Today's Weather, 4 P.M. | Oct. 4, 2024
Video Courtesy of DOST-PAGASA
Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe
Visit our website at https://www.manilatimes.net
Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion
Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital
Sign up to our newsletters: https://tmt.ph/newsletters
Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Tune In: https://tmt.ph/tunein
#themanilatimes
#weatherupdatetoday
#weatherforecast
Video Courtesy of DOST-PAGASA
Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe
Visit our website at https://www.manilatimes.net
Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion
Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital
Sign up to our newsletters: https://tmt.ph/newsletters
Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Tune In: https://tmt.ph/tunein
#themanilatimes
#weatherupdatetoday
#weatherforecast
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Magandang hapon sa ating lahat na ito update sa magiging lagay na ating panahon.
00:04Kaninang alas dos ng hapon ay tuluyan na nga hong nalusaw yung binabantayan nating dating bagyong seahull yan.
00:11At saka sa lukuyan, Intertropical Convergence Zone yun po yung patuloy na naka-apekto sa buong bahagi ng Visayas at Mindanao.
00:18Nakunsaan ngayong gabi, ito yung magdudulot na mga kalat-kalat na mga pagulan, mga pagkilat at pagkulog sa may bahagi ng Bicol Region,
00:25buong bahagi ng Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.
00:30So yung mga nabanggit ko yung lugar, makakaranas po sila na may hina hanggang sa kwantaman kung minsan ay malakas na bugso ng mga pagulan ngayong hapon hanggang mamayang gabi.
00:40Pero dito sa ating Metro Manila, pati na rin sa nalalawing bahagi pa ng ating kapuluan,
00:45ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan yung ating naasahan ngayong hapon.
00:49Nakunsaan, mamayang gabi ay may chance pa rin na makaranas tayo ng mga panandaliang buhos ng pagulan.
00:56Samantala, meron tayong cloud cluster na namataan dito sa may boundary na ating area of responsibility.
01:02Hindi naman natin ito nakikita na magiging isang bagyo at wala rin tayong inaasahan na direct na efekto nito sa anumang bahagi ng ating bansa.
01:11At para po sa magiging lagay na ating panahon bukas, dahil pa rin sa Intertropical Convergence Zone,
01:16ang bahagi ng Bicol Region ay makaranas pa rin ng maghapong makulimlim na panahon na may kasamang mga pagulan.
01:23Pero dito sa ating Metro Manila, pati na rin sa nalalawing bahagi pa ng Luzon,
01:27patuloy po tayo makaranas ng maaliwala sa panahon, lalo na sa umaga hanggang tang hali.
01:32Pero pagsapit ng hapon at gabi, mataas pa rin ho yung chance na mapanandaliang buhos ng pagulan dala ng localized thunderstorm.
01:40Kaya kung lalabas tayo ng ating mga tahanan, huwag kalimutang magdala ng payong dahil posible yung mga dagliang pagulan sa hapon at sa gabi.
01:49Meron naman tayong mga nilalabas ng mga babala, katulad po ng Thunderstorm Advisory, na kung saan pinupost po natin ito sa ating social media accounts, pati na rin sa ating website.
02:00Para po sa temperatura natin bukas sa Metro Manila, 25-33°C, Baguio City, 17-24°C lawag, 32°C ang pinakamataas na temperatura, 33°C naman po sa bahagi ng Tuguegarao City.
02:14Sa Maytagaytay, 24-32°C sa agot ng temperatura bukas at sa Legaspi City, 25-32°C.
02:23Sa bahagi din po ng Kalayaan Islands, pati na rin sa Puerto Princesa, 25-32°C ang agot ng temperatura.
02:30Sa magiging lagay naman ng panahon, diyan sa bahagi ng Visayas at Mindanao, particular na po dito sa may Eastern and Central Visayas, Caraga at sa may Northern Mindanao,
02:40magiging makulimlim pa rin po ang panahon bukas at may kasama po itong mga kalat-kalat na mga pagulan dala ng Intertropical Convergence Zone.
02:48Pero sa nalalabing bahagi ng Visayas at ng Mindanao, mananatiling bahagyang maulap hangga sa maulap ang kanilang maranasan na kalangitan
02:57at mataas pa rin yung chansa ng mga pagulan lalo na po sa hapon at sa gabi.
03:02Mga panandaliang buhos po ito, mga tatagal ng 15 minutes hanggang 2 hours na po yung pinakamatagal na inasahan natin ng mga pagulan dala rin ng Intertropical Convergence Zone.
03:13Temperatura natin bukas sa Iloilo ay 26-32°C, Metro Cebu 26-31°C sa bahagi naman po ng Tacloban, pati na rin sa Cagayan de Oro aabot sa 32°C ang maximum temperature.
03:26May kainitan namin sa Mizambunga at sa Metro Davao na aabot sa 34°C ang maximum temperature.
03:34Sa mga kababayan naman po natin na maglalayag, wala tayong gale warning na nakataas sa anumang baybay na ating karagatan,
03:40ngunit pinag-iingat pa rin po natin yung ating mga kababayan na maglalayag lalo na po sa northern Luzon area dahil posible pa rin po dyan yung katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
03:50Pero sa ibang baybay na ating karagatan, magiging banayad hanggang sa kamtaman lamang ang mga pag-alon.
03:56At para po sa ating 3-day weather outlook sa mga pangunayang syudad sa ating bansa, particular na dito sa Metro Manila, Baguio City at Legazpi City,
04:04na kung saan wala tayong inaasahan na weather systems na posible magdulot ng malawakang mga pag-ulan.
04:10Kaya may kitakpun natin hanggang Martes, sa mga nabagit na syudad ay makakaranas pa rin ng fair weather condition o maaliwala sa panahon,
04:18pero pagsapit ng hapon at gabi, mataas yung chance na mapanandali ang buhos ng pag-ulan.
04:23Temperatura natin dito sa Metro Manila for the next 3 days ay mula 25°C hanggang 33°C.
04:29Baguio City, 17°C to 24°C. At sa bahagi ng Legazpi City, 25°C hanggang 33°C.
04:36Sa mga kababayan naman po natin sa Metro Cebu, Iloilo at Tacloban, improving weather condition o maaliwala sa panahon po ang naasahan natin mula Linggo hanggang Martes.
04:45Kung may mga pag-ulan po tayong maranasan diyan, mga panandalian na lamang sa hapon at sa gabi.
04:51Temperatura sa Metro Cebu for the next 3 days ay 25°C hanggang 33°C. Sa bahagi ng Iloilo, 25°C hanggang 33°C din po, ganoon din sa bahagi ng Tacloban City.
05:04Sa mga kababayan naman po natin sa Metro Davao, Cagayan de Oro, at sa Mezambuanga City, maaliwala sa panahon din po ang naasahan natin dyan for the next 3 days.
05:12May mga pag-ulan nga rin po, lalo na sa hapon at sa gabi, pero ito ay mga isolated cases lamang.
05:18At pwede nga po natin i-monitor yung mga advisories na ating nilalabas sa ating mga social media accounts.
05:24Metro Davao may kainitan pa rin sa 33°C na maximum temperature for the next 3 days, ganoon din po sa bahagi ng Cagayan de Oro, at 34°C naman sa may bahagi ng Zamboanga City.
05:35At ang araw po natin dito sa Kamenilaan ay Lulubogos 5.43 ng gabi, at muli po itong sisikat bukas ng 5.46 ng umaga.
05:45Para sa karagdagang informasyon ukol sa lagay ng ating panahon, mangyaring i-like at i-follow kami sa aming social media accounts sa DOST underscore Pag-asa at bisitahin ang aming website sa pagasa.dost.gov.ph.
05:58At yan po yung latest dito sa Weather Forecasting Center, ako po si Anna Clorine Horda. Magandang hapon po.
06:15.