Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Malacañang welcoming the "legitimate opposition" to the incoming 20th Congress, and conveying to push back against "obstructionists" were not meant to threaten any senator.

READ: https://mb.com.ph/2025/05/16/palace-we-are-not-threatening-any-senator

Subscribe to the Manila Bulletin Online channel! - https://www.youtube.com/TheManilaBulletin

Visit our website at http://mb.com.ph
Facebook: https://www.facebook.com/manilabulletin
Twitter: https://www.twitter.com/manila_bulletin
Instagram: https://instagram.com/manilabulletin
Tiktok: https://www.tiktok.com @manilabulletin-

#ManilaBulletinOnline
#ManilaBulletin
#LatestNews

Category

🗞
News
Transcript
00:00On another topic lang po, yung si Senator Bato de la Rosa, medyo nag-react po siya doon sa yung pag-welcome ng pala sa legitimate opposition,
00:09pero you know, parang lalabanan yung mga obstructionists.
00:12Ang sabi po ni Senator de la Rosa sa interview po namin ay yung hindi raw po aharang yung Duterte block sa mga programa at batas.
00:23Pero sana raw po, sabi niya, kung gusto nila ng magandang samahan, magandang cooperation, do not start with warning or threatening the Senators.
00:32With all due respect to Senator Bato de la Rosa, Bato-Bato sa langit, ang tamaan ay huwag magalit.
00:39Unang-una po, wala tayong pinangangalanan kung sino man. Ito po ay pangkalahatan.
00:44Ang nais po natin sa taong bayan ay huwag maging obstructionists para magtuloy-tuloy po ang mga gandang proyekto at programa ng Pangulo at ng administrasyon.
00:52Wala po tayong tinireten. Wala po tayong tinireten na Senador.
00:57Sana po ito ay napakinggan man lang sana niya.
01:01Yung mga words na aking nasabi para siguro po maiiba ang kanyang impresyon at ang kanyang tugon kung nadinig niya yung buo kong sinabi.
01:09Ang sabi natin, ang mga lehitimong oppositionists ay welcome dahil kailangan po yan sa isang demokratikong bayan.
01:17Ang atin lamang hahadlangan ay yung mga obstructionists na walang ginawa kundi manira.
01:25At kahit maganda ang proyekto ay hahadlangan.
01:29At hindi po yan magiging maganda para sa bansa at para sa taong bayan.
01:33Yusek, speaking of opposition o yung pagkakahati-hati po dito sa slate na mga presumptive na mga Senators,
01:48sa inyo pong perspektibo, ilan po ba talaga mula sa Alianza ang nakapasok sa top 12
01:55at ano po ang magiging implikasyon nito sa Presidential Legislative Agenda ni Pangulong Bongbong Marcos?
02:02Sa ngayon po, ang bilang po ay 6 ang nakapasok.
02:06Pero tapos na po ang eleksyon, nagsalita na rin po ang taong bayan.
02:11Sa paningin po ng Pangulo, wala na pong Alianza, wala pong PDP, walang anumang kulay ng politika.
02:19Dapat lahat po na nahalal ay magkaisa-isa, magkaroon po ng kooperasyon.
02:25Ito naman po ay para sa taong bayan.
02:27Huwag naman po na sana laging politika ang pinag-uusapan at hindi po tayo makakakilos at makakausad
02:33kung puro pamumulitika at pang-iintriga ang gagawin natin sa pamahalaan.
02:39At dahil ma'am, wala na pong mga linya o wala na pong Alianza, wala ng PDP and all,
02:45ano po ang implikasyon nito sa Presidential Legislative Agenda?
02:49Of course, mas nanaisim po ng ating Pangulo na kung ano man po yung maganda niyang proyekto
02:55ay sangayunan ng mga mambabatas para po hindi tayo mahirapan sa pagkuhan ng budget
03:01para po sa taong bayan.
03:03Hindi po ahadlang din ang Pangulo kung ano man po ang kanilang mga sugestyon,
03:09kung ito man ay hindi naaayon sa programa ng Pangulo,
03:11kung ito naman po ay may valid reason, ito naman po ay pakikinggan ng Pangulo.
03:16Pero sana po kung ano man po yung hiling ng Pangulo at ng administrasyon para sa taong bayan,
03:21huwag naman po sana nilang hadlangan dahil lamang sa politika.

Recommended