Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Tumagal nang mahigit isang oras ang pagutok ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon kagabi, dahilan upang magdulot ng matinding pagbagsak ng abo na banta sa kalusugan. 19 na barangay ang apektado at mahigit 60 pamilya ang inilikas. Pagdidiin ng PHIVOLCS, hindi ito pagsabog na dulot ng paggalaw ng magma, bagamat mino-monitor pa rin kung magkakaganyan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:04Tumagal ng mahigit isang oras ang pagputok ng bulkang Bulusan sa Sorsogon kagabi,
00:10dahilan upang magdulot ng matinding pagbagsak ng abo na banta sa kalusugan.
00:16Labing siyam na barangay ang apektado at mahigit anim na pong pamilya ang inilikas.
00:21Pagdidiin ang FIVOX, hindi ito pagsabog na dulot ng paggalaw ng magma,
00:26bagamat minomonitor pa rin kung magkakaganya.
00:30Nakatutok si Mariz Umali.
00:33Ito po, parang snow sa labas.
00:40Grabe.
00:45Halos mag-zero visibility sa bahagin ito ng barangay Tinampo sa Erosin, Sorsogon.
00:50Sa gitna kasi ng dilim ng gabi, ay sumabay ang pagulan ng abo mula sa pagputok ng bulkang Bulusan kagabi.
00:56Ilang motorista ang inaputan ng asphalt sa daan.
00:59Unti-unti ring natabunan ang mga halaman.
01:02Sa lakas at dami ng patak, nagpayong na ang ilang residente habang nakabantay sa mga gamit nila sa bahay.
01:10Paghupa ng asphalt, ganito nakakapal ang naipong abo sa ilang kalsada.
01:14Ani mo'y nabuhusan din ang basang semento ang ilang sasakyan.
01:23Sa motor, ang dami.
01:25At ilang gamit sa paligid.
01:27Bakas din ang ashfall sa iba pang bahagi ng lalawigan.
01:30Ang bumagsak na abo ay kasunod ng phreatic eruption kagabi na tumagal ng isang oras at labing pitong minuto.
01:37Ito na ang ikalawang pagputok ng bulkang Bulusan ngayong linggo.
01:40Paliwanag ng FIVOX, ang phreatic eruption ay nangyayari kapag ang tubig sa bulkan ay dumampi sa mainit nitong volcanic materials.
01:47Natakpan daw ng makapal na ulap ang aktual na pagputok pero narinig ang ugong nito sa ilang bahagi ng erosin.
01:55Agad nagsagawa ng clearing operations ang lokal na pamahalaan at ilang pamilya rin ang inilikas.
02:00So we have recorded 65 families dito sa LGU erosin.
02:07The total number of individual is 211.
02:11So yan po ay nailingkas lang kahat na gabi.
02:15Tiniyak naman ang kapitolyo na handa ang mga ospital sa probinsya sa mga mga ngailangan ng atensyong medikal.
02:20Nag-deploy pa sila ng mga aparatos or equipment for those na may mga respiratory illness.
02:27Kaya natin ang hospital including the RHSU.
02:29Dumalaw na po kaagad-agad si Sekretary Rex Gatchalian, DSWD Sekretary.
02:35Sila po ay nagkaroon ng pag-assess at binisita po ang mga evacuation centers.
02:41Nandun din po ready na po ang mga food packs para po sa mga naapektuhan.
02:46Ngayong araw nagsagawa na rin ng aerial reconnaissance ang Office of Civil Defense ng Bicol Region
02:51kasama ang Sorsogon PDRRMO at Bulusan MDRRMO.
02:55Sa ngayon alert level 1 pa rin ang nakataas sa bulkang Bulusan.
02:58Bago nito ay may naitalaring 50 volcanic earthquake mula pa noong April 21.
03:03Expect similar phreatic eruptions.
03:05This is not a cause of alarm as of yet.
03:09Yung phreatic eruption?
03:11Again, yun yung karakteristik ng Bulusan volcano, it's phreatic eruption.
03:15Again, this is just water coming into contact with hot volcanic materials.
03:19Iba ito sa pagsabog dahil sa pag-alaw ng magma ng bulkan na hindi pa nakikita mangyayari pero mahigpit pa rin binabantayan ayon sa PHEVOX.
03:28Mas maganda every now and then nagkakaroon ng phreatic eruption kasi hindi siya nagka-accumulate ng pressure.
03:34So may release of pressure.
03:38Labing siyam na barangay ang apektado sa mga bayan ng erosin, huban at bulan.
03:42Labing-apat na barangay ang natukoy ng PHEVOX na nasa loob ng 4-kilometer permanent danger zone.
03:48Mahigpit na paalala ng PHEVOX, bawal, manatili sa loob ng 4-kilometer permanent danger zone.
03:54At dapat din daw maging alerto naman ang mga nasa 2-kilometer extended danger zone.
03:59Dahil sa posibilidad ng volcanic hazard gaya ng pyroclastic density current, ballistic projectile, rockfall, avalanche, bukod pa sa ashfall.
04:08Sabi pa ng PHEVOX, mahalagang matanggal agad ang abong mapupunta sa bubong.
04:13Pwede bumagsak yung bubong kung masyadong nang mabigat.
04:15Sa mga residents, they just have to remain calm and alert.
04:20Nakatakdang mamigay ng N95 mask ang health department sa mga apektado ng ashfall.
04:25Lalabas ka, magsakot ka ng N95 mask.
04:30At ina-advise din namin yung mga taong may hika, may heart disease, may lung disease na lumayo.
04:35Para sa GMA Integrated News, Marise Umali, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended