Ipapatupad muna ang synchronous at asynchronous mode of learning.
07:14Darlene Kay, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:17Pinagpapaliwanag ng Comelec ang isang gubernatorial candidate sa Nueva Ecija
07:29na nagsabing walang talo ang kanyang kaalyado sa kalabang may cancer.
07:34Walang nakakatalo yung kalabang mayor, nung aking mayor, dahil nasa hospital na po yung kalaban namin.
07:43Hindi ko po pinabarel.
07:47May sakit po na, ano yung type? Ano na sakit?
07:53Sakidney.
07:53Bypass, kidney, stage 5, cancer.
07:57Hindi, hindi po cancer, stage 5.
07:59Kaya ay kinakumakapang pa niya.
08:04May cancer na nga yung tao. Kung yan may totoo na may cancer,
08:07kinakailangan pa ba natin i-degrade yung tao sa pamamagitan ng intablado sa isang kampanya.
08:14Very clear po yun sa atin, discrimination against persons with disabilities.
08:21Inisuhan ng show cause order si Virgilio Bote dahil sa kanyang talumpati noong April 3.
08:27Pinagpapaliwanag siya ng Comelec kung bakit hindi siya dapat madisqualify.
08:31Hindi naman binanggit kung sino ang tinutukoy ni Bote.
08:34Sabi pa ng Comelec, bagamat pinapayagan ng negative campaigning base sa omnibus election code, may limitasyon nito.
08:41Itinuturing din daw na sensitive information ang health status ng isang tao na pinoprotektahan ng data privacy law.
08:49Nusubukan ng GMA Integrated News na makuhanan ng pahayag si Bote.
08:5332 days bago ang eleksyon 2025.
08:58Patuloy sa paglatag ng kanilang platapormat at boksya ang mga tumatakbo sa pagkasenador.
09:03May report si Oscar Oida.
09:04Pag-alis ng takso sa overtime at bonus ang isa sa isusulong ni Mayor Abibinay.
09:14Plataporma sa transportasyon ang isa sa brigandiin ni Rep. Bonifacio Busita.
09:19Pagbaba ng presyo ng basic goods ang ipinangako ni Rep. Arlene Brosas.
09:25Si Rep. Franz Castro bumisita sa palengke ng kalapan.
09:31Abot kayang pabahay ang naisutukan ni David D'Angelo.
09:34Nakipag-dialogo sa mga local leaders sa Bulacan si Angelo D'Alban.
09:41Pagtaas ng sahod ang binigyang diin ni Atty. Luke Espiritu.
09:46Reporma sa PhilHealth ang isa sa mga binigyang pansin ni Sen. Bonggo.
09:51Nag-motorcade sa iba't imong bahagi ng Bicol si Atty. J.V. Hinlo.
09:56Planong ibalik ni Manny Pacquiao ang programang butika sa barangay.
10:02Libring almusal program para sa kabataan ang isinusulong likiko pangilinan.
10:07Pagpapalakas ng maritime defense ang ipinaglalaban ni Ariel Quirobin.
10:11Nangampanya si Ben Tulfo sa Zamboanga del Sur.
10:17Suporta sa mga magsasaka at manginis na ang idiniin ni Ben Horabalos.
10:23Libre at dekalidad na health services ang isang advokasya ni Nars Allen Andamo.
10:28Benefisyo para sa barangay health workers at tanod ang isinusulong ni Bam Aquino.
10:33Patuloy namin sinusundan ang kampanya ng mga tumatakbong senador sa eleksyon 2025.
10:39Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:47All out support kay David Licauco si Barbie Forteza na present sa red carpet premiere ng kapuso comedy film na samahan ng mga makasalanan.
10:59Thankful ang pambansang ginoo sa presence ng other half ng Team Barda.
11:06Kaya naman todokilig ang fans na dumagsas sa isang mall sa Cubao, Quezon City.
11:13Full force sa red carpet ang cast ng movie.
11:16Para kay David, perfect ang pelikula na nakasentro sa prinsipyo at paniniwala.
11:23Mapapanood na ang samahan ng mga makasalanan simula sa Black Saturday, April 19.
11:31Lars Santiago, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:40Magandang fasad.
11:42Half orange dome.
11:45At mga stained glass windows.
11:47Ilan lang yan sa mga natatanging feature ng Manila Cathedral.
11:54Pero meron parang matututasan sa loob ng unang katedral sa Pilipinas.
12:00Tuwing mahal na araw, isa itong Manila Cathedral sa mga dinarayo ng mga pilgrims para magbisita iglesia.
12:05Pero lingid sa kalaman ng ilan, narito yung relic ng totoong krus kung saan ipinako si Jesus.
12:12Itong mismong ano, nasa gitnang to, talaga po, oh my God, we're so blessed ng mga wakan at makita yan.
12:22Ang relic na ito na inilagay sa Jubilee Cross, iniregalo raw ng dating pari sa Maynila na si Father Henner Jeronimo.
12:31Mahikita ko nila na they are strips of wood from the true cross of Jesus.
12:37Ang Manila Cathedral o Minor Basilica of the Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception
12:43ay natatanging simbahan sa Pilipinas na iniangat sa rangong basilika ng Santo Papa at ngayon St. John Paul II noong 1981
12:54na siya rin palang magiging tahanan ng kanyang dugo.
12:58Ang dugo ni Pope John Paul II na nakalagay sa maliit na bote ay itinuturing na first class relic ng simbahan.
13:06Mapalad kaming masilayan ito.
13:09Vial blood na nanggaling po sa kanyang personal secretary.
13:16Naging regalo kay Cardinal Chito Tagle and in turn Cardinal Chito Tagle entrusted the relic to the Manila Cathedral.
13:24Hindi man ito regular na inilalabas para sa veneration.
13:29Ipinapahiram naman daw ito sa Catholic community, simbahan at youth movements.
13:34May crypt o libinga din sa ilalim ng simbahan kung saan nakahimlay ang apat na dating arsobispo ng Maynila.
13:42Ginawa ang crypt bilang pagkilala sa kanilang malaking kontribusyon at pagpapasto sa simbahan.
13:48Dahil sangking ganda at makabuluhang kasaysayan ito, tama lang natawagin ang Manila Cathedral bilang Mother of All Churches, Cathedral and Basilica sa buong Pilipinas.
14:00Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:05Malapit lang sa Metro Manila kaya sakto sa quick summer getaway ang isang ilog sa Noris Agaray, Bulacan na ang ganda, malapalawan.
14:19G tayo dyan sa report ni Mark Salazar.
14:21Habang may buhay may pag-cliff diving, habang may buhay may pag-swimming, bamboo rafting, boat riding at overnight camping.
14:37Marami ang activity sa Maramo River ng Noris Agaray, Bulacan.
14:42Kaya habang buhay na buhay ang summer vibes, pasyal na ito at lalot almost 2 hours away lang naman from the metro.
14:50So, tawag nga nila dito Little Palawan dahil sa kahawig na rock formations, crystal clear waters at nature-rific scenery.
15:01Budget friendly ha dahil 70 pesos lang ang entrance fee na may kasama ng life vest, 20 pesos naman ang environmental fee.
15:10Pwedeng maglaka at papunta sa mismong ilog.
15:13Iba yung ingat lang ha dahil may ilang madaraanang mabato.
15:17Kung gusto, extra adventure ang 4x4 ride.
15:22Sa dami ng pwedeng gawin, talagang masusulit ang tanawin.
15:27At swak sa mga magbabarkada na game sa malapitang gala.
15:33Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:37Yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
15:46Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Pilipino.
15:52Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
15:55Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
15:59Outro