Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Miyerkules, April 30, 2025

-Lalaki, patay matapos saksakin ng dating nakaalitan; kapatid ng biktima, pinagbantaan pa umano ng suspek

-PHIVOLCS: Bulkang Bulusan, pumutok kagabi ng 7:43 pm

-WEATHER: Ilang panig ng Butuan, binaha

-PBBM: May libreng sakay sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 simula ngayong araw hanggang May 3

-NAIA: Passport ng mga pasaherong papasok sa terminal, hindi na hahawakan ng mga airport security personnel

-2 suspek sa pagtangay sa bag ng isang babae, kinuyog

-3 sangkot sa pagbebenta umano ng ilegal na droga, arestado; 2 sa kanila, inaming gumagamit pero hindi raw nagbebenta

-3, sugatan sa pamamaril; 2 suspek, arestado

-25-anyos na lalaki, nalunod sa Tondaligan Beach/ 42-anyos na lalaki, nalunod habang naliligo sa ilog
-Kyline Alcantara, tinawag na "Unbothered Queen" ng fans

-6 na personalidad, inirekomendang isalang sa preliminary investigation sa pagkidnap at pagpatay kay Anson Tan at kanyang driver

-INTERVIEW: ENGR. RADEN DIMAANO, PDRRMO HEAD, SORSOGON

-Bangkay ng isang lalaki, natagpuang nakatali sa isang poste ng kuryente sa Brgy. Punay

-Sunog sa isang compound sa Brgy. 586, posibleng sinadya ng mga armadong lalaki, ayon sa caretaker nito

-Lalaking pumasok umano sa kulungan ng buwaya, sugatan sa pag-atake ng hayop

-Dating barangay kagawad, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem

-INTERVIEW: ATTY. DARWIN ANGELES
PUBLIC ISSUES & PUBLIC RELATIONS COMMITTEE, PHL BAR ASSOCIATION

-Mamamahayag at dating Kalibo, Aklan Mayor Johnny Dayang, patay sa pamamaril sa kanyang bahay

-P2.4B total cash dividends o P0.50/share, ipamamahagi sa GMA Network shareholders sa May 20

-Lalaking suspek sa pananaksak, tinangkang arestuhin ng mga residente

-Sen. Imee Marcos: Politika ang motibo sa pag-aresto kay FPRRD; Sagot ni PBBM: "I disagree"

-Archie Alemania, naghain ng Not Guilty Plea sa kasong Acts of Lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela

-DOTr: Pagtatanggal ng mga barrier at xray machine sa pasukan ng MRT-3, ipa-pilot testing sa susunod na linggo

-VP Sara Duterte, sinabing nakatanggap siya ng summons mula sa DOJ Office of the Prosecutor kaugnay sa inihaing kaso sa kanya ng NBI

-Pagpinta at mabilis na paggawa ng karatula ng jeep ng isang lalaki, hinangaan ng netizens

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
00:00Good night!
00:30Manila, patay, matapos saksakyan ng nakaaway na dating katrabaho ang isang lalaki sa Sampaloc.
00:36Ang nakaligtas na kapatid ng biktima, pinagbantaan pa umano ng sospek.
00:40Balita natin ni Jomer Apresto.
00:46Nakaupo ang magkapatid na sina alias Rod at alias Mike sa bahagi ng Marsan Street sa Sampaloc, Maynila,
00:52pasado alas 9 ng umaga kahapon.
00:53Maya-maya, isang lalaki ang biglang lumapit at hinataw ng speaker ang 46 anyos na si alias Rod.
01:01Tinadyakan niya pa ito bago dumukot ng patalim sa kanyang bewang, kaya agad na napatayo ang magkapatid.
01:07Ilang beses niyang inambaan ng saksak ang biktima, hanggang sa tuluyan na niyang pinagsasaksak si alias Rod.
01:13Sinubukan pang lumaban ang biktima pero tila hindi nakontento ang sospek at itinarak sa ulo ng biktima ang patalim.
01:20Dead on the spot ang biktima.
01:22Habang napatakbo naman ang kapatid na si alias Mike.
01:29Kinagabihan, nahuli ang kapatid ng biktima na si alias Mike matapos umanong mag-amok sa tapat ng barangay at tangkaing saksaki ng isa sa mga kagawad.
01:38Bigla niyang inugot, hinabul ako.
01:40Siyempre tumakbo ako.
01:42Nakakita ko lang kahoy.
01:45O sige, sumugod ka.
01:48Ayun na nga, may dumating na ng polis.
01:50Nakakita po nila, dalawang kutsilyo ang nakuha ng polis natin.
01:54Ay kung madamay.
01:56Ayon kay alias Mike, pang self-defense niya ang mga dalang patalim matapos siyang makatanggap umano ng pagbabanta mula sa sumaksak sa kanyang kapatid.
02:04Sa isang text message, humingi ng pasensya ang sospek sa kanyang nagawa.
02:08Pero, karugtong nito ang babala na iisa-isahin daw ng sospek ang pamilya ng biktima sa oras na gumanti sila.
02:16Yung kukili po, ganit sa bahay ko yan.
02:18Kung baga po, bimila ko ng pagkain ko, senti-fest.
02:21Kinilala ni alias Mike ang sospek sa pagpatay sa kanyang kapatid.
02:25Nakatrabaho raw siya ng biktima nang magkamit sila ng poster ng mga kandidato para sa eleksyon.
02:30Pinatira pa raw ng biktimang si Alias Rod ang sospek sa kanyang bahay sa loob ng isang buwan.
02:35Pero, nagkaroon daw sila ng samaan ng loob matapos niyang palayasin ang sospek.
02:41Eh, pinapalayas na nga siya kasi may dalay siyang batom, sisimpila paket.
02:45Hindi naman natuloy ang kinulong si Alias Mike matapos mapakiusapan ng mga kaanak ang kagawad.
02:50Patuloy ang backtracking ng motoridad para mahuli ang sospek sa pananaksak.
02:55Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:00Sa ikalawang pagkakataon ngayong linggo, pumutok ang vulkang Bulusan sa Sorsogon.
03:04Ayon sa PHEVOX, isa itong phreatic eruption na nagsimula mag-aalas 8 kagabi.
03:09Tumagal yan na mahigit isang oras.
03:11Nakapagtala rin ang vulkan ng 66 na volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.
03:17Sa kasalukuyan, nakataas na Alert Level 1 ang vulkang Bulusan.
03:21Hindi pinapayagan ang pagpasok sa 4 km radius ng vulkan na Permanent Danger Zone.
03:26Maginapaglipad ng mga aircraft sa tuktok nito.
03:28Itong lunes, na unang kumutok ngayong linggo, ang vulkang Bulusan.
03:33Sa unang datos ng Sorsogon Police Provincial Office, bago ang pangalawang pagputok kagabi,
03:37mahigit 30 pamilya ang lumikas.
03:40Hindi rin bababa sa 7 barangay ang naapektuhan ng ashfall.
03:44Nagsimula ng mamigay ng food packs ang DSWD sa mga naapektuhang residente.
03:49Andarin daw sila sa pamamahagi ng long-term aid,
03:51kasunod ng utos ni Pangulong Bongbong Marcos.
03:53Sa gitna ng tag-init, ilang bahagi ng Mindanao ang binaha.
04:04Sa Butuan City, Agusan del Norte,
04:06mabilis ang pagtaas ng tubig sa ilang kalsada doon,
04:10kasabay ng malakas na ulan.
04:12Kanya-kanyang salba ng mga gamit ang mga residente ng pasuki na,
04:16nang baha ang kanilang bahay.
04:18Unti-unting humupa ang tubig bago gumabi.
04:21Ayon sa pag-asa, Intertropical Convergence Zone ang patuloy na magpapaulan
04:26sa Palawan at malaking bahagi ng Mindanao.
04:30Apektado naman ang Davao Region ng truck ng binabantayang low-pressure area.
04:34Umasak na ulit sa Philippine Area of Responsibility.
04:37Ang nasabing LTA, ilang oras makaraang pansamantala itong lumabas kahapon.
04:42Huling na iyang namataan at mahigit po siya 600 km silangan ng southern Mindanao.
04:50Aabot naman sa 17 lugar sa bansa ang pusibli pa rin makaranas ng matinding init at alinsangan.
04:57Pusibli umabot sa danger level na 47 degrees Celsius na heat index sa Dagupan, Pangasinan,
05:0346 degrees Celsius sa Baler Aurora,
05:0643 degrees Celsius sa Bacnotan, La Union,
05:08Olongapo City, Sangli Point, Cavite, Puyo, Palawan at sa Pile, Camarines, Sur.
05:1542 degrees Celsius ang pusibli namang heat index ngayong araw sa Pasay City
05:20at ilan pang bayan at syudad sa Luzon at Visayas.
05:27Good news sa mga kapuso nating suki ng MRT, LRT Line 1 at Line 2.
05:32Libre ang inyong sakay simula po ngayong araw hanggang sa Sabado, May 3.
05:36Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos bilang pagkilalayan sa sakripisyo at kontribusyon
05:41ng mga manggagawa sa lipunan at ekonomiya ng bansa.
05:44Pakikisa rin yan sa selebrasyon ng Labor Day o araw ng paggawa bukas.
05:49Ayon sa pamunuan ng mga nasabing railway,
05:51libre buong araw ang pagsakay sa mga tren.
05:54Abiso sa mga pasahero ng naiya,
05:59hindi na pinapayagan ang mga airport security personnel
06:02na hawakan ang pasaporte ng mga pasahero sa terminal entry.
06:06Sa halip, mong pasahero na lamang ang may hawak sa passport,
06:10ID at iba pang travel document
06:12habang biniverify ng mga tauhan ng naiya.
06:16Bagong pulisiya po yan,
06:17kasunod ng nagviral na insidente ng isang senior citizen
06:20na hindi pinayagan ang airline na makabiyahe dahil sa maliit na punit sa passport.
06:26Iniimbisigahan na yan ng Transportation Department at Civil Aeronautics Board,
06:31pati na rin ng mga kaparehong insidente.
06:37Kinuyog ng mga tao ang dalawang lalaki na yan sa Cebu City.
06:40Riding in tandem pala ang dalawa na suspects
06:42sa pagtangay sa bag ng isang babae sa barangay San Nicolás Proper.
06:46Sinubukan pang tumakas ng isa sa kanila pero nahuli rin.
06:50Naisa uli na sa may-ari ang pera at cellphone na laman ng inakaw na bag.
06:54Hindi pinayagan ng police station ng GMA Regional TV
06:56na kunan ang pahayag ang mga suspect.
07:00Huli kam sa Rodriguez Rizal,
07:02ang lantarang bentahan ng iligal na droga.
07:05Tatlo ang arestado.
07:07Balitang hatid ni EJ Gomez.
07:08Sa kuha ng video ng isang residente sa barangay San Nicolás Rodriguez Rizal,
07:16kita ang isang lalaking tila binubusisi ang hawak niyang pakete.
07:21Iniabot niya ito sa isa sa dalawang lalaking kasama niya.
07:25Nagbigay rin siya ng lighter.
07:27Maya-maya, iniabot ng lalaki ang isa pang pakete sa lalaking nakasuot ng pulang t-shirt.
07:32Sa isa pang video, kita naman ang lalaking sakay ng motor na hawak ang pakete,
07:38saka isinilid sa kanyang baywang.
07:41At saka siya nag-abot ng bayad sa nakatayong lalaki.
07:45Ang mga nakuha ng video,
07:47lantarang bentahan ng umanoy-shabu sa lugar ayon sa pulisya.
07:52Actually, may nag-impong na may lantaran na ang bentahan dito sa isang lugar nito,
07:59dito sa may barangay San Isidro.
08:02At ito talaga, sabi pa nga nung ating nagbibigay ng impo,
08:08ayun talaga ang halos araw-araw na nandudoon niya sila.
08:11Tatlo sa mga sangkot ang naaresto ng pulisya.
08:14Ang 30-anyos na lalaking nakapulang t-shirt sa video,
08:18pati ang 27-anyos na rider at 16-anyos na ang cast na live-in partner niya.
08:24Nakumpiska sa kanila ang siyam na pakete o 25 grams ng umanoy-shabu
08:28na nagkakahalaga ng 170,000 pesos.
08:32Balay, apat itong suspect natin doon na binibigay ng ating tag-impose atin.
08:39At yung isang nakatakas doon nung araw na yun ay nakatakbo.
08:43Pero tuloy pa rin yung ating manhunt operation doon sa isang suspect natin.
08:48Itinanggini ni Alias Ekon na siya ang nasa video.
08:52Hindi pa ako yun.
08:53Sino po yun?
08:54Wala pa ako rin ma'am.
08:56Kakagawa lang po nila yun ma'am.
08:58Gumawa ng video po.
08:59Pero umamin siyang gumagamit sila ng droga at hindi nagbebenta.
09:04Gumagamit po ma'am.
09:06Gumibili po.
09:07Pagka galing sa krabaho po, pag umuwi, pag gusto ko pong mag-relax, bumibili po ako.
09:14Hindi po ako nagbebenta.
09:16Aminado rin gumagamit ng shabu ang isa pang naaresto.
09:19User lang ako mga mga hindi ako nagbebenta.
09:22Pakasulpot-sulpot lang po yun.
09:23Hindi yung palagi.
09:24Walang pahayag ang naarestong minor de edad.
09:28Nakakulong ang mga sospek sa custodial facility ng Rodriguez Municipal Police Station.
09:33Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
09:41EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:47Ito ang GMA Regional TV News.
09:50May init na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
09:56Sugatan ang tatlong sakay ng isang pick-up matapos pagbabarilin sa San Pablo, Isabela.
10:02Chris, nahuli ba yung sospek o mga sospek?
10:04Connie, arestado na ang dalawang sospek sa pamamaril.
10:08Ayon sa investigasyon, sakay rin ng isang pick-up ang mga salarin na bumaril sa mga biktima
10:12kabilang ang isang kandidato sa pagkakonsihal.
10:15Na-recover ang sasakyang ginamit ng mga sospek.
10:17Maging ang isang kalibre 45 ang baril at iba pang gamit.
10:22Wala pang pahayag ang dalawang sospek.
10:24Inaalam pa ang motibo sa krimen.
10:27Ito na ang mabibilis na balita sa Luzon.
10:30At inod ang isang dalaking 25 anyo sa Tondaligan Beach dito sa Dagupan City.
10:35Ayon sa pulisya, posibeng tinangay ng malakas na alon ang dalaki na nakainom ng maligo sa dagat.
10:41Inabot ng apat na oras bago natagpuan ang kanyang katawan.
10:46Isang dalaking 42 angos naman ang nalunod din sa isang ilog sa Bacaray, Locos Norte.
10:51Nakainom din daw ang dalaki na mangyari ang insidente ayon sa mga pulis.
10:56Para naman makaiwas na malunod, payo ng Department of Health na mag-ara lumangoy.
11:02Kung hindi marunong manatili sa mababaw na bahagi ng tubig,
11:05dapat din daw may kasamang marunong lumangoy at matuturin ng iba't ibang safe rescue skills.
11:15Mga mare at pare,
11:20Unbothered Queen Energy ang ipinlex ni Kailin Alcantara sa latest IG post niya.
11:27Flexing her long hair, rumampas si Kailin outdoors.
11:31Ipinasilip niya ang kanyang charismatic smile sa video na may caption na
11:35Happy 4.9 million followers.
11:38Pinusuan naman niya ng kanyang mga kaibigan at netizens.
11:42Sa isang social media post, sinabi ni Jackie Forster na hiwalay na ang anak niyang si Kobe Paras at si Kailin.
11:49Ayon sa Sparkle GMA Artist Center, sinabing gusto na raw ni Kailin na mag-move on mula sa issue.
11:56Pinili raw ng aktres na manahimik at panatilihin ang kanyang peace and respect sa mga taong naging parte ng kanyang buhay.
12:03Umaasa raw ang aktres na makamove on na rin ng lahat at tapusin na ang issue.
12:11Alim na pangalan ang inarecommend ng isa lang sa embestigasyon kasunod ng pagkidnap at pagpatay sa negosyanting si Anson Tan o Anson Kwe at kanyang driver.
12:21Isa riyan ang anak o manunitan na nagsilbing negosyator nang makidnap siya.
12:24Balit ang hati ni Salima Refran.
12:27Sa isinomiting referral ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Department of Justice noong April 19,
12:38may anim na pangalan silang inirecommenda para sa preliminary investigation.
12:42Kaugnay sa pagkidnap at pagpatay sa businessman na si Anson Tan na kilala rin sa pangalang Anson Kwe at sa kanyang driver.
12:50Kabilang sa kanila ang isang Rongshan Gao o Alvin Kwe na 42 taong gulag na ayon sa isang source sa PNP ay kaisa-isang anak na lalaki ni Tan.
13:02Habang nasa kamay ng kidnapper si Anson Tan, ang anak na si Alvin ang nagsilbing negosyator ng pamilya.
13:08Ayon pa sa police report, si Alvin ang nagbayad ng ransom sa mga kidnapper.
13:13Sampung milyong piso ang unang inilagak sa isang cryptocurrency account noong March 31, dalawang araw matapos makidnap si Tan.
13:21At dagdag na tatlong milyong piso noong April 2 sa parehong account.
13:26Pero kahit bayad na, natagpo ang paring patay si Tan at kanyang driver noong April 9 sa Rodriguez Rizal.
13:32Kasama sa isinumite ng PNP sa Department of Justice, ang affidavit ng suspect na si David Tan Liao, 48 taong gulang na tumong fukian, China.
13:43Si Liao ay sumuko sa polisya matapos may maarestong dalawang suspect sa Palawan noong mahal na araw.
13:49Sa affidavit ni Liao, sinabi niyang kilala niya ang mag-amang Anson at Alvin.
13:54January ng taong ito, Anya, nang tawagan siya ni Alvin at sabihin may ibibigay sa kanyang trabaho.
13:59February naman ang mag-offer sa kanya si Alvin ng P100M para dukuti ng amang si Anson.
14:08Ayon kay Liao, kasama niya sa pagpaplano ang mga suspect na inaresto sa Palawan na si Richard Austria alias Richard Tan Garcia at Raymart Catequista.
14:18May babae rin siyang nabanggit na kasama Anya sa pagdukot at paghingi ng ranso.
14:23Si Alvin Anya ang nagbigay ng go signal na patayin si Tan at ang driver.
14:28Ayaw magbigay ng pahayag ng pamilya tan sa ngayon.
14:31Sa preliminary investigation, sinabi ng abogado nila na gusto na lang maimbestigahang mabuti ang kaso.
14:37Meron sila kasing iniimplicate na ibang tao na request namin i-pursuit.
14:48Kung hindi man totoo, i-clear yung pangalan.
14:50Kung totoo man, dapat malaman yung totoo.
14:54Patuloy na kinukuha ng GMA Integrated News ang panig ni Alvin Ke.
14:59Ayon naman sa Department of Justice, kailangan pa nila ng kaunting panahon para matukoy ang mastermind at ang motibo ng krimir.
15:08Give us around 20-25 days. It will be done.
15:11It might pull off a surprise. Baka kagulat-gulat ang lumabas.
15:16Sa Nima Refra, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:20At late po tayo sa nangyaring pagputok ng Bulkang Bulusan kagabi.
15:25Tausabi po natin si Sor Sugon, PDRRMO Head Engineer Raden Dimaano.
15:31Magandang tanghali at welcome po sa Balitang Hali.
15:34Magandang tanghali, Ma'am Connie.
15:36Kamusta na po ang sitwasyon ngayon sa mga lugar na apektado po ng ashfall kagabi?
15:41At ilang pamilya po ba ang apektado at inilikas na?
15:44Kung sa ngayon po, ang tali kagabi pa ng mga 11, after nung mag-erups niya, halos normal na tayo.
15:55So ngayon maganda yung panahon.
15:57So we have recorded 65 families dito sa Maratown LGU erosin.
16:03Its total number of individual is 211.
16:08So yan po ay nailikas lang kahat sa gabi because of their request.
16:14Pero Ma'am Connie, yung alert level 1 in 2, wala naman tayong evacuation process.
16:21It's more on stay calm, close the door, and yung windows natin.
16:27Then kailangan lang natin ang face mask.
16:29Alright, nakikita po natin sa mga larawan na pinapakita po natin ngayon live dito sa Balitang Hali.
16:37Yung pong medyo makapal na rin po itong ashfall dyan.
16:41Paano po nakaka-apekto ito siyempre sa pang-araw-araw na kabuhayan po nitong mga nararanyaan ngayon?
16:49So far, hindi naman masyado affected yung kanilang pag-daily dito sa sarusugot.
16:56But the moment nagtaroon tayo ng eruption, pag umaga niya, or tulad ngayon, in the morning, midday in the morning,
17:04so kailangan lang luminis after ng mga ano yan, halos back to normal naman yung tao natin dito.
17:12So nagkakaroon lang tayo ng mga pag-aandong because of their safety, yung may mga sakit or respiratory ailment or sickness,
17:21and then yung mga elderly, may kamangatapa.
17:24Pero bukas po ang mga tindahan, business as usual, ano ba ang ating mga nakikita?
17:31Yes po. Actually, after ng ano yan, konting linings, bukas sila back to normal.
17:38I see. Alright.
17:40Saan maaari ho makipag-ugnayan ng mga nais magpaabot naman ng tulong sa mga apektadong residente?
17:44At tumawag lang po sa ating mga municipal welfare, yung MSWTO o dito sa probinsya,
17:53at para kung may gusto sila tumulog.
17:56So far, provincial government, so doon, nakaray din ng mga kontingen pa yung mga talaga na ating aksiter.
18:02Okay din po lahat ng mga hospital natin dyan, at ready na mag-attend dun sa mga nahihirapang huminga?
18:10Actually po, mong Connie, yung advisory pa lang ng PBOX, nagkaroon na tayo ng meeting,
18:15and then nag-deploy pa sila ng mga apparatus or equipment for those na may mga respiratory, ano?
18:20Illness.
18:21Kaya, there are this hospital including the RSU.
18:24Alright. Marami pong salamat sa inyong update sa amin, sir.
18:26Iyan po naman si Sor Sugon, PDRRMO Head, Engineer Ray Dan Limaano.
18:41Natagpo ang nakatali sa isang poste ng kuryente ang bangkay ng isang lalaki sa barangay Punay, Aluginsan, sa Cebu.
18:47Itinali ang biktima gamit ang tape.
18:49Ang mukha niya, tinakpa naman ng itim na damit.
18:52Nakitaan siya ng mga sugat at paso sa katawan.
18:55Kinala ng mga pulis, pinatay ang biktima sa ibang lugar bago dalin sa lugar at itali sa poste.
19:00Inaalam na ang pagkakakinanlan ng lalaki.
19:06Nagkasunog po sa isang compound sa Sampaloc, Maynila.
19:09Kwento ng caretaker, posibleng sinadya ang sunog ng mga armanong lalaking na nakit sa kanya.
19:14Balitang hatid ni Jomer Apresto.
19:16Ganito kalaking apoy ang sinusubukang apulahin ng mga bumbero matapos sumiklab ang sunog sa compound na ito sa Sampaloc, Maynila,
19:28mag-aalas dos ng madaling araw kanina.
19:30Ang sanhinang apoy, posibleng sinadya umano.
19:33Sa kwento ng 21 anyo sa caretaker ng compound na si alias J,
19:37natutulog na siya nang bigla siyang gisingin ang ilang armadong lalaki,
19:41pinadaparaw siya at iginapos ang kanya mga kamay.
19:43Di ko na sir na alam sir kasi mga naka-pacemask nakapang takip ng mukha po eh.
19:49Tapos 6 or 5 motor na yung nakita ko, may nakatapak sa akin.
19:52Tapos pag sinabi nila, tara na, tara na, yung pinakaramdong ko sila na parang wala lang,
19:57saka na ako nababas kasi may apoy na siya, malaki na po eh.
19:59Blanco naman siya kung nakalabas ba ang kanyang dalawang kasama na nagbabantay rin sa compound.
20:04Wala raw ang kanila mga amo na maganap ang sunog.
20:07Ayon sa barangay, nag-iimbestiga na ang polis siya.
20:09Sira ang CCTV nila na nakatutok sa lugar pero posibleng nahagip sa ibang anggulo ang sinasabing mga armadong lalaki.
20:16Ang nakita ko na po talagang sobrang lakas na po eh. Talagang may sumabog pang malakas.
20:20Ayon naman sa Bureau of Fire Protection, umabot sa ikalawang alarmang sunog kung saan nasa halos 40 track ng bumbero ang rumesponde.
20:28Tumagal ng halos 2 oras ang sunog bago na control mag-alas 4 ng madaling araw kanina.
20:32Ang mga lamang po ito ay more on plastics. Yung pang siguro pang construction materials ito na ginagamit.
20:40Ang total estimated damages po natin ay sinasa 6 million pesos more or less.
20:47Isang bag naman ang sinecure ng BFP at hindi pa pinagagalaw hanggang hindi nasusuri ng EOD.
20:53Patuloy ang investigasyon ng otoridad sa nangyaring sunog.
20:56Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
21:02Ito ang GMA Regional TV News.
21:07Mismong ang lalaki umano ang pumasok sa kulungan ng buhaya sa isang public park.
21:15Sabi ng mga kamag-anak na may problema nga po sa pag-iisip at napagkamalan na po talaga niya na laruan yung buhaya na nandun sa cage kaya tumalun po siya sa loob.
21:25Sa video, kitang kagat-kagat ng buhaya ang lalaki at may puntong iwinasiwas pa.
21:34Yan ang tinatawag na galaw ng mga buhaya na death roll.
21:38Rumispon din naman ang may-ari ng park at pinatulog niya ang bakal na bahagi ng kulungan.
21:43Noon palang tinawalan ng buhaya ang lalaki.
21:46Nagtamo siya ng mga sugat sa binti at braso at dinala sa ospital.
21:50Nangako ang may-ari ng park na tutulong siya sa pagpapagamot.
21:54Pansamantala munang ipinasara ng DNR Region 9 ang pasyalan.
21:58Paalala ng isang animal expert, ang buhaya, captive man o nasa wild ay highly territorial na hayo.
22:07Patay sa pamamaril ang isang dating kagawad ng barangay sa Kandis, Abadjan, dito sa Cebu.
22:12Batay sa investigasyon, dumating sa lugar ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo at binaril ng isa sa kanila ang biktima.
22:20Kabilang sa mga tiniting ng motibo ng pulisya sa krimen ay personal na galit.
22:24Pati na rin ang pagiging barangay koordinator ng biktima na sumusuporta sa isang tumatakbong kandidato sa bayan.
22:31Inaalam pa kung may CCTV sa lugar na makatutulong sa investigasyon at pagtugis sa mga sosped.
22:42Mahalagang may alam at handa sa anumang pwedeng mangyari sa mismong araw ng eleksyon.
22:51May mga kaakibating responsibilidad ang karapatan nating makaboto.
22:55Yan ang pag-usapan natin ngayon kasamang isa sa mga election 2025 partner ng GMA Network,
22:59ang Philippine Bar Association, represented by Atty. Darwin Angeles ng kanilang Public Issues and Public Relations Committee.
23:06Magandantanghali at salamat po sa pagpapaunlak ng panayam.
23:09Magandantanghali po at sa ating mga nanonood.
23:13Apo, Atty. Magbibigay kami ng ilang senaryo na pwedeng maranasan ng mga botante sa loob ng polling pricing sa mismong araw ng eleksyon.
23:20Una, wala pong voter's ID. Makakaboto ba?
23:24Opo, pwede pa rin pong bumoto.
23:26Kasi ang pinagbabasiyan po ng COMELEC ay ang Election Day Computerized Voters List na nakapa-skill sa voting center.
23:34At pag ang pangalan mo po ay nandun, pwede ka pong bumoto.
23:37Hindi naman po kasi requirement ng voter's ID para bumoto.
23:41So pwede ka pong magdala ng ibang government ID para patunayan na ikaw ang nakalistang votante doon sa Computerized Voters List.
23:49At kung wala kang mga government ID, mayari pong mag-verify ka ang election board sa records po nila
23:57para matukoy nila kung ikaw talaga yung tunay na tao na nakalista doon sa Computerized Voters List.
24:02Nasa rules po yan ng COMELEC.
24:04Basta ang malinaw po, kahit anong government ID pwede.
24:07Opo.
24:08Paano kung wala naman sa listahan yung pangalan?
24:11Well, ano eh, ibig sabihin nun, baka hindi ka po potante doon sa voting center na inyong pinuntaan.
24:17Kasi ang Computerized Voters List per voting center po yan.
24:22So, baka ang solusyon po rito, kailangan niyo pong hanapin kung Alexandria naka-assign na presinto.
24:28Opo. Meron pong online precinct finder ang COMELEC. Pwede niyo pong hanapin sa kanilang website sa precinctfinder.comelec.gov.ph.
24:38Yun po ang mahalaga. Dapat ngayon pa lang makita na yung inyong presinto para hindi kayo malito at hindi kayo mawala.
24:45Opo. Opo. Maganda pong na maghanda tayo kasi mainit ang panahon at hindi masayang ating oras.
24:52Opo. Pwede po ba magdala ng kodigo na mga iboboto na nakasulat sa papel o nakasave sa cellphone?
24:58Opo. Pwede pong magdala ng kodigo o listahan dahil ito po ay magsisilbing gabay para sa ating pagboto.
25:05Mas maganda ang papel ng kodigo kaysa pahala nakasave sa cellphone kasi may regulasyon po ang COMELEC na bawal pong gumitin ang cellphone
25:14para gumawa ng picture sa loob ng polling place o kusaan na po po ito.
25:20Opo. Ito po ay para protektahan ang pagkasagrado ng pagboto at para protektahan ang confidentialidad ng boto ng isang tao
25:29kasi ito po ay pinagbabawal sa omnipos election vote.
25:32Malinaw po. Dapat ang rekomendasyon ninyo, papel. Hindi sa cellphone.
25:36Pwede ipagbawal ang cellphone sa presinto.
25:38Opo. Kasi pwede pong pagbawal ng election board po yun.
25:41So baka magkaroon po ng abiria o di pagkaunawaan sa election board.
25:46Saya mas mabuti na pong maging safe na lang po.
25:50Kung magkaroon naman po ng abiria sa pagboto ang isang ambutante, maaari ba niyang kunan ng litrato o video?
25:58Hindi ko po ito pinapayo kasi mayroon pong regulasyon ng COMELEC sa COMELEC Resolution 11076,
26:05itong Section 36 po nila, na pinagbabawal ang paggamit ng image capturing devices
26:10para kunan ng laman ng balota o yung resibo ng botante o itinatawag niya lang voter verified paper audit trail.
26:17Ito yung lumalabas dun sa automated counting machine after niyo po magcast ng inyong mga boto.
26:23So ano po, may proseso po kasi dyan.
26:27Kung may abiria, pwede po tayong magpatulong sa electoral board.
26:30Meron naman po silang training at nasa rules po ng COMELEC kung ano pong kailangang gawin ng election board
26:36kung mayroong pong problema.
26:38Kunwari, hindi po mabasa yung balota po ninyo or hindi nyo po mahanap yung pangalan nyo nun sa voters list.
26:45E kung hindi naman po balota yung kukunan ng video ulit rato,
26:49may karapatan ba ang isang botante na ipost yung kanyang voting experience sa social media?
26:53Marami na po kasi ngayon yung talagang hilignay na mag-post ng kanilang mga experience sa SOCMED.
26:59Opo, at saka alam naman po natin pasok to sa kunturang Pilipino,
27:02hindi naman po ito pinagbabawad.
27:05So pwede po tayong mag-take ng picture, mag-selfie, mag-video,
27:09pero pasawag lang po natin kuna ng picture yung balota o yung mga dipang taong pumupoto.
27:14So, ano rin po, mukhaay ko rin po na huwag po tayong pumuha ng masyadong maraming video
27:23para makaharang o maging sagapal sa ibang mga taong pumupoto
27:27kasi makamaka-maskip po yung voting center.
27:30So, basta nasa tamang lugar lang po tayo,
27:34pwede naman po mag-post ng video or ng photo ng selfie.
27:39May mga nabanggit na kayo kanina,
27:40pero ano po yung mga kaakibat na responsibilidad ng karapatan nating makaboto?
27:46So, marami pong suggestions na responsibilidad na pwedeng okserbahan ng mga buo-boto.
27:54So, una-una, syempre, ang pinaka-importante,
27:57kailangan alamin natin kung sino yung kanidatong binaboto po natin.
28:00So, sana po na ngayon, alam na po natin ang kanilang mga kwalifikasyon at mga plataforma
28:04para pag tayo ay bumoto, buwoboto po tayo para sa kinabukasan ng ating bayan.
28:10Sa ano rin po, sa regulasyon ng COMELEC,
28:13hinihikayat po nila tayo na iwasan ng fake news.
28:16Kasi pag naniwala po tayo sa fake news,
28:19paka masayang po ating boto natin,
28:21kasi maniwala po tayo,
28:23hindi natin buwoboto ang gusto sana natin ipoto.
28:25So, tapos, ito rin po, napaka-importante.
28:29Huwag po natin ipagbili ang ating boto dahil ito ay isang krimen.
28:32Ayaw po natin makasuhan o magkaroon ng problema.
28:36So, bumoto lang po tayo ayon sa batas.
28:40Ikaapat, alamin natin ang ating karapatan bilang potante
28:43kasi ito ay importanteng parte ng ating demokrasya
28:48at ang mga staff ng COMELEC at mga membro ng electoral board
28:54ay nandyan po para tulungan tayong may siguradong makapautok po tayo na maayos.
29:00Isa rin po nga, suggestion ko po,
29:02ikalima, maging maalahan yung votante.
29:04Kasi hanggang sa makakaya,
29:06huwag po tayong magpadalos-dalos
29:08o magubos ng masyadong oras sa pagboto
29:11kasi marami rin pong ibang gustong bumoto
29:13at meron lang pong fixed hours ang voting center
29:18hanggang alas 7 lang, gabi lang po ang pagboto.
29:21So, huwag po natin ubusin ang oras ng COMELEC.
29:25Meron din pong priority link
29:26para sa mga votante may kapansanan,
29:28senior citizen at nagdadalang tao.
29:30So, pag nakita po natin may pila na priority link
29:33para sa mga tao kung binibigan ng priority,
29:36huwag po natin gamitin po ito
29:39kasi para sa kanila po yan.
29:40Ayan. So, mahalaga po talaga yung kodigo
29:42para mas mabilis yung pagboto.
29:44Maraming salamat po sa oras na ibinahagi niyo po sa Balitang Hali.
29:47Maraming salamat po.
29:49Attorney Darwin Angeles ng Philippine Bar Association.
29:53Patay sa pamamaril ang veteranong mamamahayag
29:56at dating mayor ng Kalibo Aklan na si Juan Johnny Dayang.
30:01Ayon sa Kalibo Police, binaril si Dayang sa loob ng kanyang bahay.
30:05Agad siyang dinala sa ospital
30:06pero ibinikla ng dead-on arrival.
30:09Kinundi na ng Presidential Task Force on Media Security
30:12ang pagpatay kay Dayang.
30:14Patuloy na inaalam ng pulisya
30:16ang pagkakakilanlan ng salariyan
30:18at ang motibo sa krimen.
30:22Ito ang GMA Regional TV News.
30:26Natagpo ang patay
30:27ang isang dalagita sa barangay Lapasan
30:30sa Cagayan de Oro City.
30:31Kwento ng ilang residente,
30:33nakarinig sila ng boses na humihingi
30:35ng tulong kahapon ng umaga.
30:37Nang may isa sa kanilang pumunta sa lugar,
30:40nakita niya ang katawan ng biktima
30:41sa may kangkungan.
30:42Ayon sa pulisya,
30:43hinatay ang 12 hanggang 17 anyos
30:46ang edad ng biktima
30:47na may sugat sa leeg.
30:49Tinukoy na person of interest
30:50ang lalaking nakitang umalis sa lugar
30:52na may dalang itak.
30:54Noong linggo,
30:54unang nakita sa lugar
30:55ang babae at ang lalaki
30:57na nagpakilalang magkasintahan daw.
30:59Katuloy pang tinutugis ang lalaki.
31:02Inaalam din kung may kaanak ang biktima.
31:04Ini-anunsyo ng GMA Network
31:07na inaprobahan ng Board of Directors ito
31:09ang declaration ng 2.4 billion pesos
31:11na total cash dividends.
31:14Katumbakyan ang 50 centamos kada share.
31:16Mas malakihan kumpara sa net income
31:18after tax ng kumpanya nitong 2024
31:20pero pasok pa rin sa retained surplus account.
31:24Ipapamahagi ang dividends sa May 20
31:25sa mga stockholder as of April 29.
31:28Indikasyon ang cash dividends
31:30ng kumpiyansa ng GMA Network
31:31at ng management nito
31:32sa matibay na financial fundamentals
31:35ng kumpanya
31:35at positibong outlook sa 2025.
31:40Kuha ang video niya
31:42sa Haro District sa Iloilo City.
31:44Sinubukang habuli ng mga residente
31:46ang lalaking suspect pala
31:47sa pananaksak sa lugar.
31:49Sa iba pang video,
31:50kita rin ang biktima
31:50habang hawak naman
31:52ang sugat niya sa bandang tiyan.
31:54Sumuko ang suspect kalaunan.
31:56Paliwanag daw niya sa pulisya.
31:58Dati na silang may alitan ng biktima.
32:00Nitong Sabado lang,
32:01nakasalubong niya raw
32:02ang nakaalitang grupo.
32:04Sinuntok umano siya
32:05ng isa sa kanila.
32:06Habang gumaganti
32:07na agao muna niya
32:07ang kutsilyo
32:08na hawak ng biktima
32:09at doon nakasaksak.
32:11Kwento naman
32:12ng isang barangay tanod,
32:13dala mismo ng suspect
32:14ang kutsilyo.
32:16Nagpapagaling pa
32:17sa ospitalang biktima.
32:19Maharap naman
32:19ang suspect
32:20sa reklamang
32:20frustrated homicide.
32:23Sinabi ni Senador
32:25ay ni Marcos
32:26na ang pag-aresto
32:27kay dating Pangulong
32:28Rodrigo Duterte
32:29at pagdala sa kanya
32:30sa The Hague,
32:31Netherlands,
32:32ay bahagi umano
32:33na isang demolition job
32:34laban sa pamilya Duterte.
32:36Si Pangulong Bongbong Marcos
32:38na kapatid ng Senador
32:39pumalag dyan.
32:43Ang pag-aresto
32:44at pagsuko
32:45kay dating Pangulong
32:46Rodrigo Duterte
32:47sa ICC
32:48ay klarong
32:50may motibong
32:51politikal.
32:52Maliwanag
32:53ang pag-aresto
32:54kay dating Pangulo
32:55ay bahagi
32:56na malawakang
32:57pagsisikap
32:58ng gobyerno
32:59na pabagsakin
33:01ang mga Duterte
33:02bago mag
33:032028 election pa.
33:05Everyone's entitled
33:06to their opinion.
33:07I disagree.
33:09Ayon kay Senadora Marcos
33:11Batay
33:12ang mga pahayag niya
33:13sa mga lumabas
33:14sa investigasyon
33:15ng tinamunuan niyang
33:16Committee on Foreign Relations.
33:18Kasama rin daw
33:19sa planong paninira
33:20sa pamilya Duterte
33:20ang People's Initiative
33:22pati mga
33:23investigasyon
33:23ng Kamara
33:24sa Drug War
33:25at sa Confidential Funds
33:26sa mga opisina
33:27ni Vice President
33:28Sara Duterte.
33:29Ang rekomendasyon
33:30ni Senador Marcos
33:31iimbestigahan
33:32ng ombudsman
33:33ang ilang opisyal
33:34na may papel
33:35saan niya
33:36ay iligal
33:37na pag-aresto
33:38kay Duterte.
33:39Tulad,
33:39Pina Justice Secretary
33:40Jesus Crispin Remulia,
33:42Interior Secretary
33:43John Vic Remulia,
33:44PNT Chief Romel Marbil,
33:46PNT CIDG Chief
33:48Nicolás Tore III
33:49at Special Envoy
33:51on Transnational Crime
33:53Marcos Lakanilau.
33:55Ang magkapatid
33:56na Remulia
33:56handa raw
33:57sakaling
33:58mag-imbestiga
33:58ang ombudsman.
34:00Tumangging magbigay
34:01ng pahayag
34:01si PNT Chief
34:02Romel Marbil.
34:03Sinisika pang makuha
34:05ang pahayag
34:05ni Natore
34:06at Lakanilau.
34:10Nag-ha-in
34:11ng not guilty plea
34:13ang aktor
34:13na si Archie
34:14Alemania
34:15sa kasong
34:15Acts of Lasciviousness
34:17na isinampalaban
34:18sa kanya
34:18ng actress-singer
34:19na si Rita Daniela.
34:21Tinatigan din
34:22ang korte
34:23ang hiling
34:23na gag order
34:24ng kampo
34:25ni Alemania.
34:26Tumangging magbigay
34:27ng pahayag
34:28ang kampo
34:28ng aktor
34:29matapos
34:30ang pagdinig.
34:31Kabilang sa mga
34:31dumalo sa pagdinig
34:32si Daniela
34:33naniniwala
34:34ang actress-singer
34:35na lalabas
34:36ang katotohanan.
34:39Labindalang araw
34:40bago ang eleksyon
34:412025,
34:42mahigit dalawanda
34:43ang polis
34:43ang nagtapos
34:44sa pagsasanay
34:44bilang dagdag
34:45na pwersa
34:46sakaling magka-emergency.
34:48Iba't-ibang
34:48formation ng dispersal
34:49technique
34:50ang ipinakita
34:50ng Crowd Dispersal
34:51Management Unit
34:52ng PNP
34:52sa Camp Crame
34:53Quezon City.
34:54Kasama sila
34:55sa mahigit
34:56dalawanda
34:56ang polis
34:56na bubuo
34:57sa Reactionary Standby Support Force
34:59sa National Headquarters
35:00sa PNP.
35:02Bukod sa kanila,
35:02meron na rin niya
35:03ibang Standby Support Force
35:04sa iba pang kampo
35:05ng PNP
35:06sa buong bansa.
35:07Kapag nagkaroon
35:08ng emergency situation
35:09sa araw ng eleksyon,
35:10sila
35:10ang mga ipapadala
35:11para magkaroon
35:12ng dagdag
35:13pwersa.
35:14Sinaksihan ng seremonya
35:15ni Comelec Chairman
35:16George Irwin Garcia.
35:18Sabi ni Garcia,
35:19maliban sa dalawang lugar
35:19sa Maguindanao
35:20del Sur
35:21at del Norte
35:21na nasa ilalim
35:22ng Comelec Control,
35:23sa ngayon
35:24ay walang nakikitang
35:25ibang lugar
35:25na pwedeng
35:26madagdag.
35:33Ito ang
35:34GMA Regional TV News.
35:37Limang lalaki
35:38ang restado
35:39sa by-boss operation
35:40ng Philippine Drug Enforcement Agency
35:42sa Kabanatuan,
35:43Revai Siha.
35:44Ayon sa PIDEA 3,
35:46nakuha sa mga sospek
35:47ang hininalang siya
35:48muna
35:48mahigit 88,000 pesos
35:50ang halaga,
35:51pati na iba't ibang drug
35:52para fernalia
35:53at by-boss money.
35:54Sinampan ng PIDEA
35:55ang mga sospek
35:56ng reklamong paglabag
35:57sa Comprehensive
35:58Dangerous Drugs Act.
36:00Wala silang pahayag.
36:05Magsasagawa po
36:05ng pilot testing
36:06ang Department of Transportation
36:08sa susunod na linggo
36:09para sa pag-aalis
36:10ng mga barrier
36:11at x-ray machine
36:12sa pasukan ng MRT-3.
36:14Sabi ni Transportation
36:15Secretary Vince Dizon,
36:16layon itong mabawasan
36:17ng hakabanang pila.
36:19Para mas mapalakas
36:20ang pagbabantay
36:21sa seguridad,
36:22magdadagdag sila
36:23ng K9 units,
36:24tauhan,
36:25pati CCTV cameras.
36:27Nagpapatuloy daw ito
36:28sakaling maging matagumpay
36:30ang pilot testing
36:30sa ilan pang stations.
36:32Nais din ni Dizon
36:33na madagdaga
36:34ng mga tren
36:34sa LRT2
36:35dahil matagal daw
36:37ang pagitan
36:37ng pagdating
36:38ng mga tren.
36:39Kasama si Dizon
36:40sa mga nag-inspeksyon
36:41sa mga tren
36:41ngayong araw
36:42na nagpapatupad din
36:44ng libreng sakay
36:45hanggang May 3.
36:49Kinumpirma ni Vice President
36:51Sara Duterte
36:51na nakatanggap siya
36:52ng summons
36:53mula sa Office of the Prosecutor
36:54ng DOJ.
36:56Kaugnay yan
36:56sa inihahing kaso sa kanya
36:57ng National Bureau of Investigation
36:59itong Pebrero.
37:00Sinabi yan
37:00ng Vice President
37:01sa ambush interview sa kanya
37:02sa So Good Southern Leyte.
37:04Pebrero
37:05nang sampahan siya
37:06ng NBI
37:06ng mga kasong
37:07inciting to sedition
37:08at grave threats
37:08kaugnay
37:09sa mga naging pahayag noon
37:10laban kay Pangulong Marcos
37:12First Lady Liza Marcos
37:13at House Speaker
37:14Martin Romualdez
37:15kung saan binanggit niya
37:16na may kinausap na siyang
37:17papatay sa Presidente
37:19kung ipapapatay siya.
37:21Wala pang pahayag
37:22ang NBI
37:22at DOJ Office
37:23of the Prosecutor
37:24kaugnay nito.
37:31Bip! Bip! Bip! Bip!
37:33Basta sa mga jeep
37:34imposibleng
37:35di mo mapapansin
37:36ang mga
37:37iconic na signage
37:39o yung mga karatola.
37:40Diba?
37:40Diba?
37:41Mga kapuso
37:42natanong nyo na ba
37:43minsan
37:44kung paano nga ba
37:45ginagawa yung mga karatola
37:46ng jeep na yan?
37:47Diba?
37:47Pukulay
37:48ang gaganda.
37:49At yan ang tampok
37:50sa viral video
37:50ng isang netizen.
37:53Si Rafi Halawag
37:55na isang
37:56UV Express driver
37:57na papreno rao
37:59nang makita
38:00ang isang lalaking
38:00signage maker
38:01sa Pasay.
38:02Humanga rao si
38:03sa husay
38:04ng pagpipinta ni Kuya
38:05sa loob ng tatlo
38:06hanggang limang minuto
38:07abay nakagawa na siya
38:08ng karatola.
38:09Kaya naman
38:10ang video na yan
38:11umarangkada
38:12ng views
38:12sa TikTok
38:13na may
38:132.4 million views
38:16na
38:16aba
38:17certified
38:18trawang
38:19na wow.
38:21Pwedeng trending din.
38:23At ito po
38:24ang balitang hali
38:25bahagi kami
38:26ng mas malaking mission.
38:27Ako po si Connie Sison.
38:28Rafi Timo po.
38:29Saman nyo rin po ako
38:30Aubrey Caramper
38:31para sa mas malawak
38:32na paglilingkod
38:32sa bayan.
38:33Mula sa GMA Integrated News
38:34sa News Authority
38:35ng Filipino.
38:36Mula sa GMA

Recommended