Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Ang kahalagahan ng evangelization o yun pong pagpapakalat ng mabuting balita sa iba't ibang sulok ng mundo
00:07ang isa sa mga tinalakay sa muling pagpupulong ng mga kadinal sa Vatican ngayong araw.
00:12Puspusan po ang paghahanda sa Sistine Chapel kung saan idaraos ang conclave.
00:18Ating saksiha!
00:21Ikinabit na sa bubong ng Sistine Chapel sa Vatican ang chimenea na babantayan ng buong mundo
00:27simula sa susunod na miyerkulis.
00:30Doon lalabas ang usok na hudyat kung magkakaroon na ng bagong pinuno ang Simbahang Katolika.
00:36Itim kapag hindi naabot ang two-thirds vote na kailangan,
00:39puti kung di bababa sa walumput siyam na Cardinal Elector na ang nagkasundo kung sino ang magiging susunod na Santo Papa.
00:46Ngayong araw muling nagpulong ang mga kardinal sa ikawalong general congregation dinang paghahanda sa conclave
00:51na nakatakdang lahukan ng 133 Cardinal Elector.
00:56Sa nakaraang tatlong siglo, ito na ang pinakamaraming Cardinal Elector na lumahok sa Papal Conclave.
01:02Sa May 7, alas 10 na umaga sa Vatican o alas 4 ng hapon sa Pilipinas,
01:07magdaraos ng Misa sa St. Peter's Basilica.
01:09Alas 4.30 ng hapon sa Vatican o alas 10.30 ng gabi sa Pilipinas, papasok na ang mga kardinal sa conclave.
01:17Sa unang araw, isang beses lang inaasahang buboto ang mga kardinal.
01:21Sa mga susunod na araw, dalawang botohan ang gagawin sa umaga at dalawa sa hapon.
01:25Kung wala pa rin Santo Papa sa loob ng unang tatlong araw,
01:28hanggang isang araw na pause of prayer ay patutupad bago ituloy ang pagboto.
01:32Sa nakaraang sampung conclave, pinakamatagal na ang limang araw.
01:36Ang mga conclave, kung saan naging Santo Papa si na Pope Benedict XVI at Pope Francis,
01:42walang dalawang araw tumagal.
01:44Hiling ngayon ng mga kardinal, ipagdasal sila ng mga mananampalataya.
01:48I think it's important to remember that the Holy Spirit has already decided who the next Pope will be.
01:53The Holy Spirit has already decided.
01:55It's the job of the cardinals to listen to the Holy Spirit
01:58and to make that choice evident in their conclave.
02:04Hindi lang ang mga kardinal ang naghahanda.
02:07Ang sastre na gumagawa ng mga isinusuot noon ni na Pope Francis,
02:11Pope Benedict XVI at Pope John Paul II,
02:14naghahanda na rin ang isusuot ng susunod na Santo Papa.
02:17At dahil di alam kung sino yan,
02:19tatlong size ang inihahanda ng sastre.
02:21Small, medium at large.
02:241960s pa nakatayo ang kanyang shop
02:26at nakapaglingkod na siya sa iba't ibang kardinal at obispo sa paglipas ng mga taon.
02:30Non è che c'era una richiesta ben specifica, però magari sul tessuto retalari mi dicevano
02:36da usare un tessuto non, per Francesco si intende, non costoso, non pregiato, un tessuto normale.
02:46E quello che io ho fatto.
02:49E contrario, come Papa Benedetto, Benedetto, per esempio, preferiva di questi suvi po pregiati, preziosi,
02:57po più pesantini, più belli, pove parole.
03:00Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umali, ang inyong saksi.