Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5 days ago
Bilang ng Kadiwa sites sa Metro Manila na magkakaroon ng P20/kg na bigas, posibleng madagdagan pa;

Murang agricultural products, patuloy na mabibili sa Kadiwa stores

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakaantabay na rin ang mga mamimili sa pagsisimula ng pagbibenta ng 20 pesos na bigas dito sa Metro Manila.
00:06Ito'y matapos iurong ng COMELEC ang implementasyon na ito upang maiwasan na mabahiran ng politika ang natural programa.
00:13Si Gav Villegas sa Sentro ng Balita.
00:17Bumili ng 10 kilong NFA rice si Nanay Yolanda kaninang umaga sa halagang 29 pesos per kilo.
00:24Nang malaman niyang bababa pa sa 20 pesos kata kilo ang NFA rice dahil siya ay senior citizen,
00:31labis ang tuwa ni Nanay Yolanda na mayroong anak na bicycle driver at apo na nag-aaral sa kolehyo.
00:36Malaking tulong sa amin. Mahal kasi magpaaral ngayon ng college eh.
00:41Paghalimbawa sa 10 kilo magkano rin yun? 200.
00:45Pambili na namin ang ulam na medyo maganda-ganda doon. Maganda-ganda.
00:50Ngayong araw, dapat sana sisimula ng Department of Agriculture ang pagbebenta ng 20 pesos kata kilo na NFA rice sa mga kadiwa centers sa Metro Manila.
01:00Para maiwasan na mabahiran ng politika, ipinayo ng Commission on Elections na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng programa.
01:08Dahil dito, napagdesisyonan ang DA na ipatupad ito sa May 13, isang araw matapos ang 2025 midterm elections.
01:16Ang ADC building ng DA at Bureau of Animal Industry sa Quezon City ay ilan lang sa mga piling sites kusan ilulunsad ang benteng bigas meron na program ng DA.
01:27Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga kadiwa sites sa Metro Manila na lalahok sa benteng bigas.
01:34Mga solo parents, senior citizens, persons with disability at mga beneficiaryo ng 4Ps ang prioridad na mapagbentahan ng 20 pesos kata kilo na bigas.
01:43Kaya naman, si Nana Yolanda may nais iparating.
01:48Ibabaan nyo na ang 20 kilos na bigas dito dahil kailangan nang mahihirap yun.
01:54Dahil wala kaming pambili, lalo na mga senior at nawalang hanap buhay.
01:59Mabibili sa kadiwa ang iba't ibang klase ng prutas at gulay sa murang halaga.
02:04Ang presyo ng apalaya ay nagkakahalaga ng 100 pesos kata kilo.
02:08Ang presyo naman ng talong, sitaw at okra ay nagkakahalaga ng 95 pesos per kilo.
02:14At ang kalabasa naman ay 35 pesos kata kilo.
02:18Sa mga pampalasa, ang presyo ng bawang ay nagkakahalaga ng 140 pesos per kilo.
02:23Ang luya naman ay 180 pesos per kilo.
02:27Ang sibuyas ay 95 pesos per kilo.
02:29At ang siling labuyo naman ay 150 pesos ang isang kilo.
02:33Para naman sa mga naghahanap ng prutas na pwedeng gawing pang imagas ngayong mainit ang panahon,
02:39naglalaro ang mga panindang prutas mula 60 hangga 180 pesos kata kilo.
02:45Sa ngayon ay mabibili pa rin ng mga nasa vulnerable sector ang NFA rice sa kadiwa sa halagang 29 pesos per kilo.
02:52Maliban pa sa prutas at gulay, ay paron ring mabibili sa kadiwa na isda, karne, ilang mga kakanin at mga locally made products.
03:00Gabo Milde Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended