Alamin kung paano nabuo ang kuwento ng murder mystery series na 'SLAY' mula mismo sa creator nito na si RJ Nuevas sa exclusive video na ito.
Abangan ang 'SLAY,' Lunes hanggang Huwebes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.
Abangan ang 'SLAY,' Lunes hanggang Huwebes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.
Category
😹
FunTranscript
00:00Hi, I'm R.J. Nuevas. I'm the creator of this Murder Mystery Sleigh.
00:11Ang unang pumasok sa isip ko sa sleigh is lalaking nasusunog at apat na babaeng nakatingin sa kanya.
00:19So, doon pa lang may mystery na sino sa apat na babaeng ito ang pumatay sa lalaking nasusunog.
00:30So, I always start with the mystery, tapos kung anong reaction ng mga characters doon, kung ano yung drama ang lalabas.
00:39So, dapat mas nangingibabaw yung murder mystery, yung mystery, para yun ang sakya ng tao.
00:46Dapat lagi nasa isip ng tao, nang manunood na, sino kaya pumatay kay Zach?
00:51Tapos, yung drama ng mga nakapaligid sa kanya, dapat mangibabaw din.
00:57So, halos pantay ang mystery at drama dapat.
01:07Ang challenge namin talaga sa totoo lang, medyo mabilisan ito.
01:12Unlike in the past, ang mga murder mysteries, matagal na dinedevelop.
01:17Ang mga naunang mystery, sometimes ang week 1 namin inaabot ng 8 weeks para kami magkaroon ng malinis na week 1.
01:28Dito medyo naging mabilisan, kaya mabilisan lahat ng pagbuo namin ng story.
01:35Pero, happily, hindi naman na-sacrifice ang story.
01:40Usually, ang rule ko sa pagbuo ng mga characters para siya well-rounded, para siya three-dimensional, para siya multi-layered,
01:58inaalam namin ang backstory niya.
02:01Kailangan sa amin pa lang, malinaw na malinaw ang backstory.
02:06Malinaw din kung ano ang bubog ng mga characters.
02:09When I say bubog, yung mga sama ng loob niya.
02:13Para kapag nagkaroon ng confrontation, yun ang lalabas.
02:17Tapos, kung ano yung mga importante, kung ano magiging reaction ng mga characters sa nangyayaring events sa story.
02:26At yung mga reaction na yun ay nakabasis sa kanyang backstory at nakabasis sa kanyang mga bubog.
02:40Tingin ko yung apat na babae, mahihirapan silang i-picture out kasi maraming layers.
02:46But at the same time, yung si Zach, yung murder victim, marami rin matutuklasan sa kanya ng mga secrets.
02:54So, magugulat sila sa mga sikretong lalabas tungkol kay Zach.
03:04Kunyari, for example, yung murder, sinituate namin sa gym.
03:10So, first time kung gumawa ng murder mystery na nangyari ang crime sa gym, usually kasi sa bahay.
03:19So, ito, nung inalabas namin siya para ilagay sa gym, doon palang exciting na siya.
03:26Ibang visuals na siya agad.
03:27Unang-una, ang gusto ko maramdaman nila yung suspense at yung question na,
03:39sino ang pumatay kay Zach?
03:41Kasi yun ang dapat nilang subaybayan.
03:45At after that, yung maramdaman nilang awa sa mga characters na nakapalibot kay Zach na mapagbibintang ang pumatay sa kanya.
03:53Kasi lahat nga may motivation.
04:02At ito, kaya siya kakaiba.
04:05Sa unang week pa lang, pinakita na namin na yung apat na babae ay may matinding motivation sa pagpatay kay Zach.
04:13Usually kasi, sa mga murder mysteries na nagawa na namin, ipapakita muna yung murder victim.
04:22Tapos, iisa-isahin yung mga characters kung may motivation o wala.
04:28Dito talaga, week one pa lang, in-establish na namin na lahat ng babaeng ito ay galit kay Zach.
04:34Ako, dahil ako yung creator, ako yung showrunner, pag binubuo namin ito, piniplay ko na lahat ng characters.
04:52Lakat sila, kailangan kong maramdaman, kailangan kong kilala, kailangan kong alam ang tumatakbo sa isip at sa puso niya.
05:01So, binubuo pa lang namin ito, lakat sila, ginagampanan ko na.
05:11Meron kami mga naiisip na, ginawa na ito, parang pag nag-create kasi kami ng story,
05:22hinahayaan namin yung mga characters na kumilos ayon sa na-establish na psyche at emotions nila.
05:31So, kapag meron silang naging desisyon na gagawin ito ng isang character, nagugulat pati kami.
05:36Yung bumisita kami doon sa isang set, bahay kasi yun.
05:49So, kung anong nare-require na atmosphere sa story, nakita naman namin kasi mayaman at sosyal.
05:59So, yun naman ang nakita namin atmosphere at feels nung location na yun.
06:07Dadalaw ulit ako kasi meron akong hinihintay na eksena.
06:12So, dadalaw ulit ako at paratingnan yung eksena.
06:15Be prepared kasi may mga pasabog ang show na ito.
06:26Kaya kumanda kayo na maghulat at maghulat at matuwa.
06:32Sana po panuorin nyo itong S.L.A., ang bagong murder mystery ng GMA.
06:37Inaasahan po namin ang panunood ninyo at suporta.
06:40Maraming salamat!