Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
National Heritage Month

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00At Pagdiriwang po ng National Heritage Month ngayong buwan ng Mayo,
00:03ating pong binibigyang pansin ng halaga ng ating mga pamana at kultura
00:07na nagsisilbing gabay at lakas ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
00:12Ang buwang ito po rin po ay nagsisilbing paalala sa ating na protektahan
00:15at ipamanang ating mga tradisyon at kasaysayan sa mga susunod na henerasyon.
00:19At upang magbigay ng malawak na kalaman, patungkol dyan ay makakapanayin po natin si Aljon Conciliado,
00:24ang history researcher mula sa Historic Preservation Division ng National Historical Commission of the Philippines.
00:31Sir, magandang umaga po at welcome sa Rise and Shine Pilipinas.
00:33Magandang umaga po at magandang umaga sa lahat ng ating viewers ngayong umaga dito sa Rise and Shine Pilipinas.
00:40Alright, Aljon, good morning. Bakit ba makalaga na ipagdiwang natin itong National Heritage Month?
00:45So, every May po, ito yung itinatakda na ating pamahalaan na ipagdiwang ang ating mga pamana
00:52at ang tema natin ngayon ay preserving legacies, building futures, empowering communities through heritage.
01:01Kung saan nakatutok ang pamahalaan sa pag-i-empower sa ating mga komunidad
01:06upang i-appreciate from the grassroots level yung kanilang iba't ibang uri ng pamana.
01:12At napakahalaga na ipagdiwang natin ito at least isang buwan sa isang taon
01:17para ma-i-connect natin na mailapit natin ng ating mga sarili sa ating pagkakakilanlan
01:23at kung ano yung mga bumubuo sa ating community na mga uri ng pamana.
01:30Well, Sir, bilang isang history researcher, paano nyo po tinutukoy o pinipili yung mga lugar
01:38o bagay o dokumento na dapat mapreserva bilang bahagi ng kasaysayan
01:44o pamana natin sa susunod na heneresyon?
01:47Ayan po.
01:48Sa pagtingin po natin sa heritage law,
01:51nakadistribute po sa iba't ibang cultural agencies
01:54yung mandato ng pagka-preserve, pangangalaga sa ating mga pamana
01:59at sa amin, sa National Historical Commission,
02:02ay nakatakda kami o nakatoon kami sa built heritage
02:07o mga itinayong pamana na isa sa aming mga pinangangalagaan.
02:12So, sa aking tabaho bilang history researcher,
02:15tungkulin kong maghanap ng data, na historical data,
02:19upang bigyan ng emphasis yung kahalagahang pangkasaysayan
02:23ng isang itinayong pamana.
02:25Likewise, ganun din yung aming ginagawa
02:30pagdating sa mga movable o nagagalaw na pamana
02:34na isawin sa mga hinahandle ng aming ahensya.
02:37Ngunit, ang pinakabataya namin na ginagamit
02:41o tinitignan dito ay yung pagiging historical.
02:44So, kung may data na available,
02:46may nakita kami mga lumang dokumento,
02:49mga datos na maaawing magbigay sa amin ng provenance
02:52o ng pinanggalingan ng nasabing built heritage,
02:56ito yung aming ginagamit na basis upang masuyuin pa
03:00yung katotohanan sa mga built heritage na ito.
03:04At napak-importante din sa amin na maputahan yung site or structure
03:07para ma-examine namin ito on a material basis
03:10at mahalaga din makipag-usap kami sa local community
03:13para makita din natin yung kanilang viewpoint
03:16o yung kanilang pagtingin sa kahalagahan ng built heritage na ito.
03:19Regarding that, Aljon,
03:20so paano pinangalagaan ng NHCP itong mga makasaysayang lugar,
03:25ganun yung mga bagay na bahagi ng pambansang pamana,
03:27and how can the members of the local communities
03:29also help in preserving that?
03:32Meron po kaming dalawang paraan.
03:34Paano namin ginagawa yung mandato na yan sa amin ng batas.
03:39Una, ito po yung regulation.
03:41So, sa usapin po ng regulation,
03:43kami po ay isa sa mga main implementers
03:45o tagapagpatupad ng National Heritage Act.
03:49Ako po mismo, isa sa staff na nag-ahandle
03:53ng mga tinatawag po nating heritage issues.
03:55Kung may balak pong galawin, baguhin, idagdag,
03:59or i-improve sa ating mga built heritage,
04:02particular na yung mga 50 years old pataas,
04:05at yung mga nalagyan natin ng panandang pangkasaysayan
04:07or historical marker.
04:09Ito ay kinakailangang ipaalam sa NHCP
04:12at nang magabayan namin ng maayos
04:14yung mga gagawing proyekto na ito.
04:17Sa isang banda, kami rin po ay binigyan ng pamahalaan,
04:21ng mandato, ano,
04:22na mag-conduct o manguna sa mga restoration
04:27at conservation ng ating mga pamana,
04:29built or movable.
04:31So, kami ay nagkakaroon ng budget para mag-embark sa mga restoration projects,
04:37particular na doon sa mga ginagamit talaga ng community.
04:40Well, sir, pag-usapan po natin yung susunod na henerasyon
04:43o yung mga kabataan, ano,
04:45marami akong napapansin,
04:46medyo fascinated sila sa ibang kultura,
04:49lalo na sa Western culture,
04:50sa mga Koreano, no,
04:52na minsan nalilimutan na yung sa atin naman,
04:56na yung natural nating kasaysayan.
04:57Sa tanin niyo po ba,
04:58sapat po ba yung kamalayan ng mga nakababatang mga Pilipino
05:01sa kahalagahan ng ating kasaysayan?
05:04Sa ilang taon ko din pagkatrabaho sa NHCP,
05:08nakikita ko slowly na nagiging mas receptive
05:13ang ating younger generation sa ating sariling mga pamana.
05:17Ito ay nakikita namin sa social media
05:19na sila ay mas nagiging engaged,
05:22sila ay mas nagiging interested,
05:24pero we also have to face the reality
05:27na hindi pa talaga siya ganun ka-widespread
05:29at mas appreciative pa talaga sila sa foreign culture.
05:32So, dito namin nakikita yung opportunity na pumasok, no,
05:35at itap yung ating napaka-immense potential, ano,
05:38para talaga gawing popular
05:41at gawing mainstream ang ating Philippine heritage.
05:44Okay, so what are the means, ano,
05:46to mainstream that
05:47at mapalalim pa yung kamalayan ng mga Pilipino
05:49especially the young ones?
05:50Ayan, sa NHCP po,
05:52kami din po ay may mandatong magsagawa
05:54ng mga public programs, ano,
05:56at talagang hindi lang ito buwan-buwan,
05:59kundi halos linggo-linggo,
06:00meron kami mga public programs, workshops
06:02na nakakater sa mga community,
06:05particular na yung mga walang access, no,
06:07sa mga ways and means ng conservation.
06:10Ito ay isa sa mga paraan namin
06:12para mas mailapit yung ating
06:14Philippine heritage sa ating mga kababayan.
06:17Well, sir, bilang panghuli,
06:19ang inyong mensahe sa ating mga kabataan?
06:22Mensahe namin sa mga kabataan,
06:24mensahe ko personally, no,
06:25at lalo na bilang kinatawa ng NHCP,
06:28na huwag nating kalimutan
06:30na napaka-importante ng ating pamana
06:32at itong ating pamana
06:34ay nagbibigay sa atin ng identity
06:36at nag-tutukoy, no,
06:39o mas nagpapalalim sa ating pagkapilipino.
06:41So, sa pamamagitan ng pagmamahal
06:43natin sa ating built heritage
06:45ay mas iniyayakap natin
06:47ang ating pagiging Pilipino.
06:48Well, dagdag ko lang, sir, no,
06:50well, kasi kailangan, no,
06:51para maging interesado yung mga kabataan,
06:53eh, medyo effective
06:55na makuha mo yung atensyon nila
06:57na interesting itong kultura natin,
07:01itong history natin.
07:02Paano ginagawa ng NHCP?
07:04Ayun nga po,
07:05gaya ng nabanggit ko kanina,
07:07siguro plug ko na lang po dito, no.
07:09Meron po kaming hinandang programa
07:11para po sa ating mga kabataan
07:12this coming heritage month.
07:15Hindi pa po namin madidisclose
07:16ang buo dahil dipopost namin siya
07:18this week, pero
07:19ang clue po ay
07:20may uugnay natin ito
07:22sa napakapabawitong hobby
07:23ng mga kabataan ngayon
07:24na yan ay mag-take ng pictures
07:26ng ating mga built heritage.
07:30So, this is our way
07:31to encourage our young ones
07:33to engage more with built heritage
07:35and maging katuwang din namin
07:37sa pagkupulis
07:38at pagbabad tayo
07:39ng ating mga tinoyong pamay.
07:40Okay, ano pa yung mga iba
07:41niyong activities
07:42na papawede nang i-announce
07:43sa public
07:44na regarding the celebration?
07:46So far,
07:47meron po kami ngayon
07:48nakaamba, no,
07:49this May din
07:50ang ating celebration
07:51ng ating Flag Day
07:52na isang form din po
07:53ng ating heritage
07:54kung saan may mga ilang araw tayo
07:56na ipagdiriwang din natin
07:57yung kahalagahan
07:58ng ating bandila
07:59at dito ini-encourage namin
08:01ng mga Pilipino,
08:02lalo ng mga kabataan,
08:04na maglagay ng mga bandila
08:05sa mga lugar,
08:06prominenteng lugar
08:07upang mas maipahayag natin
08:09ang ating pagmamahal
08:10sa pinaka-importanting simbolo
08:12ng ating pagka-Pilipino.
08:13Well, maraming salamat po
08:15sa pagbibigay oras
08:16dito sa amin
08:17sa Rise and Shine Pilipinas
08:18at kaisapin
08:18punin niyo kami
08:19sa celebration
08:20ng National Heritage Month
08:21si Mr. Aljun Consiliado,
08:23history researcher
08:24mula po sa
08:24Historic Preservation Division
08:25ng National Historical Commission
08:27of the Philippines
08:27o NHCP.
08:28Thank you, Aljun.
08:29Maraming salamat po.
08:30Maraming salamat po.
08:30Maraming salamat po.
08:31Maraming salamat po.

Recommended