Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Panayam kay BJMP Spokesperson JSUPT. Jayrex Bustinera ukol sa paghahanda para sa mga botanteng PDLs ngayong darating na halalan at update sa Education behind Bars Program ng BJMP

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maghahanda para sa mga butating person deprived of liberty ngayong darating na halalan at update sa Education Behind Bars program ng BJNP,
00:08ating alamin kasama si Jail Superintendent J. Rex Bustinera, ang tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology.
00:16Sir J. Rex, magandang tanghali po at welcome sa Bagong Pilipinas ngayon.
00:19Magandang tanghali, Ma'am Bueng and Sir Joey, at sa mga sumusubaybay sa inyong programa.
00:24Sir, kumusta po ang inyong paghahanda para sa magiging halalan o botohan ng mga PDLs ngayong eleksyon
00:29at ilang PDLs po ang inaasahang bobotoh.
00:33Ngayon pong darating na halalan, handang-handa na ho ang BJNP.
00:37Meron ho tayong humigit 31,000 na botante na bobotoh ngayong halalan at out of 115,000 nationwide.
00:47Ito po ay composed of around 400 plus na special polling precinct.
00:52Ibig sabihin ho, doon na ho sila sa loob ng kulungan bobotoh.
00:55At meron lang ho tayong mga nasa 1,000 na PDL na dadalhin sa labas sa mga community polling precinct natin.
01:04At so far, okay naman ho ang preparation.
01:07Naka-alerto na ho ang buong BJNP para tumugon dito sa gaganaping halalan.
01:12Sir, doon sa nabanggit niyong 31,000, ilan po yung hindi makakaboto at ano yung dahilan?
01:17Dito po, 115,000 ang total population.
01:21So, around na sa 80,000 plus ang hindi bobotoh dahil po hindi po sila registered as voters.
01:29Ganun din po, sila po ay mga newly commit o yung mga bagong kulung pa lamang at hindi nakapag-parehistro kung saan nasa ang location ng aming kulungan.
01:37So, 80,000 dahil bagong pasok. Pero ano yung nabanggit niyo kanina, 31,000?
01:45Ito po yung 31,000 ay registered voters na maaaring naboboto po ngayong halalan.
01:51Sir, sa mga facilities at logistics naman, ilan po sa mga facilities sa buong bansa yung magsisilbing special polling precincts para sa mga PDL?
01:58At paano po ito pinagandaan?
02:00Sabi ninyo, merong mga dadalhin sa labas.
02:03So, yung security nun, paano po ito?
02:05So, ang arrangement po natin dyan, tama po kayo, nasa 400 ang ating special polling precinct.
02:14Nadoon mismo bobotoh off on-site ang ating mga PDL.
02:18Pupunta po yung Comelec representative kasama ang PNP at BGMP, daladalaho yung balota.
02:25At doon po sila magmamark ng kanilang bobotoh, i-elect nila sa jail.
02:30So, after election, after pagmark nila sa balot, during the process, hanggang 2 p.m. lang ho ang pagboto sa loob ng kulungan.
02:38And then, after po nun, dadalhin na ho sa labas kung nasaan yung ating mga counting machine,
02:43with a representative from Comelec, PNP, and BGMP, i-insure natin na madadala at mabibilang yung kanilang boto.
02:50Meron po bang third-party group na pwedeng mag-observe sa conduct of voting ng mga PDL?
02:57Yes, sir. Similar po sa ating mga community polling precinct ay welcome po yung mga observers, watchers, even sa loob ng kulungan.
03:06And, of course, subject to security inspection lamang po ito bago pumasok ng jail.
03:11Sa ayon po sa inyong tala, meron po bang mga PDLs na kandidato?
03:15So, if ever meron, paano po sila nangangkampanya?
03:18Ah, tama po. Meron po tayong pitong kandidato ngayon sa naitala ng BGMP.
03:24Isa for senator, isa for representative, isang vice mayor, and the other are in the municipal councillors.
03:34So, ito pong pitong kandidato na ito ay piniyagan ng Comelec at ang kanilang kampanya ay depende kung papayagan ho ng korte.
03:42So, in instances ng BGMP na experience po namin, ah, for two separate occasions na may nabigyan ng court order, ah, sa isang recorded video campaign lamang po.
03:54Sino yung tatakbong congressman at saka senator?
03:57Ah, sa ating pong datos, ito po yung ating nakakulong na si, ah, Apollo Kibuloy, or senator, and the other po, ah, mga iba pa pong kandidato.
04:08Sir, bakit po mahalagang makaboto yung mga registered PDL gayong nasa loob po sila ng kulungan para lang maintindihan ng ating mga kababay?
04:18Kagaya po ng ruling ng Supreme Court and resolution ng Comelec, ang aming, ang mga nakakulong ho sa BGMP ay mga nililitis pa.
04:27Ibig sabihin, ah, they are presumed innocent until proven otherwise.
04:32At ang karapatan nilang bumoto, ang their right to suffrage ay intact pa rin.
04:36And ang importance ho nito ay, ang mga nakakulong ho natin ay ang the last, the least, and the lost in our community.
04:44And more often than not, ay napapagkaitan ng mga essential services sa lipunan, kaya nga ho sila nakukulong.
04:53And the importance is, of course, mas mahalaga na makapili sila ng leader na that will represent their best interest.
04:59Sir, sa ibang usapin naman po, dahil mahalaga yung pagbibigay oportunidad sa mga kababayan nating PDLs,
05:05ano po yung kasalukuyang update sa Education Benefit Behind Bars program ng BGMP?
05:11Meron po tayong iba't ibang education programs.
05:15At the foremost, lahat ho nang nakakulong sa atin na hindi nakapagtapos ng elementary at high school
05:20ay beneficiary ng alternative learning system ng Department of Education
05:25na kung saan pumupunta ho yung mga accredited teachers natin sa loob ng kulungan.
05:30Nakapagpapatapos ho tayo ng napakaraming estudyante na up-to-date.
05:34And ito nga po ang pinaka-latest is college education behind bars.
05:37Meron tayong seven facilities or pilot sites, Davao, Quezon City, and other major cities natin
05:44na may mga enrolled tayo for college education.
05:47So tuloy-tuloy naman po yan.
05:49Ang mga nakapagpag-graduate lang po kami ngayon is for high school dun sa alternative learning system.
05:53Yung college po kasi, kasi simula pa lang, two years in the making pa lang po.
05:58Meron kayong figure, sir, kung ilan yung naka-enroll dito sa alternative learning system.
06:02At paano nyo naman hinihikayat yung iba pa na mag-enroll
06:06o to further improve themselves habang nakapiip ko sila?
06:11Tsaka anong course yung kinuha nila?
06:13Ah yes, sa high school po, sa alternative learning system,
06:17nasa 60,000 ng PDA, kalahati ho ng aming population ay enrolled dito.
06:21Yung iba po kasi, nakapagtapos naman po ng high school at hindi na kailangan.
06:26And yung iba naman po, ito kasi ay voluntary basis.
06:30Of course, dapat gustuhin muna nilang mag-aaral.
06:32Hindi mo namin sila pwedeng pilitin.
06:34At may accreditation at exam po kasi ito.
06:37At sa college education naman po, meron po mga business degree, entrepreneurship,
06:42and ang pinaka-recent po nga dito yung sa Manila City Jail natin
06:45in partnership with the Polytechnic University of the Philippines.
06:48Okay, sir. Huli na lang mensahe niyo na lang po sa ating mga kababayan na nakatutok sa atin ngayon.
06:53Opo. Kami ho sa BJMP ay nagsisilbi sa ating 484 na city, district, and municipal jails.
07:00At ngayon po darating na halala ng aming 31,000 PDL na booboto.
07:05Ang hangad lang po namin, hindi lang po sa loob ng kulungan,
07:07kundi sa ating mga community at sa mga booboto ay maging peaceful, safe, and orderly ang ating election.
07:13Ayun lamang po at magandang tanghali po.
07:15Okay, sir. Maraming salamat po sa inyong oras.
07:18Jail Superintendent J. Rex Bustinera,
07:21ang tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Tenology.

Recommended