Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Para mapabilis ang pila ng mga pasahero, papalitan ng Department of Transportation
00:04ang mga X-ray machines sa mga istasyon ng tren sa Maynila.
00:08Live mula sa Cason City, may unang balita si EJ Gomez.
00:12EJ?
00:17Igan, may plano nga ang gobyerno na mag-deploy ng karagdagang K9 units
00:22para palitan ang mga X-ray machines sa MRT at LRT stations.
00:27Inalam natin kung ano ang masasabi ng mga kapuso nating commuter ukol sa panukalang yan.
00:37Pinagahandaan ngayon ng Department of Transportation o DOTR
00:41ang pagde-deploy ng dagdag K9 units sa mga istasyon ng MRT at LRT sa Maynila.
00:47Papalitan daw ng mga K9 units ang mga X-ray machines sa mga istasyon.
00:51Sa ganitong paraan, maiibsan daw ang mahabang mga pila na nararanasan ng mga commuter.
00:56Pabor dyan ang ilang mga kapusong nakausap natin.
00:59Okay naman po yun ma'am kung, kasi kung marami naman pong pila, pwede na ipamoy ng aso pa.
01:05Kasi pwede naman po pailahin na lang yung mga bagaheng malalaki na hindi na kailangan pang buksan at ipapamoy na lang sa handless.
01:13Malaking bagay rin daw sa grupo nila Samantha ang hindi na pumila ng matagal bago makasakay ng tren
01:18para hindi sila nalilate sa eskwela. Pero may bahag-yaro silang alinlangan.
01:23When it comes po nga sa safety ng mga pasahe ko, medyo ano po siya, like alangan.
01:30And since di ba po X-ray is all about imaging ganyan.
01:33So I think di po nga natin, di po kayang, I think yung capability po nung ano nung sa mga weapons nga po is not totally 100%.
01:42Compared po kasi sa canine is kasi hindi naman po niya ma-detect kung ano po talaga yung nasa loob, gano'n.
01:48Depende po kung paano nilang patatakbo yun yung proseso dyan.
01:51Eh okay naman po yung sa machine eh.
01:55Mas mabilis pa nga po yun. Eh ewan ko lang po sa aso.
01:57Igan, ayon sa Transportation Department, kasama rin sa plano ang pagkakaroon ng Artificial Intelligence o AI-enabled CCTV camera
02:12para maibsan ng mga pila ng hindi nakokompromiso ang siguridad ng publiko.
02:18At yan, ang unang balita mula rito sa Cubao sa Quezon City.
02:22E.J. Gomez, para sa GMA, Integrated News.
02:27Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA, Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.

Recommended