Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:02.
00:04.
00:06.
00:08.
00:10.
00:12.
00:14.
00:18.
00:20.
00:22.
00:24.
00:26.
00:28.
00:29.
00:31.
00:33.
00:35.
00:37.
00:39.
00:41.
00:43.
00:45.
00:47.
00:49.
00:51.
00:55.
00:57.
00:58.
01:00.
01:02.
01:04.
01:06.
01:08.
01:10.
01:12.
01:14.
01:16.
01:18.
01:20.
01:22.
01:24.
01:26.
01:28.
01:30.
01:32.
01:34.
01:36.
01:38.
01:40.
01:42.
01:44.
01:46.
01:48.
01:50.
01:52.
01:54.
01:56.
01:58.
02:00.
02:02.
02:04.
02:06.
02:08.
02:10.
02:12.
02:14.
02:16.
02:18.
02:20.
02:22.
02:24.
02:26.
02:28.
02:30.
02:32.
02:34.
02:36.
02:38.
02:40.
02:42.
02:44.
02:46.
03:06.
03:08.
03:09.
03:10.
03:11.
03:12.
03:14.
03:16.
03:42.
03:43Hindi muna nagpa-unlock ng panayam ang mga kaanak.
03:46Kapansin-pansin namang nakatabi sa kabaong ni Faustino ang kanyang pet dog na si Blue.
03:52Nakasama niya raw hanggang sa pagtulog.
03:54Ang driver ng SUV, ilang beses daw iginiit na hindi niya sinadya ang nangyari ayon sa mga otoridad.
04:02Sumalang na siya sa electronic inquest para sa mareklamong reckless imprudence resulting in two counts of homicide, multiple physical injuries and damage to property.
04:13Susuriin din ang SUV at iimbestigahan ang pagsusuot lang ng chinelas ng driver.
04:19Pino na rin ang isang road safety expert kung paanong basta-basta nasira ng SUV ang bollard sa Naiya Terminal 1.
04:28Lalot ang silbingan nito ay mapigilan ang ganong uri ng disgrasya.
04:33Substandard talaga. Kita ko tinuro ang Siktari Vince Disson. Parang kinabit lang igat.
04:38Hindi siya yung bollard na...
04:41Hindi siya embedded. Dapat 300 mm ang pag-embed ng bollard na kayang titigil sa impact.
04:48Ayon sa DOTR, pa-iimbestigan din daw ito at posibleng papalitan sa bagong pamunuan ng Naiya.
04:55Oscar Oida, nagbabalita para sa GM Integrated News.
04:59Ilang requirements sa drug test at driving hours na mga PUV driver ang mas hinigpitan dahil sa disgrasya sa SC-Tex noong Huwebes na kumitil ng sampu.
05:09Habang buhay na rin gibibigyan ng lisensya ang sangkot na driver ng bus.
05:14Narito ang aking report.
05:14Kuha ito ng CCTV sa Subic Clark-Tarlac Expressway o SC-Tex bago ang malagim na disgrasya noong May 1.
05:24Habang nakapila sa tollgate ang mga sasakyan dumating mula sa malayo ang bus ng Pangasinan Solid North.
05:31Tuloy-tuloy ang andar nito hanggang ang mga sasakyan sa harapan nabangga at napit-pit sa truck sa unahan.
05:36Sampu ang nasawi. Ayon sa mga polis, saglit umunong napikit ang bus driver.
05:43Ang sabi ng Transportation Department, tumanggi magpa-drug test noong una ang bus driver.
05:47Hindi ka pwedeng hindi pumayag. Nakapatay ka ng sampung tao. Hindi ka papaayag magpa-drug test. Pwede ba yun?
05:53Sa huli, nag-drug test siya at negatibo ang resulta.
05:57Sa kabila niyan, binawi na ng LTO o Land Transportation Office ang kanyang driver's license at habang buhay na siyang hindi i-issuehan ng lisensya.
06:05Pinapa-drug test na rin ang mga driver at kunduktor ng Pangasinan Solid North.
06:10Ang mismong kumpanya sasampahan ng reklamang sibil at grounded o suspendido ang kanilang lampas-dalawandaang mga bus.
06:17Dahil dito, binigyan muna ng special permit ang LTFRB ang lampas-dalawandaang bus ng ibang bus company na biyahing norte rin.
06:25Mismong Transportation Department na ang nagsasabi, pakiramdam ng publiko, hindi na sila ligtas sa ating mga kalsada.
06:32Bagay na pinasusolusyonan ang Pangulo sa Departamento.
06:36Para matiyak ang kaligtasan ng mga pasehero, utos ng DOT are required na magpa-drug test kada tatlong buwan.
06:42Ang mga PUV driver pati sa mga demotorsiklo.
06:46Magpa-random drug test sa mga driver ng bus at truck ngayong linggo.
06:50Even roadside to, mga trucks, truck stops.
06:52Not only terminals, pati sa mga truck and bus stops along the way.
06:56Utos din ni Pangulong Marcos na pag-aralang ibaba sa apat na oras ang ngayong anim na oras na maximum driving hour ng mga bus driver.
07:05Pinahihigpitan din ang pagsusuri sa mga pampublikong sasakyan, training at exam ng mga driver.
07:10At iyaking nasusunod ang speed limiter law o batas naglilimitan ang maximum natakbo ng mga pampublikong sasakyan, closed van, shuttle service at mga truck.
07:20Eksklusibong nakapanayam ng GMA Integrated News, ang lalaking nagreklamang sinaktan umuno siya ni Congressman Paulo Pulong Duterte.
07:30Kinumpirma niya rin ang mismong insidente ng pananakit umuno ng kongresista, ang laman ng viral na CCTV footage.
07:38Ayon kay Criston John Patrias Sean, siya ang nakasombrerong lalaki sa video at si Pulong ang nanakit sa kanya.
07:45Aminadong bugaw si Sean na taga Davao City rin. Ano yan na galit si Pulong nang malaman nitong hindi lahat ng kanyang mga kasama ay nabigyan ng babae.
07:55Nagka-issue rin daw sa bayad. Nasa PNP custody na si Sean na natagalan daw sa paglutang dahil kumakalap siya ng ebidensya at siyempong mag-eeleksyon na.
08:04Sinusubukan namin kunan ng pahayag si Representative Duterte pero sinabi niya nitong weekend na biniverify pa ng mga abogado niya ang video.
08:12Sabi naman ng kapatid niya si Vice President Sara Duterte, pamumulitika ang paglutang ng issue.
08:17Tugon ng Malacanang, saguti na lamang ng mga Duterte ang akusasyon.
08:23Sa pagtatapos ng November Diales o Siam na Araw ng pagluluksa mula ng ilibing si Pope Francis, sinimula na ang paghanda para sa people conflict.
08:33Nakakabit na ang chimney kung saan lalabas ang usok na hudyat kung meron ng napiling bagong Santo Papa.
08:39Hinihanda na rin ang central balcony ng St. Peter's Basilica kung saan siya unang masisilayan ng buong mundo.
08:47Handa na rin ang suketo at people vest na isusuot ng mapipiling Pope.
08:52Ipinakita yan sa GMA Integrated News ni Raniero Mancinelli ang tumahinang people vest ni Pope John Paul II, Pope Benedict XVI at Pope Francis.
09:02Ang mga kardinal na pipili na sa susunod na Santo Papa ay puspusan na rin ang pagpupulong bago ang conclave na magsisimula sa Merkulis po, May 7.
09:12Nasa tatlong daang bahay sa informal settler community sa barangay E. Rodriguez, Quezon City, natupok.
09:25May ilang alagang hayo pang natrap.
09:27Nagpahirap din sa pag-apula at pag-responde ang sunod-sunod na pagsabog ng mga LPG.
09:32Tatlo ang sugatan sa sunod na iniimbestigahan pa ang sanhi.
09:47Kabi-kabi lari ng sunod sa Cebu. Apat na bahay sa Cebu City ang natupok.
09:53Isa sa mga tinitingnang mitya ng BFP ang umano'y pagwe-wielding sa isa sa mga bahay.
09:58Sa Lapu-Lapu City, isang lugawan naman sa public market ang natupok.
10:04Ayon sa BFP problema sa linya ng kuryente ang sanhi ng sunog.
10:09Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:13Sa April 2025 pulso ng Bayan Pre-Electoral National Survey ng Pulse Asia,
10:29labing apat na kandidato ang may statistical chance na manalong senador sa eleksyon 2025.
10:35Ito ay sina Senador Bong Go, Congressman Irwin Tulfo, dating Senat President Tito Soto, Senators Bato De La Rosa at Bong Rebilla,
10:45dating Senador Ping Lakson, Ben Tulfo, Senador Lito Lapid, Makati Mayor Abibinay, Senador Pia Cayetano, Willie Rebillame,
10:55Congresswoman Camille Villar at mga dating Senador Manny Pacquiao at Bam Aquino.
11:01Isinagawa ang survey noong April 20 hanggang 24, 2025 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,400 representative adults edad labing walo pataas.
11:15Mayroong plus-minus 2% na error margin ng survey at confidence level na 95%.
11:22Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:27Sa araw ng eleksyon, saktong isang linggo na lamang pumula ngayon, real-time din ang unofficial parallel counting na gagawin ang PPCRV o Parish Pastoral Council for Responsible Voting.
11:40Kanina po ay pinakita ng PPCRV ang kanilang command center sa Sampaloc, sa Maynila.
11:46Sa tulong din daw ng kanilang IT resources, inaasahan nilang mas mabilis ang bilangan at mau-audit ang national results pati local at party list votes.
11:55Mahigit 700,000 volunteers din ang kanilang makakatuwang sa eleksyon.
12:00Para mas mabantayan ang botohan, May 8 pa lamang ay bubuksan na nila ang kanilang call center para sa may mga nais idulog.
12:08Ang PPCRV po ay isang non-profit organization, non-partisan at non-sektarian na grupo na pinangungunahan ng Simbahang Katolika para bantayan.
12:16At siguraduhin malinis at tama ang eleksyon sa bansa.
12:19Patuli naman sa pag-iikot ang mga senatorial candidate para ilatag ang kanilang mga plaktaforma ay report si Salima Refran.
12:29Pagpapalakas ang edukasyon ang binigyan diin ni Bam Aquino sa Sulu.
12:38Libreng maintenance medicine sa senior citizens ang isinulong ni Mayor Abbey Binay.
12:43Sa Quezon City, inangampanya si Atty. Jimmy Bondo.
12:49Kasama si Sen. Bato de la Rosa na naispok sa inang droga at kriminalidad sa bansa.
12:53Si Sen. Bongo, prioridad ng programang pangkabuhayan at pangkalusugan.
12:59Si Atty. J. V. Hinlo, binigyan diin ang halaga ng industrialisasyon.
13:05Ibinahagi ni Atty. Raul Lambino ang karanasan bilang isang abogado.
13:10Libreng bill sa kuryente kung 2,000 piso pa baba ang nais si Congressman Rodante Marcoleta.
13:16Pagtataguyod ng healthcare system sa Pilipinas ang advokasya ni Dr. Marites Mata.
13:20Si Atty. Vic Rodriguez, gustong supuin ang korupsyon sa pamahalaan.
13:27Kapayapaan ng bansa ang isa sa prioridad ni Philip Salvador.
13:31Sa Tawi-tawi, binida ni Sen. Bong Revilla ang mga batas na kanyang nagawa.
13:37Naroon din si Manny Pacquiao na sinabing tututukan ang programa niyang libreng pabahay.
13:42Dedikasyon sa serbisyo bilang isang public servant ang binigyang diin ni Congressman Bonifacio Busita.
13:47Suporta sa lokal ng programang pangkalusugan ang inilatag ni Sen. Pia Cayetano.
13:53Magna Carta para sa Barangay Officials ang isinulong ni Atty. Angelo de Alban.
13:59Electoral Reform ang nais ni Mark Gamboa.
14:03Kapakanan ng mga mangisda sa West Philippine Sea ang idiniin ni Sen. Lito Lapid.
14:08Pagprotekta sa integridad ng eleksyon ang idiniin ni Ariel Quirubit.
14:14Nais si Danilo Ramos na mapababa ang presyo ng bigas.
14:20Nasa Grand Rally sa Laguna si Willie Revillame.
14:24Ibinida ni Sen. Francis Solentino ang pabahay para sa taal victims.
14:28Nangako si Congresswoman Camille Villar natutulong sa paghahatid ng basic services.
14:35Patuloy naming sinusundan ng kampanya ng mga tumatakbong senador sa eleksyon 2025.
14:41Sa Nima, Refran, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:45Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
14:49Magsubscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
14:52Hãy subscribe cho kênh Ghiền Mì Gõ Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn

Recommended