Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
SJDM water district, naglabas ng resolusyon para sa pre-termination ng kanilang joint venture sa PrimeWater

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samatala, pinapawalang visa na ng San Jose del Monte Water District
00:04ang kanilang joint venture sa prime water
00:07dahil sa palpak na servisyo ng tubig umano sa syudad
00:10at maging sa iba't ibang lugar sa Bulacan.
00:13Yan ang ulat ni J.M. Peneda.
00:17Araw-araw, laging puyat si Nanay Jean.
00:20Hindi dahil sa trabaho, kundi dahil daw sa pag-iigib ng tubig.
00:24Alas 12 na madaling araw lang daw kasi nagkakaroon ng tubig sa kanilang lugar
00:28at pagdating ng umaga, kahit patak, wala na.
00:31Mahirap kasi wukin ang mawalan ng kurente, basta tubig hindi eh.
00:36Lahat kailangan ng tubig.
00:38Lalo may mga bata, tapos mga nagpumapasok sa school.
00:41Pati sa school wala din.
00:43Hirap na hirap kami sa tubig po talaga.
00:45Minsan nagpapasupply kami dito, nagbabayad sa truck.
00:48Eh mahal.
00:49Taon na daw ang tinagal ng reklamong yan.
00:51Halos tinitiis na lang din umano ng mga residente ng St. Joseph Village sa San Jose del Monte City
00:56ang pangit na supply ng tubig ng prime water sa kanilang lugar.
01:00Ang ilang mga sudyante daw ay nagpupunas na lang ng basang tuwalya bago pumasok
01:04dahil pagdating ng alas 6 ng umaga, ay wala ng tulo ang kanilang gripo.
01:10Ngayong tag-init, importante ang tubig para makaligo.
01:13Yan din yung pangangailangan syempre para makapaghugas ng pinggan at makapaglaba.
01:18Pero dito sa San Jose del Monte, yan ang dilema ng mga residente.
01:22Kaya naman kung maglalakad ka dito sa kanilang kalsada,
01:25makikita mo yung bawat bahay sa labas nila,
01:27may mga ganito kalalaking drama dahil dito daw sila nag-iipon
01:31para sa kanilang tubig na pang-araw-araw.
01:34Bibigyan ngayon ang tatlo pang buwan ang nasabing Villiar Company
01:38para makasagot sa mga naging isyo sa kanila.
01:40Ayon pa sa LGU, kinakailangan na namalawak ang rehabilitasyon
01:44sa mga pipelines ng kumpanya para makapagservisyo ng maayos.
01:48Pero siyempre ang tingin namin, talagang total rehabilitation.
01:53Yun ang talaga, hindi yung panandalian o pansamantala lang.
01:58Kailangan talaga totally because of napakarami na talagang tao in San Jose del Monte.
02:04Samantala, bumuelta naman ang palasyo sa mga patutsada ni Vice President Sara Duterte.
02:09Nanindigan rin ang administrasyon ni Pangulong Marcos
02:12na dapat imbistigahan at halongkati ng mga reklamo sa water concessionaire.
02:17Marahil sa kanya ay walang kwenta ito.
02:20Dahil, tandaan natin,
02:24hindi niya siguro alam kung ano ang mga reklamo nationwide
02:28na ng mga consumers ng prime waters.
02:32At dahil siguro involved ang pamilya-bilya
02:37at ang sabi niya,
02:40ang tunay na kaibigan ay walang iwanan.
02:45Marahil, ito rin po siguro ang dahilan kung bakit hindi naman agad
02:49nagkaroon ng pag-iimbestiga
02:50sa mga hinaing na mga consumers ng prime water
02:53sa panahon po ni dating Pangulong Duterte.
02:57Pinaiimbestigahan na rin ni Senadora Risa Antivero sa Senado
03:00ang mga water concessionaires
03:02gaya ng Prime Water, Metro Pacific Water at Manila Water
03:05dahil na rin sa ilang mga palpak na joint venture na mga ito
03:09sa mga water district.
03:10Hindi katanggap-tanggap
03:12ang papatak-patak na serbiso.
03:16Hindi pwedeng palagpasin
03:17ang mga kontratang sinlabo ng tubig
03:20na lumalabas sa ilang mga kabahayan
03:23na biktima ng kapalpakan
03:25ng mga water concessionaires
03:27at ng oversight bodies.
03:30JM Pineda, para sa Pambansang TV
03:32sa Bagong Pilipinas.

Recommended