Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Live na kuha po ito sa Vatican City kung saan is nasa gawa ang inaugural mass para kay Pope Leo XIV.
00:08Seremonya po ito na hudyat ng kanyang opisyal na pamumuno bilang leader ng Silbahang Katolika mahigit dalawang ligu matapos ang conclave.
00:17Ang iba pang detalye, yahatid namin maya maya lang.
00:22Magitahapot po, malubha ang lagay sa ospital ng isang lalaking biktima ng pamamaril sa Tondo, Maynila.
00:28Isang estudyante ang nadamay sa pamamaril, ang nahulikam na krimen sa pagtutok ni E.J. Gomez.
00:38Kuha ang CCTV na yan sa Laliana Street, Barangay 104, Tondo, Maynila, alas 10 ng umaga kahapon.
00:46Naglalaka ng isang lalaki at babae.
00:48Maya-maya, bumunot ng baril ang lalaki at pinaputoka ng lalaki na kaputing t-shirt na tinamaan sa tiyan.
00:55Muling nagpaputok ang gunman kasabay ng pagtakbo ng biktima at mga tao sa lugar.
01:01Agad umalis ang sospek at kasama niyang babae na napagalamang asawa niya.
01:06Sa investigasyon ng pulisya, hindi magkakilala ang gunman at biktima.
01:10Nagkaroon sila ng isang mainit na pagtatalo doon sa daan.
01:15According doon sa asawang babae, yung sospek, pagka uwinit nagulat na lang siya kasi galit na galit daw.
01:22Inaawat niya hanggang doon sa sinundan pa niya doon sa karsada, inaawat niya pero nagulat na lang siya nung bigla na lang nagpaputok talaga yung asawa niya.
01:30Tinamaan doon po yung lapay niya. Yung bitukan niya po pinutol po yung dumabas. Yung atay niya po tinamaan po.
01:36Saka may second operation pa po siya kasi may bala pa po.
01:39Nadamay sa pamamaril ang babaeng nakapulang t-shirt sa CCTV na tinamaan ng bala sa hita.
01:44Yung lalaki po na biktima is taga dito po residente po ng barangay 104. Tapos po yun naman po yung batang babae, estudyante po yun na nage-NSTP lang po dito sa barangay namin.
02:01Naaresto sa Kaloocan ang 44-anyos na sospek na driver sa City Hall.
02:06Naglalakad lang po siya. Naat-tempo po nung pagliku po nung motor ko doon po mismo. Doon po mismo siya pumuesto. Parang kinagalit niya po yung pagkakasenyas ko sa kanya na doon ako paparada.
02:17Nagkasagutan daw sila at pinagbantaan ng biktima.
02:21Babalikan niya daw po ako, papatayin niya daw po ako. Nakita ko sumusugod siya papunta sa amin. Kaya po sinalubong ko na siya, inunahan ko na siya. Pasensya na po sa damay, hindi ko po sinasadya.
02:32Tuloy po yung kaso mo. Nag-aaral po mga anak ko nyo.
02:35Sasampahan ng reklamong frustrated murder at physical injury ang sospek na nakadetain sa Rahabago Police Station sa Tondo, Maynila.
02:44Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
02:51Paalala po mga kapuso, imiinad pa rin ang election gun ban at isang nagpakilalang negosyante ang nahuli dahil sa paglabag dito nang magduda sa kanya ang mga polis sa checkpoint.
03:02Ang pag-aresto sa kanya, tinutuka ni Emil Sumangil, exclusive.
03:06Tumaan sa checkpoint ng PLP Highway Patrol Group ang pick-up na ito na agad pinatabi sa gilid ng mga polis.
03:15Ang dahilan...
03:16Nakitaan po ng unusual na galaw. Ito po nga driver po natin. Medyo hindi po siya kampante.
03:24At mula sa labas, nakita ng mga polis sa tabi ng driver's seat ang isang STI caliber .45 pistol.
03:29Baril, baril siya, baril.
03:31Mahal po yan. Itig po yan ay unlicensed or license po.
03:36Baba, baba, baba.
03:37Agad na inaresto ang driver ng sasakyan na nagpakilalang isang negosyante.
03:42Wala raw papeles ang baril at ang matindi. Election gun ban pa rin ngayon.
03:47Ang personal lang daw po ito at pang bahay.
03:49Pero again, hindi po ito uubra po sa atin.
03:52At ang gato pong dahilan ay hindi po makalasag po sa atin.
03:55Hindi pa nagbibigay ng panigang suspect na sakaling mapatunayang guilty,
03:59walo hanggang labing dalawang taong pagkabilanggo ang pwedeng parusa.
04:03Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil.
04:06Nakatutok 24 oras.
04:16Pagkatapos ng mga senador, sunod namang ipoproklama ng COMELEC
04:20ang mga nanalong party list group sa eleksyon 2025.
04:23Bukas ilalabas ang listahan at kung ilan ang nakalaang pwesto sa kanila sa kamera.
04:28Nakatutok si Darlene Kai.
04:33Nagsimula na ang COMELEC na padalhan ng imbitasyon
04:36ang mga ipoproklama ng party list group na nagwagi sa eleksyon 2025.
04:4063 party list representatives ang ipoproklama alas 3 ng hapon bukas.
04:44Pero bukas pa ilalabas ang COMELEC ang listahan ng party list groups
04:47at kung ilan ang nakalaang pwesto para sa kanila sa kamera.
04:50Sa ilalim ng party list system act, dapat 20% ng kabuang bilang ng miyembro ng kamera
04:56ay mga kinatawa ng party list groups.
04:58Ang mga party list na makakakuha ng 2% ng kabuang bilang ng mga boto
05:02ay bibigyan ng isang pwesto sa kamera.
05:05Madaragdaga ng bilang ng pwestong ibibigay kada partido, organisasyon o koalisyon
05:10kapag nakakuha sila ng mahigit sa 2% ng kabuang boto.
05:14Layo ng party list system na bigyan ang pagkakataon ng mga Pilipino
05:18mula sa marginalized at underrepresented sectors, organizations at parties
05:22na tumulong sa pagbuo at pagpapasa ng mga batas.
05:26Kaya sa susunod na eleksyon, hindi natatanggapin ng COMELEC
05:29ang party list groups na ipinangalan sa TV show o ayuda ng gobyerno.
05:33Na andyan na po kasi may mga pangalan na gamit yung mga sikat,
05:36may telenovela o kaya naman yung mga sikat na ayuda ng pamahalaan.
05:40Sa mga susunod pong pagpapa-accredit, hindi na po natin papayagan yan.
05:43Mas maganda po nakabakasi ang pangalan nila sa advokasya.
05:47Samantala, naniniwala ang COMELEC na sapat na ang random manual audit
05:51para i-check kung tugma ang bilang ng mga boto sa kada balota
05:54at sa Trinan Smith na election returns.
05:56Ang random manual audit ay ang random na pagpili ng ilang presinto
05:59para manumanong bilangin ng mga boto kada balota
06:02at ibangga ito sa election returns ang automated counting machine.
06:06Yan ay bilang tugon sa hinihiling ng kampo ni Pastor Apollo Kibuloy
06:10ng manual recount ng lahat ng boto para sa pagkasenador.
06:14Wala po kasi tayo, Sir Oli, na budget para dyan sa mga pagbibilang na ganyan.
06:17Kapag kasi nag-manual count, Sir Oli, sa isang automated election,
06:20hindi po siya full automation.
06:22Kung sa pagbibigyan po natin sila, sino po magbibilang?
06:24Saan bibilangin? Magkano ang budget? Saan kukuha nyo ng budget?
06:27Anong proseso? Anong prosedyon ng pagbilang?
06:30Geet ng Comelec, ipinapatupad lang nilang nakasaad sa batas
06:33at kung sakaling kailangan ng manual recount,
06:36dapat ay repasuhin ng election automation law.
06:39Para sa GMA Integrated News, Darlene Kain, nakatutok 24 oras.
06:44Kung si Vice President Sara Duterte handa raw harapin ang impeachment trial laban sa kanya
06:49at sinabi pa ang gusto niya raw ng bloodbath,
06:52ang ilan po mga senator-elect naman naniniwalang dapat manaiig
06:56ang pagpapakita ng matibay na ebidensya.
06:59Nakatutok si Jonathan Andal.
07:04Pagka-proklama kahapon kay re-election ni Sen. Aimee Marcos,
07:08sinabi niyang hindi muna siya magkokomento sa impeachment
07:11ng kaalyado niyang si Vice President Sara Duterte.
07:14Hanggang talagang magkaroon ng mga katibayan
07:18na makakapag-kumbensi sa atin, hindi naman maaaring magsalita.
07:22Pero sa isang pahayag sa social media,
07:24sinabi niyang panahon na para ibasura ang impeachment laban sa Vice.
07:28Sinabi raw kasi ni Navotas Representative Toby Tianko,
07:31campaign manager ng Alianza para sa Bagong Pilipinas ng administrasyon,
07:35na nasuhulan ang ilang kongresista,
07:37kaya nagpirmahan noon para ma-impeach si Duterte.
07:41Handa raw ang kapatid ng Pangulo na dumulog sa Korte Suprema
07:44tungkol dito kung may tetestigo.
07:46Sa panayam ng DZBB kay Tianko,
07:49sinisi niya ang impeachment,
07:50kaya natalo ang ilang kandidato ng Alianza,
07:53lalo na sa Mindanao.
08:16Kung sa Cebu ang...
08:18Ano bang ginawa na dun sa impeachment?
08:20Diba, nagsalita na yung mga in-interview na napilitan lang po kami
08:24kung yung mas impeachment kasi po iipitin yung pondo namin.
08:28Itinanggihan ng liderato ng Kamara.
08:30No one was coerced, no one was, how do you say it, asked to sign.
08:37You know, everybody signed the impeachment based on their own volition.
08:40Kinontra rin ni Deputy Majority Leader Judah Sidresi Tianko,
08:44nanalo nga raw sa eleksyon ang 100 sa 115 district representatives na pumirma sa impeachment,
08:52kasama ang 36 sa 44 na kongresistang mula Mindanao.
08:55Si Sagi Partilist Rep. at Sen. Elec Rodante Marculeta,
08:59natatayong Sen. Judge, sinabing mali ang basihan ng impeachment.
09:04Nakita ko kasi kung paano nila inilatag.
09:09Mali ang batayan, mali ang proseso.
09:11Pagtibatihan muna natin kung talagang kinakailangan matuloy o hindi.
09:15Hindi pumirma si Marculeta sa impeachment,
09:18maging ang dalawa pang Senators-elect na si Nalaspi niya sa Rep. Camille Villar
09:23at Act CIS Rep. Erwin Tulfo.
09:26Mahirap po kasi nagsisalita eh.
09:28Wala po ako nakikita ang dokumento eh.
09:31I mean, if we prepare pa, kaya huwag talagang hindi ako pumirma.
09:35So, this is the time sa Senate na makikita ko pareho, maririnig ko pareho,
09:40pareho mag-represent ang kanilang mga pieces of evidence.
09:43I would advise the prosecution team of the House to really present credible evidence.
09:50Ang ibang bagong proklamang Senador ayaw muna magkomento sa impeachment.
09:54No comment muna po ako dahil magiging impartial po kami kung magkakaroon po ako ng komento ukol dyan.
10:01Antayin po natin yung ebidensya.
10:03And then hindi ko rin alam, sinigurado yung kanga eh tako ng impeachment kung kaya na mag-official siya,
10:10kung ito ay mag-carry over ba o hindi.
10:12Pero si Vice President Duterte sinabi kahapon na gusto niyang matuloy ang paglilitis.
10:18Sinabihan ko na rin talaga sila. Really, I truly want the trial because I want a bloodbath talaga.
10:25Sagot ng isang kongresistang tatayong prosecutor sa impeachment.
10:29Hindi kailangan maging bloodbath dahil gusto natin malinaw lang ang pagkakalatag ng ebidensya.
10:35Labing-anim na boto ang kailangan para makonvick ang bise.
10:38Some naman para ma-acquit.
10:40Basis sa komposisyon ngayon ng mga tatayong Senator Judge,
10:44pito na ang markadong kaalyado ng mga Duterte.
10:47Obligasyon na lang namin na mailatag ng malinaw ang ebidensya
10:51para sakaling ang kanilang konsyensya,
10:55mababalansin nila sa kanilang isip na dapat nga ba makonvick o dapat ma-acquit.
11:00Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
11:07Bigo mang makuha ng alyansa ang clean sweep.
11:10Ika nga sa eleksyon 2025, kailangan magpatuloy sa trabaho kasunod ng eleksyon,
11:15ayon mismo kay Pangulong Bongbong Marcos.
11:18Nakatutok si JP Soriano.
11:20Pahayag ito ni Pangulong Bongbong Marcos sa party ng alyansa para sa Bagong Pilipinas.
11:36Kasunod yan ng resulta ng eleksyon kung saan kalahati o anim lang mula sa mga kandidato ng administrasyon
11:42ang nakapasok sa Senado.
11:44Kabilang sina re-elected Sen. Pia Cayetano at Lito Lapid
11:48at Sen.-elect Erwin Tulfo, Ping Lakson at Tito Soto.
11:53Kasama rin sa bilang si Sen.-elect Camille Villar
11:55na inendoroso rin noon ni Vice President Sara Duterte.
11:59Sa datos ng COMELEC,
12:01basis sa mga boto mula sa Mindanao,
12:03nakapasok sa top 12 ang labindalawang kandidatong suportado na mga Duterte.
12:08Ang campaign manager ng alyansa na sinaborta si T. Rep. Toby Tianko
12:13isinisi ang resulta ng eleksyon sa Mindanao
12:16sa paghahain ng impeachment daban kay Vice President Sara Duterte.
12:21Para naman kay Vice President Duterte,
12:24walang ibang dapat sisihin kundi ang Pangulo.
12:27Why do I think that the alyansa senators did not perform well?
12:31It's because of the president.
12:33The people find him wanting of his promises.
12:36And the people expect more from the president,
12:41particularly with regard to his work for our country.
12:46Sinusubukan pa namin makuna ng pahayag ang Malacan niyang kaugnay nito.
12:50Pero sabi ng Pangulo sa party ng alyansa,
12:53di na ito ang panahon para pag-usapan pa ang mga issue sa politika.
12:57It's time to put all of the issues that were raised during the election
13:03and only talk about not political issues but developmental issues,
13:09healthcare issues, education issues, agricultural issues, food supply issues, all of these things.
13:17Para sa GMA Integrated News, J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.
13:23J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.

Recommended