Aired (April 5, 2025): Ginhawang kita na hatid ng cooling powder business na ito, alamin! Panoorin ang video.
Category
😹
FunTranscript
00:00Ako ang init-init, ang heat index na yan ako, makapagpalamig nga muna.
00:07Yan, ako akala nyo, soft drinks ha?
00:10Kasi nag-cooler ha, hindi.
00:12Pero pampalamig din talaga to.
00:14Pero hindi to i-inumen, kundi ito po ay powder.
00:18Hindi nyo kailangan ilagay dito sa cooler.
00:21Dahil siya talaga ay malamig pag in-apply nyo sa inyong katawan.
00:27You heard it right.
00:28Hindi na kailangan magtiis sa init ng panahon dahil sa cooling powder na ito na proudly Pinoy made.
00:35Pulbos-pulbos lang, gigilhawan na raw ang pakiramdam sa gitna ng napaka-alinsangang panahon.
00:42Talaga ba?
00:50Hindi na lang mga inumin ang pwedeng pampawi ng init ngayon.
00:54Dahil uso na rin daw ang pulbos na nakakapresko.
00:58Dahil mentholated ito, may sangkap na nakapagpapalamig.
01:02Meron itong instant cooling effect.
01:04Kahit wala raw bungang araw, pwedeng-pwede itong gamitin.
01:08Ang 70 years old na si Charles ang nakaisip ng produktong ito.
01:12Medyo iilan lang yung mga produkto na para dun sa mga bungang araw.
01:16Siyempre, tag-init. Kailangan mong may cooling effect, nilagay namin cooling effect.
01:21Sa factory na ito, sa Marilaw, Bulacan, ginagawa ang cooling powder.
01:26Sa malaking mixer na ito, pinaghahalo-halo ang lahat ng ingredients tulad ng talk, cornstarch at menthol.
01:32Saka ilalagay sa mga container. Ito raw ang first locally produced na cooling powder.
01:41Lahat yan, locally made talaga. Kami talaga nag-innovate. Kami nag-isip. Kami naghanap ng mga ibang mga ingredients na parang dagdag doon.
01:49Tila isang blessing para sa maliliit na negosyante na may produktong Pinoy gaya ni Charles ang pinirmahang bagong batas,
01:56ang RA-11981 o Tatak Pinoy Law. Nakapalaob sa batas ang suporta at paghilala ng pamahalaan sa mga produktong gawang Pinoy.
02:06Gayun din ang pagbibigay ng oportunidad para mapalawak ang lokal na hanap buhay sa bansa.
02:11Layon din ang nasabing batas na mas palakasin pa ang mga made in the Philippines na produkto.
02:16Noong nakaraang taon lang inilabas ni na Charles ang produkto pero mabibili na raw ito sa buong bansa.
02:24Meron ni kami mga distributors sa mga probinsya. Desayas, Mindanao, Nord Luzon and South Luzon.
02:30Kompleto na kami sa even mga chain store, mga supermarket. Meron na kami dyan.
02:34Mabibili niyo na rin sa mga malalaking mga butika.
02:38Naging madali na para maipasok sa mga pamilihan ang produkto ni Charles dahil sa kanyang karanasan sa negosyo.
02:44Wholesaler ng mga pharmaceutical products ang negosyo ng kanyang pamilya noon sa Divisorya.
02:50Kaya bata pa lang ay namulat na siya sa pagiging bodegero o yung tagapangalaga ng kaayusan at kalinisan ng warehouse.
02:57Para kay Charles, mahalaga raw ang mga bodegero sa isang negosyo.
03:01Time-consuming daw kapag magulo ang bodega.
03:04Kung maganda yung sistema mo, yung pick and pack, napakabilis na yan.
03:08Kaya mo nang makita na anong capacity na kaya mo sa loob ng isang araw.
03:13Pero humina raw ang wholesale business noon kaya naisipan ni Charles na maging distributor.
03:19Dati sila lumalapit eh.
03:21Pero noon na ginawa ko, kami na lumapit doon sa mga drugstores na inaahente na namin.
03:27Naging challenging din daw ito dahil wala siyang kontrol sa mga produktong ibinibenta niya.
03:32Why not na lang na maglawasin ako ng sariling product ko para may fallback din ako.
03:36Noong 2003, naging manufacturer siya ng sarili niyang produkto para sa mga alagang hayop.
03:41Ang nakita namin, ang liit ng industriya niya.
03:45Kakaunti lang talaga yung mga pet product na makikita mo sa industriya.
03:49Kaysa gumawa ko ng sabon ng pangtao.
03:51Andaming kalaban.
03:53Actually, yung pet product talaga namin ang pinaka-bread and butter na so far.
03:58Ang latest addition sa kanyang growing business,
04:01ang cooling powder.
04:02Bakit doon naisipan niyo?
04:04Nakita ko na yung pangangailangan natin ngayon na pag-init.
04:07Wow! May bedtime powder!
04:09Lavender siya. Lavender.
04:11Maganda to. Kutsi-kutsi.
04:13Ano yung kutsi-kutsi?
04:14Kutsi-kutsi-kutsi.
04:15Kutsi-kutsi-kutsi.
04:16Ah! Pag-inigilite.
04:18Kutsi-kutsi-kutsi.
04:19Kutsi-kutsi.
04:22Yeah, yeah, yeah.
04:24Ay, ang bangga.
04:26Hmm! Alam mo, hindi mo na kailangan magpabango dito.
04:29Saka, lamig nga.
04:30For delicate skill.
04:32Delicate skill pala ako, ha?
04:34So, ano to, bata, matanda?
04:36Pwede.
04:37Babae, lalaki.
04:38Lahat.
04:38So, ano ito kaman? Bilad ka sa araw, mandala kang ganito.
04:41Iyon, talaga.
04:42Iyan, pwede.
04:43Nakabilad ka sa araw, walang problema.
04:44Parang may dalang shower.
04:46Oo, tapos eh. Parang malamig din ang pakiramdam ko.
04:48Malamig o nga.
04:49Ang cooling powder, meron din version na perfect gamitin bago matulog.
04:53Meron din cooling powder para sa paa at kilikili,
04:56at marami pang iba.
04:57Ayan, sino may bunga araw?
05:02Wala.
05:03Ayan.
05:04Try nga nito.
05:06O, dalikan nyo nyo. Damihan nyo. Ayan.
05:13Ano sa'yo? Pakiramdam mo?
05:15Parang ano po, smooth lang.
05:17Smooth? Ay, sa ano pakiramdam?
05:20Malamig.
05:20Malamig.
05:21Para po siyang dry lotion, ganun yung feeling ko.
05:24Mabango po. Para ang ano, pwede na pong hindi maligo.
05:28Nako, ikaw yung maghapon sa park. So, kailangan paresko ka.
05:31Try mo nga ito.
05:38Malamig nga.
05:39Malamig nga?
05:40Parang nasa aircon eh.
05:41Ah, galing ng description ni kuya ha.
05:44O sige, dahil dyan, sa'yo na to kuya.
05:47Ayan.
05:50Nako, gaano na ho ang difference ng kita
05:52from being a bodeguero sa ngayon eh, manufacturer?
05:56Ang kita niya, nasa 30 to 40 percent eh.
05:58Ang kinikita ng bawat bote eh.
06:00Ah, talaga.
06:01Compare mo sa, kung binibenta ko yung existing product
06:05na daging distributor ako, mga 10 percent lang yun.
06:09Ang dating bodeguero noon,
06:10may mahigit apat na raang empleyado na ngayon.
06:13Nakakatuwating na minsan,
06:15na paano ko na-achieve ito,
06:16na yung pinagdaanan ko, sobang hirap.
06:19Sa kabila ng kanyang edad,
06:21hands-on pa rin si Charles sa pagpapatakbo ng negosyo.
06:24Sa laki ng negosyo,
06:26mas malaki ang responsibility mo.
06:28Kung isang pagkakamali,
06:30lahat yan, domino yan.
06:31Pwedeng bumaksak eh.
06:33Hindi pwede magkampante.
06:34Lahat ng pinagdaanan ni Charles na pagsubok,
06:37nagpalakas daw sa kanya.
06:38May tsamba talaga minsan.
06:40Pero yung tsamba na negosyo,
06:42hindi naglalas yun.
06:44Kasi hindi mo rin na-experience na
06:45nagkamali ka, nalugi ka.
06:47So kailangan minsan eh,
06:49matalo ka rin minsan.
06:51Sa negosyo,
06:53hindi may iwasan ang mga init ng pagsubok.
06:55Pagpapawisan,
06:56mapapagod,
06:57at masusubok ang iyong determinasyon.
06:59Pero ang ginhawa kalaunan,
07:01ay mararamdaman lang
07:02ng mga hindi sumusuko.
07:17Pagpapar mga hindi ma hindi somononononononononononononono.
07:27Pagpapar mga hindi ma sikana.