Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00I diniklarang null and void ng Court of Appeals ang desisyon noong 2023 ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204
00:08na nag-abswelto kay dating Sen. Laila Dilima sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.
00:13Ibinabalik din ng CIA ang kaso sa Muntinlupa RTC.
00:17Sabi naman ni Dilima, hindi nangangahulugan ang CIA desisyon na wala ng visa ang kanyang akwital.
00:23Balit ang hatid ni Darlene Kai.
00:30May 2023 nang maakwit ng Muntinlupa RTC Branch 204 si dating Sen. Laila Dilima sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act,
00:47kaugnay sa kalakalan umano ng droga sa bilibid.
00:50Ang akusasyon noon kay Dilima, tumanggap umano ng 10 milyong piso ang nooy Justice Secretary mula sa drug trade noong 2012 para sa kanyang senatorial campaign.
00:59Isa si dating Bureau of Corrections OYC Rafael Ragus sa mga nagdala umano ng pera sa bahay ni Dilima sa Paranaque.
01:06Pero kalaunan, binawi ni Ragus ang kanyang testimonya at sinabing tinakot lang daw siya.
01:11Sa desisyon ng Muntinlupa RTC Branch 204, lumikha ng reasonable doubt ang pagbawing ito ni Ragus.
01:17Kaya napawalang sala si Dilima at kanyang aid na si Ronnie Dayan.
01:20May I say this to my own press words?
01:23Pinagtibay ng RTC ang desisyon Hulyo ng taong yun.
01:30Ang Solicitor General, naghain ang Petition for Certiorary sa Court of Appeals noong September 2023.
01:36Ngayon, lumabas na ang desisyon ng CA 8th Division.
01:40Iniutos na ibalik ang kaso sa Muntinlupa RTC Branch 204.
01:44Sa desisyon ng CA, sinabing ang tanging basihan lang ng pag-abswelto kay Dilima ay ang pagbawi ng testimonya ni Ragus.
01:52Pero, wala raw detalyadong diskusyon tungkol sa mga pahayag na binawi ni Ragus.
01:56Kaya mahirap daw intindihin ang rason sa naging desisyon ng Korte.
02:00Bigo raw ang Korte na sabihin kung alin sa mga pahayag ni Ragus ang binawi,
02:05kung ano ang epekto ng mga binawing pahayag sa mga nailatag na ng prosekusyon,
02:09at kung anong bahagi ng krimen ang hindi napatunayan.
02:12Sabi pa sa ruling ng Korte na hindi raw ito maituturing na double jeopardy,
02:16dahil ang pagpapawalang sala kay Dilima ay hindi valid sa umpisa pa lang.
02:21Sa isang pahayag, tinawag ni Dilima na katakataka ang desisyon.
02:25Lahat ng tanong ng CA makikitaan niya sa records ng kaso.
02:29Gayunman, aapila sila sa CA at sa Korte Suprema kung kinakailangan.
02:33At dahil appealable paan niya ang desisyon ng CA,
02:36hindi rin daw nangangahulugan na wala ng visa ang kanyang acquittal sa RTC.
02:40Nilinaw ni Dilima, hindi raw ni-reverse o binaligtad ang kanyang pag-abswelto.
02:44Kung hindi, pinapaayos lang ang laman ng desisyon na sa kanilang palagay ay
02:47hindi na kailangan dahil maliwanag ang desisyon ng RTC.
02:51Darlene Kai, nagbabalita para sa GMA Integrated News.