Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Vice Ganda, ibinahagi ang bonding nila ni Nanay Rosario.

Stream it on demand and watch the full episode on http://iwanttfc.com or download the iWantTFC app via Google Play or the App Store.

Watch more It's Showtime videos, click the link below:

Highlights: https://www.youtube.com/playlist?list=PLPcB0_P-Zlj4WT_t4yerH6b3RSkbDlLNr
Kapamilya Online Live: https://www.youtube.com/playlist?list=PLPcB0_P-Zlj4pckMcQkqVzN2aOPqU7R1_

Available for Free, Premium and Standard Subscribers in the Philippines.

Available for Premium and Standard Subcribers Outside PH.

Subscribe to ABS-CBN Entertainment channel! - http://bit.ly/ABS-CBNEntertainment

Watch the full episodes of It’s Showtime on iWantTFC:
http://bit.ly/ItsShowtime-iWantTFC

Visit our official websites!
https://www.abs-cbn.com/entertainment

Facebook: http://www.facebook.com/ABSCBNnetwork
Twitter: https://twitter.com/ABSCBN
Instagram: http://instagram.com/abscbn

#itsshowtime
#MamaMoShowtime
#ABSCBNEntertainment

Category

📺
TV
Transcript
00:00Yung nanay ko talaga, ano, malinis sa bahay.
00:04Yun ang pinakagusto ko sa nanay ko.
00:06Malinis siya sa bahay.
00:07Kaya lumaki kaming lahat na malinis sa bahay.
00:09Lumaki kaming lahat na marunong maglaba, marunong mamalansya.
00:13Kasi ayaw ng nanay ko nang namamaho ang mga damit.
00:16Yun ang pinakagusto ko sa nanay ko talaga.
00:18Ang galing-galing mamalansya, ang galing-galing maglaba.
00:21Tapos, masinop sa, ayaw niya ng marumi yung lamesa,
00:24ayaw niya ng marumi yung lababo.
00:28Kaya lahat kami, bata pa lang kami, obligado kami na
00:31kailangan marunong kami maghihugas ng mga pinggan,
00:33maglinis ng mga lamesa namin.
00:35Hindi kami lumaking umaasa.
00:37Kasi lahat kami inobliga na dapat marunong kami maglinis,
00:42mag-imis ng mga sarili naming pinaggamitang mga espasyo.
00:46Yun ang pinakagusto ko sa nanay ko.
00:47Pero ang pinaka-imberna naman ako sa madir ko,
00:50ang talak!
00:52O kasi OC siya eh.
00:55Kanyan yung mga narinaman.
00:56Ang talak!
00:58Dahil gusto niyo malinis,
01:00konting gibot, may magulo lang sa encyclopedia.
01:02Kasi encyclopedia namin, pantay-pantay yan.
01:04Ayos na ayos!
01:05So pag, hindi yung nanay, yung lola ko kasi,
01:08wala kami, hindi naman kami mayaman,
01:10pero yun ang mga pinag-investan ng lola ko.
01:13Yes!
01:14Encyclopedia.
01:15May ano yung encyclopedia?
01:16Naks!
01:16Alam mo na po nang run!
01:18Kasi ganyan, di ba, computer na sila,
01:19tapos search na lang sila.
01:21Wikipedia,
01:22Wikipedia,
01:23Safari,
01:24Kumpleto yung sa inyo?
01:25Kumpleto?
01:26Kumpleto.
01:26Wat ito ano?
01:27Britannica kami.
01:29Britannica.
01:30Talang ilang volumes ng Britannica.
01:32Kasi di ba, ina-upgrade yun.
01:33So, nakahelerang gano'n yun.
01:35So, pag yun may bumagsak sa gilid,
01:38sino nag-aaral dito?
01:40Hindi ka tanggap-tanggap.
01:41Inabalik na maayos.
01:43Mabalik mo nang maayos yung libro,
01:44hindi siyang babagsak.
01:46So, nakahelerang lahat ng volumes,
01:48para hindi bumagsak,
01:49lalagyan ng figurin yun sa dalawang dung.
01:51Yes.
01:51Pabigat yung pinu.
01:52Pang-ibit.
01:53Yung angel,
01:54o kaya,
01:55yung bulaklak na kinuha niya sa kasal.
01:57Yung bulaklak na kinuha sa kasal,
01:59nilalagay niya yun sa ano,
02:00sa garapon,
02:01tapos sinisil niya yun.
02:03Yung tinang dahilan kung bakit
02:04ang dami langgam sa mga libro namin.
02:06Dahil sa mga icing na mga bulaklak yung mga,
02:09di ba?
02:10Yes, yes.
02:10Di ba, kinigive away yun binis.
02:11Yes.
02:12May ribbon yun.
02:13Tapos, matalak.
02:15Matalak talaga siya.
02:16Yung pag na-imburn na siya,
02:18talaga maingay siya.
02:20Oo.
02:21Ngaw, ngaw, ngaw, ngaw, ngaw, ngaw.
02:23Ganyan yung madir.
02:24Pero, yun din yung,
02:26yun din yung ikinag-depress ko nung bata.
02:30Nung biglang nawala na siya,
02:32hinahanap ko na yung ingay.
02:34Saan yung tumatalak?
02:35Di ba, yung maraming beses kinainisan natin
02:38yung talak na yun,
02:39tinatalikuran natin
02:40o pinagsasarahan natin ang pinto.
02:42Pero,
02:43yun ang ipagdadasal natin.
02:44Sana huwag nating mamiss
02:45at tumating yung araw
02:46na hindi natin natin marinig.
02:47I'd rather hear that talak everyday
02:49than not hear that talak anymore.
02:53Yes.
02:54Yung gano'n.
02:55Kaya,
02:56hinahanap-hanap ko yung boses
02:58ng nanay ko lagi.
02:59At saka,
03:00ang dami kong hindi makakalimutang experience with her.
03:02Yung,
03:03yung,
03:04kahit wala naman kaming syadong pera,
03:06pero meron akong premyo
03:07pag meron akong honor,
03:09pag nananalo ako sa contest.
03:11Dadali niya talaga ako sa Kinta Market,
03:13sa Quiapo,
03:13para pakainin ng palabok.
03:16Palabok na may pusit.
03:18Tapos,
03:18halo-halo.
03:19Yung halo-halo na nakalagay dun sa plastic na lalagyan,
03:22tapos pag binaligtad mo,
03:23may number.
03:25Oo,
03:25para alam pong sinoli mo
03:26kasi nagnakakanawon.
03:27Kasi sa palengke lang yun eh.
03:29Palengke lang yung kainan ng halo-halo.
03:30So,
03:30may number yung mga ilalib ng mga baso.
03:33Tapos,
03:33pag mumamalengke kami sa Blooming Treat,
03:35yung bago kami sumakain ng tricycle,
03:37iinom muna kami ng sagot
03:38tsaka gulaman dun sa kanto.
03:40Yung ganun yung madir ko.
03:41At tsaka,
03:42minsan nagkakapay ko na ng kamananin ko,
03:43kaya yung reklamador.
03:45Pero ngayon,
03:46syempre,
03:46ngayon tumatanda na ako.
03:48Andami kong nananglalaman
03:49tungkol sa mga babae,
03:50tungkol sa mga nanay,
03:52tungkol sa mga single moms,
03:53sa dami na nakausap.
03:54Siyempre,
03:57pag tumatanda yung isang tao,
04:00hindi natin namamalayan.
04:02Habang tumatanda siya,
04:05may namumuulungkot sa kanila
04:06pag tumatanda sila.
04:09Kasi nga marami silang bagay
04:10na hindi na nagagawa.
04:11Marami silang bagay na namin-miss.
04:13At sa dami naman ng mga bagay
04:15na pinagdaanan nila,
04:16syempre,
04:16di ba may stress na rin
04:17sa katawan talaga nila?
04:18Oo.
04:19Kaya sila minsan reklamador,
04:21matala.
04:21Kasi may lungkot sa mga puso nila eh.
04:24Di ba?
04:24Kaya nga daw,
04:25minsan may nasasabi
04:27at may mga nagagawang
04:28hindi okay yung mga tao
04:30dahil sa kalungkutan yun eh.
04:31Kaya,
04:32now it is my challenge for me.
04:34Paano ko mapapasaya yung nanay ko?
04:36Paano ko siya magag...
04:36Paano ko mababawasan
04:38ng lungkot niya
04:38habang tumatanda?
04:39Para less talak siya,
04:41less reklamo siya,
04:42less inis siya,
04:44di ba?
04:44Less lungkot sa mukha niya.
04:46Yung ganun.
04:47And I love nanay so much.
04:49Kaya lagi mong inaalaw si nanay eh.
04:52Oo.
04:52At saka,
04:52kaya minsan yung sinasabi,
04:53bakit si Vice King
04:54na pinaglalaroan niya
04:55yung nanay niya?
04:57Tuwan-tuwa po ang nanay ko
04:58pag pinaglalaroan ko siya.
04:59Yun ang love language namin dalawa.
05:01Pag binubuska ko siya,
05:02pag sinisira ko yung
05:04istrap ng bra niya.
05:05Yung ganun.
05:08Ganun lang harutan namin sa bahay.
05:10Sobra kaming buraot.
05:12Sobra kaming ano,
05:13di pausa yung bardago ulan.
05:14Ganun na po kami sa bahay.
05:16Tapos pinagtutulungan namin siya
05:17ang magkakapatid.
05:18Minsan pag nasa beach kami,
05:20yung diloloko talaga namin siya.
05:21Hanggang sa magkanda,
05:22naihiihi siya.
05:23Tapos ngayon pag sinabi niya,
05:24naihihi ako, naihihi ako.
05:25Hindi namin siya tutulungan
05:26para maihi siya sa salawad.
05:28Tapos tawang-tawa siya pag naihihi.
05:30Yung ganun.
05:31Ganun kami.
05:32Yung iba sinasabi,
05:33bakit sila ganun mag...
05:34Ganun po kami.
05:35Ganun na yung dynamics namin.
05:36At nakikita ko yung nanay ko,
05:38tuwang-tuwa siya
05:38pag naghaharutan kaming dalawa.
05:40Handa ka na ba?
05:42Handa na po.
05:42Game na!
05:43Kaka nai-rebus to eh.
05:44Is someone making you happy?
05:47Liar!
05:48It's show time for the people!
06:00Everybody, everybody,
06:01put your hands on!

Recommended