• 2 months ago
Today's Weather, 5 P.M. | Oct. 24, 2024

Video Courtesy of DOST-PAGASA

Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe
Visit our website at https://www.manilatimes.net

Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion

Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital

Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Tune In: https://tmt.ph/tunein

#TheManilaTimes
#WeatherUpdateToday
#WeatherForecast
Transcript
00:00Magandang hapon, update na nga muna tayo sa ating binabantayan na si Bagyong Christine.
00:05Ito nga si Christine ay kaninang alas 4 ng hapon nasa may coastal waters na ng Santa Lucia, Ilocos Sur.
00:13Ito ay nagtataglay ng lakas na hangin na 95 kilometers per hour malapit sa centro at Mugso na abot sa 145 kilometers per hour.
00:22Ito ay kumikilos sa direksyong kanluran ng mabagal.
00:25Ito nga si Christine ay nanatili pa rin sa severe tropical storm category.
00:30Maliban nga dito kay Christine may minomonitor pa tayong low pressure area.
00:34Sa labas naman ang ating Philippine area of responsibility.
00:38Etong low pressure area na ito nanatiling mataas ang tsansa na maging bagyo in the next 24 hours.
00:45At nakita nga natin yung posibling path na tahakin etong low pressure area na ito.
00:50Posibling lumapit ito sa may northern Luzon area o hindi kaya mag-recurve.
00:56So dahil malayo pa nga or maraming araw pa yung pagdadaanan natin,
01:01ay mataas pa yung uncertainty kaya lagi tayong mag-antabay sa mga ilalabas na update ng pag-asa.
01:07So tingnan naman natin yung magiging track na etong si Christine.
01:11Naasahan na nga natin na by tomorrow lalabas na ng ating Philippine area of responsibility etong si Christine.
01:17By tomorrow afternoon nga.
01:19And then inaasahan na natin dahil papunta na nga etong si Christine sa karagatan,
01:23ay posibling lumakas na nga ito habang kumikilos sa West Philippine Sea area.
01:30Inaasahan naman natin na in the next 5 days mananatili ito as severe tropical storm.
01:35Pero hindi pa nga rin natin iro-rule out yung tsansa na ito ay maging isang typhoon category.
01:43Dahil nga rin dito kay Christine nakataas ang tropical cyclone wind signal number 3
01:48sa may Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.
01:52Signal number 2 naman sa may Kagayan kabilang ng Babuyan Islands, Isabela,
01:56sa may Quirino, sa may Nueva Vizcaya, sa may Apayaw, Kalinga, Mountain Province,
02:02Ifugao, Abra, Benguet, at Ilocos Norte.
02:06Signal number 2 din naman yung inaasahan natin sa may Aurora,
02:10sa may Nueva Ecija, sa may Tarlac, sa may Zambales, sa may Bataan, Pampanga, at Bulacan.
02:16Signal number 1 naman sa may Batanes, sa may Metro Manila, Rizal, Batangas, Laguna, Cavite,
02:23sa may Quezon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon,
02:29sa may Northern portion ng mainland Palawan kabilang ng Calamian Islands,
02:34sa may Puyo at Kalayaan Islands,
02:36sa may Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate,
02:41kabilang na nga ang Tikau at Buryas Islands.
02:45Signal number 1 din sa may Aklan, sa may Capiz, Antique,
02:48kabilang ng Kaluya Islands, Iloilo, Bantayan Islands, Northern Samar,
02:53at ang Northern portion ng Samar.
02:55So lagi tayong mag-update at para sa masetalyado information,
02:59nasa may website naman ito makikita.
03:03Meron din naman tayong nilabas na weather advisory,
03:06kung saan meron tayong mga inaasahang malalakas ng mga pagulan,
03:09dulot nga ni Christine.
03:10So sa ngayong hapon hanggang bukas ng hapon,
03:13asahan natin yung heavy to intense rains, 100 to 200 mm,
03:17sa may Pangasinan, Zambales, La Union, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.
03:23Moderate to heavy rains, 50 to 100 mm,
03:25sa may Cordillera Administrative Region,
03:28sa may nalalabing bahagi ng Ilocos Region,
03:30Tarlac, Pampanga, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Aurora, Metro Manila, Laguna, Rizal,
03:36Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Antique, Aklan, Negros Occidental,
03:42Palawan, kabilang na ang Kalamian Islands.
03:45By tomorrow naman, heavy to intense rains,
03:47sa Pangasinan, Zambales, at La Union,
03:50at moderate to heavy rains naman,
03:52sa nalalabing bahagi ng Ilocos Region,
03:54Bataan, Antique, Aklan, at Negros Occidental.
03:59Asahan naman din natin na sa mga matataas na lugar at mabundok na lugar,
04:04yung mas mataas na amounts ng rainfall,
04:06at ingat sa mga nakatira sa mga low-lying areas at flood-prone areas
04:10sa bantahan ng mga pagbaha o pagguho ng lupa.
04:14Asahan din naman natin for today, yung bugso ng mga malalakas na hangin
04:18sa areas outside wind signal areas.
04:21So ibig sabihin, sa buong bansa, posible yung bugso ng mga malalakas na hangin.
04:28Sa Friday naman, sa Maymaropa, Bicol Region, Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte,
04:34Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Barm, Soksargen, at sa Maydabaw Region.
04:40Meron din tayong nakataas na gale warning.
04:43Dito sa Maybatanes, northern coast ng Kagayan,
04:46kabilang na ang Bobuyan Islands, Ilocos Norte.
04:48Sa may Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, sa may Aurora,
04:52sa may Zambales, Bataan, sa may Cavite, Batangas, Lubang Islands, Isabela,
04:58eastern coast ng Kagayan, Quezon, kabilang na ang Polilio Islands,
05:02sa may Metro Manila, Bulacan, Occidental Mindoro, Palawan, kabilang na ang Kalamian,
05:08Kuyo, at Kalayaan Islands, pati na rin sa may Kagayan Silyo.
05:12So ating mga kababayan, kung maaari, huwag muna tayong pumalaot
05:16dahil magiging maalon hanggang sa napakaalon ng karagatan sa areas na yan.
05:22Meron pa rin nga tayong gale warning.
05:24Kamarines Norte, Kamarines Sur, Katanduanes, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon,
05:29sa may Buryas Islands, southwestern coast ng Negros Oriental, Negros Occidental,
05:34Guimaras, sa may Iloilo, Capiz, Aklan, at Antique.
05:39Meron din naman tayong storm surge warning,
05:42sa may Aurora, sa may Kagayan, sa may Ilocos Sur,
05:46sa may Isabela, sa may La Union, Pangasinan, at Zambales.
05:50Sa detalyadong informasyon, visitahin lang ang aming website, pagasa.dose.gov.ph
05:56Under Tropical Cyclone, may kita natin yung forecast storm surge.
06:02So itong mga area na to, kailangan mag-ingat tayo sa mga storm surge.
06:07At yan naman muna yung latest kay Bagyong Christine.
06:10I-follow at i-like ang aming ex at Facebook account, DOST underscore Pagasa.
06:15Mag-subscribe din sa aming YouTube channel, DOST-Pagasa Weather Report.
06:19At para sa mas detalyadong informasyon, visitahin lang aming website, pagasa.dost.gov.ph
06:26At yan naman muna yung latest mula sa Weather Forecasting Center ng Pagasa, Veronica C. Torres.
06:36Thank you for watching!

Recommended