Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa ibang balita, tatlong miyembro umano ng Gun for Hire Group ang arestado sa Cotabato City.
00:06Pinaiimbisigan na rin kung may kinalaman sila sa election 2025.
00:10Saksi si June Veneracion.
00:18Tatlong araw bago mag-eleksyon, tatlong miyembro ng umano'y Gun for Hire Group ang arestado
00:23sa joint operation ng PNP Anti-Kidnapping Group at Philippine Marine sa Cotabato City.
00:28Nakuhanan sila ng baril at mga bala.
00:40Kasama sa iniimbisigahan ng PNP ang posibilidad na may kumontrata sa mga suspect para may ipatumba o manggulo sa eleksyon.
00:53Hindi na ang mga Gun for Hire Group ang binabantayan ng mga polis at sundalo
00:57sa mga lugar gaya ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte.
01:01Pati rin ang mga teroristang grupo na posibleng magabit para guluhin ang eleksyon.
01:05Sa monitoring namin, pwede kasi silang i-exploit ng mga politicians.
01:11Siyempre, kailangan nila po sa survival yung pera.
01:18Wala pang mahayag ang mga naaresto sa Maguindanao del Sur at del Norte,
01:22kung saan merong dalawang bayan ang under commonly control.
01:26Nasa 2,000 polis ang nakadeploy.
01:284,500 naman ang dideploy ng mga sundalo.
01:31Para sa GMA Integrated News,
01:33June Vanarasyon ang inyong saksi.
01:35Automated Counting Machines o ACM
01:46ang mga bagong makinang gagamitin para sa eleksyon 2025.
01:51At magigit 110,000 ACM ang inihanda.
01:54Dito po, ipapasok ng mga botante ang kanilang balota.
01:57At kumpara po sa vote counting machines na ginamit noong mga nakaraang eleksyon,
02:01adjustable at touch screen na ang ACM.
02:05At makikita po sa screen ang ballot image para ma-review ang mga boto.
02:09Meron din po itong privacy screen para maiwasang makita ng iba.
02:14Ang baterya ng ACM kayang tumagal ng labing apat na oras.
02:18Meron po itong auto-align at auto-correct features
02:21para maiwasan ang paper jam at mapabilis ang pag-scan ng balota.
02:26Automatic at maayos ang pagputol sa mga voters receipt.
02:30At meron din po itong sariling voters receipt compartment.
02:34Mas pinababa rin ang ballot box para maabot ng mabotanteng may kapansanan.
02:39At meron din headphones para naman matulungan sa pagboto
02:42ang mga persons with disabilities at senior citizens.
02:47Pagkatapos po ng botohan,
02:49sabay-sabay itatransmit ang resulta nito sa pitong servers.
02:52Meron pong advanced encryption standard nito
02:55para maprotektahan ang mga datos at hindi ma-hack.
02:58At kumpara po sa mga nagdaang eleksyon,
03:01may mga ilang binago ang Pomelec gaya po ng internet at mall voting.
03:06Ating saksihan.
03:08Alas 6 na umaga ang simula ng botohan noong nakarang eleksyon.
03:15Pero ngayon taon, may early voting hours para sa vulnerable sectors.
03:20Mula alas 5 hanggang alas 7 ng umaga sa May 12,
03:23pwede nang bumoto ang mga senior citizen,
03:26persons with disability at mga buntis,
03:28at kanila mga assister kung meron,
03:31basta sila'y rehistrado sa parehong polling place.
03:34Kung hindi makakaboto, nang mas maaga pwede pa rin silang makaboto
03:38sa regular voting hours na mula 7 a.m. hanggang 7 p.m.
03:43Ang computerized voters list naman na nakapaskil sa labas ng polling precinct,
03:48may mga litrato na rin ng mga botante bukod sa buong pangalan.
03:52Sa pamamagitan nito,
03:53mas madaling maahanap ang pangalan.
03:55Dati, mga electoral board lang ang may hawak ng book of voters
03:59na may litrato ng mga botante.
04:01Ngayong eleksyon, automated counting machine o ACM na ang gagamitin,
04:06hindi na vote counting machine o VCM.
04:08Pagdating sa pagshade sa bilog,
04:10matatanggap na bilang boto kahit gatuldok ng isang marking pen.
04:1515% shade lang ay maaari ng mabilang,
04:18mula sa dating 25% pataas na shading sa balota.
04:21Sa ating palagay, kung yung mismong tuldok na yan ay nabibilang,
04:26hindi na po magkakaroon ng duda pa.
04:27Ngayon po, lowest in the history of the automated election system ng ating bansa ang 15%.
04:34Gayunman, paalala ng COMELEC.
04:3615% po ang babasahin ng makina.
04:39Pero lagi pong sinasabi natin,
04:40boto mo yan, ipagmalaki mo, pagsigawin mo,
04:42ishade nyo po ng bilog para walang pagdududa.
04:45At hindi rin po kayo nag-iisip,
04:46binasa ba yung boto ko?
04:48Nagsimula na rin ang internet voting para sa mga butanteng Pinoy sa ibang bansa.
04:53Online voting and counting system ang tawag dito ng COMELEC,
04:57na unang beses ginawa sa kasaysayan ng eleksyon sa Pilipinas.
05:01Simula nitong April 13, 24-7, pwedeng bumoto ang mga overseas voter.
05:06At matatapos alasete ng gabi sa May 12, oras sa Pilipinas,
05:10maaaring bumoto gamit ang anumang gadget na may kakayahang kumonekta sa internet.
05:16Isa pang bago kumpara noong eleksyon 2022,
05:20maaaring nang bumoto ang ilang butante sa piling malls sa bansa.
05:2342 malls ang gagamitin para sa mall voting mula sa 12 regyon sa bansa.
05:2953 barangay ang kasali.
05:32Sa bilang na yan, may mahigit 64,000 reyestradong butante.
05:37Ngayong eleksyon, nagtatag din ang COMELEC ng mga task force na tututok
05:41sa iba't ibang problema na maaaring gumadlang sa matagumpay na putohan.
05:47Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
05:53Iapela po ni PASIG congressional candidate Christian Sia
05:56sa COMELEC Unbank ang pagdisqualify sa kanya ng COMELEC 2nd Division.
06:01Git ni Atty. Sia, walang probisyon sa Safe Spaces Act
06:04tungkol sa grounds for disqualification ng isang kandidato.
06:08Ang naturong batas ang ginamit na basihan para i-disqualify si Sia
06:11dahil sa biro niyang alok sa mga solo parent sa isang kampanya.
06:16Ang sabi pa niya, pinakamabigat na parusa ang disqualification para sa isang kandidato.
06:21Kaya dapat daw, mabigat din.
06:23Ang basihan para rito gaya ng vote buying.
06:26I-diin niyang maaari pa siyang i-boto.
06:29At sakaling manalo, sinabi na ng COMELEC na hindi siya ipropoklama hanggat walang final resolution sa kaso.
06:38Sabay po, sa pagpili ng mga susunod na mamumuno sa ating bansa,
06:42iatid po ng GMA Integrated News,
06:45ang pinakamalaki, pinakakomprehensibo,
06:48at pinakapinagkakatiwalang election coverage sa Lunes, May 12.
06:53Bahagi po ng aming mas malaki misyon at malawak na paglilimot sa bayan,
06:58ang bantayan at ihatid sa publiko ang pinakasariwang balita sa eleksyon 2020 pa.
07:05Ating saksihan.
07:09Ang isa sa pinakaimportanting araw sa ating mga Pilipino,
07:14babantayan at tututungan ang buong pwersa ng GMA Integrated News.
07:18Sa May 12, iatid namin ang pinakamalaki, pinakakomprehensibo,
07:24at pinaka-pinagkakatiwalang eleksyon coverage sa TV, radyo at online.
07:30Alas 4 ng madaling araw pa lang ng May 12,
07:33mapapanood na ng mahigit 38 milyong manunood sa buong bansa
07:37ang eleksyon 2025 na GMA Integrated News coverage.
07:41Magpapatuloy yan hanggang sa May 13 kung saan sabay-sabay nating babantayan
07:47ang bilangan ng boto sa nasyonal at local elections.
07:51Ang special broadcast,
07:53pangungunahan ng mahigit 800 on-air at online journalists,
07:58staff at crew,
07:59kapila ang pinaka-pinagkakatiwalaang anchors and reporters.
08:04Katuang din namin ang 60 election coverage partners,
08:097 GMA regional TV stations,
08:12at 21 radio stations nationwide.
08:15Sa tulong ng state-of-the-art equipment at latest media technology,
08:19makakaasa ang publiko na di lang mabilis at tama
08:22ang iyahatid naming impormasyon,
08:24hindi naunawaan din gamit ang cutting-edge graphics.
08:30Bilang bahagi ng local news matters campaign,
08:32iyahatid ng mahigit 62 regional TV
08:35at digital news teams at stringers
08:38ang sariwang balita sa iba't ibang panig ng bansa.
08:42Magkakaroon din ng round-the-clock updates
08:44sa website at official social media platforms.
08:47Sa radyo naman,
08:48katuwang ng Super Radio DZBB,
08:50ang 20 Super Radio at Barangay FM stations nationwide.
08:56Mula sa hapon ng linggo, May 11,
08:58hanggang alas 6 ng gabi sa Martes, May 13.
09:02Di rin mauhuli sa updates ang Global Pinoy's
09:05dahil sa live at real-time updates
09:07sa international channels ng GMA Network
09:10na GMA Pinoy TV,
09:12GMA Live TV,
09:14at GMA News TV.
09:15Sa mga nakatutok naman online,
09:18inilunsad ng GMA Integrated News Online
09:20ang eleksyon 2025.ph.
09:24Ma-access yan sa computer o cellphone
09:26para sa up-to-the-minute news and updates
09:29sa buong eleksyon.
09:31Muli rin inilunsad ng GMA Integrated News Social Media Team
09:34ang USCOO Plus,
09:36isang user-generated content platform
09:38kung saan pwedeng ibahagi ng mga manonood
09:41ang kanikanilang kwento
09:43sa pamagitan ng mga larawan at video.
09:45Kami ang Team Totoo.
09:48Ang lahat ng ito naka-angkla
09:50sa election advocacy campaign
09:52ng network na dapat totoo.
09:55Dapat pabilis.
09:56Dapat nauunawaan.
09:58Dapat komprehensibo.
09:59Dapat totoo.
10:03Para sa GMA Integrated News,
10:05ako si Ian Cruz,
10:07ang inyong saksi.
10:07Mga kapuso,
10:10maging una sa saksi.
10:11Mag-subscribe sa GMA Integrated News
10:13sa YouTube
10:14para sa ibat-ibang balita.
10:15Mag-subscribe sa GMA Integrated News.

Recommended