Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Mga taga-SJDM, patuloy ang hinaing hinggil sa problema sa supply ng tubig

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bunsod ng malaking problema sa patubig, particular sa ilang bahagi ng Bulacan.
00:05Ipinagutos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na investigahan ng Local Water Utilization Administration
00:11ang isang water and wastewater services provider dahil sa matagal na reklamo ng kanilang mga customer.
00:19Ang detalye sa balitang pambansa ni J.M. Pineda live. J.M.
00:23Naomi, ngayong tag-init nga, ang importante sa mga tao ay yung tubig dahil yan ang pinaka-pinakakailangan nila dahil sa init.
00:35Pero dito sa San Jose del Monte, Bulacan nga, isa yan sa hinain nila dahil kapos na kapos ang supply ng tubig nila at madaling araw lang nagkakaroon ng supply.
00:46Madaling araw pa, gising na para magigib ng mga tubig ang mga residente dito sa St. Josephville sa San Jose del Monte.
00:58Pagdating kasi ng umaga, halos gapatak na lang ang tubig na mayroon sila.
01:02Ang ilan sa mga residente, dumidiscarte na lang para magkatubig kung saan nag-iipon sila sa mga drama.
01:08Ang problema lang daw, dahil alas 12 ng madaling araw ang supply ng tubig, kaya puyat din sila, imbis na nakakapagpahinga na.
01:15Isa rin sa problema na kinakaharap nila yung pagligo sa umaga, dahil dito na daw nagsisimulang humina ang tubig.
01:23Ang ilan sa mga estudyante nga na anak nila ay minsan nagpupunas na lang ng basang tuwalya bago pumasok.
01:28Kadalasan pa daw sobra ang bayarin nila sa tubig, kahit paudlot-udlot ang supply nito.
01:34Matagal na rin daw problema sa lugar, simula pa daw ng pagpasok ang prime water, pero hindi daw naaksyonan yan kahit ilang reklamo pa nila.
01:42Isa lang ang village na ito sa lubang apektado ng pangit na supply ng water concessionaire.
01:47May mga lugar daw kasi sa SJDM na halos tatlong araw nawawalan ng tubig.
01:52Sa ngayon, ipinagutos ni Pangulong Marcos na imbisigahan ng Local Water Utilization Administration,
01:57ang naturang kumpanya dahil sa matagal ng reklamo ng kanilang mga customer.
02:01Mahirap kasi hukin na mawalan ng kurente, basta tubig hindi eh.
02:08Lahat kailangan ng tubig.
02:10Lalo may mga bata, tapos mga nagpumapasok sa school.
02:13Pati sa school wala din.
02:15Hirap na hirap kami sa tubig po talaga.
02:17Minsan nagpapasupply kami dito, nagbabayad sa truck.
02:20Eh mahal.
02:20Naomi, sabi ng palasyo, hindi ito parte ng pamumulitika dahil obligasyon daw ng pamalaan na tugunan yung pangangailangan o yung hinainga ng taong bayan.
02:35Samantala, Naomi, dito sa lugar, sa pag-ikot natin kanina, nakita natin yung ilang mga drums ay nakahanda na sa kanila at may mga tubig
02:42dahil nakapag-ipo na nga sila kaninang madaling araw.
02:45Yung ilan naman, dumidiscardin na lang at mayroon silang mga deep well o yung mga balon na dun sila kumukuha at kumukuha ng tubig
02:53kapag wala na talaga silang makuha ng supply dito sa kanilang lugar.
02:57Iyan mo na ang latest. Balik sa'yo, Naomi.
02:59Parang salamat, J.M. Pineda na PTV.

Recommended