Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Samantala, sa puntong ito, kawaday pa rin po ng karambola sa SCTex.
00:03Makausap naman natin, Department of Transportation, Secretary Vince Nizon.
00:07Sec Vince, Maya Pabak, good morning.
00:10Good morning, Ivan. Maya Pabak.
00:13Ano ang latest sa investigasyon natin sa nangyaring karambola dito sa SCTex, Secretary?
00:19Unang-una po, Ivan, tayo nakikiramay sa mga pamilya ng mga namatay
00:25dahil dito sa kayang napaka-grabbing aksidente na nangyari kahapon sa SCTex.
00:31Makakaasa po yung mga pamilya na aaksyon po ng mabilis ang gobyerno ni Pangulong Marcos
00:37para magbigay ng hustisya at talagang kailangan ayusin na natin itong mga napaka-bigat na problema natin sa road safety, Ivan.
00:48Kaya unang-una, nung nalaman ko yung aksidente, nalaman ko yung mga nangyari, yung mga nasawi,
00:56e talagang in-orderan po natin ang EFRB na immediately suspend kagad itong Solid North.
01:04So as of today, suspended po ang lahat ng bus na ito.
01:08At kung meron po sa mga kababayan natin na bumabiyahe na may nakikitang bus na papuntang Norte itong Solid North,
01:17nakikiusap po kami na i-report kagad kasi hindi po po pwedeng bumiyahe ang bus company na yan.
01:25Sek, lahat po? Lahat po ng bus ng Solid North o yung ruta lang ng na-aksidente yan?
01:31Yung ruta po. Yung ruta po ng Solid North papuntang nadadaan ng Norte papuntang Pangasina.
01:35Dahat po, sa pagkakagam ko po, 15 atang bus ang hindi makakabiyahe.
01:42Alright. Sek, nabanggit kanina yung LTFRB magsasagawa ng mas madalas na mga random drug testing and all that.
01:50Yun ho, malaking hakbang para matiyak na nasa tamang kondisyon yung mga driver.
01:54Pero mahirap hong pigilan dyan yung tulad na nangyari dito, yung inaantok na driver.
01:59Ano ho kaya pwedeng magawa pa natin? Anong interventions ang pwedeng gawin ng DOTR
02:04para ho ba siguro na yung mga may hawak na manibela dyan ay talagang alert and awake
02:10at nasa tamang kondisyon para magmaneho?
02:13Tama po yan, Ivan. Unang-una po, dito po sa nakikita natin napakaraming aksidente.
02:20Dito pa lang, ngayon pa lang, itong nakarang Semana Santa pa lang,
02:24na hanggang ngayon, napakarami po tayo lang aksidente.
02:27So ang ibig sabihin lang po nito, lahat ng mga regulasyon natin,
02:32lahat ng mga proseso natin para ipatupad itong road safety natin,
02:37lagong-lago na sa mga public utility vehicles, mga bus,
02:41mga sasakyang nagdadala ng mga pasahero,
02:47eh hindi po talaga gumagana ng tama.
02:50So kailangan po talaga, kailangan po talaga ng mabigat na pagbabago, Ivan.
02:57Itong mga suggestion ngayon na drug testing kasama yan,
03:01pero hindi tayo makukontento dyan lang.
03:03Kailangan po talaga, ripasuhin natin ang maigi
03:06mula sa pagrehistro ng mga sasakyan ng mga bus,
03:11hanggang sa pagbibigay ng prangkisa sa mga bus company,
03:14hanggang sa pag-i-issue ng mga lisensya sa mga driver,
03:18sa pagsisigurado na may skills ang driver,
03:23hanggang sa mga regulasyon na pagmamaneho nila.
03:27Kunyari, dito sa problema ang mukhang inantok itong driver na ito,
03:33ang tatanungin natin dyan,
03:34gaano katagal na bang nagmamaneho itong driver na ito?
03:37Baka naman ang mga bus company,
03:41eh pinitilit pagmanayuhin ang napakatagal itong mga driver na ito.
03:45So, alam nyo, kailangan lahat ng yan ay tignan natin.
03:49So, hindi lang pa isa-isa, papatsipatsing mga solusyon ang kailangan dito.
03:54Kasi napakarami ng aksidente na nakikita natin dito sa mga,
03:58lalo na sa mga bus, lalo na sa mga PUVs, all over the country.
04:03So, hindi na biro ito.
04:05Yes, nabanggit nyo po yung haba ng pagmamaneho ng isang driver.
04:10Can you tell us, Secretary, ilang oras ho ba yung nakatakda?
04:15I believe may rule dyan eh na after a certain number of hours,
04:19dapat magpahinga ang driver.
04:21At may kapalitan dapat siya, lalo sa mga mahabang biyahe.
04:24Opo, alamin ko po ngayon.
04:26In fact, Ivan, naka-schedule talaga ngayon,
04:30aras dos ng hapon mamaya,
04:3225-27 bus companies po ang pinatawag namin.
04:36At ime-meet ko po sila personally.
04:38At alamin ko talaga,
04:40tatapating ko sila,
04:42ano ba ang nangyayari?
04:43Bakit kayo,
04:44puro na lang aksidente?
04:45Bakit puro na lang mga
04:47nahahuling, mga positive sa drug?
04:50At talagang dediretsyoin ko po itong mga bus company natin.
04:54Kasi pag hindi po tayo tuminutin ho dito
04:57at hindi po tayo nag-shape up dito,
05:00eh pasensyahan po talaga.
05:02Okay.
05:03Hindi lang po suspension na ngaabuti nga dito.
05:06Marami din po yung mga nababalita natin,
05:08halos linggo-linggo.
05:10Yung mga nawawala ng preno,
05:11halimbawa ito sa Bantay Ilocosur,
05:13na ibabalita kami mamaya,
05:15inararo yung ilang mga sasakyan
05:16dahil nawalan daw ng preno na naman,
05:19yung truck.
05:20Ano ho kaya pwedeng gawin dito
05:21para maiwasan itong mga ganito?
05:24Klarong-klaro po na yung pag-tetest
05:26at pag-tetest ng mga PUV,
05:30mga truck,
05:31eh hindi tama ang nangyayari.
05:35Ganun lang po kasimplihan.
05:37Dapat yan tinetest for roadworthiness
05:39bago i-rehistro.
05:42Ibig sabihin po,
05:43kung may mga nag-tetest na preno,
05:45ibig sabihin,
05:46hindi na yan,
05:46hindi yan ang tetest ng tama.
05:48At maintenance sa mga may-ari.
05:49At yung maintenance,
05:52lalo na para sa mga truck
05:54takas sa mga bus.
05:55Kasi yan po talaga
05:56ang mga delikado sa kage.
05:58Kasi napakalaki po
06:00ng mga sasakyan na yan.
06:01Pag ang truck po,
06:02ang bus,
06:03eh tumama,
06:03sumalpok sa sasakyan,
06:06eh talaga po,
06:06mabigat na disgrasya
06:07ang mangyayari dyan.
06:08Sekretary,
06:10panghuli na lamang po,
06:11summer ngayon,
06:11nagbabakasyon yung mga kababayan natin,
06:13maraming mga bumibiyahe
06:14sa mga probinsya,
06:15baka may paalala po kayo
06:16sa ating mga motorista.
06:17Go ahead, sir.
06:18Opo,
06:19sa ating mga motorista,
06:21lalo na ngayon,
06:22summer,
06:23mag-ingat po tayo,
06:25siguraduhin po natin
06:26na nakapahinga tayo,
06:29lalo na kung magmamanayaw tayo
06:30ng mahaba,
06:31siguraduhin po natin
06:32na hydrated tayo
06:34dahil napakainit,
06:35baka po tayo
06:36makatulog
06:38o baka
06:39hindi magandang mangyari sa atin
06:42habang tayo nagmamaneho.
06:44At ang ikatlo po,
06:45eh sana po,
06:46konting pasensya lang po,
06:48huwag po tayo masyado
06:49mag-iinit ng ulo,
06:50lalo na ngayon.
06:52Napakainit ng panahon,
06:54alam mo naman,
06:54tao lang naman tayo,
06:55Ivan,
06:56madali tayong madala
06:59sa init ng ulo
07:01o sa emosyon.
07:02Pero ano lang po,
07:03self-control lang po tayo.
07:05At siguraduhin nga po natin
07:07na
07:07lalong-lalong na sa mga
07:08PUVs natin.
07:10Kargado nyo po
07:11ang mga buhay
07:12ng mga dinadagan
07:13yung mga pasahero.
07:15Kaya sana po,
07:16mag-ingat tayo.
07:18Siguraduhin natin
07:19na tama ang tulog natin.
07:21Huwag na huwag po tayong
07:22mag-tetake ng
07:23kahit anong
07:24iligal na droga.
07:26Yan po talaga.
07:28Seryoso po tayo dyan.
07:29Mag-aanunso tayo
07:30sa mga
07:31ilang araw,
07:32o sa loob ng ilang araw
07:33kung ano ang
07:34mangyayaring
07:34mga kaparusahan
07:36dun sa mga
07:37nag-test ng positive
07:38sa drug
07:39nung Semana Santa.
07:41At papay,
07:42ito sabun natin
07:42ang mga drug testing natin.
07:45Makikimalita rin kami
07:46sa magiging resulta
07:47ng inyong pulong
07:47sa mga bus companies.
07:48Maraming salamat.
07:50Transportation Secretary
07:51Vince Nison.
07:52Ingat po.
07:52God bless po.
07:53Kapuso,
07:55huwag magpapahuli
07:56sa latest news and updates.
07:58Mag-iuna ka sa malita
07:59at mag-subscribe
08:00sa YouTube channel
08:01ng GMA Integrated News.
08:02Ma-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a

Recommended