Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/5/2025
Kabilang ang mga gagamitin sa St. Peter’s Basilica at sa Sistine Chapel sa mga inihahanda na sa Vatican City ngayon 2 araw na lang bago ang papal conclave.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kabilang ang mga gagamitin sa St. Peter's Basilica at sa Sistine Chapel
00:05sa mga inahahanda na sa Vatican City ngayong dalawang araw na lang
00:10bago ang Papal Conclave.
00:13Ang mga proseso at ritual para sa sikretong pagpili ng susunod na Santo Papa
00:19sa pagtutok ni Maki Pulido.
00:21Ikinabit na ang pulang kortina sa central balcony ng St. Peter's Basilica sa Vatican City
00:30kung saan unang masusulyapan ng buong mundo ang mapipiling bagong Santo Papa.
00:36Nakakabit na rin ang chimney kung saan lalabas ang usok na hudyat kung meron ang napiling bagong Santo Papa.
00:42Batay sa Universi Domenici Gregis o Apostolic Constitution,
00:47magsisimula ang unang araw ng conclave sa Merkoles sa isang misa.
00:51Mula sa St. Peter's Basilica, tutungo na mga Cardinal Elector sa Pauline Chapel
00:56para sa quiet reflection bago magpuprosesyon patungong Sistine Chapel.
01:01Doon manunong pa ang mga Cardinal Elector.
01:04Hindi sila magpapadala sa external pressures
01:07at susunod sila sa mga alituntunin ng Universi Domenici Gregis.
01:14At isasara na ang Sistine Chapel.
01:17Yung Master of Ceremonies ay magsasabi ng extra omnes.
01:24At yun ay Latin na ang ibig sabihin ay labas ang lahat.
01:29So lahat ng hindi Cardinal ay lalabas.
01:34Ang mga Cardinal Electors bibigyan ng dalawa hanggang tatlong balota.
01:38Pagkaboto, isa-isang lalapit ang mga Cardinal sa mesa sa harap ng altar
01:43kung saan naroon ang isang receptacle na may nakatakip na pinggan.
01:47Mag-susumpa siya, sasabihin niya, saksi ko ang ating Panginoong Isokristo
01:54na itong isinulat ko rito, ilalagay niya yung balota sa pinggan
02:00tapos ihuhulog niya yung balota papasok ng kalis.
02:08May tinatawag na scrutineer na silang titingin sa balota
02:11at reviser na bibilang ng balota.
02:14Kukunin ng isang scrutineer at inonote niya quietly
02:19tapos itatali niya sa sarili niyang papel.
02:22Papasa niya doon sa pangatlong scrutineer.
02:25Pag nakita na ng pangatlong scrutineer, siya ang magsasabi.
02:29Ia-announce niya sino yung nakasulat sa balota at itatali rin niya.
02:34Ang mga balota, isa-isang itatahi para pagsasamasamahin
02:38at bubutasin sa salitang eligo o I choose.
02:41Sa samahan ng kemikal sa kasusunugin, puti ang uso kung may napili na, itim kung wala pa.
02:48Para mahalal, kailangan ang two-thirds na boto.
02:51Sakaling may napili na, tatanungin ang napiling sunod na Santo Papa
02:55kung tinatanggap niya ang pagkakahalal sa kanya at kung ano ang magiging bagong pangalan niya.
03:01Sa moment na nasagot niya na yung dalawang tanong na yun, may Santo Papa na tayo.
03:07Ang senior Cardinal Deacon pupunta na sa balkoni para i-announce ang Habemus Papam or We Have a Pope.
03:14Habemus Papam.
03:17Ang bagong halal naman na Santo Papa dadalhin sa maliit na sacristy sa tabi ng altar ng Sistine Chapel
03:23para magpalit sa puting office attire ng Santo Papa.
03:26Na kahanda na raw doon ang tatlong sizes na pagpipilian ng Santo Papa.
03:31May bansag ang kwartong ito na Room of Tears.
03:34Hindi natin alam kung talagang umiiyak siya doon.
03:37Pero I can imagine na baka umiiyak talaga, nakakaiyak doon.
03:41Kasi finally, at that moment, it became real to him, the daunting ministry of the Pope.
03:49Para sa GMA Integrated News, Maki Pulido na Katutok, 24 Horas.
03:56Kasi alam kung kari
04:13Kasi alam kung kari

Recommended