• 4 months ago
Caught on cam ang pag-hit-and-run sa isang 3-year old na bata sa Infanta, Quezon. Makikita na tumakbo ang bata sa kalsada at nabundol ng motorsiklo at tumilapon!

Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin ‘yan kasama ang ating #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Basta usaping batas, hindi niya yan.
00:02Pinalalampas, narito na si attorney, Gabby Concepcion, ang ating kapuso sa batas.
00:07Good morning, attorney. Happy Thursday!
00:11Happy Thursday din sa'yo, Maris!
00:13Diba, nagulat ba kayo na nandito ako?
00:15But anyway, mga kapuso, kumapit kayo dahil sensitibo ang video na ito.
00:22Caught on cam ang pag-hit and run sa isang three-year-old na bata sa Infanta Quezon.
00:28Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagpakbo ng bata sa kalsada.
00:33Maya-maya pa, nabundod siya na isang motrosiklo at tumilapon.
00:38Ang rider hindi huminto at diretso lang ang pagpapatakbo.
00:43Agad namang sinugod sa ospital ang bata at nagpapagaling na ngayon sa kanilang bahay.
00:48Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:51Ask me, ask attorney Gabby.
00:59Attorney, ano ang parusa sa ganitong kaso?
01:03Mas mabigat po ba kung tinakbuhan mo ang diktima?
01:07Well, unang-una, ano ba ang kaso?
01:09Ina-assume natin, of course, na hindi naman sinasadya na masagasaan ng bata, hindi po ba?
01:14Pero kung ang ganitong insidente ay resulta ng pagpapabaya,
01:19ito ay isang krimen pa rin na mayroon pa ring posibling kulong.
01:22Hindi lamang kasing bigat kung ito ay sinasadya.
01:25So kung talagang sadyang pinatayin ninyo ang isang tao, halimbawa, alam naman po natin homicide ang krimen.
01:32Pero kung nakapatay kayo dahil sa pagpapabaya,
01:35eh ito na nga yung madalas nating naririnig,
01:39ang krimen ay nagiging reckless imprudence resulting in homicide.
01:44Yung pagpapabaya po kasi, pag sumobra na,
01:47nagiging krimen at pinarurusahan sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code.
01:53Paanong naman kung hit and run nga?
01:55Ibig sabihin, nakabanggaan na nga ay tinakbuhan pa ang biktima kaysa tulungan nito.
02:00Definitely po, nakakabigat po ang kaso rito.
02:04Next, penalty higher in degree ang nagiging parusa.
02:07So halimbawa, dun sa binigay nating halimbawa,
02:10ang kaso sana ay reckless imprudence resulting in homicide,
02:14ang parusa dito sa ilalim ng Revised Penal Code,
02:17Arresta Mayor Maximum to Prision Correctional Medium,
02:21ibig sabihin, 4 months and 1 day to 4 years and 2 months ang posibling tulong.
02:26Pero kung tumakbo ka at iniwan mo ang iyong biktima,
02:30atataas ito by 1 degree,
02:32kaya magiging Prision Correctional Maximum to Prision Mayor Medium,
02:37ibig sabihin, 4 years, 2 months and 1 day to 10 years na ang penalty.
02:42So malaki po ang diferensya, di po ba?
02:44At yung pagiging dead ma or walang pakialam,
02:46pwede maging separate na kaso for abandonment of one's victim
02:50sa ilalim ng Article 275 ng Revised Penal Code
02:54na may posibling tulong na hanggang 6 na buwan.
02:57Nagiging treme ng pagiging dead ma,
02:59kung meron kayong nasugatan o nasaktan by way of an accident
03:03at hindi nyo nga tinulungan.
03:05So dapat tutulungan nyo, kayo na nga nakasakit e hindi nyo pa tinulungan.
03:10Ngayon, sa video po, makikita ang biglang pagtawid ng bata.
03:14Sa mga ganitong sitwasyon na nakalabas ang bata at naaksidente,
03:18posibly po bang may pananagutan din ang mga magulang.
03:22Ako, medyo mahirap natin husgahan ang particular na pangyayari sa video po na yan.
03:27Pero siguro, sa ibang mga kaso, as a general rule,
03:30kailangan natin tingnan yung issue ng pagpapabayanan na kabanga
03:34bilang hiwalay na issue muna.
03:36Ibig sabihin, kung talagang mabilis ang takbo at talagang pabaya,
03:40nagsa cellphone pala, or nakainom,
03:42talagang kailangan panagutan niya ang insidente kasi talaga ito ay labag sa batas.
03:47Ngayon, may liabilidad ba ang mga magulang?
03:50Depende sa sitwasyon, dahil ang mga bata,
03:52dapat palagi na nasa pangangalaga ng kanilang mga magulang.
03:56Hindi kasi normal na isang toddler, halimbawa,
03:59ay naglalakad o tumatakbo ng mag-isa sa kalye.
04:03Kumbaga, kailangan po natin pag-aralan kung may contributory negligence
04:07ang mga nagbabantay sa bata,
04:08na kung hindi sana sila pabaya, ay hindi sana nangyari ang aksidente.
04:13So, mahirap talaga husgahan.
04:15Kailangan suriin ang lahat ng mga pangyayari sa isang insidente.
04:19Pero isa lamang ang malinaw para sa mga nagbamaneho,
04:22whether koche o motosiklo,
04:24hindi talaga pwedeng padalos-dalos
04:26dahil ang isang sasakyan talagang mas nakakasakit sa biktima in case of an accident.
04:32Pero sa mga magulang,
04:33tandaan na pwede din kayong managot
04:35or hindi kayo papayagan ng batas na ibaling ang pagsisisi sa ibang tao ng buo
04:41kung mayroon din kayong kakulangan.
04:44Ang mga usaping batas,
04:46bibigan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
04:50Huwag magdalawang isip.
04:52Ask me, ask Attorney Gaby.
05:02For more UN videos visit www.un.org

Recommended