Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Malalim ang dahilan ni Pope Leo XIV sa pagpili ng kanyang pangalan. Ang papal name niya naging inspirasyon naman ng ilang magulang sa pagpangalan sa kanilang mga anak.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Malalim ang dahilan ni Pope Leo XIV sa pagpili ng kanyang pangalan.
00:05Ang papal name niya, naging inspirasyon naman ng ilang magulang sa pagpangalan sa kanilang mga anak.
00:11At nakatutok si Von Aquino.
00:17Abemus Papam, Leonem Decimum Quartum.
00:23Hari ng gubat, matapang at malakas, sumisimbolo sa pagiging pinuno.
00:29Yan ang ibig sabihin sa Latin ang pangalang Leo o Leon.
00:33Kaya hindi katakatakang popular ang pangalang ito sa mga lider ng simbahang katolika.
00:39Ang bagong santo papa na si Pope Leo XIV na istutukan ang pagdepensa sa dignidad ng tao,
00:45ustisya at paggawa.
00:48Isa ito ay niya sa mga dahilan kung bakit niya pinili ang pangalang Leo.
00:51Ang huling gumamit nito na si Pope Leo XIII ang may akda ng makasaysayang encyclical na Rerum Novarum
00:59bilang tugon sa mga tanong sa lipunan sa konteksto ng First Great Industrial Revolution.
01:05La Chiesa ofre a tutti il suo patrimonio di dottrina sociale per rispondere a un'altra revolusyon industriale
01:15e al sviluppi dell'intelligenza artificiale che comportano nuove sfide per la difesa della dignità umana, della giustizia e del lavoro.
01:26Ayon kay CBCP spokesperson Fr. Jerome Ceciliano, ang pagpapalit ng pangalan ng santo papa,
01:33hindi naman kabilang sa doktrina ng simbahan.
01:36Nakagawian daw ito noong Middle Ages, simula kay Pope John II.
01:40Ito ay parang karugtong noong nauna sa kanila.
01:45Ito ang magsishhape na kanilang papacy.
01:47Ito yung kanilang magiging basehan kung anong direksyon ang tatahaki nila.
01:50At ngayon, maraming magulang ang nais na ipangalan sa bagong santo papa ang kanilang supling.
01:58Nagle-labor daw si Maria Christy Pablo habang nagaganap ang conclave.
02:02Biglaan lang din po kasi yun.
02:05Bali-leve po talaga yung plano namin na second name.
02:10Ipinalitan po ng asawa ko kasi sakto po.
02:13Lumaki po na may takot sa Diyos, kapalapit sa kunginan po.
02:21Si Grace Diocado na islagyan ng Leo ang pangalan ng kanyang anak na isisilang sa Junyo.
02:26Kung sakaling girl, Leona or Leonor.
02:33And then kapag boy, simple as Leo lang.
02:37Para short, pag nagka-anak kami, maganda ipangalan dun sa kay Pope.
02:43Who has great faith with God.
02:45And somehow, gusto namin kapag lumaki yung mga anak namin, ganoon din.
02:50Kung sakali ang kanyang dalawang anak, katukayo na mga santo papa.
02:54Ang kanya kasing panganay na si Francis na isinilang noong 2013,
02:59ipinangalan niya kay Pope Francis na naging santo papa noong taong yun.
03:04Isang sign naman para kay Mary Grace Plangana ng pagdeklara kay Pope Leo XIV
03:08bilang bagong santo papa para pangalanan nilang Matthias Leo
03:13ang kanilang baby na isisilang na sa Agosto.
03:16Yung day na ano mo, pagdeklara ng bagong santo papa,
03:21talaga, dun kami nag-decide talaga na may Leo talaga yung pangalan niya.
03:27Gusto raw niyang lumaki na may takot sa Diyos at malasakit sa kapwa ang kanyang baby.
03:33Tulad niya at ng iba pang magulang,
03:35dasal nilang maging refleksyon sana ng pangalan na Leo
03:38ang buhay at karakter ng kanilang mga anak.
03:42Para sa GMA Integrated News, Von Aquino na Katutok, 24 Oras.

Recommended