Narito ang mga nangungunang balita ngayong April 30, 2025
- PHIVOLCS: Bulkang Bulusan, nagkaroon ng phreatic eruption kagabi
- LRT-1, LRT-2, AT MRT-3, apat na araw may libreng sakay bilang bahagi ng Labor Day celebration
- Airport security personnel sa NAIA, hindi na puwedeng hawakan ang pasaporte ng mga biyahero sa terminal entry
- Sen. Imee Marcos, iginiit na politika ang motibo sa pag-aresto kay FPRRD | Sen. Marcos, inirekomenda sa Ombudsman na imbestigahan ang ilang opisyal ng gobyerno kaugnay ng pag-aresto kay FPRRD | Sen. Marcos: "Oplan Horus" Ng Lakas-CMD, pagtutulungan ng iba't ibang ahensiya para sirain ang Pamilya Duterte | Sen. Marcos: Hindi kami nag-away ni PBBM | PBBM sa political motives umano sa pag-aresto kay FPRRD: "Everyone's entitled to their own opinion. I disagree" | Ilang opisyal ng gobyerno, handa raw sakaling imbestigahan ng Ombudsman kaugnay sa pag-aresto kay FPRRD
- Ilang senatorial candidate, tuloy-tuloy sa paglalatag ng kanilang mga adbokasiya
- Kyline Alcantara, finlex ang 4.9M followers sa IG; moving on at pinili ang peace and respect, ayon sa Sparkle
- Archie Alemania, naghain ng not guilty plea sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- PHIVOLCS: Bulkang Bulusan, nagkaroon ng phreatic eruption kagabi
- LRT-1, LRT-2, AT MRT-3, apat na araw may libreng sakay bilang bahagi ng Labor Day celebration
- Airport security personnel sa NAIA, hindi na puwedeng hawakan ang pasaporte ng mga biyahero sa terminal entry
- Sen. Imee Marcos, iginiit na politika ang motibo sa pag-aresto kay FPRRD | Sen. Marcos, inirekomenda sa Ombudsman na imbestigahan ang ilang opisyal ng gobyerno kaugnay ng pag-aresto kay FPRRD | Sen. Marcos: "Oplan Horus" Ng Lakas-CMD, pagtutulungan ng iba't ibang ahensiya para sirain ang Pamilya Duterte | Sen. Marcos: Hindi kami nag-away ni PBBM | PBBM sa political motives umano sa pag-aresto kay FPRRD: "Everyone's entitled to their own opinion. I disagree" | Ilang opisyal ng gobyerno, handa raw sakaling imbestigahan ng Ombudsman kaugnay sa pag-aresto kay FPRRD
- Ilang senatorial candidate, tuloy-tuloy sa paglalatag ng kanilang mga adbokasiya
- Kyline Alcantara, finlex ang 4.9M followers sa IG; moving on at pinili ang peace and respect, ayon sa Sparkle
- Archie Alemania, naghain ng not guilty plea sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Carlisle
00:04alayna
00:06kong банans
00:06walang balita
00:09muling pumoto kagabi ang vulkan bulusan sa Sorsogon
00:17ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology of Evox
00:21isa itong phreatic eruption
00:22ibig sabihin nagkaroon ng contact ang tubig sa mga mainit na volcanic materials
00:27nakataas pa rin sa alert level 1 ang vulkan
00:29Inipinapayagan ang pagpasok sa 4 km permanent danger zone sa paligid nito.
00:35Nagsimula nang mamigay ng food packs sa Department of Social Welfare and Development sa mga apektadong residente.
00:41Tumutulong na rin sa probinsya ang Office of Civil Defense.
00:45Good news sa mga commuter.
00:47Nagsimula na ang Libring Sakay sa MRT3, LRT1 at LRT2 bilang bahagi ng Labor Day Celebration bukas.
00:55Apat na araw po ang Libring Sakay.
00:57Live mula sa Carlton City, may unang balita si James Agustin.
01:01James!
01:05Gang, good morning. Kinatuwa ng mga suking pasahero ng LRT2 yung apat na araw na Libring Sakay na ipinagutos ni Pangulong Bongbong Marcos.
01:14Hindi lamang po yan dito sa LRT2, maging sa LRT1 at MRT3.
01:21Araw-araw sumasakay sa LRT2, Cubao Station Sedan, papasok sa kanyang trabaho sa San Juan.
01:26Malaking bagay raw ang Libring Sakay, lalo pa at minimum wage earner siya.
01:31Masaya po, kasi libre ang Sakay.
01:35Malaking tipit po ba?
01:36Opo, malaking tipit po.
01:37Suki rin ang trend si Louie na isang empleyado ng gobyerno.
01:41Mula sa Quezon City, LRT2 ang sinasakyan niya patuong Maynila.
01:44Lito, nakatulong kahit pa paano, apat na araw.
01:50Makakatipid kami ng apat na araw.
01:52Yan din ang ruta ni Virgie na nagkatrabaho sa isang kantin sa Maynila.
01:56Okay lang po, para nakatipid naman konti.
02:00Sa utos ni Pangulong Bombong Marcos bilang bahagi ng Labor Day Celebration,
02:05libre ang Sakay sa LRT2, LRT1 at MRT3 para sa lahat ng mga pasahero simula ngayong araw hanggang sa May 3.
02:13Bilang pagkilala ito sa mga sakripisyo at kontribusyon ng mga manggagawa.
02:17Malaki ang basalamat ng mga commuters sa libre ng Sakay.
02:20Gayunman, mayroon din silang ibang hiling para sa Labor Day.
02:23Sana ibaba yung presyo ng bilhin sir para makatipid kami.
02:27Sana itaas rin yung sahod.
02:29Itaas yung sweldo.
02:31Saka sa gobyerno, yung mabababa ang sweldo dapat iyangat nila.
02:37Napag-iwanan ng mga opisyal.
02:39Laki ng diferentsya.
02:42Kung ano po sila na magbigay ng dagdag sahod,
02:46okay lang naman po sa amin kasi kailangan din na malamit.
02:53Sa matalaigan, ito po yung sitwasyon ngayon dito sa LRT Cubao Station.
02:58Tuloy-tuloy lamang yung dating ng mga pasahero.
03:01At hindi pa naman ganung siksikat, hindi ganung karami yung mga pasahero.
03:04Ang schedule po ay alas 5 ng umaga kanina yung unang biyahe ng tren.
03:07At yung huling schedule naman ng tren na aalis doon sa area ng Atipolo
03:11ay mamayang alas 9 ng gabi habang 9.30pm naman yung manggagaling sa area ng Rekto.
03:17Yan ang unang balita.
03:18Mula rito sa Cubao sa Quezon City, ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
03:24Kasunod ng issue ng punit na passport, nagpatupad ng bagong pulisiya sa NIA.
03:29Bawal na hawakan ng mga airport security personnel ang pasaporte ng pasahero sa terminal entry at security verification.
03:36Live mula sa NIA, may unang balita si EJ Gomez.
03:40EJ?
03:40Maris, noon nga kapag papasok dito sa NIA terminal, kailangang ipakita ang passport at travel documents
03:53gaya na lang ng flight bookings o details lalo na kapag international flight.
03:58Ngayon may bagong pulisiya ang paliparan na naglalayong maprotektahan ang pasaporte ng mga biyahero.
04:05Alas 5 ng madaling araw, naghihintayan ang kasama sa grupo ni Nahaydel na babiyahe patungong Iloilo para magbakasyon.
04:17Hindi naman kailangan ng passport sa kanilang local biyahe.
04:20Pero bit-bit niya ang kanyang passport para raw ipacheck sa airport personnel matapos aksidente ang mabasa ang bahagi nito.
04:27Kaya nga may plastic cover na ang kanyang passport para iwas basa at aberya sa susunod niyang international flight.
04:34For extra protection na lang din.
04:36Siyempre, hindi natin alam, pwede siyang mabasa, pwede siyang ma-scratch.
04:40So para hindi na hassle na kung ano man ang mangyari sa passport, once na ang travel mo is malapit na.
04:48Bilang dagdag proteksyon sa passport ng mga biyahero,
04:51inanunsyo ng naiyan na hindi pwedeng hawakan ng mga airport security personnel ang mga pasaporte ng mga biyaherong papasok sa paliparan.
04:59Sa halip, kailangan lang ipakita ito, iba pang travel document at ID,
05:03habang hawak mismo ng pasahero para ma-verify ng airport security personnel.
05:08Ipinatupad ang bagong polosiya,
05:10kasunod ng insidente yung hindi nakasakay ng aeroplano ang isang senior citizen matapos harangin sa airport dahil sa maliit na punit sa passport.
05:18Pabor ang ilang nakausap natin ukol sa bagong polisiya ng naiyan.
05:23For me, it's much better na hindi na nga nila hawakan yun kasi other than magiging liable sila if ever may damage.
05:32So if ever na, ayun nga, si passport holder na lang yung may hawak,
05:37at at this point, if ever na may damage or any case, sa kanila yung accountability.
05:44I strongly agree with that kasi since ito is personal use mo naman talaga,
05:50naiiwasan natin yung kung sino-sino yung pwedeng humawak.
05:54Ayon sa ilang airlines, kung makitaan ng anumang minor tier o unauthorized markings,
05:59ay maaari ng ituring ng foreign immigration authorities na damaged ang passport.
06:03Paalala ng otoridad sa publiko kung may sira ang passport agad na magpapalit sa DFA bago mag-schedule ng biyahe.
06:14Marius, kapansin-pansin nga dito sa entrance nitong Terminal 3
06:20na talagang hindi na hinahawakan ng mga airport security personnel yung passport na mga pumapasok.
06:26Talagang owner yung may hawak ng passport at itataas lang nila yan para ipakita doon sa security guard.
06:32At kung domestic flight naman, talagang ang hinahanap lang o ang kailangan lang ipakita ay valid ID
06:38at travel documents nga katulad na lang ng flight bookings at flight details.
06:42At yan, ang unang balita mula rito sa Pasay City.
06:46EJ Gomez, para sa GMA, Integrated News.
06:51Pinagtutulungan daw ng iba-ibang ahensya ng gobyerno na sirain ang Pamilya Duterte
06:55ayon kay Presidential Sister at Senator Aimee Marcos.
06:59Hindi sa nga ayon si Pangulong Bongbong Marcos sa mga pahayag ng kanyang kapatid
07:03dahil ang unang balita ni Tina Pangaliban Perez at Mav Gonzalez.
07:10Ang pahayag ni Senadora Aimee Marcos laban mismo sa administrasyon ng kanyang kapatid.
07:16Ang pag-aresto at pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC
07:21ay klarong may motibong politikal.
07:25Maliwanag ang pag-aresto kay dating Pangulo ay bahagi ng malawakang pagsisikap
07:31ng gobyerno na pabagsakin ang mga Duterte bago mag-2028 election pa.
07:38Sabi ng Senadora, yan ang lumabas sa investigasyon ng kanyang Senate Committee on Foreign Relations
07:43tukol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
07:47Ayon pa kay Marcos, bahagi rin ng plano ang naonang pagsulong sa People's Initiative
07:51para baguhin ang konstitusyon,
07:53ang investigasyon ng Quadcom ng Kamara sa Duterte Drug War,
07:57ang investigasyon sa Confidential Funds ni Vice President Sara Duterte,
08:00at ang pagpapapasok sa mga kinatawa ng International Criminal Court.
08:04Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source,
08:08naglunsad na ngayon ang administrasyon ng isang communication plan
08:13upang ilihis ang atensyon ng publiko
08:16patungo sa mga issue ng West Philippine Sea
08:19at di umanong disinformation ng mga tinatawag na China trolls
08:25ng kanilang embassy.
08:27Rekomendasyon ng Senadora,
08:29investigahan ng Ombudsman ang mga sangkot sa tinawag ng Senadora
08:32na invalid administrative arrest sa dating Pangulo.
08:36Kabilang si na Justice Secretary Boying Remulia,
08:39ang kapatid nitong si Interior Secretary John Vic Remulia,
08:42PNP Chief Romel Marbil,
08:44at PNP CIDG Chief Major General Nicolás Torre III.
08:48False testimony at perjury naman ang gustong isampa
08:51laban kay Ambassador Marcos Lacanilau.
08:53Ayon kay Senadora Marcos,
08:55sa umanay Oplan Horus ng partidong lakas
08:57si MD nakaalyado ng administrasyon,
09:00pagtutulungan aniya ng iba't ibang ahensya
09:02ang pagsira sa pamilya Duterte.
09:04Nakuha ang kinakailangan boto para sa impeachment ni VP
09:08sa pamamagitan ng paggamit ng tinatawag na soft projects
09:13katulad ng AX, ACAP at TUPAD.
09:16Tinukoy na kailangan pabilisin ang impeachment ni VP Sara
09:21at makakuha ang boto sa Senado sa pamamagitan na naman
09:25ng pamimigay ng proyektong for later release
09:29or yung mahiwagang FLR bilang gantimpala sa tamang bumotong mga Senador.
09:36Kinukuha ng panami ng tugon ang lakas si MD.
09:39Nang tanungin naman kung nagkausap na sila
09:41ng kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos,
09:43Masamang-masama ang loob ko, ngunit ang akin lamang,
09:48kailanman hindi kami nag-away ng aking kapatid,
09:51yung mga amuyong sa palasyo, yung mga larian, yung mga lulong,
09:57ayun, sila po ang ating kaaway.
10:01Sa graduation ceremony ng PNP Academy sa Cavite,
10:05nakausap ng media si Pangulong Bongbong Marcos.
10:08Katatapos lang noon ang mga pahayag ng kanyang kapatid
10:11na si Sen. Aimee Marcos,
10:14na politika ang motibo sa pag-aresto
10:16kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
10:18basa sa pag-iimbestigaan niya ng kanyang komite sa Senado.
10:23Ang maikling sagot ng Pangulo,
10:25may kanya-kanyang opinion
10:26at hindi siya sangayon sa opinion ng kapatid.
10:30Everyone's entitled to their opinion.
10:32I disagree.
10:34Nasa PNPA graduation din
10:36si Interior and Local Government Secretary John Vic Remulia
10:40na kabilang sa inire-rekomenda ni Sen. Marcos
10:43na imbestigahan ang ombudsman.
10:46We will have our chance to prove ourselves,
10:48pero important is that Sen. Aimee believes in due process
10:51unlike the people that she follows.
10:54And you're ready to pay, sir?
10:55Of course, anytime. I have nothing to hide.
10:58Si PNP Chief Romel Marbil
11:00na kabilang din sa nais pa-imbestigahan,
11:04tumangging magkomento.
11:05I'm sorry, I have nothing to hide.
11:07Bukas naman si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia
11:11sa rekomendasyong imbestigahan sila ng ombudsman
11:14kognay ng pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.
11:18Sabi ng kalihim,
11:19hindi siya natatakot sa rekomendasyon ng komite
11:22ni Sen. Aimee Marcos.
11:24So welcome development.
11:26Hindi naman tayo natatakot dyan.
11:27Ginawa namin yung dapat gawin
11:28at ito is for the best,
11:30ito our best judgment.
11:34What's good for the country is what we did.
11:36Sinisika pa namin kunan ng pahayag
11:38si Ambassador Marcos Lacanilao.
11:40Ito ang unang balita.
11:42Tina Panganiban Perez,
11:43Mav Gonzalez,
11:44para sa GMA Integrated News.
11:57Halaga ng pananampalataya sa pamumuno
11:59ang idiniin ni Manny Pacquiao sa Davao.
12:03Pagpapalakas sa sektor ng agrikultura
12:04ang itinulak ni Kiko Pangilinan.
12:08Pagbibigay ng oportunidad at trabaho
12:10ang inahayag ni Ariel Quirubin.
12:11Si Danilo Ramos,
12:14isinusulong ang pagpapalakas
12:16ng lokal na produksyon ng pagkain.
12:18Si Jerome Adonis,
12:20karapatan ng mga manggagawa
12:21ang advokasya.
12:24Si Aril Andamo,
12:25o mento sa sahod ng health workers
12:27ang itinutulak.
12:29Si Ronel Arambolo,
12:31binigyang diin ang karapatan sa edukasyon.
12:34Karapatan ng mga kababaihan
12:36ang isinulong ni Congressman Arden Brosas.
12:38Pagtutol sa political dynasty
12:42ang inihayag ni Teddy Casino.
12:46Maayos na alokasyon sa pondo
12:47ang nais ni Congresuman Franz Castro.
12:51Tutol sa korupsyon si Mimindo Ringo.
12:53Ayon ni Mody Floranda
12:58sa jeepney face-out.
13:01Karapatan ng mga moro at katutubo
13:03ang inilalaban ni Amir Ali Dasan.
13:07Si Liza Masa,
13:08binigyang diin ang halaga ng aktibismo.
13:12Nagikot sa Valenzuela si Willer Rebillame.
13:14Kasama niya si Nabato de la Rosa
13:15at Senador Bongo.
13:17Sa Bataan,
13:19kasama niya roon si na-attorney J.D. Hinlo.
13:21Attene ni Raul Lambino.
13:27Dr. Marites Mata.
13:31At Philip Salvador.
13:33Tamang pasahod sa delivery riders
13:35ang nais ni Sen. Francis Tolentino.
13:39Suporta sa turismo sa buhol
13:40ang pangako ni Congresuman Camille Villar.
13:43Pondo sa mga programang suportado
13:45ang mga magsasaka
13:46ang pangako ni Bam Aquino.
13:48Suporta sa mga katutubo sa Palawan
13:50ang inihayag ni Roberto Balion
13:52sa pulong sa Quezon City.
13:54Pagalis ng taxa overtime at bonus
13:56ang nais ni Mayor Abby Binay.
13:59Proteksyon sa karapatan ng indigenous people
14:01ang pangako ni Congresman Bonifacio Busita.
14:05Importansya ng inklusibong pamahalaan
14:07ang idiniin ni Sen. Pia Cayetano.
14:09Pagpaparami ng Korte
14:11ang nais ni Attene Angelo D'Alban
14:12para mapabilis ang mga kaso.
14:16Ayaw ni Lodi D. Guzman
14:17ng anyay Politics of the Elite.
14:20Pagpapalago ng turismo sa buhol
14:22ang isa sa mga tututukan
14:23ni Ping Lakson.
14:25Suporta sa mga magsasaka
14:26ang itinulak ni Congresman Rodante Marcoleta
14:28sa Nueva Ecija.
14:30Patuloy naming sinusunda
14:31ng kampanya ng mga tumatakbong senador
14:33sa eleksyon 2025.
14:35Rafi Tima nagbabalita
14:36para sa GMA Integrated News.
14:45Unbothered Queen.
14:47Yan ang comment ng netizens
14:48kay Kylene Alcantara
14:49matapos sa kanyang latest na IG post.
14:52Sa kanyang IG video,
14:53Sefer Latina,
14:54si Kylene flexing her long hair
14:56na sinamahan ng kanyang pag-aura
14:58at pag-raba.
14:59May caption niya ng pagbati ni Kylene
15:01na happy 4.9 million followers.
15:03Pinusuan niyan online.
15:05Sa gitna yan ang kontrobersya
15:05ng breakup nila ni Kobe Paras.
15:08At sa mga pahay ni Jackie Forster
15:10na nanay ni Kobe.
15:12Wala pang direktang pahayag
15:13si Kylene sa issue.
15:15Ayon naman sa
15:16Sparkle JMA Artist Center,
15:17moving on na si Kylene
15:19at pinili ang peace and respect
15:21para sa mga taong
15:22naging bahagi ng kanyang buhay.
15:24At tumaasa raw si Kylene
15:25na makamove on na ang lahat
15:27at matigil na ang issue.
15:28Samantala,
15:32mga kapuso,
15:33naghahain ng not guilty plea
15:35ang aktor na si Archie Alimania
15:36kaugnay sa kasong Acts of the Sinusiness
15:39na sinampalaban sa kanya na actress singer
15:41na si Rita Daniela.
15:43Kinatigan din ang korte
15:44ang hiling na gag order
15:46ng kampo ni Alimania
15:47para huwag pag-usapan
15:49ang merito ng kaso.
15:50Tumangging magbigay ng pahayag
15:52ang kampo ni Alimania
15:53matapos ang pagdinig.
15:55Naroon din sa pagdinig si Daniela
15:58na nakaharap si Alimania.
16:00Naliniwala si Daniela
16:01na lalabas ang katotohanan.
16:09Kapuso, mauna ka sa mga balita.
16:11Panoorin ang unang balita
16:12sa unang hirit
16:12at iba pang award-winning newscast
16:14sa youtube.com slash gmanews.
16:17I-click lang ang subscribe button.
16:19Sa mga kapuso abroad,
16:21maaaring kaming masumaybayan
16:21sa GMA Pinoy TV
16:23at www.gmanews.tv
16:25A-si-nt-te
16:27B-pico notu
16:28maaaring K-a-si-nt-t
16:28maaaring kirk
16:29Transcription by CastingWords