• 2 months ago
Unveiling ceremony ng Sorsogon Sports Arena, pinangunahan ni Pres. Ferdinand R. Marcos Jr.

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:30 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:03ang unveiling ng itinuturing ngayong bilang pinakamalaking arena
00:07sa rehyon ng Bicol, ang Sorsogon Sports Arena.
00:11May 12,000 seating capacity ito
00:14at hindi lamang magagamit sa sports event,
00:16kundi maging sa mga pulong, concerts,
00:19at makatutulong ng malaki sa ekonomiya ng lalawigan.
00:24May iba pang aktividad sa probinsya ang Pangulo,
00:27maging si First Lady Liza Araneta Marcos.
00:30Alamin natin yan sa ulat ni Kenneth Paciente live.
00:33Mula ro'n, Kenneth.
00:36Hindi ba'y nawawal?
00:39Yes, Ma'am. Makikita nyo sa aking likuran
00:42ng Sorsogon Sports Arena
00:44na matapos ang ilang taong pagbuo rito
00:47ay formal na itong pinasinayaan
00:49at walang ibang nanguna diyan,
00:51kundi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:54Looks familiar ba ang disenyong ito sayo?
00:57Inakala mo bang ang tanyag na Colosseum sa Roma?
01:00Abay nagkakamali ka dahil 100% Pinoy ang istrukturang yan.
01:05Ito ang pinakabagong sports arena sa Bicol Region,
01:08ang Sorsogon Sports Arena.
01:10Mismo si Pangulong Marcos Jr.
01:12ang nanguna sa unveiling ceremony ng naturang istruktura
01:15kasama si Senate President Cheese Escudero.
01:18Bahagi ito ng Sorsogon Sports Complex
01:21na humigit kumulang nasa 1.7 na ektarya.
01:24Ayon sa Pangulo, malaking bagay ang proyektong ito
01:27para mas mapagtuunan pa ng pansin
01:29ang angking galing na mga Sorsoganon
01:31sa mundo ng palakasan.
01:33Lalo't magsisilbingdaan kasi ito bilang training camp
01:35para mahasa pa ang angking galing na mga atleta.
01:39Ito ay isang mahalagang hakban
01:41upang maitaguyod natin ang ating mga kababayan
01:44na may angking galing sa larangan ng palakasan.
01:48Sa tulong nito, mabibigyan sila ng pagkakataon
01:52upang mahasa pa ang kanilang mga talento.
01:55Harinawa, ay maidagdag pa natin sila
01:58sa hanay ng ating olimpian at atletang Pinoy.
02:02Mahaari rin anya itong magamit para sa mga summit,
02:05pagpupulong, concerts at iba pa
02:07na malaking tulong para mapalakas naman
02:09ang ekonomiya ng probinsya.
02:11Mayroon itong mahigit kumulang 12,000 seating capacity
02:14at three-story sports facility
02:16para i-cater ang mga manlalaro.
02:18Kumpleto rin ito sa amenities para sa iba't-ibang larangan ng palakasan.
02:22Nagkakahalagang ang struktura ng 1.2 billion pesos
02:25na sinumulang ipatayo noong 2018.
02:28Bagamat sports arena ang tawag dito,
02:31hindi lamang ito para sa larangan ng palakasan.
02:35Maaari din itong gamitin para sa pagpupulong,
02:38mga summit, konserto, mga patimpalat.
02:41Kaya hindi natin maikakailang simbolo
02:45ng progreso ang Sorsogon Sports Arena.
02:48Sumasay ilalim ito sa patuloy ng pagsisikap,
02:51pagtyatyaga, at pagunlad ng mga sorsoganon at mga bikulano.
02:57Dumalaw na rin sa probinsya si First Lady Luis Araneta Marcos
03:01para makibahagi sa sanggayahan festival sa probinsya
03:04at nagsilbing hurado sa isang patimpalat.
03:06Bukod sa pagpapasinaya sa Sorsogon Sports Arena,
03:09ay binisita rin ng Pangulo ang Sampaloc Tenement na housing project sa probinsya.
03:13Gayun din ang Sorsogon National Government Center,
03:16kung saan tampok ang lahat ng ahensya ng gobyerno
03:18para sa mas mabilis na akses ng publiko na ayon sa Pangulo
03:22ay bunga ng pagtutulungan ng national at local government.
03:25Bagaman kita na ang progreso.
03:27Sinabi ng Pangulo na marami pang dapat gawin,
03:29kaya mahalagaan niya ang pagkakaisa.
03:31Mula pa sa simula, pagkakaisa.
03:34Ang hangad ko para sa isang mas mabisa at efektibong pamamahala.
03:40Kailangan nating magtulungan upang mas parami pang mga bata
03:44ang mapakunahan.
03:45Higit pang mabubuti ang seguridad ng kapayapaan
03:48at mapapababa ang kahirapan sa Sorsogon.
03:52Ang ating pagbuklod-buklod
03:54ang magbibigay din sa atin
03:56ng daan upang matapos ang ibang proyekto sa inyong lugar
04:02katulad ng Sorsogon Provincial Sanitarium Facilities
04:06at yung pagpapaganda ng kalsada na papunta sa Bacon Airport.
04:11Maaring may pagkakaiba tayo sa paniniwala at sa opinion,
04:16ngunit alam ko na tayo ay pinagbubuklod ng iisang hanga rin
04:21na may angat ang antas ng pamumuhay ng bawat isang Pilipino.
04:27Sa pambihirang pagkakataon,
04:29nagkita rin sa naturang event si Pangulong Marcos Jr.
04:31at dating Vice President Lenny Robredo,
04:34kung saan nagkaroon ng chansang magkadaupang pala ng dalawa
04:37matapos ang ilang taon mula nang maging magkatunggali
04:40ang mga ito noong nakaraang hatol ng bayan.
04:42Ayon kay Senate President Cheese Escudero,
04:44simbolic ang pagsasama nilang tatlo matapos
04:47ang kanilang pagtakbos sa vice presidential race noong 2016.
04:50Pero ano kaya ang posibling napagusapan ng Pangulo at ni Robredo?
04:54Wala, nagbatean lamang sila.
04:56Tingin ko rito unang hakbang tungo
04:59sa ika nga paghilom ng kung ano mga sugat,
05:02ano mga hindi pagkakaunawaan,
05:04dahil alalahanin ninyo,
05:06ano mang debate o pagkakaiba namin ng pananaw
05:09ay political, hindi personal.
05:11So mas madaling maghilom yun, mas madaling maayos siguro yun.
05:17Maan sa mga oras na ito, marami na yung mga Sorsogano
05:20na nagpupunta dito sa Sorsogon Sports Arena
05:23dahil sa paligid ni Tumaan, marami yung mga aktividad na pwedeng gawin.
05:27At yung mga food stall, may perya rin
05:29na pwedeng ma-enjoy ng kahit nasino.
05:31At nakalatag na nga rin, Maan, yung iba't-ibang aktividad
05:34para sa kasanggayahan festival ng Sorsogon
05:37na magtatagal hanggang sa katapusan ng buwan.
05:40At yan na muna ang latest. Balik sa iyo, Maan.
05:43Maraming salamat sa iyo, Kenneth Paciente.

Recommended