Narito ang mga nangungunang balita ngayong May 5, 2025
- PNP, naka-full alert na hanggang May 15 para sa Eleksyon 2025
- Mga pamilya ng mga biktima ng karambola sa SCTEX, binigyan ng legal assistance ng DOTr | Operasyon ng Solid North Transit Inc., suspendido; terminal, inspeksiyunin ng DOTr ngayong araw | Maximum na oras ng pagmamaneho ng mga bus driver, pag-aaralan ng DOTr
- 273 bus ng Solid North Transit Inc., sasailalim sa road worthiness test, ayon sa DOTr
- Labi ng 2 nasawi sa disgrasya sa NAIA Terminal 1, nakuha na ng kani-kanilang kaanak | Paliwanag ng SUV driver sa LTO, taliwas sa nakunan sa CCTV | Driver's license ng SUV DRIVER, suspendido; may show cause order din sa driver at sa may-ari ng SUV
- Kopya ng reklamong physical injuries at grave threats, hindi pa raw nakukuha ni Rep. Paolo Duterte | VP Sara Duterte: Reklamong pananakit vs. Rep. Duterte, paninira ng administrasyon | Malacañang, hindi muna nagsalita ukol sa reklamo vs. Rep. Duterte; PNP, wala raw kinalaman sa pagkakalat online ng mga dokumento ukol sa reklamo
- Ilang senatorial candidate, tuloy-tuloy sa pangangampanya isang linggo bago mag-Eleksyon 2025
- Cardinal electors, hindi nagdaos ng general congregation kahapon para magbigay-daan sa pagdarasal at pagninilay | 3 Pilipinong cardinal elector, dumalo sa misa sa Pontificio Collegio Filippino | Mga kardinal, muling magpupulong ngayong araw at bukas para sa paghahanda sa Papal Conclave
- Filipina cultural icons na sina Nora Aunor, Gloria Romero, Pilita Corrales, at Margarita Fores, ginawaran ng Presidential Medal of Merit
- David Licauco, bagong houseguest sa "PBB Celebrity Collab Edition;" excited makita ang best friend na si Dustin Yu
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- PNP, naka-full alert na hanggang May 15 para sa Eleksyon 2025
- Mga pamilya ng mga biktima ng karambola sa SCTEX, binigyan ng legal assistance ng DOTr | Operasyon ng Solid North Transit Inc., suspendido; terminal, inspeksiyunin ng DOTr ngayong araw | Maximum na oras ng pagmamaneho ng mga bus driver, pag-aaralan ng DOTr
- 273 bus ng Solid North Transit Inc., sasailalim sa road worthiness test, ayon sa DOTr
- Labi ng 2 nasawi sa disgrasya sa NAIA Terminal 1, nakuha na ng kani-kanilang kaanak | Paliwanag ng SUV driver sa LTO, taliwas sa nakunan sa CCTV | Driver's license ng SUV DRIVER, suspendido; may show cause order din sa driver at sa may-ari ng SUV
- Kopya ng reklamong physical injuries at grave threats, hindi pa raw nakukuha ni Rep. Paolo Duterte | VP Sara Duterte: Reklamong pananakit vs. Rep. Duterte, paninira ng administrasyon | Malacañang, hindi muna nagsalita ukol sa reklamo vs. Rep. Duterte; PNP, wala raw kinalaman sa pagkakalat online ng mga dokumento ukol sa reklamo
- Ilang senatorial candidate, tuloy-tuloy sa pangangampanya isang linggo bago mag-Eleksyon 2025
- Cardinal electors, hindi nagdaos ng general congregation kahapon para magbigay-daan sa pagdarasal at pagninilay | 3 Pilipinong cardinal elector, dumalo sa misa sa Pontificio Collegio Filippino | Mga kardinal, muling magpupulong ngayong araw at bukas para sa paghahanda sa Papal Conclave
- Filipina cultural icons na sina Nora Aunor, Gloria Romero, Pilita Corrales, at Margarita Fores, ginawaran ng Presidential Medal of Merit
- David Licauco, bagong houseguest sa "PBB Celebrity Collab Edition;" excited makita ang best friend na si Dustin Yu
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
🗞
NewsTranscript
00:30at iba pang ahensya ng gobyerno para matiyak ang kaayusan sa eleksyon.
00:34Efektibo ang full alert status hanggang 11.59pm ng May 15.
00:41I-inspeksyonin ang Department of Transportation ngayong araw
00:44ang terminal ng Solid North Transit na kumpanya ng bus na nasangkos sa Krambola sa SCTex.
00:50Alamin din ng DOTR kung sapat ba ang oras ng pahinga ng mga bus driver.
00:55May una balita si Katrina Son.
00:57Ito ang CCTV footage sa malagim na karambola ng limang sasakyan sa SCTex noong Webes.
01:06Makikitang nakahinto ang mga nakapilang sasakyan na papasok sa toll gate.
01:11Hanggang sa dumating ang Solid North bus.
01:13At nabangga ang mga sasakyan sa harap nito.
01:17Napit-pit ang dalawang sasakyan sa pagitan ng bus at ng truck.
01:22At nabangga din ng truck ang sasakyan na sa harap nito.
01:26Walo sa sampung nasawi sa disgrasya.
01:28Nakaburor sa Seventh Day Adventist Church sa Antipolo.
01:32Binisita sila ni Transportation Secretary Vince Dizon.
01:37Nag-provide tayo ng legal assistance din sa kanila.
01:41Nag-provide tayo ng private lawyer sa mga pamilya.
01:44There will be severe consequences dito sa nangyayari ito.
01:47Sinuspindi na ang operasyon ng Pangasinan Solid North Transit Inc. simula noong May 2.
01:53Mag-iinspeksyon sa terminal ang DOTR.
01:55Sisimula namin na lahat ng 273 buses ng Solid North ay mag-a-undergo ng strict roadworthiness inspections.
02:09Lahat ng driver ng Solid North dahil sa nangyayari ngayon, imamundate namin ang compulsory drug testing.
02:18Sumailalim na sa drug test ng driver ng bus at nag-negativo naman siya sa iligal na droga.
02:23Pag-aaralan ng DOTR kung sapat o mahaba ba ang anim na oras na maximum hour ng pagmamaneho ng bus drivers kada araw.
02:32Titignan natin kung matagal ba yun masyado o ano.
02:34Kaya hanggang naman, tignan natin yung international standards eh.
02:37Yun ang susundin natin.
02:39Sa May 7, itinakda ang hearing ng LTFRB ukol sa insidente.
02:45Ito ang unang balita.
02:47Katrina Son para sa GMA Integrated News.
02:50Sa punto pong ito, kumustahin na natin ang isa sa mga terminal ng Solid North Transit Incorporated live mula sa Quezon City.
02:58May unang balita si James Agustin.
03:01So James, hindi na nga ba bumabiyahe yung mga bus lahat na talaga?
03:04Yes, Marice, good morning.
03:11Doon sa observation natin sa mga terminal dito sa Metro Manila ng Solid North Transit Incorporated.
03:17Ay ilang araw na nga silang hindi bumabiyahe.
03:19Matapos silang patawa ng tatlong araw na preventive suspension ng LTFRB.
03:24Dito nga sa terminal nila sa Cubao sa Quezon City, sarado ang terminal kung saan makikita nakaparada lang ang dalawang bus.
03:30Tanging nagbabantay ng mga security guard ang nasa terminal.
03:34Nakagarahe naman ang mahigit sa 20 bus unit sa Maryland Corner, Monte Depidad Street na nasa likurang bahagi lang ng terminal.
03:42Pinatawan ng LTFRB ang bus company ng preventive suspension matapos ang malagim na aksidente sa SCTEC sunakarang linggo na ikinasawi ng 10 katao.
03:51Sa panayang kahapon kay Transportation Secretary Vince Disson, sinabi niyang sasa ilalim sa strict road worthiness inspection ang lahat ng 273 bus units ng kumpanya.
04:02Isa sa ilalim din daw sa mandatory drug testing ang mga bus driver nito.
04:07Samantala, Marice, kanina-kanina may mga nakita tayo ng mga pasahero.
04:10Mang ilan-ilan lamang yun na nagtungo sa bus terminal dito sa Cubao.
04:13Pero inaabisuhan nga sila ng mga gwardya na nagbabantay na walang biyahe.
04:18At bukod naman dito sa Cubao Bus Terminal ng Solid North Transit Incorporated ay wala rin bumabiyahe at nakagarahe yung mga bus mula doon sa area ng Santa Cruz sa Maynila.
04:28Maging yung mga biyahe nila na nanggagaling sa PITX.
04:31Si Monilitas mula rito sa Quezon City. Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
04:38Taliwas sa nakunan sa CCTV ang paliwanag ng SUV driver na umararo sa mga tao sa harapan ng Naiya Terminal 1.
04:46Samantala, nasunod na ng kanikanilang pamilya ang labi ng dalawang nasawi sa insidente.
04:52May unang balita live si Bam Alegre.
04:54Bam!
04:58Marisa, puneraryan na ito sa Pasay Unang Pinroseso ang labi ng mga nasawi sa nangyaring aksidente sa Naiya Terminal 1.
05:05Mula rito, iuuwi ang kanilang mga bangkay sa kanikanilang mga probinsya.
05:08Madaling araw nung dumating ang kaanak ng limang taong gulang na babae na nasawi ng masagasaan ng umabanting SUV sa Naiya Terminal 1 kahapon.
05:21Nagdadalamhati ang pamilya at hindi nagpaunlak ng panayam.
05:24Ang limang taong gulang na batang nasawi kasama ng inang maghahatid lang dapat sa ama na OFW.
05:30Hindi na umalis ang kanyang ama at ngayon, wala rito sa Pasay, sinundo niya ang labi ng kanyang anak at iuuwi na sa Lipa City sa Batangas.
05:37Nauna na rin nakuha kagabi ng mga kaanak ang labi ng 28 taong gulang na lalaki na nasawi rin kahapon.
05:44Inuwi naman siya sa Hagonoy, Bulacan.
05:47Viral ang kuha ng CCTV ng Naiya Terminal 1 kung saan biglang umabanti ang isang itim na SUV patungo sa isang entrance ng terminal.
05:54Nabuwal ang isa sa mga bollard hanggang matumbok nito ang mga biktima.
05:58Walang dumaan na sasakyan sa harap ng SUV taliwas sa sinabi ng driver sa Land Transportation Office o LTO.
06:04Imbes na preno, si Linyadoro Accelerator Umano natapakan niya.
06:07Nakikira may tayo doon sa galong-galo na doon sa OFW na namatayan ng anak niya ngayon.
06:18Masakit, no? Masakit kausap ko yung father kanina.
06:21OFW siya ay hinatid lang siya ng pamilya niya kasama yung anak niya.
06:28Tapos ito yung nangyari.
06:29Bukod sa dalawang namatay, tatlo ang sugatan at dinala sa ospital kasama sa kanila ang nanay ng nasawing bata.
06:35Ayon sa Mia, nasa kustodian ng PNP Aviation Security Group ang driver na SUV at inihahanda na ang mga formal na kaso sa kanya.
06:42Suspendido na ang kanyang lisensya at sasa ilalim sa mandatory drug test.
06:46May show cost order din ang LTO laban sa driver at sa may-ari na sasakyan.
06:51Sinisiga pa natin makuha ang pahayag ng SUV driver at may-ari.
06:54Maris, narito rin kanina ang OWA para magbigay ng asistan sa OFW na ama ng batang babae.
07:05Ito ang unang balita mula rito sa Pasay, Bamalegre para sa GMA Integrating News.
07:11Wala parao kopya si Davos City First District Representative Paulo Duterte ng reklamong pananakit
07:16na isinampalaban sa kanyang kaugnay sa isidente sa isang bar noong Pebrero.
07:20Para mga kay Vice President Saro Duterte, ang reklamo laban sa kanyang kapatid ay paninira daw ng administrasyon.
07:28Kaya mo ng balita si Marisol Abduraman at Darling Kai.
07:32Sa akong mga kaigsuunan, dabawin nyo. Karoon nakakita na po mong video. Dugay-dugay na na-nahitabo.
07:41Sa isang video mula sa staff ni Davao City First District Representative Paulo Duterte,
07:46may binanggit na kongresista tungkol sa isang video at kasong isinamparaw sa kanya.
07:50Inoauthenticate na anya ng kanyang mga abogado ang isang video.
07:53Pero wala siyang ibinigay na detalye kaugnay nito.
07:56Kay Murag, nauna man o file sa CIDG ba?
08:01Nauna nag-file sa CIDG ang testimony, ang apidabit sa social media, usap sa piskal.
08:08So di ko kara himo o statement, ana.
08:10Kaya wala pa may kadawat o dokumento na gipailan ko kaso.
08:16Inilabas ang video na ito matapos kumpirmahin ni Prosecutor General Richard Fadullion
08:20na may mga reklamong isinampa laban kay Duterte.
08:23Batay sa investigation data form na nakuha ng GMA Integrated News at kinumpirma ni Fadullion,
08:28ang negosyanting si Christone John Patriang nagsampa ng reklamong
08:32physical injuries at grave threats laban kay Duterte.
08:36Nangyayari raw ang insidente ay las tres ng madaling araw noong February 23 sa isang bar sa Davao City.
08:40Hindi pa raw nakakausap ni Vice President Sara Duterte,
08:45ang kapatid na si Davao City First District Representative Paulo Pulong Duterte,
08:49na inirereklamo ng pananakit.
08:51Nasa dehig Netherlands ang kongresista para sa kanilang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
08:56Pero paniwala ng Vice, ang asunto kay Pulong, paninira lang anya ng administrasyon.
09:01Nung lubomas naman yung kanilang May 1 na 20 pesos ang kilo ng bigas,
09:08ay tinigil kaagad ng May 2, lumabas naman yung complaint ko no kay congressman Pulong Duterte.
09:17So nakikita niyo na basta merong nangyayari na kagagawan ng administrasyon,
09:23ang ginagawa nila ay sinisira nila ang kanilang kalaban sa politika para matabunan yung totoong issue ng bayan.
09:32Sinubukan namin kunin ang reaksyon ng Malacanang, ang PNP.
09:36Iginiit sa isang pahayag na wala silang hawak at hindi sa kanila galing ang anuang kumakalat ng CCTV footage
09:41na muna yung may kaugnayan sa insidente yung kinasasangkutan ni Duterte.
09:45Hindi rin daw sila ang naglabas ang david ng complainant labad kay Pulong.
09:50Iginagalang daw nila ang proseso ng batas.
09:53Ito ang unang balita. Marisol Abduraman.
09:57Darlene Kay para sa GMA Integrated News.
10:10Isinusulong ni Benjur Abalo sa pag-amienda sa Rice Tarification Law.
10:13Nag-ikot sa ilang bahagi ng Metro Manila si Bam Aquino.
10:19Karapatan ng mga mga isda ang ipinaglalaban ni Ronel Arambolo.
10:23Dumalo sa Grand Rally sa Butuan City si na Atty. Jimmy Bondo.
10:27Sen. Bato de la Rosa.
10:31Atty. J. V. Hinlo.
10:35Richard Mata.
10:37Philip Salvador.
10:40At Sen. Bongo na nais ilapit ang servisyo medikal sa mahihira.
10:45Si Rep. Bonifacio Bosita.
10:47Pagbaba ng presyo ng bilihin ng isinusulok.
10:49Naki-isa sa karaban kontra-abuso si na Rep. Arlene Brosas at Lisa Masa.
10:56Good governance ang plataporma ni Teddy Casino.
11:01Kinumusta ni Rep. Franz Castro ang MSI sa Taytay Rizal.
11:05Isinusulong ni Sen. Pia Caetano ang doktor para sa Bayan Act.
11:09Libreng ospital ang itutulak ni Sen. Lito Lapid.
11:14Libreng pabahay ang plano ni Manny Pacquiao.
11:17Dagdag ayuda para sa senior citizens ang kay Sen. Bong Rebilla.
11:22Isinusulong ni Atty. Angelo de Alban ang training para sa mga guru.
11:26Karapatan ng mga manggagawa at paglaban sa fake news.
11:29Ang isinusulong ni Atty. Luke Espiritu.
11:32Ipinaglaban ni Modi Floranda ang karapatan ng tricycle drivers.
11:37Nag-motorcade sa Marikina at Rizal si Atty. Raul Lambino.
11:41Pinaiting na health loss ang pangako ni Congressman Rodante Marcoleta.
11:45Nasa Grand Rally siya sa Laguna na dinalohan din ni Willie Rebilla May.
11:49At Atty. Vic Rodriguez na kagutuman daw ang tutugunan.
11:53Isinusulong ni Atty. Sani Matulang, National Wage High.
11:58Tututukan ni Kiko Pangilina ng pagkamit ng food security.
12:02Nag-motorcade sa Cebu si Ariel Quirubin.
12:07Nais ni Danilo Ramos na mapababa ang presyo ng bigas.
12:11Ibinida ni Sen. Francis Tolentino ang pabahay para sa taal victims.
12:16Pagtugon sa water supply issues ang pangako ni Congresswoman Camille Villar.
12:20Patuloy namin sinusundan ang kampanya ng mga tumatakbo senador sa eleksyon 2025.
12:26Ito ang unang balita. James Agustin para sa GMA Integrated News.
12:30Dalawang araw bago ang PayPal Conclave.
12:33Puspusa na ang paghahanda para sa mangyayaring butuhan sa Sistine Chapel.
12:37Live mula sa Batikang City, makakausap natin si GMA Integrated News Ringer, JV Marasigan-Pangan.
12:43JV, ano-ano ang mga aktividad dyan sa St. Peter's Square sa mga oras na ito?
12:50Yes, Susan. Di gaya ng mga nakarang araw.
12:53Ngayon tahimik at kahapon tahimik dito sa St. Peter's Square sa Vatican City
12:57dahil wala tayong namata ang mga kardinal dahil ito nga ang kanilang naging rest day.
13:02So walang congregations na naganap ngayong araw.
13:04At ito nga ang naging pagkakataon din nila para sila ay magnilay-nilay
13:08para sa paparating na conclave sa May 7.
13:11Oo, JV, kahapon nagkaroon lang misa sa Pontificio Kolegio Filipino.
13:16Sino-sino yung mga dumaluroan dyan, JV, na nakita mo?
13:20Naku, Susan. Aakalain mo talagang pista ng Pilipino kahapon sa Pontificio Kolegio Filipino
13:25dahil sa saya ng pagdiriwang.
13:28Dumating ang mga pare.
13:30Meron din mga religious societies at communities, Filipino communities sa buong Rome, Italy.
13:35At nakapanood tayo ng ilang pagtatanghal.
13:38May mga pare sumayaw at kumawit.
13:40At meron din mga dayuhan na bisita, syempre.
13:42At tampok din dyan ang pagkaing Pilipino.
13:45At nakita din natin dyan na talagang buhay na buhay ang kultura ng Pilipino.
13:49Para kang hindi nasa Rome, Italy.
13:51Oo.
13:51Tapos, JV, kumusta naman yung tatlong Pilipinong kardinal na kasama sa PayPal Conclave.
13:56Ah, kahapon kasama sa Concelebrated Mass sa Nuestra Senyora de la Paz Ibn Viyaje,
14:04ang patron saint yan ng Kolegio Filipino, no?
14:08Ang tatlong cardinal electors natin na sila, Cardinal Luis Antonio Tagle, Cardinal Jose Advincula,
14:13at Cardinal Pablo Virgil David.
14:15At doon din sa masto yun ay nakita din natin ang rector ng Pontificio Kolegio Filipino,
14:20si Father Greg Gaston.
14:22Oo. May mga general congregation pa ba, mga Cardinal? JV?
14:28Ngayong araw na ito, no, lunes na ngayon dito, alas 12 at 12.25 a.m. na dito.
14:33So, mamayang umaga, magkakaroon ng dalawang congregation dyan, no?
14:36Pero, aalamin pa natin kung ano yung mga pag-uusapan nila dyan.
14:39Kasi nung mga nakaroon congregation nila, tinag-uusapan ulit nila,
14:42diniin talaga nila na ano ba dapat ang mga katangiang dapat taglayin
14:47ng mga papalit kay Pope Francis.
14:49Kung ano ba yung mga katangian at paano ba mapapagpatuloy ang mga nasimulan ni Pope Francis.
14:54Oo. Tanalo ba mula dyan sa kinaroonan mo ngayon, JV,
14:57yung ikinabit na chimney dyan sa Sistine Chapel?
15:01Ngayon, medyo madilim as Susan.
15:03Natatanaw ko pero baka hindi niyo nakikita sa pagitan nitong obelisk at St. Peter's Basilica, no?
15:08So, nandiyan inilagay yung chimney kung saan lalabas yung puti o itim na usok.
15:14So, itim na usok, ibig sabihin na wala pang Santo Papa at puti naman kung meron na napiling Santo Papa.
15:20Okay. Maraming salamat, GMA Integrated News Ringer, JV Marasigan, Pangan, at mag-iingat ka, JV.
15:27Binigyan ng pagkilala sa Malacanang ang apat na Filipina icons sa larangan ng showbiz at food industry.
15:37Binigyan sila ng pinakamataas na parangal para sa mga sibilyan.
15:41Yan po ang unang balita ni Jamie Santos.
15:45Ginawara ni Pangulong Bongbong Marcos ng isa sa pinakamataas na parangal para sa mga sibilyan.
15:52Ang Presidential Medal of Merit, ang apat na Filipina icons na pumanaw ngayong taon.
15:58Kabilang sa mga binigyang pagkilala si Nora Onor at Gloria Romero,
16:03mga veteranang aktres na hinangaan ng ilang dekada sa industriya ng pelikula.
16:08Kasama rin sa mga ginawara ng Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales
16:12at ang multi-awarded chef at restaurateur na si Margarita Forrest.
16:16Ayon sa Executive Order No. 236, iginagawad ang Presidential Medal of Merit
16:22sa mga Pilipinong nagtaguyod sa dangal at prestihiyoso ng bansa,
16:27lalo na sa mga larangan ng panitikan, agham, sining, libangan at iba pang gawaing sibilyan
16:33na nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas sa pandaigdigang entablado.
16:37To Gloria, to Margarita, to Pilita, to Nora.
16:44It seems very little, but the best we can do.
16:48They are undeniably icons.
16:51But more importantly, we can see that the true quality of their art,
16:58of their performances came from the core of them being Filipino.
17:04They are women who spent their lives sharing their gifts,
17:08deepening how we understand ourselves through their respective disciplines.
17:13They have made our national consciousness more visible and to be felt worldwide.
17:19Inalala rin ni Pangulong Marcos ang kanyang masasayang karanasan
17:23kasama si Gloria Romero,
17:25na gumanap bilang kanyang inang si dating unang ginang Imelda Marcos
17:29sa pelikulang Iginuhit ng Tadhana noong 1965.
17:32I remember it very well.
17:36I was seven years old,
17:39and every after school,
17:43the first day, dinala na lang ako sa set.
17:45Hindi ko alam, hindi na masyadong naipaliwanag sa akin.
17:49But there I was, playing myself like an idiot,
17:52not knowing what I was doing,
17:54and with these brilliant people all around me.
17:57And, oh by the way, I made 2,000 pesos from that movie name.
18:02Pumanaw ang batikang aktres noong January 25 sa edad na 91.
18:06Inalala rin ng Pangulo ang mga sandaling nagkikita sila ni Nora Honor.
18:11Look at Nora Honor.
18:12How do we even speak of Ate Guy without feeling an ache in our chest?
18:17Because, sinalamin niya ang bawat isa sa atin.
18:22Dahil sa angking galing at kabutihan sa kapwa,
18:25minahal siya.
18:28Well, you know, there was a time where I had to choose
18:31whether to be a Vilmanian or a Noranian.
18:34So, hindi pa ginagamit yung salitang balimbing,
18:37balimbing na ako, palipat-lipat ako, pag-abusin.
18:41Pumanaw ang batikang aktres nitong April 16 sa edad na 71.
18:45Kinilala bilang Asia's Queen of Songs si Pilita Corrales.
18:49Inalala rin bilang isang payak na dalagang cebuana
18:52na bukas palad sa pagbibigay ng oras at talento.
18:55Namaya pa siya nitong April 12 sa edad na 85.
18:59Malaki naman ang naiambag sa pagpapalaganap ng kultura at turismo
19:03sa pamamagitan ng pagkain ng kilalang chef na si Margarita Forest,
19:07na itinanghal bilang Asia's Best Female Chef noong 2016.
19:10Edad 65 nang mamaya pa siya noong February 11.
19:14Ang mga anak at apo ng mga pinarangalan
19:17ang tumanggap ng Presidential Medal of Merit sa kanilang pangalan.
19:21Habang ang iba pang mga miyembro ng pamilya at malalapit na kaibigan sa industriya
19:25ay inimbitahan din sa Malacanang magsama-sama at ipagdiwang ang kanilang buhay
19:30at mga nagawang tagumpay.
19:33Ito ang unang balita.
19:34Jamie Santos para sa JMA Integrated News.
19:40Bago magpaalam sa outside world kagabig,
19:48ikinuwento ni David Licaco kung bakit pumayag siyang maging latest celebrity houseguest sa bahay ni Kuya.
19:55Bakit mo ginusto maging houseguest?
19:58Ginusto.
19:58Kinakabahan man si David na iwan pansamantala ang outside world.
20:12Excited daw siyang makasama ang housemates lalo na ang best friend yan si Dustin Yu.
20:17Abangan ang task ni David bilang houseguest sa PBB Celebrity Collab Edition 10pm weeknights at 6.15pm tuwing weekend dito sa GMA.
20:47KMN News dot TV.