Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sugata ng isang rider at ang kanya angkas matapos masalpok ng firetruck na re-responde sana sa sunog sa Cebu City.
00:08Papatawin ang intersection ng truck habang parating ang dalawang motorsiklo.
00:12Nagawang pumreno ng isa sa mga motorsiklo pero ang isa pa dumire-diretsyo hanggang sa masalpok ng firetruck.
00:18Tumilapon ang magkaangkas at ayon sa mga polis, aminado ang dalawa na narinig nila ang sirena ng bombero pero hindi sila pumreno.
00:26Sasaguti naman ng LGU na nagbamayari sa firetruck ang pagpapagamot ng mga sugataan.
00:34May persons of interest na ang mga polis sa panghold-up sa isang Japanese restaurant sa Makati.
00:40Saksi, si Marise Umali.
00:46Abala kagabi sa pagkain ang mga customer ng isang Japanese restaurant sa Arnaiz Avenue, Makati,
00:52nang biglang pumasok ang dalawang naka-helmet at may bit-bit na baril.
00:57Pinagkukuha nila ang gamit ng mga kumakain.
00:59Ang isa sa naka-helmet may isinuksok sa bulsa na ayon sa polis siya ay wallet ng isang Japon na naglalaman ng 25,000 pesos.
01:07Naaktuhan din ang CCTV ang isang nakauniforme ng pang-motor taxi rider na tinutukan ng barilang uno ng isa sa mga customer.
01:15Ayon sa mga otoridad, kinuha niya ang mga cellphone ng mga customer.
01:18Ang pang-hold-up ng grupo tumagal lang na mahigit isa't kalahating minuto.
01:23Pero maya-maya lang nagtaka ang mga biktima nang bumalik ang nakauniforme pang-motor taxi at ibinalik ang mga ninakaw na cellphone.
01:30The demeanor of the suspect is quite unusual ma'am.
01:34Why? Because considering all those items already taken by them.
01:39But the thing is they return to those owners.
01:44Wala nang ibang ninakaw ang mga suspect at wala rin nasaktan.
01:49Sa kabila ng pagpirma ng affidavit ng biktimang Japon na hindi na magsasampa ng kaso, hindi pa rin ito bibitawan ng mga polis.
01:56Hawak na nila ang testimonya ng mga tauhan ng kainan at ng biktimang Japon na makatutulong daw sa pagkapatibay sa reklamo.
02:03At large pa ang dalawang suspect pero may mga persons of interest na raw na tinitignan ang Makati Police sa insidente
02:09at sasampahan daw sila ng mga reklamong robbery at paglabag sa Omnibus Election Code in relation to RA-10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
02:20Itutuloy po natin ito para mas malaman natin kung ano ang tunay na motibo,
02:26naging motibo po ng dalawang motor riding suspect o po na naiulat.
02:33Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umaliang Inyong Saksi.
02:37Isa sa mga tinuturing na susi sa embesigasyon sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Ke,
02:45ang primary suspect na si Kelly Tan Lim, ayon sa PNP.
02:49Siya po ang nagproseso umano sa ransom mula sa pamilya ng biktima.
02:54Saksi si JP Soriano.
02:55Ipinakita ng PNP ang CCTV footage kung paano dinakip at kalaunay pinatay ang negosyanteng si Anson Tan o Anson Ke
03:08at sa kanyang driver na si Armani Pabilyo.
03:11Ilang beses na mataan sa CCTV ang itinuturing na isa sa primary suspects na si Kelly Tan Lim na pinagahanap pa hanggang ngayon.
03:19Bago po yung March 29 po na yan, nakita din po si Alias Kelly leaving the apartment noong hapon po ng March 28, 2025.
03:31Makikita din po natin, same day po, dumating po sa Martha Street, ang Redford Everest,
03:38kung saan lulan po si David Tan Liao at makikita po doon sa pangalawang video,
03:43pumasok po siya sa loob na mga around 3.33pm po.
03:48Ayon sa PNP, si Alias Kelly na isang Chinese national ay pinaniniwala ang nagproseso ng ransom money na ibinayad ng pamilya ng biktima.
03:57Dahil dito, itinaas na sa 10 milyong piso ang reward money sa sino mang makapagtuturo sa kinaroonan ni Kelly
04:05na huli raw na mataan sa Boracay gamit ang ibang pangalan.
04:09Nag-issue na rin sila ng Red Notice o International Alert.
04:12Kaya hinanap namin si Kelly, ano ba talaga motibo nila?
04:16Kasi si Kelly nagtatransfer ng pera po from different e-wallets, from crypto to e-wallet.
04:23Kaya ang laki ng 10 milyon ang reward natin kay Kelly.
04:26Ang ransom money na ipinadeposit ng kidnapper sa anak ni Ke ay iniutos na ipadala sa account ng dalawang junket operator
04:34bago ipinasok sa iba't ibang crypto wallet hanggang ma-convert ito sa cryptocurrency.
04:40Nandito po ngayon nakikita po natin na ang ransom money po na binayaran mula po March 31 to April 8 to 2025
04:52ay dumaan po sa dalawang junket operator po which is Nine Dynasty Group at yung White Horse Club
05:00na nag-ooperate po sa mga majority po ng kasinos dito po sa Pilipinas.
05:07Sabi ng Anti-Money Laundering Council, mahirap matuntun ang mga transaksyong ipinapasok sa crypto wallet.
05:14Pero matapos daw ang imbestikasyon, natukoy na may isa pang Chinese national nakasabwat ng primary suspects na sina David Liao at Kelly.
05:22Sometime on June 7, 2023, si Ling Niem ay nagpadala po ng malaking amount ng pera through e-wallet
05:32kay Ni Jingyu. Ito pong pangalan ni Ni Jingyu ay nag-appear po sa isang newspaper report po published noong February 26
05:42na in-identify po siya as one of the individuals apprehended by the NBI for espionage.
05:49Ang ginagawa po ng ABLAC ay tinitrace po natin kung sino pa ang nakatransak.
05:55And ilalatan po namin in the coming days kung sinong mga tao na to.
05:59And isishare po natin yan sa ating Pilipinasional Police para mag-contact po sila ng coordinate investigation.
06:06Si Ni Jingyu, kabilang sa mga naaresto ng NBI matapos umanong makita ang gumagamit ng International Mobile Subscriber Identity
06:14o IMSI catchers at ilang beses na mataan malapit sa ilang military facility sa Pilipinas.
06:22Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
06:29Barko ng China, posibleng nagsasagawa umuno ng illegal marine scientific research sa exclusive economic zone ng Pilipinas
06:35ayon sa Philippine Coast Guard.
06:37Ayon sa PCG, May 1 nang pumasok sa EEZ ng bansa ang Chinese research vessel na Tansuo 3
06:43na namataan 92 nautical miles mula sa Burgos, Ilocos Norte.
06:48Na i-radio challenge ng BRP Teresa Magbanwa at isang PCG aircraft ang barko,
06:52lumapit sa research vessel ang isang deep-sea submersible vessel na ginagamit umano sa deep-sea exploration at research.
06:59I-dineploy rin ang Chinese research vessel ang rigid hull inflatable boat
07:03para ma-recover ang isang piraso ng equipment na maaaring ginagamit sa marine scientific research.
07:08Wala pang pahayag tungkol dito ang Chinese embassy.
07:11Luma ang barkong gagamitin sanang target para sa balikat ng exercises, lumubog.
07:15Ayon sa Philippine Navy, pinoposisyon ng BRP Miguel Malvar nasa 30 nautical miles mula sa San Antonio Zambales ng lumubog ito.
07:22Pinasok daw ng tubig ang decommissioned ship dahil sa malalakas na alon.
07:26Wala namang nakasakay noon sa barko at tinanggalan na ng langis bago ang insidente.
07:31Pag-aaralan pa rao ng AFP kung mas makabubuting hatakin o hayaan na lang doon ang barko.
07:36Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
07:40Sa panahong digital na maging ang pangangampanya, kasama na sa pwedeng grounds for disqualification sa mga kandidato,
07:55ang maling paggamit ng social media.
07:58Sa inilabas na resolusyon ng Comelec, kabilang dyan ang pagpapakalat ng fake news,
08:02ang paggamit ng mga peking account at ang maling paggamit ng artificial intelligence o AI.
08:08Saksi! Siniko Wahe!
08:09Kung dati sa mga kalsada, radyo at telebisyon,
08:24ngayon, hanggang online na ang tag-isa ng mga kandidato para makakuha ng boto.
08:30Ang kaso lang, sa daming kayang gawin ng internet at teknolohiya ay tila sumusobra o di kaya naman mali ang paggamit nito ng mga kandidato at ng mga taga-suporta nito.
08:43Gaya nito, pwede ako ngayong mag-endorso ng kahit sinong kandidato gamit lang ang video nito na may kung sino-sinong muka.
08:50Pwede yung mapalitan ng kahit sino na animoy lehitimo at totoong nage-endorso.
08:56O di kaya naman ay nagpapakalat ng fake news at nagsasagawan ng misinformation at disinformation.
09:03Teka, heto na ang lehitimong muka.
09:06Ako na to.
09:06Kaya kung hindi mabusisi, ay talagang malilin lang ka.
09:13Ang maling paggamit ng digital tools ng mga kandidato ay pwede nang maparusahan sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11064.
09:22Ayon kay Comelec Chairman George Irwin Garcia, nakaangkla ang resolusyon sa Republic Act 9006 o Fair Elections Act,
09:30kung saan nakalagay na pwede nilang i-regulate ang kampanya ng mga kandidato sa mga radyo, telebisyon, jaryo at iba pang uri ng media.
09:39Ang sinasabing ibang uri raw ay in-interpret nila bilang kampanya sa social media at internet.
09:46Diyan may mga paglabag patungkol sa disinformation, disinformation at fake news. Yan ang nilalabanan ng Comelec.
09:53Sa Comelec Resolution 11064, inilatag ang mga digital campaign tactic na itinuturing na election offense kung ang pakay ay magpakalat ng maling impormasyon
10:04para mang-endorso o mang-atake ng kandidato, political party, coalition o party list o di kaya ay maling impormasyon ukol sa eleksyon o sa Comelec.
10:14Kabilang dito ang paggamit ng false amplifiers gaya ng mga fake account.
10:18Coordinated inauthentic behavior o ang paggamit ng automated na paraan para maging dagsa ang pagpapakalat ng mali o mapanlin lang na impormasyon online.
10:29Gamit ng peke at unregistered na social media account.
10:33Pag-invento at pagpapakalat ng fake news.
10:36At paglikha ng content gamit ng artificial intelligence o AI nang hindi sumusunod sa transparency at disclosure requirements sa ilalim ng Comelec Resolution.
10:44Kasama rin sa pwedeng election offense ang paggawa at pagpapakalat ng mga deepfake, cheapfake at softfake.
10:53Deepfake yung mga minanipulang imahe, video at audio gamit ang AI na para talagang totoo pero pinagbumukalang na nangyari o sinabi ang isang bagay na hindi naman talaga naganap.
11:05Softfake naman kapag subtle o hindi gaanong halata ang pagmanipula sa mga larawan at video para maimpluensya ng panaraw na iba.
11:12Cheapfake ang tawag kapag ang mga authentic o totoong imahe at video, iniba ang konteksto para mag-iba rin ang kahulugan.
11:21Lahat yan ay grounds for disqualification.
11:25Yan ay isang election offense at isang ground to disqualify the candidate.
11:29Ibig sabihin, ang mismong task force KKK namin na in-establish dito sa public resolution na ito, ang mag-initiate ng mga complaints o yung mga petisyon laban sa mga kandidato kung may paglabag na nakikita kami dito.
11:42Maaari rin makulong ng isa hanggang anin na taon ang lalabag dito.
11:4810,000 pesos naman ang multa sa mga political party na mapapatunayan na nagtapakalat ng fake news.
11:55Kung dayuhan ng violator, idedeport siya matapos maisilbi ang sentensya sa Pilipinas.
12:00Kaya minabuti rin ang COMELEC na iregister ng mga kandidato ang kanilang mga official social media accounts.
12:06Pero aminado ang COMELEC, mahirap ang pagbabantay ng social media activity ng mga kandidato.
12:12Wala kaming mga sapat na tao upang imonitor ang lahat ng social media accounts ng lahat ng kandidato.
12:19Ayon sa grupong sigla na isa sa mga lumalaban sa misinformation at disinformation ngayong eleksyon,
12:25mas mainam kung mismo ang mga botante ang makakaalam kung ang naikita nila online ay peke o hindi.
12:31Sa ganitong paraan ay makatutulong ang bawat mamamayan sa pagre-report sakali mang may kandidatong mali ang paggamit sa social media.
12:39Gamit ang kanilang disinfo hub na may lesson plans, silabus at explainer videos,
12:45maaaring matuto ang mga Pilipino, botante man o hindi, kung paano malalaban na ng fake news.
12:51Ang mahirap daw kasi sa ngayon, iba-ibang alam nating katotohanan.
12:54Nahihirapan kasi tayo ngayon na mag-usap dahil hindi na pareho yung pinagtutungtongan natin ng facts, diba?
13:02So, iba na yung kung saan ka nanggagaling at iba na rin kung saan ako nanggagaling.
13:07So ngayon, we see how important it is to still engage with one another
13:13and to relate back doon sa kung paano natin buuhuin yung shared reality.
13:19Ayon naman sa Lente o Legal Network for Truthful Elections,
13:24kung ikukumpara sa mga eleksyon noong 2016 at 2022,
13:28mas malala na raw ngayon ang problema online.
13:31Kayong nagsisimula pa lang eh, yung marami doon sa mga kandidato,
13:36lalo na sa mga stakeholders natin yung pagkilala ng significance
13:40ng paggamit ng social media at ng iba't ibang online platforms para sa kanilang kampanya.
13:46Ngayon, lahat halos na ng kandidato o meron silang recognition na
13:50kailangan magkaroon din sila ng magandang kampanya,
13:54whether good or bad campaign sa mga iba't ibang online platforms.
13:58Kaya progresibong hakbang daw ang paglalabas ng COMELEC ng resolusyon.
14:04It's one of the first actually in the world.
14:06If you take a look at the experience and the functions of different election management bodies
14:12to lower the world, ito yung unang resolusyon pagdating sa use of AI
14:16or artificial intelligence sa eleksyon.
14:20Pero hindi raw ito sapat.
14:23Kailangan talagang masolusyonan na ating kongreso na
14:27yung online campaigning ay magkaroon na na tayo ng panibagong patas patungkol dyan.
14:32Kaysa sinistretch na ni COMELEC eh,
14:34ang Fair Election Act, Omnibus Election Code,
14:36para kahit pa paano magawa nila ng paraan to regulate campaigning
14:40in the different online platforms.
14:42So that COMELEC will have more power to regulate online campaigning.
14:48Sa tuwing sasapit ang panahon ng eleksyon,
14:51dito na madalas nahati ang mga Pilipino.
14:54Nakadepende sa paniniwala o kung sino ang paniniwalaan.
14:58Pero dapat nating tandaan,
15:00naiisa lang naman ang versyon ng katotohanan.
15:03Para sa GMA Integrated News,
15:05ako si Niko Wahe, ang inyong saksi.
15:08Isang linggo bagong eleksyon 2025,
15:11patuloy ang pangangampanya at paglatag ng mga kandidato
15:13sa pagkasirado ng kanilang mga advokasya.
15:17Ating saksihan!
15:20Pagpapalagas ng edukasyon ang binigyan diin ni Bam Aquino sa Sulu.
15:25Libreng maintenance medicine sa senior citizens
15:27ang isinulong ni Mayor Abbey Binay.
15:30Sa Quezon City, nangampanya sa Atty. Jimmy Bondok.
15:35Kasama si Sen. Bato de la Rosa na naispok sa inang droga at kriminalidad sa bansa.
15:41Si Sen. Bongo, prioridad ng programang pangkabuhayan at pangkalusugan.
15:46Si Atty. J. V. Hinlo, binigyan diin ang halaga ng industrialisasyon.
15:49Ibinahagi ni Atty. Raul Lambino ang karanasan bilang isang abogado.
15:56Libreng bill sa kuryente kung 2,000 piso pababaang nais si Congressman Rodante Marcoleta.
16:02Pagtataguyod ng healthcare system sa Pilipinas ang advokasya ni Dr. Marites Mata.
16:07Si Atty. Vic Rodriguez gustong supuin ang korupsyon sa pamahalaan.
16:10Kapayapaan ng bansa ang isa sa prioridad ni Philip Salvador.
16:17Sa Tawi-Tawi, binida ni Sen. Bong Revilla ang mga batas na kanyang nagawa.
16:23Naroon din si Manny Pacquiao na sinabing tututukan ang programa niyang libreng pabahay.
16:28Dedikasyon sa serbisyo bilang isang public servant ang binigyang diin ni Congressman Bonifacio Busita.
16:33Suporta sa lokal ng programang pangkalusugan ang inilatag ni Sen. Pia Cayetano.
16:38Magna Carta para sa Barangay Officials ang isinulong ni Atty. Angelo de Alban.
16:45Electoral Reform ang nais ni Mark Gamboa.
16:49Kapakanan ng mga mangisda sa West Philippine Sea ang idiniin ni Sen. Lito Lapid.
16:55Pagprotekta sa integridad ng eleksyon ang idiniin ni Ariel Quirubin.
17:00Nais si Danilo Ramos na mapababa ang presyo ng bigas.
17:04Nasa Grand Rally sa Laguna si Willie Revilla-Mick.
17:11Ibinida ni Sen. Francis Solentino ang pabahay para sa Taalve-Kips.
17:16Nangako si Congresswoman Camille Villar natutulong sa paghahatid ng basic services.
17:21Patuloy naming sinusundan ng kampanya ng mga tumatakbong senador sa eleksyon 2025.
17:26Para sa GMA Integrated News, ako si Salima Refra ng inyong saksi.
17:32Inilabas ng Pulse Asia ang resulta ng kanilang Senatorial Preferences Survey na ginawa nitong Abril.
17:38Ating saksi ha!
17:39Sa April 2025, pulso ng Bayan Pre-Electoral National Survey ng Pulse Asia,
17:47labing-apat na kandidato ang may statistical chance na manalong senador sa eleksyon 2025.
17:53Ito ay sina Senador Bong Go, Congressman Irwin Tulfo,
17:58dating Senat President Tito Soto, Senators Bato De La Rosa at Bong Revilla,
18:03dating Senador Ping Lakson, Ben Tulfo, Senador Lito Lapid,
18:08Makati Mayor Abidinay, Senador Pia Cayetano, Willie Revilla-Mick,
18:13Congresswoman Camille Villar at mga dating Senador Manny Pacquiao at Bam Aquino.
18:19Isinagawa ang survey noong April 20 hanggang 24, 2025
18:24sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,400 representative adults edad labing walo pataas.
18:33Mayroong plus-minus 2% na error margin ng survey at confidence level na 95%.
18:40Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez ang inyong saksi.
18:45Mga kapuso, maging una sa saksi.
18:49Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended