Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
The GMA Integrated News' 32-hour special coverage for #Eleksyon2025. 

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news.

Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews

Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/

Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Isa po sa mga haharapin ng mga mananalong kandidato ay ang problema sa mga kalamidad sa bansa.
00:06Taon-taon po kasi maraming sakuna ang nagaganap, kabilang na po ang mga bagyo, at hindi na nawawala ang banta ng The Big One.
00:15Kaya ba yan na iboboto mong kandidato? Narito ang Special Report.
00:22Sa isang bansang gaya ng Pilipinas na madalas namaan ng bagyo, lindol at iba pang sakuna,
00:27mahalaga ang disaster preparedness.
00:31Pero ngayong panahon na eleksyon, isang tanong ang bumabangon.
00:35Handa rin ba tayong pumili ng mga leader na may kakayahang humarap sa mga sakuna?
00:40Yung titirahan ng mga tao, asam mo sila titira?
00:43Kailangan talaga ng mga mamayan na ang gobyerno ay kikilos din sa ganitong gawain.
00:48Hindi naman puro ayuda, kailangan po hindi kami matulong kasi nasa support area po kami.
00:53Kalamidad at eleksyon, dalawang mukha ng paghahanda.
00:57Ang mga residente rito, hirap iwan ang kanilang tahanan dahil sa pangamba na walang malipatan.
01:08Mga kamagaan ako sa Pampanga, gustong umuwi na talaga ako.
01:12Hindi naman basta-basta ipupunta ang kakagad ng makipira sa mga kamagaan ako na ano diba.
01:22Ano nga ba ang the big one?
01:24Hindi siya scientific term.
01:28Ginagamit siya to describe a large magnitude earthquake.
01:31Meron ding big one sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.
01:34But for the context of the Philippine setting, nire-relate natin yung big one sa movement ng West Valley Fault dito sa Metro Manila.
01:44Ang West Valley Fault ay may habang isandaang kilometro na dumadaan sa Bulacan, Rizal, silang ang bahagi ng Metro Manila at Laguna.
01:52Inaasang ahabos sa magnitude 8 ang mararamdaman natin kung gumalaw ito.
01:56Iyan yung intensity ng lindol na naramdaman ng mga kababayan natin during the 1990 Luzon earthquake.
02:05Halos tatlong dekada na naninirahan dito si Nanay Gloria.
02:09Mga locals housing ito dati.
02:11Over the years, hindi pa naman agad-agad lumabas yung fault line.
02:16Gusto na naman anak ko na ibenta na namin itong bahay.
02:20Ang hirap naman magbenta.
02:22Sinubukan niya raw noon na ilapit ito sa kinaukulan.
02:24Wala. Useless lang anak. Wala tayong sa government natin.
02:32Kasama ito sa active fault line na tinatawag, Marquina Fault Line.
02:36Nilagyan namin ganitong signage para alam ng mga residente dito na ito ay active fault line.
02:41Tumira kami dito, wala pa yan. Napansin lang namin yan, mga nasa 2,000.
02:47Itong daan na ito, dati, hindi yan ganyan. Nakita mo yung pagbaba talaga.
02:50Sa bahay naman na ito, kita mismo sa loob ng bahay ang pag-angat ng lupa.
02:54Ito yung lutoan namin. Pumangat na kasi itong sahig dahil sa fault line.
03:00Wala eh. Walang kayang pang-upa.
03:02Kasi yung trabaho pa, sulpot-sulpot lang.
03:05Yung nakita niyong mga cracks, ay hindi pa yan cause ng West Valley Fault na movement.
03:13Nandun yung fault, pero dahil nauubos yung groundwater sa ilalim ng lupa,
03:17bumabagsak yung mga lupa doon at bumabagsak siya along these West Valley Faults.
03:24Naabutan namin ang inspeksyon ng Disaster Risk Reduction Team sa ilang mga kabahayan dito.
03:29May kita naman po, meron po inilagay si PVOX na mga device nila na makakapagdetect once po na gumagalaw po yung lupa.
03:36Nilalakad na po namin na malagyan po ng mga CCTV cameras and yung alarms po na once po na gumalo po ang lupa, patutunogin po namin yun.
03:46Ang Japan ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire tulad ng Pilipinas.
03:52Ang kalimang gusali ay dinisenyo para sumayaw o gumalaw kasabay ng lindol para hindi ito madaling gumuho.
03:58May regular earthquake drills at bawat bahay.
04:02May earthquake emergency kits.
04:03Sa California naman, lalo na sa paligid ng San Andreas Fault, mga gusali, may early warning system at strict zoning laws.
04:12Kaya bawal ang pagtira sa mga lugar na nasa ibabaw ng fault line.
04:17Samantala sa New Zealand na tinamaan ng malakas na lindol noong 2011, mabilis na kumilos ang gobyerno at komunidad.
04:24Maraming lumang gusali ang giniba at itinayo muli gamit ang earthquake resistant designs.
04:31Sa Pilipinas, lalo na sa mga lugar na dinaraanan ng fault line, may batas gaya ng building code at mga babala mula sa fee box.
04:41Pero sapat ba ito para maging ligtas sakaling yung manig ang lupa?
04:45Kung yung building natin ay sumusunod sa building code, dapat at intensity 8 ay hindi pa siya babagsak.
04:54Pero alam natin, dito sa Metro Manila ay maraming mga buildings na itinayo ng walang building permit.
05:01So baka during ang intensity 8 ay isa sila sa mga magkakaroon ng damage.
05:06Sa Quezon City, nagtatagpo ang East and West Valley Fault.
05:10Pinapaalam namin sa kanila na nandito mismo po yung fault line.
05:14Dapat kapag nakita nila na may marker, hindi na dapat nagtatayo ng mga tinatawag natin na mga structural building.
05:232017, nang ilagay ang fault line markers pero tila hindi malinaw sa ilan kung ano ang simbolo nito.
05:30Yung marker dyan sa may gate na yan, hindi yan ang tinuro sa amin.
05:34Nung wala pa po dito, naka-marker na yan, isa daw yung sa marker ng fault line.
05:39Nagkataon lang bago po tayo naglagay ng marker, nandiyan na po kasi yung mga kabahayan.
05:45Pero itong mga kabahayan na ito, pinapaliwanagan namin ako maaari lumikas na.
05:50Apat sa sampung pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ay tumama sa Pilipinas.
05:54Inulunsa ng mga eksperto mula sa Universidad ng Pilipinas ang Project NOAA
05:58o ang Nationwide Operational Assessment of Hazards website, isang flood forecasting system.
06:06Samantala, sa pamamagitan ng few box fault finder, matutulungan ang mga mamamayan
06:10na matukoy kung gaano kalapit ang isang lokasyon sa mga active port sa bansa.
06:16Meron din silang web application na tila one-stop shop for hazard assessment.
06:20Sa panahon ng sakuna, kailangan natin ang leader na hindi lang nandyan sa umpisa.
06:25At sa panahon na eleksyon, nasa atin ang kapangyariang pumili ng ganitong klase ng pinuno.
06:29Tandaan, ang pagboto ay hindi lang karapatan.
06:33Ito'y responsibilidad.

Recommended