Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
COMELEC, ‘all systems go’ na para sa Hatol ng Bayan 2025 sa Lunes; botohon, magtatapos umano ng 7 pm

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00100% na ang handa ang Commission on Elections para sa Hatol ng Bayan 2025 sa Lunes.
00:08Nagpaalala naman ang COMELEC sa mga kandidato dahil hanggang bukas na lamang ang pangangampanya.
00:14Si Luisa Elispe sa Seton ng Balita, Live.
00:19Angelique, tapos na ang pag-deliver ng mga balota at tapos na rin ang final testing at sealing ng mga automated counting machines sa buong bansa.
00:28Kaya naman ang Commission on Elections, 100% handa na para sa Hatol ng Bayan 2025.
00:39All systems go na ang Commission on Elections para sa gagawing botohan sa Lunes.
00:44Ayon sa COMELEC, sa ngayon, ang inaayos na lang nila ay mga contingency measures
00:49sakaling magkaroon ng aberya o problema sa mismong araw ng halalan
00:53at ang pagde-deploy ng mga Starlink sa mga liblib na lugar na walang signal.
00:58Tulad ng Saifugao.
01:01Handa pong handa po ang COMELEC.
01:03Siyempre, lagi't lagi sa isang operation, sa isang ganito,
01:06meron biglang pumapasok na problema, issue.
01:09Ang importante, intact yung aming contingency measures,
01:12intact yung aming operation plan sa kung ano ang gagawin ng Commission pagka mga ganito.
01:18Sakali naman anyang magkaroon ng kalamidad dahil nga kamakailana ay nagdulot ng pagbaha ang low pressure area sa Mindanao,
01:26hindi nila hahayaang maantala ang halalan dahil ang nais nila walang failure of elections
01:32at walang kahit anong postponement ng botohan sa buong bansa.
01:35Sana, sa ganung pagkakataon, sana po walang postponement ng eleksyon na mangyayari
01:43at sana walang failure of election sa kahit na anong presinto sa buong bansa.
01:48Ang bukas na lang naman ang panahon ng kampanyahan,
01:51kaya may paalala ang COMELEC sa mga kandidato.
01:54Kung maaari, ngayon pa lang, tanggalin na ang mga posters na nagkalat sa kalsada.
02:00Huwag na rin mangampanya sa mismong araw ng botohan.
02:03Bawal ang pagbibitbit ng mga supporters sa mga polling place.
02:07Bawal magpakain at bawal din ang alok na libring sakay.
02:11Huwag na rin sana gumamit umano ng mga bata sa pamimigay ng sample ballots
02:15at huwag na magpakalat-kalat sa mga presinto matapos bumoto.
02:20Dahil lahat ng yan, posibleng silang managot at makasuhan.
02:26Babalaan natin pagkatapos bumoto o bago bumoto,
02:29huwag na lang pong ikot ng ikot sa polling place
02:30kasi baka ma-consider pa yan na pangangampanya.
02:34Dapat po dire-diretsyo na lang sa pagboto, dire-diretsyo na rin tayo sa ating pong pag-uwi.
02:39Para naman sa mga botante, kung maaari, magdala na ng sariling kodigo sa pagboto
02:44at maaga na rin bumunta sa mga presinto para bumoto.
02:48Mula alas 5 hanggang alas 7 ng umaga bukas,
02:51ipatutupad o sa lunes, ipatutupad na ang early voting hours
02:55para sa mga nakatatanda, PWD at buntis.
02:59Ang botohan naman ay mula alas 7 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.
03:06Kung na po natin habulin yung eksakto alas 7,
03:08although naintindihan natin yung iba,
03:09maaaring may mga itaasikaso pa kaya hindi ka agad sila nakakaboto ng maaga.
03:15Pero mas maaga po, mas maganda.
03:19Samantala, ayon naman sa Malacanang,
03:21alingsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.,
03:24mayroong 24-7 na monitoring post na binuo ang COMELEC
03:29kasama ang Department of Information and Communications Technology o DICT
03:33para labanan-umano ang disinformation.
03:36Mayroon ding mga international election watchdogs
03:39na mag-oobserba sa halalan sa lunes.
03:41Ayon kay Palace Press Officer Attorney Claire Castro,
03:45ang presensya nila sa bansa ay magpapatunay na malinis
03:49at maayos ang halalan sa Pilipinas.
03:54Para sa hangaring malinis at tapat na halalan,
03:57nagsama-sama ang lahat ng election watchdogs
04:00mula sa mga pribadong organisasyon,
04:02simbahan, kabataan at iba pang sektor.
04:05Sa kanilang mahigpit na pagbabantay,
04:09matitiyak na ang bawat boto ay mabibilang ng tama
04:12at ang bawat boses ng mamamayan ay maririnig.
04:16Angelique, bukod dito sa mga paalala sa mga bawatante
04:20at sa mga kandidato para sa mismong araw ng halalan sa lunes,
04:23may paalala din ng COMELEC para naman sa araw ng linggo
04:26na simula na ang pagpapatupad ng liquor ban
04:30at bawal na rin na ang sabong.
04:32Yan ay para matiyak na magiging maayos ang halalan sa lunes.
04:36Samantala nakatutok din naman sila sa mga posibleng kaso ng vote buying
04:39dahil aminado sila na pagpatak ng Sabado, Linggo at Lunes
04:44ay talamak ang mga susubok na maging sangkot sa vote buying.
04:48Kaya naman kausap na nila ang mga bangko,
04:51pati na rin ang mga e-wallet applications
04:54para nga matutukan ang mga ibang-ibang uri
04:57ng posibleng kaso ng vote buying.
04:59Angelique.
05:00Okay, maraming salamat sa iyo, Luisa Erispe.

Recommended