Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
RACCO Eastern Visayas, nanawagan sa publiko na maging alerto laban sa child trafficking

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nanawagan ng RACCO Eastern Visayas sa publiko na magmatsyag laban sa online child trafficking matapos maharang kamakailanang dalawang insidente sa Northern Samar at Dagami, Leyte.
00:14May paalala naman ng mga otoridad para maiwasan ito. Si Alat Reyes ng BIA Leyte para sa Balitang Pambansa.
00:20Nanawagan sa publiko ang Regional Alternative Child Care Office o RACCO sa Eastern Visayas na mas maging alerto sa mga insidente ng online child trafficking habag hinimok din ang mga mamamayan na kaagad na magsumbong ng mga online at social media content na nagsasamantala sa mga bata.
00:39Ito ay matapos na maharang kamakailan ng RACCO 8 ang dalawang insidente ng child trafficking sa Northern Samar at sa Dagami, Leyte.
00:47Nasa gip ng mga otoridad ng isang sanggol at isang paslit mula sa iligal na pagbibenta sa San Roque, Northern Samar, samantala dalawang magkapatid naman ang nasagip ng RACCO sa tangkang pagbibenta sa Dagami, Leyte.
01:00Nasa mga DSWD shelters na ngayon ang mga biktima habang hinihintay na sila iligal na maampon.
01:05Binigyang diin ni RACCO Officer-in-Charge, Jossame Cidillo, ang mahalagang papel ng suporta ng publiko sa pag-uulat ng mga aktividad ng trafficking at pagpigil sa mga hindi tamang pamamaraan ng pag-aampon.
01:18The Barangay Council for the Protection of Children, ito po ay lahat ng ating pong communities, meron pong existing BCPC sa kanilang mga barangay.
01:27Yung mandate nila is to report this, any incident na meron sa kanila directly to their LCPC or the Local Council for the Protection of Children.
01:37Sinabi din ni Cidillo na kailangang malaman ng publiko na mayroon ng legal at mas maayos na proseso sa ngayon sa pag-aampono ang pag-aalaga ng bata na pinangangasiwaan ng kanilang ahensya
01:48at mas mabuti ito sa halip na gumamit ng mga iligal na paraan katulad ng baby online selling at trafficking.
01:55Patuloy ang pagigipagpulungan ng RACCO sa mga tagapagpatupad ng batas, mga institusyong pang-edukasyon at mga lokal na komunidad
02:03upang palakasin ang mga kakayahan sa pag-iwas at pagtugon laban sa online child trafficking.
02:09Mula sa Philippine Information Agency, Leyte Alatreyes, Balitang Pambansa.

Recommended