• last month
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, maki-update na tayo sa Bagyong Nika at dalawang bagyo pang nagbabadyang tumama sa Pilipinas.
00:11Makakasama natin si Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center. Amor.
00:18Salamat, Ms. Vicky. Mga Kapuso, tatlong magkakasunod na bagyo.
00:22Ang posibling dumaan o maka-apekto sa Pilipinas ngayong linggo.
00:26Unahin muna natin yung Bagyong Nika dahil ito po yung kasalukuyang nanalasa dito sa ating bansa.
00:31Pasado alas otso na umaga kanina nang mag-landfall po ito dito sa may Dilasag Aurora.
00:36At after po niyan, ay tinawid na po nito itong bahagi ng Northern Luzon.
00:40Dahil po sa Bagyong Nika, nakataas ang signal number 4.
00:43Diyan po yan sa may Kalinga, Mountain Province, sa northern portion ng Ifugawa, central at southern portion ng Abra,
00:49pati na rin po sa northern at central portions ng Ilocosura.
00:54Signal number 3 naman sa northern portion ng Quirino, ganun din po dito sa northeastern portion ng Nueva Vizcaya,
01:00central portion ng Isabela, southwestern portion ng Cagayan, southern portion ng Apayaw,
01:05natitirang bahagi ng Abra at ganun din po natitirang bahagi ng Ifugaw,
01:09northern portion ng Bengueta, southern portion ng Ilocos Norte, at pati na rin sa natitirang bahagi ng Ilocosura.
01:16Signal number 2 naman sa northwestern at pati na rin sa eastern portions ng Cagayan,
01:21ganun din sa natitirang bahagi ng mga sumusunod, natitirang bahagi ng Isabela,
01:26ng Nueva Vizcaya, ng Quirino, ng Apayaw, pati na rin po ng Benguet,
01:30at ng Ilocos Norte, at kasama rin po dyan ang buong La Union.
01:34Signal number 2 dito po yan sa may northeastern portion ng Pangasinan din,
01:38pati na rin sa northern at central portions ng Aurora, pati na rin po dito sa northern portion ng Nueva Ecija.
01:46Signal number 1 naman sa Babuyan Islands, ganun din po sa natitirang bahagi ng Mayland, Cagayan,
01:51at ng Pangasinan, natitirang bahagi ng Aurora, at natitirang bahagi ng Nueva Ecija.
01:56Signal number 1 din sa Bulacan, Pampanga, Tarlac, northern and central portions ng Zambales,
02:02pati na rin sa northeastern portion ng Quezon, kasama po ang Polilio Islands.
02:07Mga kapuso, inaasahan pa rin po natin yung malakas sa bugso ng hangin na posibil pong magdulot
02:12na matinding pinsala, lalong-lalo na po sa mga lugar kanina na nabanggit ko sa ilalim,
02:17ng signal number 4 at signal number 3.
02:20Huling namataan sa Besao Mountain Province, ito po nga Bagyong Nika,
02:24taglay pa rin po ang lakas ng hangin na abot na 120 kilometers per hour,
02:28at yung pagbugso po nyan nasa 200 kilometers per hour.
02:32So malakas sa bagyo pa rin po ito, at kumikilus po yan po west to northwest,
02:36sa bilis naman na 25 kilometers per hour.
02:40At the latest forecast track po ng pag-asa para sa Bagyong Nika,
02:43tuloy-tuloy na po ang pagtawid nito dito sa my northern Luzon hanggang sa makalabas na po yan
02:48ang landmass at babay-bay naman itong bahagi po ng West Philippine Sea ngayong gabi,
02:53at posibling nasa labas na po yan ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga.
03:00Pero bukas din posibling pumasok ang isa pang bagyo na tatawagin po natin na Bagyong Ophel.
03:06Ngayon po tignan po natin sa satellite image, kitang-kita po yung hanay na mga bagyos sa paligid po ng Pilipinas.
03:13So ito po nandito sa may pinakakaliwa, ito po yung Bagyong Marseille at ito po ay wala ng efekto sa atin.
03:19At dito po tayo ngayon nakatutok sa tatlong bagyos.
03:22So isa po dyan itong Bagyong Nika at ganoon din yung dalawa pa na posibling maging kasunod nyan.
03:28Patuloy po natin nga ang tawayanan kung magkakasabay yung Bagyong Nika
03:32at ganoon din itong Bagyong Ophel dito sa loob ng Philippine Area of Responsibility bukas araw po ng Martes.
03:39Sa initial track po ng pag-asa para naman sa Bagyong Ophel, pagpasok po nyan bukas,
03:44ay posibly po na dumikit yan o tumama dito sa may northern o kaya naman po sa bahagi ng Central Luzon.
03:50Pero sabi din po ng pag-asa, may chance sa rin na ito po ay mag-recurve o lumihis po ng direksyon palayo sa ating bansa after po ng landfall.
03:59So patuloy po natin i-monitor yung magiging pagbabago sa paggalaw nito.
04:03Pero mga kapuso, bukod po sa Bagyong Ophel, posibling sumunod dito ang panibagong bagyo.
04:09At kung sakali man po na matuloy, e tatawagi naman po natin na Bagyong Pipito.
04:14Paalala mga kapuso, pwede pong magkaroon po ng pagbabago,
04:17kaya mag-monitor po palagi ng updates kung ano nga bang mangyayari dito sa mga bagyo na nasa paligid po ng ating bansa.
04:26Base po sa datos ng Metro Weather, bukod po sa malakas na hangin, may mga pagulan pa rin.
04:30Ngayong magdamag sa halos buong Northern Luzon po yan.
04:33Makikita po ninyo dito sa rainfall map natin.
04:35Yung nagkukulay orange, kulay pula, at meron din mga kulay pink.
04:39Ibig sabihin po nyan ay heavy to torrential na mga pagulan.
04:42O yung mga matitildi, malalakas, at halos wala pong tigil na mga pagulan.
04:46Kaya maghanda pa rin po sa posibilidad ng mga pagbaha or landslide.
04:50Inaasaan po natin yan kagayan Isabela, dito po sa may Apayaw, ilang bahagi po ng Cordillera, Ilocos Provinces,
04:57at pati rin po dito sa ilang bahagi pa ng Central Luzon.
05:00Kinaumaagahan, bahagya pong mababawasan yung mga pagulan.
05:04Dahil makikita po ninyo bahagya na po talaga lumayo dito sa landmass, itong bahagi po ng Bagyong Nica.
05:10Pero bandang tanghali, may chance po ulit ng mga kalat-kalat na mga pagulan.
05:14Dito po yan sa Northern and Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region,
05:19pati na rin sa ilang bahagi po ng Visayas, at ilang bahagi pa ng Mindanao.
05:23Dahil po yan sa localized thunderstorms.
05:26Sa Metro Manila naman, may chance po ng ulan, lalong-lalong na pagsapit po yan ng hapon at sa gabi.
05:32Kaya huwag pa rin kalimutang magdala ng payong.
05:34Samantalang, magiging maalol at delikado pa rin pong panaraot o pumalaot sa ilang baybayin po,
05:40na nga Northern at ganun din sa Central Luzon.
05:42So ito po ay paalala para po sa mga mangingis daw, sinuman na may mga maliliit na sasakyang pandagat.
05:50At yan ang latest sa lagingin ng ating panahon.
05:52Ako po si Amor Larosa. Ito ang GMA Integrated News Weather Center.
05:56Maasahan anuman ang panahon.
06:00Naghaayon ng reklamo laban kay Relieve, paok spokesperson Winston Cascio,
06:05ang sinampal niyang empleyado sa niredilang BPO company sa bataan.
06:09Slander by deed, ang inihaeng reklamo sa Provincial Prosecutor's Office sa bataan.
06:14Ayon sa abogado ng empleyado, tatlong beses umanong nanampal si Cascio.
06:19Sabi ng empleyado, inakosakan siya na nambastos ng tauhan ni Cascio at saka sinampal.
06:27May isang tauhan siya lumapit sa atin, inuturo na.
06:30Sabi niya, inabastos ko kami.
06:33Dumating na nga ito sa U.S. Department of Justice.
06:35Sigla niya na lang akong parang di akating na suntok sa GMA.
06:40Sa loob na ng clinic namin, inatanong ngayon.
06:43Kaya life and death na, basta sinampal na po niya ako nun.
06:48Ang pinapasukang BPO company naman,
06:50iginigit na hindi sila Pogo at hindi rin sila Scam Hub.
06:54Ayon sa Central One Bataan,
06:56hindi totoong mga aligasyon ni Cascio na sangkot sila sa labor trafficking,
07:00online scam at online gambling.
07:02Maghahain-anya sila ng monsyon sa korte.
07:04Sinusubukan ng GMA Integrated News.
07:06Nakuli ng panig ng paok, pero hindi pa sila sumasagot.
07:15Happy Monday, chikahan mga kapuso!
07:17Two more days at mapapunod na sa big screen
07:19ang inabangang film ni Alden Richards at Catherine Bernardo na Hello Love Again.
07:24Pero bago yan, nagpakilig muna si Alden at Kath
07:27para sa kanilang huling mall show bago ang movie opening.
07:31Makitsika kay Nelson Canlas.
07:36Napuno ng hiyawa ng isang mall sa Taguig City kahapon
07:39para sa final mall show ng Hello Love Again.
07:42Full support ang fans ni Alden Richards at Catherine Bernardo.
07:45Maging si GMA Network Incorporated Senior Vice President
07:49Atty. Annette Coson-Valdez dumating at sumuporta din.
07:53Kasamang ilang co-stars ni Alden at Catherine tulad ni Nakakai Bautista.
08:02Choros Kamboa
08:11Wilbert Ross at iba pa.
08:13Pinasaya ang audience na walang patidang tilian.
08:18Lalo na nang lumabas si Alden para haranahin ang fans.
08:21Maging ngaya excited sa Hello Love Again!
08:32At may paagaw pa ng stuffed toys.
08:38Pati outfit ni Alden, inakiligan.
08:40Idinaan daw kasi sa print ng kanyang jacket ang mga iniiwasang tanong.
08:47The crowd went wild din nang lumabas at kumanta si Catherine.
08:54Lalo na nang magduwet ang dalawa.
09:02Iyo ko
09:08Pag-ibig
09:14Mixed emotions ang mall show.
09:16Lalo't marami silang pinagdaanan mula sa shooting.
09:22Nagpakilig din ang mga Cebuano ang dalawa nitong weekend.
09:27Siguradong masese punks daw sila
09:29ng team Hello Love Again matapos ito.
09:32Here we are, our last stop which is today.
09:35Yes, totoo yan.
09:37Yes, exciting.
09:38Nakaka-excite, nakakakaba.
09:40Pero masaya tsaka parang moreover,
09:42we're just very excited parang kami rin after 5 years
09:46may kikwento na natin ulit yung continuation ng love story
09:49ni Joy and Ethan.
09:50So, we're very excited and happy.
09:53Nelson Canlas updated sa Shoebiz Happenings.
09:57Sinagot ni Vice President Sara Duterte kung bakit hindi nakadalo
10:01ang mga pinakontempt na OVP official sa pagdinig ng kamera.
10:06Binangit din ni Duterte ang posibling pagsasara
10:09ng isang satellite office ng OVP.
10:13Nakatutok si Adrian Prietos ng GMA Regional TV.
10:21Posibling hanggang katapusan ng taon na lang ang operasyon
10:24ng Bakold Satellite Office ng Office of the Vice President.
10:28Hindi din etalye ni Vice President Sara Duterte ang dahilan,
10:31pero nakadepende ito aniya sa adjustment na gagawin sa pondo ng OVP.
10:37Binawasan na yan ng kamera at Senado para sa 2025.
10:41Patiped naman ang sagot ng BICE sa pagkasite and contempt
10:44sa apat opisyal ng OVP na hindi pa rin dumadalo
10:47sa pagdinig ng kamera.
10:48Tukol sa confidential at intelligence funds ng BICE.
10:52Ayon kay Duterte, naghahanda umano sila sa maaktibidad para sa November 15.
10:57Doon sa mga hindi naka-attend, merong mga napatawag doon na hindi naka-attend
11:04dahil sa activities ng OVP anniversary.
11:11Noong nakaraang pagdinig, pinunan ang Commission on Audit
11:14ang mga isinumitin ng OVP na ma-acknowledgement receipts
11:18sa pinaggamitan ng confidential funds noong 2022 at 2023.
11:22Dahil mali-mali daw ang PETSA, may mga lagda pero walang pangalan
11:27at may mga hindi rin mabasa kung sino ang signatories.
11:31Purely paninira. Siguro ang tamang venue kung saan kami sumagot para sa audit,
11:38hindi man lang sa confidential funds but sa lahat ng audit na ginagawa sa aming opisina,
11:43sa office of the Vice President, is in the Commission on Audit.
11:47So as we said from the start, we have been fully cooperating with all the AOMs,
11:54we have been answering all the questions of the audits."
11:57Wala sa Jemmy Regional TV at Jemmy Integrated News.
12:00Adrian Prietos, Nakatotok 24 Horas.
12:04Dahil pa rin sa Bagyong Nica, kanselado muna ang ilang biyahe ng barko
12:09kaya stranded ang mahigit dalawang daang pasahero sa Manila North Port Terminat.
12:14At nakatotok si Mackie Pulido.
12:20Sinubukan pang makiusap.
12:22Ayaw naman nila akong papasukin dun kasi bawal daw.
12:25Pero wala rin na palang ilang pasahero na hindi pinapasok sa Manila North Port Terminal.
12:30Tatlong biyahe ng to-go shipping line ang kinansila bunsod ng banta ng masamang panahon
12:35kaya pinauwi na lang nila ang mga pasahero.
12:37Ang ilan sa kanila tumambay na lang muna sa tapat ng gate ng port.
12:41Malayo pa kasi ang pinanggalingan ng ilan sa kanila,
12:43tulad ni Christine at kanyang senior citizen na nanay na galing pa ng Isabela.
12:48Pagdating ko dito hindi kami papasukin.
12:51Eh wala kaming kakilala dito ma'am.
12:54Walang nagawa ang mag-ina kundi umupo na lang sa gilid ng kalsada
12:58mula nagdumating sa pier kaninang madaling araw.
13:00Awak sila sa mama ko.
13:02Napapasukin kami diyan.
13:04De, salamat.
13:07Hindi rin alam ni Roveline kung saan siya pupunta.
13:10Namamasukan siya bilang kasambahay at natapos na raw ang kanyang kontrata sa agency.
13:15Yung number ko po sa ticket ko po hindi po sa akin nakalagay
13:19kaya hindi ko nalaman.
13:22Pagdating namin dito, hindi naman nag-text yung agent na cancel yung biyahe.
13:28Tinanong namin ang Philippine Ports Authority kung bakit hindi nila pinapapasok ang mga stranded passengers.
13:34Wala po tayong direktiba na hindi sila papasukin.
13:38Baka po meron lang ding miscommunication between the shipping lines and the guard.
13:44Pagdating ng port manager, pinapasok na hanggang sa waiting area ang mga pasahero.
13:49Kapag ticketed po ang mga pasahero, they can come in. Lalo na po ngayon may bagyan.
13:56Sabi ng Togo, hindi nila pinagbawalan ang pagpasok sa pantalan ng mga stranded na pasahero.
14:01Inabisuhan lang daw nilang umuwi muna dahil hindi ligtas sa pantalan dahil sa bagyo.
14:06Nag-alok din daw sila ng container van kung saan pwedeng itago muna ang kanilang gamit para hindi kailangang bit-bitin.
14:12Nasa 251 ang stranded passengers ngayon sa Manila North Port Terminal.
14:17Wala pang abiso kung kailan matutuloy ang mga biyahe. Kaya ang ilan, gipit ang budget para may makain.
14:23Hindi na namin alam kung saan kami kukuha ng pagkain.
14:26Kasi ang alam ko, pag nandoon na kami sa barko, dapat free na yung pagkain.
14:33Tapos andito kami sa labas, so wala kami makakain.
14:36Nagbibigay naman ng lugaw ang Philippine Ports Authority mula sa ambagan ng mga empleyado ng ahensya.
14:42Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katuto, 24 Oras.
14:48Extended ang pananatili sa Philippine Heart Center ni Pastor Apollo Quibuloy.
14:53Ayon sa PNP, November 7 nang sumakit ang dibdib nito kaya pina-ECG.
14:58Lumabas na irregular ang tibok ng kanyang puso na maaaring banta sa buhay.
15:03Kaya kasunod ng motion ng kanyang kapo, pinayagan ng Korte na dalhin siya sa Heart Center noong November 8.
15:09Pinalawid pa ng RTC ang medical furlough ni Quibuloy hanggang sa Sabado, November 16.
15:15Para tapusin ang lahat ng kailangan niyang medical tests.
15:18Ayon naman sa kanyang abogado, walang dapat ikabakala.
15:21Anila, matagal nang merong irregular heartbeat ang Pastor dahil sa pagkakaroon niya ng active lifestyle.

Recommended