Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Meralco
00:07Tiniyak ng Meralco na walang magiging problema sa supply ng kuryente sa araw ng eleksyon.
00:15Nag-inspeksyon na rin sila sa ilang eskwelahang magsisilbing polling precinct.
00:21Nakatotok si Mari Sumari.
00:22Isa-isang pinasok ng mga opisyal at line crew ng Meralco ang mga silid aralan ng Pinagbuhatan Elementary School na gagamitong polling precinct sa lunes.
00:34Masinsing ininspeksyon ang mga electrical wiring, pati ang mga appliance na gumagamit ng kuryente.
00:39Maging dito sa priority polling place ng Pinagbuhatan Elementary School kung saan pwedeng bumoto ang vulnerable sector gaya ng mga PWD, senior citizen at buntis na di nakakayaning umakyat sa kanilang mga presinto,
00:53ay sinigurong maayos na rin ang mga linya ng kuryente para siguradong gagana ang mga cooling pan at mga ilaw sa kanilang covered court sa mismong araw ng eleksyon.
01:06Pati ang metro tinignan at kinandado.
01:08Bukod po dun sa pilferage na magkakospo ng problema dun sa eskwelahan, may safety concern din po dahil baka magkaroon po ng aberya at mawalan po ng kuryente yung ating eskwelahan.
01:21Bahagi ito na paghahanda ng Meralco at mga eskwelahan para masigurong hindi magkakaroon ng aberya sa mismong araw ng eleksyon.
01:28Para alam niyo na masyadong mainit, malamang mainit yung heat index so tiniyak natin na komportable ang mga bobo to sa lunes.
01:36Siniguro ng Meralco na sapat ang supply ng kuryente kaya wala raw silang nakikitang problema.
01:41Lalo't idineklara rin daw na holiday sa lunes kaya mababa ang demand kumpara sa regular working day.
01:47Nag-improve yung supply situation natin kung ikukumpara mo yung April supply month vis-a-vis the March supply month.
01:56So ibig sabihin, tumaas yung capability ng mga planta na mag-deliver ng kuryente and ang consequence niyan is we will have adequate capacity and higher reserves.
02:11Naka-alert status na rin daw ang Meralco at may mga idedeploy din daw silang generator set at floodlights sakaling magkaroon ng emergency brownout.
02:19Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali Nakatutok, 24 Oras.
02:27Mga kapuso, sa ating ulag panahon, inulan at binaha ang ilang lugar kakapot.
02:36Unti-unting napatumba at natangay ng baha ang malit na kubo na yan sa bagong bayan Sultan Kudarat.
02:42Pinasok din ng tubig ang ibang mga bahay habang nalubog sa baang ilang taniman.
02:47Sa Tiboli, South Cotabato, malakas din ang ragasan ng tubig dahil sa pag-apaw ng sapa.
02:52Ang ilang rescuer, gumamit na ng lubid para maitawin ang mga stranded na residente.
02:57Lagpas dalawang oras na mga stranded ang ilang motorista sa magsaysay Davao del Sur matapos malubog sa baha ang ilang kalsada.
03:04Ayon sa pag-asa, low pressure area thunderstorms ang dahilan ng mga pagbaha.
03:08Sa ngayon, nalusaw na ang LPA pero may mga ulan pa rin bukas sa ilang bahagi ng bansa.
03:15Base sa datos ng Metro Weather, mas tumataas ang tsansa ng ulan bandantangali hanggang sa hapon at gabi.
03:20May malalakas na ulan na pwedeng magpabaka o magdulot ng landslide.
03:24Halos 30 lugar naman ang makararanas ng matinding init bukas na aabot po sa 43 degrees Celsius.
03:30Danger level yan at posibleng magdulot ng heat stroke.
03:33Sa Metro Manila, kahit nasa 40 hanggang 42 degrees Celsius ang heat index,
03:38posibleng pa rin ang localized thunderstorms sa hapon o gabi.
03:43Hindi muna inalis ng Department of Justice ang anak ng pinaslang na negosyanteng si Anson Ke
03:48sa listahan ng mga respondent sa kaso.
03:52Ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon,
03:55tatapusin muna ng prosecution panel ang preliminary investigation
03:59at susuriin ang mga ebidensya bago aksyonan ang mosyon ng PNP Anti-Kidnapping Group
04:06na alisin si Alvin Ke sa mga inire-reklamo.
04:10Unang isinaman ng PNP ang pangalan ni Alvin sa mga pinapaimbestigahan
04:14kaugnay ng kasong pagkidnap at pagpatay sa kanyang negosyanteng ama.
04:19Pero binawi ito kalauna ng PNP at sinabing kulang ang kanilang ebidensya
04:24para isangkot siya sa krimen.
04:27Dumalo si Alvin sa preliminary investigation ng DOJ ngayong hapon.
04:31Naroon din ang limang suspect na hawak na ng pulisya
04:35kabilang ang itinuturong mastermind.
04:38Submitted for resolution na ang mga reklamong kidnapping for ransom
04:41with homicide laban sa kanila.
04:45Arestado ang isang Vietnamese na nagkakasan ng cosmetic surgery sa Pilipinas
04:49kahit walang permit.
04:50Gate niya, doktor siya at double degree holder sa Vietnam.
04:54Nakatutok si John Konsulta.
04:59Sa surveillance ng NBI Organized and Transnational Crime Division
05:03makikita ang isang dayuhang nag-ahanda ng mga gamit
05:06para magsagawa ng facial surgical operation sa isang NBI undercover agent.
05:11Nang maiabot ang Mark Money, inaresto na siya.
05:15We are from the National Bureau of Investigation.
05:17This is an interrupted operation.
05:18Ang 35 taong gulong na Vietnamese,
05:22iligal umanong nagsasagawa ng aesthetic surgical operations
05:25tulad ng Botox, AID surgery at paglalagay ng filler sa muka
05:29sa isang clinic sa Timog, Quezon City.
05:32Malakas ang loob nito kasi nag-a-advertise pa itong mga ito sa social media.
05:37Hindi nga itetest yung dugo mo, wala nang mga prior parang assessment sa'yo
05:45bago mag-conduct ng procedure.
05:48Diretso na lang sila mag-conduct ng procedure.
05:51Pag palpak yung ginawa nitong mga ito,
05:55lilipad lang ito ng ibang bansa, wala na.
05:58Kawawa yung mga kababayan natin.
06:01Gate ng Vietnamese.
06:02May dalawa siyang degree sa Vietnam.
06:03Isa rito ang pagiging doktor.
06:06Pero aminata siya na wala siyang permit dito sa Pilipinas.
06:10Para sa GMA Individual News,
06:12John Consulta, nakatutok 24 horas.
06:16Dalawang motorsiklo ang nasira
06:17dahil sa granadang inihagi sa isang compound sa Castle City.
06:21Patuloy ang investigasyon at pagtukoy sa mga suspect
06:23na ayon sa testigoy riding in tandem.
06:26Nakatutok si Mark Salazar.
06:28Bakas ang pinsala ng granadang inihagi sa compound na ito
06:36sa Scout Chihuatoco sa Quezon City.
06:39Ang nag-each siya, riding in tandem.
06:41Linig na rinig namin kasi akala ko nga may baril,
06:44nagbabarilan, kaya sigaw ako ng sigaw sa loob.
06:46Tapos nung lumabas kami,
06:48nakita namin yung muusok.
06:49Tapos nagsisigaw na si kuya,
06:51yung bantay dyan.
06:52Sabi niya, granada daw, granada.
06:54Yun, nagkagulong na yung tao.
06:55Hindi pa isinapubliko ang kuha ng CCTV sa nangyari,
06:59bagamat hawak na ng pulis siya ang mga video.
07:01Dalawa talaga siyang magkaangkas sa moto.
07:03Ang ginanoy niya.
07:05Tapon niya, sabay alis.
07:07Tapos mga sigur seconds lang.
07:093 to 5,
07:10lumabas si kuya yung bantay dyan.
07:12Sabay takbo.
07:13Nung nasa labas na siya, sabay sumabog.
07:16Hindi naman nasakta ng bantay sa compound.
07:18Ayon sa District Explosives and Canine Unit ng QCPD,
07:22dalawang motosiklo at generator ang nasira.
07:25Nang pagsabog ng granada,
07:27nagpapatuloy pa ang investigasyon para malaman ang motibo
07:30at matuntun ang salarin.
07:32Para sa GMA Integrated News,
07:35Mark Salazar,
07:36nakatutok 24 oras.
07:38Magandang gabi, mga kapuso.
07:45Ako po ang inyong kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
07:49Inanood na mga tanong ang mga residente ng Matalom, Leyte,
07:52dahil sa kakaibang isang huli ng manging isda.
07:54Sa lapad kasi nito, parano itong itim na kumot na palutang lutang sa dagat.
07:59Anong klaseng laman dagat kaya ito?
08:01Habang nag-a-island hopping kamakailan ang grupo ni Naeman,
08:07hindi daw ang magandang view ng mga isla sa Matalom, Leyte,
08:10ang naka-agaw sa kanilang atensyon.
08:12Kundi ang huli ng manging isla nito.
08:13Sa lapad nito, nagbistula daw itong palutang lutang na kumot sa tubig.
08:23Nagagolo po sir, may babae doon nagsabi na ano po yan, makakain ba po yan?
08:27Sabi naman po ng isa, poisonous, ganyan.
08:31Nagtalo po sir, nagsasabi po na makakain daw,
08:34pag niluto daw, mga matatanda sabi nila,
08:36kawawa naman daw, balik na lang daw.
08:38Pero sabi naman nung fisherman, patay na yan eh.
08:40Pero dahil paalis na raw ang bangka ni na Mark Eman.
08:44After noon, hindi ko na nakita kung anong ginawa nila.
08:46Pinikturan ko na kasi tinawag na kami ng bangka namin.
08:49Curious ako na makakain siya o hindi.
08:52Ano ang nahuli sa dagat sa Leyte?
08:56At tigtas nga ba itong kainin?
09:03Ang nahuli ng manging isla sa Leyte,
09:05isang uri ng pugita na kung tawagin,
09:07Trem Octopus.
09:09Tinatawag din silang Blanket Octopus.
09:10Isa kasi sa mga kapansin-pansin sa mga pugitang ito,
09:13ang malakumot na webbing sa pagitan ng mga braso
09:15ng babaeng Trem Octopus.
09:17Kapag sila'y nasa panganib,
09:18ginagamit nila ito pang depensa.
09:20Binubukan nila ang kanila mga braso
09:21para bumuo ng malakumot o kapa na silhuwet
09:23na panakot sa mga predator.
09:25Pero kinakain nga ba ang mga Blanket Octopus?
09:28Ang mga Blanket Octopus,
09:30hindi karamiwang kinakain ng mga tao.
09:32Bihira lang kasi na mahuli mga ito.
09:33Sa open sea kasi sila matatagpuan.
09:36At dahil rare nga sila kung ituring,
09:37sakali mang may makainkwentro ang Blanket Octopus sa dagat.
09:40Paalala ng mga eksperto,
09:42basmain naman na huwag nang huhulihin ito.
09:44Pero itong pugitang hindi mo talaga dapat hulihin,
09:47kainin,
09:48o hawakan man lang.
09:49Dahil sa taglay nitong kamandag,
09:51na kayang makapatay ng tao.
09:52Warning po,
09:59itong pugitang hindi mo dapat hulihin,
10:01kainin,
10:02o kahit takawakan man lamang,
10:04ang mga Blue Ringed Octopus.
10:06Napakaganda man ang mga kulay nito,
10:07ito naman ang tinuturing ng most venomous octopus sa buong mundo.
10:12Ang kamandag nito ay may kakayang pumatay ng 26 na adult humans
10:16sa loob lamang ng ilang minuto.
10:18Sa mga may plano mag-island hopping ngayong summer,
10:21magingat sa mga pugitang ito.
10:23Sa patala, para malaman ng trivia sa likod ng viral na balita,
10:25i-post o i-comment lang,
10:26hashtag Kuya Kim,
10:28ano na?
10:28Laging tandaan,
10:29kimportante ang may alam.
10:31Ako po si Kuya Kim,
10:32at sagot ko kayo,
10:3324 hours.
10:35Bahagyang lumago ang Gross Domestic Product o GDP ng Pilipinas
10:40sa unang quarter ng taong 2025.
10:43Naitala yan sa 5.4%,
10:46mas mataas sa naitalang GDP noong nakalipas na quarter na 5.3%.
10:51Pero mas mababa yan sa 5.9% GDP ng kaparehong quarter noong 2024.
10:59Hindi rin ito pasok sa target na 6 to 6.5%.
11:03Ang Gross Domestic Product ang kabuang halaga ng lahat ng mga produkto at serbisyo
11:09na nililikha sa loob ng bansa.
11:11Ayon sa gobyerno,
11:12kabilang sa may malaking ambag sa paglago ng ekonomiya sa quarter na ito,
11:17ay ang wholesale at retail trade,
11:20pagre-repair sa mga sasakyan at motor,
11:22financial at insurance activities,
11:24at manufacturing.
11:26Nakapagtala naman ang pinakamabilis na paglago
11:28ang mga industriya ng agrikultura,
11:31forestry at fishing,
11:32industry and services.
11:34Gina, sumabak sa action scene si Jillian Ward
11:41para sa kanyang role sa mga batang realest bilang si Lady.
11:45E makakasundo kaya ni Lady ang realest boys,
11:48lalo na ang tinutukso sa kanya na si Raheel Birria
11:51na gumaganap bilang sisig.
11:53Makichika kay Aubrey Carampert.
11:54Matapos bumisita ni Jillian Ward sa sityo liwanag
12:01kung saan mainit siyang tinanggap ng cast.
12:05Mga sister, okay na po ito, teka na po.
12:07Finally, naka-eksena na niya
12:09ang mga batang realest
12:11na sinakidlat, kulot, dagul, sig at matos
12:15na ginagampananin na Miguel Tan Felix,
12:18Cocoy De Santos, Anton Vinson, Raheel Birria at Bruce Roland.
12:22Action!
12:24Sa unang pasilip sa mga eksena ni Jillian,
12:28gaganap siya bilang si Lady.
12:30Si Jillian nakasundo agad ang realest boys.
12:34Kahit super professional sila,
12:36hindi pa rin nila nakakalimutan na
12:38to have fun.
12:39Kumbaga, very, parang light-hearted po yung set nila.
12:44So, feeling ko may enjoy ko to.
12:46Ano naman kaya ang masasabi
12:49ng mga batang realest sa kanilang bagong co-star?
12:52Lahat po kami excited kasi
12:54ang dami naming scenes.
12:55Pero ang tanong, sino ang pinaka?
12:56Yon!
12:57Basta mga ko!
12:59Si Raheel, inulan na naman ang tukso.
13:02Masaya raw kasi siya na maka-eksena muli si Jillian
13:05na nakasama niya sa abot kamay na pangarap.
13:08Dito po natin mamimit yung karakter ni Jill.
13:11Si Lady.
13:12So, yun.
13:12Lito tayo.
13:14Matic, yun na yun eh.
13:15Lady or your lady?
13:19Parang lagi siyang namumula.
13:21Andi, tsaka may share lang ako.
13:22Kasi usually dito sa set,
13:23kapag kadating sa set,
13:25parang laging,
13:26ikaw na ikaw na muna magpa-makeup,
13:27kung na muna nagpaayos.
13:29Parang hindi pa na set up yung buwan,
13:30nandunan, nagpa-makeup na.
13:31Pero sabi ni Jill,
13:33sa simula,
13:34di raw magkakasundo ang karakter niya
13:36at nirahil na si Sig.
13:38Medyo ano siya,
13:40medyo matakay siya kay Sig.
13:42Ayun.
13:43Parang naiinis siya kapag nagpa-cute sa kanya si Sig.
13:47Ang karakter niya ang si Lady
13:48na nagtatrabaho sa kumbento.
13:51Magpapatulong daw sa mga batang riles
13:53para hanapin ang kanyang nawawalang kapatid.
13:56At syempre,
13:57dahil puno ng aksyon ng serye.
14:00G-Daw ang star of the new gen sa action scenes.
14:03Gusto ko talaga matry mag-action.
14:05Actually po,
14:06nung nagpapahinga po ako,
14:07nung hindi ako natitaping,
14:09talagang nagaanap po ako.
14:10Tumatakbo ako,
14:11ganyan,
14:12and nag-work out talaga ako
14:14para ma-feel ko na,
14:16ay, medyo action star ako.
14:17Magpapaturo ako sa mga batang riles
14:19dahil sila naman talaga ang pro sa ganyan.
14:21Lahat ng tatapak dito,
14:23kailangan ma-experience and enjoy nila yung action.
14:27Aubrey Carampel,
14:28updated sa showbiz sa happiness.
14:30And that's my chica this Thursday night.
14:35Ako po si Ia Arellano.
14:36Miss Mel,
14:36Miss Vicky Emile.
14:37Thank you, Ia.
14:39Salamat sa iyo, Ia.
14:40Thanks, Ia.
14:40Yan ang mga balita.
14:41Ngayong Webes,
14:43ako po si Mel Tianko.
14:44Ako naman po si Vicky Morales
14:45para sa mas malaking misyon.
14:47Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
14:49Ako po si Emile Sumangit.
14:50Mula sa GMA Integrated News,
14:53ang News Authority ng Pilipino.
14:55Nakatuto kami 24 oras.
14:57Ako po si Emile Sumangit.

Recommended