Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Bago ngayong gabi. Tukoy nang isang retired U.S. Navy personnel ang driver ng SUV na nag-viral ang pag-atras sa Quezon City. Nakabangga ito, at nakapinsala pa ng gasolinahan! May report si Raffy Tima.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Bago ngayong gabi, tukoy ng isang retired U.S. Navy personnel ang driver ng SUV na nag-viral ang pag-atras sa Quezon City.
00:08Nakabangga ito, nakapinsala pa ng gasolinahan. May report si Rafi Tima.
00:15Parang drifting o stunt driving sa pelikula.
00:19Ang ginawa ng SUV na ito, pa-atras ang harurot at sa gasolinahan nagpaikot-ikot.
00:24Viral ang video na yan sa North Fairview sa Quezon City, pero bago yan.
00:28Sa di kalayuan, kitang nakahinto ang SUV.
00:31Kausap ng pulis ang driver dahil binangga pala nito ang nakahintong van sa unahan.
00:36Maraming tao naglabasan at sinasabi na binabangga na daw po yung sasakyan namin.
00:40Tapos tinignan ko sa likod, ay oo nga, binabangga na tayo.
00:43Ang driver ng van, kinatok muna ang SUV driver bago tumawag ng pulis.
00:47Tinapi ko yung tagiliran niya, tapos sabay silip ko, siya lang mag-isa at nakaganon siya sa manubila.
00:53Eh nung sabi ko, pag ikot ko doon sa kabila, sinabihan ko si sir, sir katukin ko na lang.
00:59Sabi naman ni sir, huwag mo nang katukin, baka may baril daw.
01:02Dalawampung minuto silang naghintay, pero hindi lumabas ang SUV driver.
01:07Pero bahagya rao umatras ang SUV nang dumating na ang mga otoridad.
01:12Doon na nito muling binangga ang van hanggang matuling umatras.
01:16Nakausap naman doon nilang SUV driver na humupa na ang sitwasyon.
01:19Pero tila, wala itong ideya sa nangyari.
01:21Eh sabi ko, sir ano po ba ang nararamdaman niyo?
01:24Sir, alam niyo ba ba yung nangyari siya?
01:26Hindi ko alam eh.
01:27Ang alam ko lang may tumama na sa akin dito, masakit nga eh.
01:30Wala namang nasaktan.
01:32Ang driver, ayon sa Quezon City Police, ay lalaking 68 years old na retired na US Navy.
01:37Sinusubukan pa namin kunan siya ng pahayag.
01:39Sasampahan daw siya ng reklamang reckless imprudence resulting in damage to property
01:43dahil nabanggan nito ang tatlong sasakyan at nasira rin ang protective bar ng gasodinahan.
01:49Kuha naman ito sa rantapan mukid noon.
01:51Meron lang yun yung ISO?
01:53Nag-warning siya at ang mga polis ng aktong aatras ang sinitang itim na SUV.
01:57Ilang saglit lang, nailabas ang SUV driver at pinadapa.
02:01Ayon sa mga polis, ilang oras na nilang hinahabol ang suspect
02:04dahil nakahit and run ng 6 ng sasakyan sa Valencia City.
02:07Naabutan siya ng mabarilang kanyang gulong.
02:10Nakuha sa loob ng SUV ang nasa mahigit 34,000 pesos na halaga
02:14ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at mga bala ng kalibre 40.
02:19Accordingly, sa suspect, sir, napag-utusan lang siya ng may-ari sa fortunes,
02:24siya nai-drop ng mga items.
02:25So, ito nga, sir, na-involve niya sa traffic accident,
02:29not knowingly na may dala pala siyang drug items.
02:32Mahaharap siya sa patong-patong na reklamo.
02:35Iimbisigahan din ang may-ari ng sasakyan.
02:37Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:49Outro

Recommended