Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00This is Philippine Goldberg.
00:07Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:22Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:27Ilang oras na lang ay magsisimula na ang Papal Conclave o ang pagpili sa magiging susunod na Santo Papa.
00:35Kung walang magbabago ay posibleng maganap ang unang butohan ngayong magdamag.
00:39Ibig sabihin, posibleng magkaalaman na mamaya kung meron ng bagong Santo Papa.
00:45At live mula sa Vatican City, nakatutok si Connie Sison.
00:48Connie!
00:49Mel, Emil at Vicky, katatapos-tapos lamang nitong Pro Elijendo Ponte Fiche o Votive Mass kung tawagin
01:00na dedicated para sa ating mga Cardinal Electors para magabayan sila ng banal na Santo Espiritu.
01:08At inaasahan natin by now ay nakabalik na sila sa Casa Santa Marta para doon ay makapagpahinga muna sandali
01:14bago muling magtipon around 4.30 oras dito sa Roma at 10.30pm naman dyan sa Maynila
01:21para sa doon sa Pauline Chapel sila magkikita-kita at maghahanda sila sa isang prosesyon patungo naman ng Sistine Chapel.
01:30Alinsunod po yan sa nagiging tradisyon tuwing may conclave.
01:33At once nandoon na sila sa Sistine Chapel ay inaasahan naman na magsisimula na ang butohan.
01:40Isang beses lamang magkakaroon ng butohan ngayong araw na ito at posible by 7pm oras dito sa Roma
01:48at 1am naman dyan sa Maynila ay maaaring na tayong makakita ng unang usok na manggagaling sa bubong o chiminea ng Sistine Chapel.
01:59Kung ito ay itim na nagsisimbolong na wala pang nabotong bagong Santo Papa o puti na nagsisimbolong may bago na tayong Santo Papa,
02:08yan ang ating aabangan.
02:13Alas 4 ng hapon, oras sa Pilipinas na magbisa sa St. Peter's Basilica.
02:18Kasunod niyan ang pagtungo sa Pauline Chapel pasado alas 10 ng gabi, oras sa Pilipinas para sa Litany of the Saints.
02:25Bagong opisyal na pagsasara sa kapilya o simula ng conclave, dahil sikreto ang sagradong tradisyon ng pagpili,
02:32kinakailangan pang lagyan ng film ang mga bintana ng Sistine Chapel at kabita ng mga jamming device para tiyak na hindi makakasagap ng cellphone signal.
02:42Bago isinara ay nasilip ang paghahanda sa kapilyang itinayupa noong 1473.
02:46Doon ay tila tatanglaw sa mga kardinal ang mga obra ni Michelangelo na nagtatampok sa ilang tagpo sa Biblia,
02:54kabilang ang pamosong The Creation of Adam na nasa gitna ng kisame ng Sistine Chapel.
03:00Ang obra ang sumisimbolo sa paglikha ng Panginoon sa unang tao.
03:04Tila sumasalamin din sa bagong yugdo ng pagpili sa susunod na lider na mahigit isang bilyong katoliko sa buong mundo.
03:12Inihanda rin ang mga mahahabang lames at upuan na gagamitin ng mga kardinal.
03:17Nakapatong sa lamesa ang pangalan ng mga lalahok sa botohan at mga gagamitin nila sa pagboto.
03:23Nasa bandang gitna naman ang isang makapal na libro para sa panunumpa ng mga kardinal
03:28na hindi maglalabas ang anumang detalye sa kahit kanino tungkol sa isasagawang conclave.
03:33Sa ibang bahagi, makikita rin ang mga wooden ball na may numero at gagamitin sa bilangan ng boto.
03:39Handa na rin daw ang maliit na kwartong didiretsuhan ng mapipiling Santo Papa ng two-thirds o mahigit pang kardinal elector na kung tawagin ay Room of Tears
03:50dahil sa dami ng mga naluhang dating Santo Papa sa gitna ng pagninilay-nilay nila sa mabigat na responsibilidad na iaatang sa kanya.
03:58Dito na rin niya isusuot ang papal casso o kasuotan bilang pinakabagong Santo Papa na inihanda na rin.
04:07Bago ang mga ito ay tinalakay ng mga kardinal sa ikalabing dalawa at huling kongregasyon nila
04:12ang mga reformang ginawa ni Pope Francis at dapat ipagpatuloy.
04:17Kabilang dyan ang legislation on abuse, economic issues, the Roman Curia,
04:22synodality, work for peace at care for creation.
04:25Nanawagan din ang College of Cardinals ng kapayapaan at permanenting ceasefire
04:30sa gitna ng diumuusad na panawagang kapayapaan sa Ukraine, Middle East at iba pang panig ng mundo.
04:36Kaya binigyang diin nila ang katangian ng susunod na Pope na dapat ay magdadala ng pag-asa sa panahon ng digmaan at karahasan.
04:49Vicky?
04:51Yes, Connie. Nako, excited na kami rito.
04:54O talagang aabangan namin yung susunod na mga kaganapan dyan, Connie.
05:00Maraming salamat sa iyo, Connie Cesar.
05:02Sa ibang balita, nasa Kote, sa Maynila, ang babaeng nasa likod umano ng investment scam
05:07na tumangay ng milyong-milyong piso sa kanyang mga biktima.
05:11Ang kanyang modus na fuel investment trading tunghayan sa aking eksklusibong pagduto.
05:16Hinarang ng San Juan Police, ang passenger pa na ito sa Sampaloc, Maynila.
05:26Ang pakay, silbihan ng isang 30 anyos na babaeng sakay nito ng areswaran para sa kasong estafa.
05:32Ayon sa San Juan Police, tinangay niya ang milyong-milyong pisong inilagak ng mga naloko umano sa tinatawag na fuel investment trading.
05:40Nag-hikayat po siya na bumili po ang tao ng gasolina po or fuel.
05:48And for every liter po na mabibili ng tao na maidi-deliver is meron pong porsyento na piso po or liter ang mga investors.
05:57Anila, sa Southern Tagalog daw unang ng biktima hanggang sa umabot na sa Metro Manila.
06:02Karamihan ng mga complainant ay mga pulis at bumbero.
06:04Pero may ilan ding politiko sa Metro Manila, kabilang ang isang natangayan ng 20 milyong piso.
06:10Ang 2021 po, ay nagsimula po siyang tumanggap ng investment.
06:14Noong una po ay nakapagbigay naman po ng pinangakong return of investment.
06:18Wala pong ipinakita sa kanila ng papel garing from the Securities and Exchange Commission.
06:24Kabilang sa mga tumubo ang investment, noong una ang isang babaeng bumbero.
06:28Kaibigan po kasi siya noong partner ko po noon.
06:30Ang inalok nila sa akin is mag-invest ng 5,000 liters.
06:35Pero nang magtagal, naglaho ang suspect ang ay, ang kulang 2 milyong piso.
06:40Sobrang masakit po talaga.
06:42It's yun po eh. Inutang ko din naman po yun. Masakit na po doon. Hindi lang naman pera yung nawala.
06:49Kailangan niya po talagang pagbayaran yan eh.
06:51Yung stress po na binigay niya sa amin eh.
06:54Ayon naman sa suspect, biktima rin siya dahil tinangayan niya ng isa pang tao ang perang pambayad sana niya sa mga investor.
06:59Pagka hindi ka nagbigay, anong gagawin sa'yo?
07:01Paula lang po ng balay yung bahay namin.
07:05Sagot ng polisya, sa korte na niya ito patunayan. Paalala nila.
07:09I-check po natin mabuti yung kanilang papel. Siguro din po natin na lisensyado po ito sa Securities and Exchange Commission.
07:16Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, nakatutok 24 oras.
07:21Kanya-kanyang alma ang iba-ibang grupo sa bagong utos ng DOTR na makapagpakonsolidate ang mga pampublikong sasakyan sa mga ruta na hindi pa consolidated ang 60% ng mga bumabiyahe.
07:38Nakatutok si Joseph Moro.
07:44Muling binuksan ng Transportation Department ng aplikasyon para makapagconsolidate ang ilang traditional na jeepney.
07:50Yan ay kung bumabiyahe sila sa mga ruta na walang 60% ang nagkukonsolidate.
07:55Effective na po ito next week, May 14, and then wala ko itong deadline.
08:02Kasunod yan ang pakiusap ng mga di pa consolidated,
08:05G-Transportation Secretary Vince Lison, nabigyan pa rin sila ng provisional authority o karapatang bumabiyahe kahit hindi nagkonsolidate.
08:13Isang taon ang extension ng kanilang provisional authority ayon sa department order pero may kondisyon.
08:19Only if they join the program. Hindi naman pwedeng pupunta ka rito, sasabihin mo akin na yung provisional authority.
08:27Dapat meron kang existing route na ipapakita sa amin.
08:31Pero ayon sa grupong PISO, ng hiling nila ay payagan lahat na mga hindi consolidated ang mga jeepney na mag-operate pa rin.
08:38Ibalik ang limang taong prangkisa at ibasura na ang programa.
08:42Sabi naman ang grupong Manibela, malayo ito sa hiling nila na makapagparehistro kahit hindi sila consolidated
08:48at maibalik ang prangkisa o ang provisional authority.
08:51Para naman sa mga grupong nagkonsolidate na dapat may deadline pa rin para hindi makalito.
08:57Samantala, kaugnay ng karambola sa SCTex na ikinasawi ng sampung tao,
09:01kinumpirma ng abogado ng kumpanyang may-ari ng sangkot na bus na inantok ang driver nito.
09:06Inamin niya sa inyo, inamin din niya sa akin na yung panahon na yun apparently na nakainlip siya.
09:13Dahil anya yan, sa maintenance medicine ang driver para sa alta presyon,
09:17pagkaman ininom ito noong gabi bago ang aksidente, hindi pa rin anya ito alam ng kumpanya.
09:23Dahil din sa maintenance medicine, kung kaya tumanggi magpa-drug test noong una ang driver,
09:28pagkaman nag-negatibo naman kinala una ng pumayag na.
09:31Ayon sa abogado, hindi nakadalo sa pagdinig ang driver dahil nakaditin na ito sa tarlac.
09:36Gayon din ang konduktor na anya ay may pilay sa paa.
09:39Ayon sa ATFRB, hindi naman daw bawal na magmaneho na mga pampublikong sasakyan yung mga driver na nagme-maintenance medicine.
09:47Dapat may protokol ang kumpanya niya tungkol dito.
09:50Dapat nalaman nila yan because that is the health of their driver.
09:54Either way, we think the management has to answer for the negligence of the driver.
09:59Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
10:09Inilabas ng Okta Research ang resulta ng kanilang tugon ng masa April 2025 pre-election survey.
10:19At nakatutok si Ivan Mayrina.
10:24Labing walong kandidato ang may statistical chance sa Manalo kung gagawin ang eleksyon sa panahong isinagawa ang voting preferences survey
10:31ng Okta Research para sa 2025 senatorial elections.
10:34Yan ay sina Sen. Bonggo, Congressman Erwin Tulfo, dating Sen. President Tito Soto,
10:40Sen. Bato de la Rosa, broadcaster Ben Tulfo, incumbent Sen. Spia Cayetano at Ramon Bong Revilla Jr.,
10:47Makati Mayor Abby Binay, Sen. Dito Lapid, dating Sen. Ping Lakson, Congresswoman Camille Villar,
10:54dating Sen. Bam Aquino, TV host Willie Revillame, dating Sen. Manny Pacquiao,
10:58Sen. Aimee Marcos, dating DILG Sekretary Ben Hur Abalos, Congresman Rodante Marcoleta at dating Sen. Kiko Pangilinan,
11:07ang survey ay non-commissioned at isinagawa noong April 20 hanggang 24, 2025
11:12sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents, edad labing walang pataas at mga rehistradong butante.
11:19Meron itong plus-minus 3% na margin of error at confidence level na 95%.
11:25Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrin na nakatutok 24 oras.
11:30Humarap sa NBI ang mga abogado ng mga vlogger at content provider na ipinatawag kaugnay.
11:36Sa pagkalat ng fake news, nakatutok si John Konsulta.
11:39Nagtungo kanilang umaga sa tanggapan ng NBI ang limang abogado ng mga vloggers at content provider na pinusubpina ng bureau.
11:51Ayon kay NBI Director Jaime Sanchago, pinadalahan sila ng supina para magkaroon ng pag-uusap kaugnay sa pagkalat ng fake news.
11:59Sinubpina namin about 40 vloggers, content creators, not really to charge them, kundi magkaroon ng dialogue.
12:10Because sinasabi ko nga, I'm a former judge and I respect freedom of speech, freedom of expression.
12:17Maaaring yung iba sa kanila na liliis lamang ng landas, hindi alam na lumalampas na sila sa parameter ng batas.
12:25Nilinaw ni Director Sanchago, labagamat nilerespeto ng NBI ang karapatan ng paglalabas ng opinion at malayang pamamahayag, hindi raw maaaring labagin ang probisyon ng batas.
12:37Halimbawa, nagko-comment, oh, bakit ngayon lang nagbenta ng 20 pesos na bigas, porkit malapit na eleksyon?
12:44That's it's okay. Kine-question mo, opinion mo yan, pati nilalabas mo, ang binibenta naman nilang bigas, ito, inuud, ah, and that is fake news already.
12:54Dahil hindi naman magbibenta ang gobyerno ng gano'n.
12:59Gita man ang ilang abogadong humarap, importanteng mabalansin ng maigi ang pangangalaga sa karapatan ng pamamahayag at pagbabantay sa pagkalat ng fake news.
13:08This is part of discussions, this is part of commentary, this is covered by free speech.
13:14Sabi niya, wala namang problema with commentary, huwag naman daw yung fake.
13:17We also reminded him that there is a Supreme Court decision where even if the commentary should be based on something that later on proves to be erroneous, it's still protected speech.
13:29Paalala ng NBI, sasay lalim sa bisikasyon ang mga hawak nila mga ebidensya para matukoy kung alin ang iaakyat nila para may reklamo sa DOJ.
13:38Yung iba, ipapail na lang namin. Ayaw nilang makipag-cooperate dito. Yung iba, ipapail na lang namin. And then, sa DOJ na silang magpaliwanag, due process pa rin.
13:51Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
13:56Kaakibat ng pamumuno sa mahigit isang bilyong katoliko sa buong mundo,
14:11ang iba't-ibang problema at hamon sa loob at labas ng simbahan niya.
14:16Kung anong mga katangian ng susunod ng Santo Papa ang kailangan ng simbahan,
14:22tinatukan ni Maki Pulido.
14:26Na pag-usapan sa 10th Congregation ng mga kardinalang ilang katangiang hinahanap sa susunod na Santo Papa,
14:33mulat sa mga nagaganap sa lipunan, malapit sa realidad ng buhay ng mga tao.
14:39Kayang magsilbing tulay at gabay ng sangkatauhan na naguguluhanda sa kawalan ng kaayusan sa mundo.
14:46Ayon pa sa Holy See Press Office, na pag-usapan din ang mga problema at hamong kinakaharap bilang ng simbahan, kundi ng mundo.
14:53Sa report ng Vatican News, bumaba ng 0.2% ang bilang ng mga nagpapari sa buong mundo noong 2023 kumpara sa sinundang taon.
15:04Pati mga hamon sa labas ng simbahan tulad ng gera, pagkakawatak-watak, pati pagkasira ng kalikasan,
15:11na pag-usapan din ng mga kardinal sa congregation.
15:13Pusibling iniisip ng mga kardinal, sino kaya, sino kaya sa mga candidates ang makaka-address nito.
15:22Depende kung ano ang nakikita nilang priorities.
15:27Kasi maraming pangangailangan. Maraming pangangailangan ng mundo.
15:31Paliwanag ni Father Joseph Zaldivar dahil hindi nauubusan ng mga hamon ng simbahan,
15:36sana ang mapiling Santo Papa ay kikilos hindi lang para sa simbahan, kundi para sa mundo.
15:42That is not infidelity to the identity of the Church.
15:48Because that is exactly what Jesus commanded the Church to be.
15:54Pero para kay Father Aris, kabanalan ang pinakamahalagang katangian ng Santo Papa.
16:00The Pope is the vicar of Christ, the representative of Jesus Christ here on earth.
16:05Kapag nakita mo siya, you don't only see a good person, a kind person,
16:16but it is very important for me that when we see the Pope, we see God.
16:26Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.

Recommended