Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Lalaking nasawi sa aksidente sa NAIA, papunta sana sa Dubai para sa business trip

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakaburol na rin ang lalaking isa sa mga nasawi sa insidente sa Naia Terminal 1.
00:05Agad namang nagpaabot ng tulong ang pamahalaan sa mga biktima.
00:10Si J.M. Pineda ng PTV sa Balitang Pambansa.
00:15Magdidiwang na sana ng karawan sa May 29.
00:18Pero hindi na ito naabutan pa ni Derek.
00:20Siya ang 27 na taong gulang na lalaking biktima sa malagim na aksidente sa Naia Terminal 1 linggo ng umaga.
00:26Ayon sa kanyang mga katrabaho, madalas magbiro sa kanila ang biktima na 30 years lang ang aabuti ng kanyang buhaya.
00:43Pero ilang araw bago dumating ang kanyang ikatatlumpong karawan, naging totoo ang kanyang biro.
00:50Breadwinner, ganyan ituring ng pamilya Faustino si Derek.
00:53Lagi raw talagang nasa ibang bansa siya dahil sa kanyang trabaho.
00:57Papunta sana siyang Dubai para sa isang business trip nang mangyari ang aksidente.
01:02Hanggang sa ngayon, hindi pa rin makapaniwala ang pamilya Faustino sa sinapit ng kanilang kaanak.
01:08Tatlo silang magkakatrabaho na sabay nagpunta sa airport.
01:11Pero bumabaraw agad sa sasakyan si Derek para kumuha ng trolley.
01:15At dun sa saktong oras na yon, biglang humarurot ang SUV.
01:19Dahil sa trahedya, nawala ng kasangga ang kanilang pamilya.
01:23Siya ang nagpapaaral sa bunsong kapatid na malapit na saan ang mag-graduate.
01:27Mabait at stricto na binata.
01:29Ganyan kung ikwento sa amin ang kanyang mga kaanak si Derek.
01:32Ano kasi yan eh, laking lola.
01:34So dito talaga sa ancestral house, lumaki sa lola.
01:38So, masayahin siya, typical na makulit na bata.
01:44Pero nung lumaki na siya, nung ganyan, nagka-work na, medyo ano siya, stricto.
01:51And then medyo, basta iba, nag-iba yung ano niya.
01:54Pagka makulit, ngayon parang sobrang seryoso niya.
01:58Kaya na mangyari ang aksidente, labis ang kanilang paghinag-peace.
02:03Atending kami ng isang relative na funeral din.
02:05Kapag nag-a-ready kami, may call dun sa group, family group ano namin, chat.
02:13So, tumawag yung, ang kausap, ang tumawag yung sumunod sa kanya na babae.
02:20So, sabi niya, tita, sabi niya si kuya, sabi niyang ganyan.
02:24Sabi ko, ano-ano nangyari kay kuya?
02:26Sabi ko, ganyan, inatake ba siya?
02:29Kasi asthmatic to eh, may asma.
02:32Misan hindi siya makahinga dahil sa asma.
02:34Saan siya inatake? Sabi ko, ganyan.
02:37Sabi niya, hindi, tita. Sa terminal 1.
02:40Nagtatrabaho bilang isang senior supervisor sa isang book printing company ang biktima.
02:45At pangsampung taon na sana niya ngayon sa trabaho.
02:47Nagabot na sa Pamilya Faustino ng tulong pinansyalang Department of Social Welfare and Development.
02:52Habang sinagot na atang naiyang gastusin sa purinarya at burol ng biktima.
02:56Masukal at masikip ang daan papunta sa bahay ng biktima.
03:00Pero ayon sa mga kaibigan niya, tatsagain nila ito masilayan lang sa huling sandali ang kanilang kaibigan.
03:06Sa linggo na ang libing ni Derek.
03:08Habang ang apatataong gulang na isa pang biktima ay kasalukuyan pa rin nakaburol sa Lipa, Batangas.
03:13Nalaman na rin ang ina ng bata ang nangyari sa kanyang anak.
03:16Hanggang sa ngayon ay nagpapagaling pa rin siya sa ospital.
03:19Mula sa People's Television Network, JM Pineda, Balitang Pambansa.

Recommended