Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00We are here at Manila Cathedral after the announcement of the new Santa Papa of the Catholic Church.
00:11Cardinal Robert Francis Prevost is now known as Pope Leo XIV.
00:19At sa ngayon ay sarado pa po ang katedral pero mamayang alas 7 ng umaga ay bubuksan na po ito para sa misang gaganapin mamayang alas 7 in media.
00:30Kabilang sa ipananalangin, ang pagkakahalal nga ng bagong Santo Papa at kanya magiging misyon.
00:35Lalo't pagkamatay ni Pope Francis ay lagi na pong ipinagdarasal sa dulo ng misa ay ang conclave at ang mga cardinal elector na pipili ng Santo Papa.
00:46At ngayon ngang meron na tayong bagong Santo Papa, syempre buong simbahang katoliko rin ay ipinagdarasal na ang kanyang magiging misyon.
00:57At inaabangan din yung magiging kanyang mag-stand sa iba't ibang mga issue kung magiging magpapatuloy ba ang mga sinimula na ni Pope Francis.
01:08Makikita natin sa kanyang isinuot na talagang very traditional, hindi katulad nung ginawa ni Pope Francis na talagang puting kasak lang at wala yung pulang parang vestment.
01:20Yung monseta na tinatawag, hindi niya sinuot yun si Pope Francis.
01:24Pero ito ay sinuot na ito ng bagong Santo Papa na ayon sa ilang mga eksperto ay nagpapakita raw ng pagiging pagbalik dun sa tradisyonal.
01:34Pero dahil nga siya ay isang bridge builder na maituturing, parang inilalapit niya o pinag-uugnay niyang muli yung tradisyonal at yung makabago.
01:49Dahil marami rin siyang mga binanggit sa kanyang mensahe sa simbahang katolika nang siya ay humarap na sa kongregasyon
01:59na tungkol dun sa mga nauna ng mga sinabi rin o mga stand din na nga Santo Papa sa iba't ibang mga issue.
02:07So pagkalabas nga ng puting usok dun sa chimney ay talagang nagbuni ang buong simbahang katoliko
02:18at sabay na ipinanalangin din yung kanyang paglabas kung sino ba ito at talagang nagulat ang lahat
02:27dahil hindi inaasahan na magkakaroon ng kauna-unahang Amerikanong Santo Papa ang simbahang katolika.
02:35As a matter of fact, isa ito dun sa mga sinasantabi. Talagang hindi inasahan na Amerikan ang magiging susunod sa Santo Papa
02:44dahil ang sinasabi nga, posibleng kung gustong bumalik sa tradisyonal, mukhang Italyano ulit o someone from Europe.
02:53At syempre naroon din yung panalangin ng maraming mga katoliko na mga maraming Pilipino na posibleng kardinal mula sa Pilipinas ang mahalal.
03:02Pero sa paglabas nga ni Pope Leo XIV na dating kardinal provost ay talagang nagulat ang buong sambayanan,
03:14ang kongregasyon ng mga katoliko pero ipinagbubuni yan.
03:19At mamaya magbibigay pa tayo ng mga karagdagang detalye, kaugnay pa rin sa pagkakahalal ng bagong Santo Papa na si Pope Leo XIV.
03:27Yan muna ang latest sa sitwasyon mula pa rin dito sa Manila Cathedral. Balik sa studio.
03:32Gusto mo ba nga mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.

Recommended