Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Botante sa Makati, nagreklamo na may shade na raw ang party-list sa kanyang balota.


Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025: https://ow.ly/HHki50VQFxi

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Atom sa kagustuhang makaboto, isang lolo ang sinakay sa ambulansya mula Kabuyaw, Laguna, papunta rito sa Nemesio Yabut Elementary School sa Makati.
00:11Pansamantalang nananatili si lolo Edelberto Lavinia, 72 years old at may cancer, sa anak niya sa Laguna para may mag-alaga sa kanya, pero matagal na raw siyang botante ng Makati.
00:22Marami sa mga dumating para makaboto sa special voting hours, dumaraan muna sa voters' assistant desk ng Barangay Pinagkaisahan at Barangay Guadalupe Nuevo.
00:33Pero may mga nagkakalang di sila kasama sa list of voters dahil wala raw ang pangalan nila sa dati nilang presinto, pero nabago lang pala ang kanilang precinct number ngayon.
00:43Dahil may mga nalagay sa mga presinto sa second floor hanggang fourth floor, binababa na lang ang kanilang balota sa ground floor kung nasaan ang priority polling place.
00:54Isang botante naman ng Barangay Guadalupe Nuevo nagreklamo na pre-shaded na raw ang balota niya sa party list.
01:02Ayon kay Elisa Repas, pagka-shade niya ng gusto niyang party list, sa kanya napansin may nakashade ng ibang party list sa balota niya.
01:09Over vote ang lumabas nang pinasa ng makina ang kanyang boto.
01:14Nireklamo raw niya ito sa Board of Election Inspectors.
01:18Pero ayon sa chairperson ng BEI, chinect down niya ang balota at wala raw itong marka sa front at sa likod ng balota.
01:26Narito ang kanilang pahayang.
01:29Nung chinect ko ng ganyan, nakita ko may isang shade yung isang ano doon, isang party list na Bicol Saro.
01:37So, ngayon nag-complain ako doon sa desk, nung mga ano doon, nang mga nando doon sa table.
01:46Ang sabi niya sa akin, party list lang naman po yan.
01:50Actually, pagbigay ko sa kanya, dahil senior, di ba, nauuna silang bumoto, wala naman lahat eh.
01:58Mag-check niyo po?
01:58Yes, chinecheck ko naman din, kasi pumipirma ako eh.
02:01So, chinecheck ko front and back.
02:04Wala malinis lahat.
02:05Kaya nagtataka ako, imposible po, kasi kaka-open ko lang.
02:09Anong oras pa lang yun, wala pang 6 o'clock.
02:16Atom, nag-abot na sa ngayon, yung mga senior citizen, PWD, at mga puntis,
02:22at pati na rin yung mga regular voters dito sa Nemesio Yabut Elementary School.
02:27Pero organized naman dahil magkahiwala yung voters' assistance desk
02:31ng Barangay Pinagkaisahan at Barangay Guadalupe Nuevo.
02:35Sa katunayan, kung aakit ka, magkakapareho naman ang floor yung presinto ng dalawang barangay,
02:40pero may harang sa gitna ng koridor, kaya hindi pwedeng tumawid sa kabilang barangay.
02:46So yan ang latest mula rito, mula sa Makati City.
02:50Ako po, si Tina Panganiban-Perez ng GMA Integrated News.
02:54Dapat totoo para sa eleksyon 2025.
02:58Tina, nakababahala yung iyong binalita kanina.
03:01Ano yung naging resolusyon doon?
03:03Naspoil ba yung balot noong senior citizen?
03:09Ang tinanggap naman yung balota niya,
03:11pero yun nga doon sa posisyon ng party list, over vote, ang nag-register sa machine.
03:17So nangihinayang siyempre yung votante dahil meron siyang preferred party list.
03:22Pero hindi yun ang lumabas sa voto niya dahil dalawa nga ang nakashade na bilog
03:29doon sa posisyon ng party list sa kanyang balota at home.
03:34Sige, abangan natin kung may mga iba pang mga kaso na ganyan
03:37para makita natin kung ito ay isolated incident at dapat din i-report sa COMELEC.
03:43Maraming salamat, Tina Panganiban-Perez.

Recommended