Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
DBM, inaprubahan ang pagbuo ng nasa higit 1-K na karagdagang posisyon para sa PGH

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Para sa mabilis at dekalidad na serbisyo, mahigit 1,000 healthcare workers ang nadagdag sa Philippine General Hospital.
00:08Yan ang ulat ni Clay Zelfardilla.
00:11Hindi kayang ipagamot ng senior citizen na si Lola Liza ang kanyang breast cancer sa pribadong hospital na malapit sa kanila.
00:20Kaya nagtungo siya sa Philippine General Hospital para magpatingin.
00:24Sa tulong ng mga doktor at serbisyong alok ng PGH, bumubuti na raw ang kalagayan niya, nang hindi gumagastos ng malaki.
00:34Sabi nila mga 1.8 million ang gastusin.
00:41Pero dito, dito free lang sa BCC. Free.
00:47Chemotherapy, surgery, biopsy, ano lahat.
00:52Kaya kahit pamula sa Cavite at mahaba ang pila sa PGH, tinatsoga ito ni Lola Liza.
01:00Kulang ang tao talaga.
01:02E talagang maaga kang magising, 4 o'clock, 3 o'clock, tapos pipila ka, magtiis ka, kasi naniwala ka sa mga serbisyo dito sa PGH.
01:10Para makapaghatid ng mas mabilis at dekalidad na serbisyong medikal, inaprobahan na ng Department of Budget and Management sa pamamahala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:23ang pagbuo ng higit 1,200 karagdagang posisyon para sa Philippine General Hospital.
01:30Kabilang sa mga bubuksa na posisyon ay medical, allied medical at support staff nito.
01:37Mahalaga ito, lalot ang PGH ay itinuturing na pinakamalaking ospital ng gobyerno na mahigit 6,000 pasyente kada taon.
01:47Ito rin ang tanging National Referral Center for Tertiary Care sa Pilipinas, nang ibig sabihin ay pangunahing ospital na tinutukoy para sa paggamot ng mga komplikadong sakit.
01:59Sa direktiba na po ng ating Pangulo, si Pangulong Marcos Jr., na matagdagan pa po ang maaaring maging manpower,
02:08ang maaaring magsilbi sa nasabing ospital para mas marami po ang Pilipino ang mabibigyan ng magandang serbisyo.
02:14Napakarami po ang mga Pilipino ang talagang pumunta sa PGH dahil po ito'y nakakapagbigay ng magandang serbisyo at maaari pong napakaliit ng kanilang mabayaran kapag ka po sila ay pumunta sa PGH.
02:29Pupunuin ang karagdagang posisyon sa PGH sa loob ng apat na tranche na sisimulan sa ikatlong quarter ng 2025.
02:38Kasabay nito, siniguro ng Malakanyang ang patuloy na pagsasagawa ng mga job fair para mapanatili ang pagtaas ng employment rate o bilang ng may trabaho sa bansa.
02:50Itutuloy-tuloy po natin yan dahil meron din naman din po tayong programa para sa mga hiring ng mga employees, ng ating mga kababayan.
02:59Especially, meron pong programa para doon sa mga four-piece beneficiaries na makakuha ng on-the-spot hiring.
03:06Ayon sa Philippine Statistics Authority, tumaas ang employment rate ng bansa o bilang ng mga Pilipinong may trabaho o negosyo na karaang buwan ng Febrero na nasa 49.15 million, bahagyang mas malaki sa 48.49 million noong Enero.
03:25Nangangahulugan niya ito na nagbubunga na ang mga hakbang ng pamahalaan.
03:30Kalei Zalfordilia, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas!

Recommended