Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Ilang nangunguna sa botohan sa Misamis Oriental, nasa canvassing area na.


The GMA Integrated News' 32-hour special coverage for #Eleksyon2025. 

Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!


WATCH: https://youtu.be/r3TGnPhyU5Y

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Dumako tayo sa bayan ng El Salvador sa Misamis Oriental.
00:04Maguulat si James Paolo Yap ng GMA Regional TV.
00:07James, kumusta ang bilangan dyan?
00:14Oo, matapos na ng halos limang oras na bilangan ng boto dito sa El Salvador City,
00:20natapos na ang pag-transmit ng mga election returns papunta dito sa City Board of Canvassers.
00:27Natagalan pa bago ito makumpleto dahil hinintay pang makapag-transmit ng election returns
00:32ang isang presinto sa barangay Cogon sa El Salvador City.
00:35Ginawa na lang na manual uploading ng election returns dito sa canvassing area.
00:40Dumating na din sa canvassing area ang mga kandidato na nangunguna sa bilangan
00:45gaya ni re-electionist Mayor Edgar Lignes na may mahigit 23,000 votes
00:49at ang running mate ito na si incoming Vice Mayor Agripino Estrada
00:55na nakakuha ng mahigit 30,000 votes.
00:57Present din ang walong mga konsihal.
01:00Hinihintay na lang na matapos ang pag-imprinta ng mga Certificate of Canvass
01:05upang tuluyan na silang maproclama na panalo sa election 2025.
01:10Namunang latest mula rito sa El Salvador City sa Misamis Oriental,
01:14ako si James Paolo Yap ng GMA Integrated News.
01:17Dapat totoo para sa election 2025.
01:19James, curious lang ako din sa mga taong nasa likod mo,
01:22mga nakaupo na ito ba yung mga naglingkod ng buong araw dyan sa eleksyon?
01:26Opo, tama. Sila yung mga taga-suporta.
01:34At ang iba dito sa kanin, nagsilbing electoral boards na nagsasauli pa
01:40ng mga sobrang balota dito sa canvassing area.
01:45At handa na, handang-handa na ang mga taga-suporta ng namungulang kandidato
01:49at hinihintay na lang talaga na matapos ang Certificate of Canvass and Proclamation
01:55para opisyal na silang maiproclama na panalo sa eleksyon.
02:00Yan James, ano, yung mga bayani natin ngayong eleksyon,
02:03gumising ng alas 3, alas 4 na madaling araw hanggang ngayon,
02:06gising pa para magsoli at masecure yung mga gamit na ginamit ng buong eleksyon.
02:10Maraming salamat sa iyo, James Paolo Yap ng GMA Regional TV.

Recommended